You are on page 1of 6

PANGKAT ETIKO NG MARANAO

Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango
ang kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng
Maranao. Buo pa rin at hindi nai-impluwensiyahan ang kanilang kultura katulad ng disenyo ng
damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.

Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng ibat-ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang
pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao. Ang mga Maranao ay
ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang
pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito’y
“Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay tinatawag na
“Maranao” (naninirahan sa may lawa), at galing ito sa wikang Austronesian. Tinatayang aabot
sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang ibang natira ay matatagpuan
sa Lanao del sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon. Ang sentro ng
pangangalakal, pangkultura, at pang-edukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o dating
tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao del Sur.

Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay
kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga malalalaking pangkat ng mga
Muslim sa Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga
Muslim kung may aktibidad laban sa mga Espanyol, Amerikano , at hapon, at kahit na ang
Republika ng Pilipinas sa panahon ng batas militar.

Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong.
Isang tipikal na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa
magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat
higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang
para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.
Kultura at Tradisyon
SAYAW: SINGKIL

Ang sayaw na Singkil ay kinuha ang pangalan mula sa mga kampanilya na sinusuot sa mga bukong-
bukong ng muslim na prinsisa. Marahil isa sa pinakamatagal sa mga totoong pilipinong sayaw, ang
Singkil ay isinalaysay ang mahabang tulang “Darangan” ng mga taong Maranao ng Mindanao. Ang
mahabang tulang ito ay sinulat noong ika-14 siglo na nagsasabi tugkol sa tadhana ni Prinsesa Gandingan.
Siya ay nawala sa gitna ng kagubatan sa panahon ng isang malakas na lidol na sanhi ng mga diwata ng
gubat. Ang magkasabay na palakpak ng magka-ekis na kawayan ay kumakatawan sa mga punong
bumabagsak, na kanyang matikas na iniiwasan. Sa katapusan, siya ay iniligtas ng isang prinsepe. Ang
mga mananayaw ay nakasuot ng taimtim na mukha at dakilaing paggalaw at sumasayaw ng mabagal sa
simula at dahan-dahang bumibilis na may mga apir na sumisimbolo sa mga hangin na nagpapatunay na
mapalad. Kapag ginaganap na ito ng mga mayayamang prinsesa ng Lanao, sila ay karaniwang
sinasamahan ng isang naghihintay na babae, na siyang may hawak sa magandang pinalamutiang payong
na nakapayong sa ulo ng prinsesa saan man siya magpunta. Ngayon, ang mga prinsesa ng kapuluan ng
Sulu ay kinakailangan upang magturo ng pinakamahirap at marangal na sayaw na ito.

SAYAW: KAPPA MALONG MALONG

Tinatawag din itong sambi sa malong, ang sayaw na ito ng maranao ay nagpapakita ng marami pang
pamamaraan ng pagsusuot ng malong, simpleng tela ngunit maraming pwedeng pag gamitan. Ang
pambabaeng malong naman ay mas maraming mapag pipiliang kulay. Madalas itong ginagamit bilang
balabal na pambaba, ngunit maari ring gamitin sa iba't ibang pamamaraan depende sa kagustuhan ng
magsusuot. Ang iba pang paraan ng paggamit ng malong ng mga babae ay balabal na pang itaas, mantel,
o suotin na pang ulo.
Pangunahing Kultura ng Maranao

Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda. Ang silangang
bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang
nagdadala ng ibat-ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi, at klase-klasing uri ng
tropikal na prutas. Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso,
pilak, at ginto. Kilala din sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa
bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal.
KITCHEN FLOOR SYMBOLS

You might also like