You are on page 1of 5

Ang Ilog Pasig

Noon at Ngayon
Ang Ilog Pasig Noon
Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na
dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa pamamagitan
ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila.
May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang
Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan
ang pangunahing mga sanga nito. Ang Ilog Pasig
noon ay malinis, maayos at maganda. Katunayan ito
ay isang mahalagang ruta pang-transportasyon ng
mga Kastila noon sa kanilang pangangalakal or
pagpapalitan ng mga produkto sa ibang bansa. May
mga bahay man na nakatayo malapit dito, pero
napapanatili nilang malinis at maayos ang Ilog Pasig.
Ang Ilog Pasig noon ay isa sa mga ilog na lubos na
hinahangaan ni Dr. Jose Rizal.
Ang Ilog Pasig Ngayon
Tignan natin ang Ilog Pasig ngayon.
Kitang kita ang malaking kaibahan nito
saIlog Pasig noon. Ang dating malinis at
magandang Ilog Pasig ay naging madumi at
pangit. Marami nang nakatayong mga
bahay sa tabi ng Ilog Pasig. Mga bahay na
walasa ayos kung ating titignan. Naging
tapunan at tambakan na ng mga basura ang
IlogPasig ngayon. Mabaho ang amoy at
kulay itim na ang kulay ng ilog. Ibang iba na
talaga.

You might also like