You are on page 1of 3

Ifugao

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ngmgaIfugao. Galing sa salitang ipugo
na ang ibig sabihin ay "mula samgaburol" ang salitang Ifugao.
Tulad ng ibanglipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mgamayaman
at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Sila ang gumawa ng Rice
Terraces na walang gamit na makina,ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Sila ay
kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mahalaga sa
kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang
Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.

Pamumuhay:

1.Pagsasaka- Masisipag na katutubo ang mga Ifugao saMountain Province.Ginawa nila


ang Hagdanghagdang Palayan o Rice Terraces nakilala sa buong daigdig. Pagsasaka ang
pangunahin nilang trabaho. Palay at kamote ang kanilang itinatanim sa mga hagdan-hagdang
palayan.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay nasa 2000-taong gulang .Ang mga
hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninunong
katutubong mamamayanang Batad. Matatagpuan ang mga hagdanang-taniman sa lalawigan ng
Ifugao at ang naging tagapag-alaga nito ay mga taong Ifugao. Umiikot ang kultura ng Ifugao sa
palay, at nagbubunga ang kultura ng mga kakaibang pagdiriwang na konektado sa ritong pansaka
mula sa paglalagay ng binhi ng palay hanggang sa pagaaani ng palay . Karaniwang kailangan ng
kapistahan ng pasasalamat sa panahon ng ani, habang pinagbabawalan ang trabahong agrikultural
ng ritong pangwakas ng pag-aani na tinatawag na tango o tangul (isang araw ng paghinga).
Binubuo ito ng pagbabahagi ng bayah (alak-kanin), kakanin, at mani ng areka na hindi maiaalis
na kaugalian sa mga pagdiriwang.
2.Paghahabi- Naghahabi rin sila ngmga damit nanababagay sa malamig na klima ngbundok. 4
May malalim at napakagandang kulturang Pilipino ang nananahan sa mga kabundukan ng
Cordillera sa hilaga kung saan ang mga komunidad ay tila namumuhay pa rin ayon sa kanilang
mga kaugalian at tradisyon. Ngunit isa sa mga natatanging sining ng mga pangkat-etnikong
Ifugao ang unti-unting naglalaho—ang paghahabi. Ang mabuhay muli ang sining ng paghahabi
at pagtulong sa mga kababaihang Ifugao ang naging inspirasyon ng Kandama isang couture
fashion brand na tinatampok ang mga unique na disenyo ng mga Ifugao.
Halos wala na ang paghahabi sa Ifugao bunga na rin ng pag-unlad sa lugar. Modernong
kasuotan na rin ang suot ng mga residente at hindi na ang mga tradisyonal na kasuotan.
Ginagamit na lamang ang tradisyonal na saya at bahag tuwing espesyal na okasyon. Dahil dito,
itinago na ang mga panghabi at hindi na naipasa ng mga nakakatatanda ang sining.
https://pinasglobal.com/2018/01/kandama-muling-binuhay-ang-paghahabi-sa-ifugao/

3. Paguukit ng larawan o mga bagay bagay sa mga torso o kahoy


Isang natatanging sining ng mga  Ifugao ay ang paglikha ng iskultura. Pinakapopular rito
ang “Bulul” bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang
makikita. Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang
anito o dios – diosan.  Ayon sa mga Ifugao, ang bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang
kamalig, bigasan, taniman at ari-arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan. Ito rin ay
nagbibigay ng masaganang ani at kanilang proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman.
Bulul – Pigurang anito ng mga Ifugao
Ang mga sumusunod ay katangian ng Bulul:

 Yari sa kahoy na Narra na siyang sumasagisag sa kayamanan, kaligayahan at


sangkatauhan
 Simpleng paglalarawan ng tao na nakaposisyon ng nakatayo o nakaupo. Ito ay may taas
mula 30 hanggang 60 sentimetro.
 Nililikha ang Bulul na kadalasan ay pares o magkasamang lalaki at babae.
https://minoksite.wordpress.com/2016/10/25/paksa-1-anito-ng-ifugao/

4. Tourist Attraction

Ang hagdan-hagdang palayan o rice terraces sa Banaue, Ifugao Province ay isa sa


pangunahing tourist attraction sa Pilipinas dahil sa kahanga-hangang man-made structure, The
World Oldest Rice Terraces.

You might also like