MARANAO Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa o lanaw sa katutubong wika ng mga Maranao. Ang salitang Maranao naman ay galing sa wikang Austronesian na nangangahulugang “tao ng lawa”. Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao,sa Lanao del Sur, ang kanilang bayan, pero matatagpuan din sa Zamboanga at Cotabato ang ilan sa mga Maranao. Ang Mundo ng Maranao MARANAO Ang Marawi (kabisera ng Lanao del Sur) ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Ito rin ang sentro ng pangangalakal, pangkultura, at pang-edukasyon ng mga Maranao na dating tinatawag na Dansalan. Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga malalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Ang Mundo ng Maranao Sayaw: Ang sayaw na Singkil ay kinuha ang pangalan mula sa mga kampanilya na sinusuot sa mga bukong-bukong ng muslim na prinsisa. Ang Singkil ay isinalaysay ang mahabang tulang “Darangan” ng mga taong Maranao ng Mindanao. Ang Mundo ng Maranao Sayaw: Ang mga mananayaw ay nakasuot ng taimtim na mukha at dakilaing paggalaw at sumasayaw ng mabagal sa simula at dahan-dahang bumibilis na may mga apir na sumisimbolo sa mga hangin na nagpapatunay na mapalad. Kapag ginaganap na ito ng mga mayayamang prinsesa ng Lanao, sila ay karaniwang sinasamahan ng isang naghihintay na babae, na siyang may hawak sa magandang pinalamutiang payong na nakapayong sa ulo ng prinsesa saan man siya magpunta. Ang Mundo ng Maranao Sayaw: Kappa Malong Malong Tinatawag din itong sambi sa malong, ang sayaw na ito ng maranao ay nagpapakita ng marami pang pamamaraan ng pagsusuot ng malong, simpleng tela ngunit maraming pwedeng pag gamitan. Ang pambabaeng malong naman ay mas maraming mapag pipiliang kulay. Madalas itong ginagamit bilang balabal na pambaba, ngunit maari ring gamitin sa iba't ibang pamamaraan depende sa kagustuhan ng magsusuot. Ang iba pang paraan ng paggamit ng malong ng mga babae ay balabal na pang itaas, mantel, o suotin na pang ulo. Ang Mundo ng Maranao Tradisyon/Paniniwala: Ang kakaibang pinahahalagahan sa buhay ng Maranao ay salitang "maratabat" na nangangahulugang "face" or "amour propre". Sa madaling salita ay reputasyon o pagpapahalaga sa sarili. Hindi dapat saktan ng iba ang maratabat ng isang tao. Kapag ginawa ito, mahirap para sa isang Maranao na patawarin ang nagkasala. Ang tradisyon o kultura sa mga awit o tula ng Darangan ay maaaring maging ukol din sa buhay pangrelihiyon. Madalas rin sila magdasal lalo na kung kailangan nila ang tulong ng mga tonong o espiritu. Malalim din ang kanilang pananampalataya. Ang Mundo ng Maranao Tradisyon/Paniniwala: Maging sa pagbibigay ng pangalan sa bata ay isinasangay rin sa mga tonong o espiritu (metaphysical). Kahit na sa pag-aalaga ng mga bata, ng maysakit o para sa ikagagaan ng katawan at kaluluwa ng tao, gumagamit din sila ng tubig na galing sa ilog Gambar. Ang paniniwala rin nila sa kalikasan, na makikita sa kanilang paggamit ng nganga, ng "kilala plant", balete (lilim), maging sa "ibong engkanto at buwaya o "enchanted nori bird", ay may koneksyon pa rin sa tonong o espiritu. Sinusunod rin ng mga ninunong Maranao ang pag-ikot ng mundo, ang kabilugan ng buwan, lalo na kung may okasyon gaya ng kasal, piyesta o kung may namamatay. Ang Mundo ng Maranao Tradisyon/Paniniwala: Kinagisnan din nila ang mamigay ng mga damit kung ang isa ay may sakit at mahina na, para maibsan ng sakit ang pasyente. Ito ang uri ng paghahandog o pag-aalay para may ipagbago ang maysakit.
Ito'y isang pangitain o obserbasyon na nangyayari sa isang maysakit. Biglang lumalakas na animo'y magaling na, iyon pala'y papunta na sa kabilang buhay. Ang Mundo ng Maranao Kasuotan: Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim ay ang “Malong”, isang malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa katawan. Karaniwan, sinusuot ito ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas na dulo ay nakatagpi sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman, sinusuot ito na nakapaligid sa baywang tulad ng isang palda. Ang Mundo ng Maranao Kasuotan: Maaari din itong gamitin bilang isang amerikana, kappa, kumot, o payong. Ang mga Maranao at Maguindanao ay sinusuot ito sa loob ng isang blusa na kung tawagin ay “arbita” Ang Mundo ng Maranao Hanapbuhay Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng ibat-ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi, at klase- klasing uri ng tropikal na prutas. Ang Mundo ng Maranao Hanapbuhay Mahuhusay silang artesano or craftsman. Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Okir sa mga kahoy, artifaks at mga brass. Ito rin ay disenyong inilalagay nila sa torogan. Sarimanok, Papanoka "Mra" o "Mara patik" ay isang makasaysayang ibon ng mga Maranao at naging simbolo ng kanilang sining. Ang Mundo ng Maranao Tirahan Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay. Lawig ang karaniwang tirahan ng mga Maranao. Ang Mundo ng Maranao Tirahan Tinatawag naman na Torogan ang tradisyonal na bahay ng mga Maranao. Ang torogan ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Ito ay tahanan ng mga Sultan o Datu sa pamayanang Maranao. Hindi kumpleto ang isang torogan kapag wala ang maalamat na ibong Sarimanok na dapat makikita sa loob ng bahay.