You are on page 1of 5

Ang Ilog Pasig

Noon at Ngayon
Ang Ilog Pasig Noon
Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas
na dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa
pamamagitan ng Kanal ng Napindan)
patungong Look ng Maynila. May haba na 25
kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa
dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang
pangunahing mga sanga nito. Ang Ilog Pasig
noon ay malinis, maayos at maganda.
Katunayan ito ay isang mahalagang ruta pang-
transportasyon ng mga Kastila noon sa
kanilang pangangalakal or pagpapalitan ng
mga produkto sa ibang bansa. May mga bahay
man na nakatayo malapit dito, pero
napapanatili nilang malinis at maayos ang Ilog
Pasig. Ang Ilog Pasig noon ay isa sa mga ilog
na lubos na hinahangaan ni Dr. Jose Rizal.
Ang Ilog Pasig Ngayon
Tignan natin ang Ilog Pasig ngayon.
Kitang kita ang malaking kaibahan nito
saIlog Pasig noon. Ang dating malinis at
magandang Ilog Pasig ay naging madumi at
pangit. Marami nang nakatayong mga bahay
sa tabi ng Ilog Pasig. Mga bahay na walasa
ayos kung ating titignan. Naging tapunan at
tambakan na ng mga basura ang IlogPasig
ngayon. Mabaho ang amoy at kulay itim na
ang kulay ng ilog. Ibang iba na talaga.

You might also like