Professional Documents
Culture Documents
Lumad
P angkat 1 BSN 2A
HIGAONON
Levita (1996)
taong –bundok” o “taong taga-bundok
UNAHI Mindanao
sa tatlong mahahalagang kataga
nagmula ang panagalan ng pangkat –
higa (buhay), gaon (bundok) at onon
(tao), samakatuwid, taong namumuhay
sa buhay bundok.
HIGAONON
Tangian (2010)
higa ay salitang Binukid na nagangahulugang
“pinagkukutaan” at ang non naman ay taguri sa
“taong taga-itaas”. Kung pagdurugtungin natin
ang dalawa, makabubuo tayo ng
“pinagkukutaan ng mga taong taga itaas”. Ang
“itaas” dito ay tumutukoy sa mataas na lugar
gaya ng bundok at burol. Maliban sa
pagkakakilanlang ito ng pangkat, Higaonon din
ang tawag sa kanilang wika. Para sa mga taga –
Mindanao, kilala ang pangkat na ito bilang
LUMAD
Lumad ang taguri sa isang taong “isinilang at
nabuhay sa iisang lugar”. Ang mga Higaonon ay
bahagi ng 18 pangakat etnolinggwistikong
Mindanaon at hindi naging islam. Dati silang
naninirahan sa mga kapatagan ngunit ayon sa
kasaysayan ay napilitang tumungo sa pusod ng
kagubatan dahil sa kalupitan ng tao at
modernisasyon.
May humigit-kumulang 400,000 ang populasyon ng
Hagaonon sa kasalukuyan at nahahati parin sila sa tatlong
kategorya tulad ng mga sumusunod: 1) primitibong
komunidad na naninirahan sa kasukalan ng kagubatan at
patuloy na sumusunod nang walang pagbabago sa
“Bungkatol Ha Buwan Daw Nang Ka Tasa Ha Lana”
(Hangarin ng pagkakaisa, Pag-ibig at Kapayapaan), ang
kanilang kabuuang batas ng mapayapang pakikipamuhay
sa kapwa; 2) pinaghalong komunidad ng mayoryang di-
Higaonon at lehitimo o taal na Higaonon na naninirahan sa
bukana ng mga kabundukan at kagubatan; at 3)
nagsasamang komunidad ng mga Higaonon ngunit bahagi
nan g mayoryang nagsisikap tumugon sa globalisasyon at
Ayon sa kasaysayan, nakapalibot sa walong malalaking ilog
ang mga pamayanan ng indihenos na liping ito. Sumusunod
sila sa kanilang hinirang na mga Datu na pawing hinog na
sa edad, may angking talino at bihasa sa pamamahala,
edukasyon at pananampalataya. Ang Datu sng gumagabay,
sumusubaybay at may ganap na awtoridad sa pagdaraos
ng lahat ng ritwal. Sila rin ang tagahatol sa nagkakasala sa
isinasaad sa kanilang batas.
Nakatala sa kanilang katutubong panitikang Dasang [da-
sang] ang salaysay ng kanilang mga kaugalian at
paniniwala na maaring basahin sa loob ng walong araw at
walong gabi sa pamamagitan ng Dumagondong (banal na
asembleya).
AGULANGA
iginagalangna nakatatandang babae o lalake sa
pangakat; awtoridad; sumbungan; takbuhan para
humingi ng payo sa anumang suliranin sa buhay.
AGUTAY
uri ng punong sagig na pataas ang bunga at paboritong
kainin ng unggoy.
ALUMO
paraan ng pakikipagsundo sa kaaway sa pamamagitan
ng paghingi ng tawad sa pinagkasalaan at pagriritwal
na may alay na puting manok. .
AMBUBUNAW
punongkahoy na may bungang parang lansones.
Paboritong kainin ang bunga nito ng unggoy.
APO
lolo oo lola; espiritu ng iginagalang ng ninunong
Higaonon; iniiidolong espiritu ng ninunong matagal
nnang namayapa. Sa mga Higaonon, kailangang
bigkasin ito nang pormal at may matiim na paggalang.
APUSAW
halamng namumulaklak kulay puti na may malalapad
na dahong tulad ng gabi na tumutubo sa tubigang
lugar, maaring ilutong tulad sa gulay.
ANIBUNG
maliit na punongkahoy na tila niyog.
BAGANI
matapang na kawal; marangal na mandidigma; hindi
natatalong kawal; katumbas ng heneral sa
sandatahang hukbo ng Pilipinas.
BAGYANG
isang punong may malalapad na dahon na maaaring
gamiiting pansamantalang bubong ng isang bahay
kubo s kamotehan o kamaisan.
BAKUSAN
isang uri ng ahas na walang lason at kinakain ng mga
katutubo.
BALOY
halamang may malalaking dahon na pinatutuyo at
ginagawang banig; uri ng halamang tumutubo sa
latian; isang halamang kapamilya ng gabi.
BINAKI
isang uri n suman na niiluto mula sa mais na dilaw;
suman na na mais na may mantikilya; nilagang mais na
kinudkod at binalot sa balat ng mais; suman sa
Bukidnon. (tagbaki-gumawa; agbakiki-gagawa;
migbakiki-gumagawa)
BINAKION
Mais na tamang-tama ang para gawing binakil];
singkahulugan g pintos- Higaonon-Rogongon
BITO
bagay na pagalaw-galaw at nakikipaglaro sa hangin
BUUY
lola sa tuhod; ina ng iyong lola; asawa ng ama ng iyong
lola. Ang antigong panawag na ito sa Higaonon ay
walang katumbas sa Tagalog o sa iba pang wika sa
Pilipinas
GITAMOD
salitang bibig na mga kaugalian at
panananampalatayang Higaonon mula sa magulang at
Baylan, (katumbas ng pari sa katoliko).
ILIAN
daanan pababa sa bundok; gilid na pababa ng bundok;
gilid ng matarik na bundok; singkahulugan ng salitang
ludosanan na patungkol sa landas na dapat daanan
kung bababa sa alog (baba ng bundok) o apunta sa
lugna (silong) mula sa sampaw (itaas ng burol) o sa
pulo (itaas ng bundok); isang lunsod sa Lanao del Norte
at kilalang ‘Lungsod ng mga Talon’ sapagkat mahigit
20 talon ang matatagpuan dito kabilang na ang kahali-
halinang Maria Cristina Falls; ilig –etimolohiya ng
IPUAN
taong pinag-aalayan ng ritwal. Ang salitang ito ay mula
sa salitang ugat na ipu na nangangahulugang ritwal.
Kadalasan, sanhi ng hindi maipaliwanag na
pagkakasakit, isinasagawa ng ipuan ang ritwal sa
paghingi ng tawad; kinatawan ng nagkasakit na siyang
dahilan kung bakit magriritwal; manok na puti ang
handog sa ritwal
KAAMULAN
asembleya ng piyestang kultural; panahon ng
pagsasayaw ng mga Higaonon na nakasuot sa
katutubong damit na nagtatampok ng mga kulay puti,
asul at pula; piyesta ng Higaonon tuwing Mayo ng taon;
taunang pagtitipon ng lahat ng tologon (pangkat) ng
mga Higaonon sa Malaybalay, Bukidnon. Katumbas ito
ng sinulog, sa Cebu, Diyandi sa Iligan, Panagbenga sa
Baguio, at iba pa
KAPU-UN pinagmulan ng lahi