You are on page 1of 3

MANSAKA

Kasaysayan

3 yugto ng pag-unlad ng lahi ng Mansaka

 Mula 3000 hanggang 500 BC


Indonesians + Native Women = Manobo
 Mula 300 hanggang 200 BC
Malays + Manobo = Mandaya-Mansaka
 Ika-13 siglo
Chinese + Mandaya-Mansaka = developed Mandaya-Mansaka

Pinagmulan ng pangalan

 Ang Mansaka ay galing sa salitang “man” na nangangahulugang “una o first” at


“saka” naman ay nangangahulugang “paakyat o to ascend” o ang unang mga tao
na umakyat sa bundok. (ethnicgroups.com)
 Sabin ni Comatin Casagda, noon, hindi Mansaka ang tawag sa kanilang mga tao.
Ang mga tao ay nakikilala lamang ang kanilang sarili sa lugar kung saan sila
nagmula, kagaya ng mga galing sa Agusang River, tinatawag silang Mangusan
habang ang mga nakatira naman sa Karagan ay tinatawag na Mangaragan.
Pagdating ng mga Bisaya sa taong 50s at 60s, nilikha nila ang salitang Mansaka
bilang pinagsamang pangalan ng kanilang mga tao. (Understanding the Lumad)

Pananamit

 Babae
- nilalagyan ng palamuti ang kanilang mga katawan ng sampad, platen, balyog, at mga
pulseras. Nagsusuot ng makukulay na “beads” at “beaded hairpins”. Ang kanilang mga
bangs ay bahagi ng kanilang kultura na gumgamit ng tema na tuwid na linya.
(Maptia.com)
- Ang blusa ng isang anak na babae ng maharlika ay puno ng mga disenyo na tinatawag
na pyanaigon, byatotoan, limbotong, at binawid. Ang kanilang mga damit ay gawa sa
abaca at saragboy, isang malambot na telang mala-koton mula sa isang katutubong
palumpong. (slideshare.net/zoe2696/mansakatribe)
 Lalake
- nagsusuot ng pantalon o syrawtanan na gawa din sa abaca at hinabi ng mga kababaihan
ng tribo. (slideshare.net/zoe2696/mansakatribe)
Paniniwala at Kasanayan sa Relihiyon

 Balian (Shaman)- karaniwan ay babae na kung saan nangangasiwa sa mga ritwal ng may
karamdaman, pagkamatay, pagtatanim at pag-aani.
 Naniniwala sa isang kataas-taasang nilalang na tinatawag nilang Magbabaya o
Yumanum. Kinikilala ng Mansaka ang kanilang sarili bilang utaw o mga taong nilikha ng
Magbabaya.
 Mansaka Mandog o domestic Gods ay kinakatawan ng mga kahoy na estatwa na
nakatayo sa isang parangka (pedestal). Ang Manaog ay mayroong kasarian na maaaring
makilala sa iskultura at burloloy sa mga estatwa.
 Ang mga handog ay ibinibigay sa Manaog pagkatapos ng pagtatanim ng bigas, pag-aani,
at bago mamatay. Nag-aalok ang Mansakas ng pagkain, alak at betel nut, dahon ng areca
at kalamansi o “mama” upang maging mapayapa ang mga masasamang espiritu.
 Ang Kristiyanismo ay ipinakilala at tinanggap ng maraming Mansaka ngunit hindi nito
lubos na napuksa ang Manaog na kulto. Ang Mansaka ay naniniwala sa nakakaligtas na
biyaya ng Kristiyanong Diyos ngunit ang mga labi ng dating relihiyon, tulad ng
maraming pangkat-etniko ay nagpapatuloy. (slideshare.net/zoe2696/mansakatribe)

Hanapbuhay

Pangunahing hanapbuhay: pagsasaka, pangingisda at pangangaso

 Ani ng Pagsasaka
-Humay (Kanin) at batad (mais) = ani at inimbak
-Paruda (kamote) at wakag (tubers) = hinuhukay sa likod bahay kapag ito ay kakainin na
-Kape at abaka = cash crops
 Pamamaraan ng Pangingisda
-Yamangot
-Gabukad
-Longyab
-Ligwat
-Yadraw
-Yobas
-Tuba
-Bingwit
-Saranaw
-Pana at palaso
 Mga Armas sa Pangangaso
-Litag
-Katal
-Arejas
-Utotan
-Tuklo (sibat)
-Sumpitan (blowgun)
-Purot
-Piranasan
-Budjak
-Karasag
-Busog

Iba pang gawaing pang-hanapbuhay

 Metalcraft
 Paghabi- dagmay (tela ng abaca na may mga disenyo) hinahabi ito sa pamamagitan ng 3
uri ng hibla; bintok, sikarig at kanarum.
 Wood Carving
 Palayok
 Paggawa ng basket

Sistemang Pampulitika

 Ang mga batas ay hindi nakasulat, ito ay nakabatay sa kanilang tradisyon, kaugalian at
paniniwala. Ito ang gumagabay sa mga namumunong lider pampulitika sa mga bagay na
panghukuman, panlipunan at pampulitika.

Tradtional na Pamumuno

 Matikadong- ang pinuno ng tribo.


 Matadong (matandang matalino)- may malaking impluwensiya sa paggawa ng desisyon
sa pamayanan.
 Bagani- isang miyembro ng klase ng mandirigma
-pinamumunuan ang pamayanan sa tulong na rin at payo ng Matadong.
-pinoprotektahan ang karapatan at buhay ng mga miyembro ng angkan
-kinakailangan pumatay o nakapatay ng hindi bababa sa 12 katao na lumabag sa
tradisyon ng Mansaka
-makikilala sa pamamagitan ng isang pulang tela na kung saan ito ay ang opisyon
na damit sa ulo na tinatawag na Marogang.
 Maniklad- isang miyembro ng klase ng mandirigma
- Kailangang pumatay ng hindi bababa sa 7 katao

You might also like