You are on page 1of 1

Si Dagang Bayan at Dagang Bukid

salin ni Gevy Camacho

Isang dagang galing bayan ang pumunta sa baryo upang bisitahin ang kaibigan nito.
Naghanda ng tanghalian ang dagang taga-baryo para sa dumating na kaibigan. Tangkay
ng trigo, mga ugat, ensina at malamig na tubig ang nasa hapag. Matipid kung kumain ang
dagang galing bayan na tila napilitan lamang ito para sa kaibigan.

Pagkatapos kumain ay nagpasya ang dalawa na maglakad-lakad habang kinikwento ng


isang daga sa kaibigan ang kanyang naging buhay sa syudad. Pagkatapos ng kwentuhan
ay nagpasya silang matulog sa isang pugad sa bakuran. Sa himbing ng tulog ay
napanaginipan ng dagang baryo na namuhay rin siya sa syudad na maginhawa at
matiwasay na katulad ng ikinuwento sa kanya. Kinabukasan ay niyaya ng dagang bayan
ang kaibigan na sumama ito sa bayan at malamang ay hindi ito makatanggi.

Nakarating sila sa mansion kung saan nakatira ang dagang bayan. Sa isang piging ay
makikita ang nagsasarapang mga pagkain mula sa keso at iba pa. Takam na takam ang
dagang galing sa bukid sa mga nakita. Ngunit nang sinubukan nitong tumikim ay may
biglang kumalmot sa pintuan at narinig nila ang tila galit na pusa. Sa takot ay dali-dali
silang nagtago at pigil ang hininga habang naghihintay ng pagkakataong makatikim man
lang. Nang lumuwag ay sinubukan nilang bumalik ngunit pumasok ang mga taga-ligpit na
may kasama pang mga bantay na aso.

Sinubukang nagpumilit ang dagang bayan ngunit pinigilan siya nito ng dagang bukid at
dali-daling kinuha ang mga gamit nito at nagpasyang umuwi nalang.

“Marami ngang nakahanda sa hapag mo kumpara sa akin, ngunit mas masaya parin
kumain ng simple basta tahimik at maayos”. bilin ng dagang bukid sa kaibigan habang
pabalik ito sa kanyang tinitirhan.

You might also like