Professional Documents
Culture Documents
Kahalagahan ng wika:
Wika, kultura at lipunan ay magkakaugnay.
Wika – Pangunahing ginagamit ng tao bilang instrumento sa pakikipag-ugnay.
Wika ay kultura at kultura ay komplikadong ideya na maaring nakapaloob sa kilos, gawa at iba
pang anyo. (Simbolo ng lipunan upang makilala ang mga tao: kilos & gawa)
Wika ay isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat.
Hoebel (1966) – ang isang lipunan ay maaring mabuhay ng walang wika ngunitwalang maunlad na
kalinangan at kultura
Eller (2009) – lahat ng mga nilalang, kahit halaman ay nakikipag-usap sa iba't-ibang paraan, sa kahulugan ng
pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon.
Haviland et. al., 2011 at Eller (2009) - wika ay isang sistema ng komunikasyon na gumagamit ng mga
tunog at/o kilos na pinagsama upang magbunga ng mga kahulugang napagkasunduan ng lipunan at maunawaan
ng lahat ng nakikibahagi ng wikang iyon
Age-old gesture-call system (kilos-tawag) – ekpresyon ng mukha, katangian ng tunog at lakas ng tunog
ay may ginagampanan na papel sa paghahatid ng kahulugan (Eller , 2009).
Walang taong namumuhay nang mag-isa – ang wika niya ay nakasalalay sa kultura at kanyan lipunan.
2.3Rehistro ng Wika
Jargon – set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring
hindi maunawaan ng iba(Santos, Hufana at Magracia, 2008)
2.4Argot
Ito ay isang sekretong wika na ang layunin ay maiwasang mabatid o maunawaan ng mga hindi kasama sa
grupo.
NOTE: Ang argot ay sikreto at ang balbal o slang ay hindi.
Halimbawa:
Balbal Argot
Yosi 'sigarilyo' Sigue Sigue Commando 'gang o grupo sa Bilibid'
parak 'pulis' Budol-budol Gang 'Grupo ng tao nangunguha ng
tsimay 'katulong' pera sa pamamagitan ng
panloloko'
2.5Sosyolohiya ng Wika
Tinatawag din na Makro-sosyolinggwistika.
International Journal of the Sociology of Language – Joshua Fishman
Fishman (1997) – patuloy na gumagamit ang tao ng wika at patuloy rin syang nakikipagugnay sa
kapwa.
2.7Etnolinggwistika
– ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika.
Underhill (2012) – pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad
3.2Diyalekto
– varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko
Belvez, 2003 – nagsisilbing midym ng komunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing
katutubong wika ay nabibilang
3.3Idyolek
bukod tanging wika ng isang indibidwal
pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal
3.4Taboo
– mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan
3.5Yufemismo
– ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi dahil
malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di magandang pakinggan
ii. Pidgin – bunga ng dalawang lipunan na may wikang hindi magkakalapit o unintelligible languages
ngunit kailangan ng pakikipag-ugnay sa isa't-isa.
- prestihoyosong wika bilang higit na maimpluwensya sa wikang walang kapangyarihan
Pidginization – proseso ng gramatikal at leksikal na reduksyon na ginagampanan ng pidgin
(Zalzman, Stanlaw, at Adachi, 2012)
– bunga rin ito ng direktang ugnayan ng unintelligible na wika
Chavacano – Espanyol ang lexifier ng wikang ito
iii. Creole
– wika na napaunlad mula sa pidgin
– dumaan sa proseso ng creolization o ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika
– isang pidgin na nagiging unang wika ng isang speech community
Chavacano – halimbawa ng creolization
Mga mahalagang pagtukoy ng mga katangian ng isang creol na wika (Sebba, 1997):
a. may katutubong tagapagsalita
b. ang mga creole ay laging lumalabas sa isang pidgin
c. creolization – proseso kung saan ang isang creole ay nagbabago at isang pidgin ay nagkakaroon ng
katutubong salita
d. ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-unlad ng isang pidgin
• gradwal na creolization – mangyayari sa pinahaba/pinalawak na yugto ng pidgin
• biglaang creolization – magaganap sa proseso bago lumabas ang matatag na pidgin mula
sa maagang pag-unlad nito.
3.8Bilinggwalismo at Multilinggwismo
– tumutukoy sa parehong pag-iral, pakikiharap at interaksyon ng magkaibang wika.
Wei (2013) – maaaring ang isang tao sa isang komunidad ay magiging bilinggwal o multilinggwal
habang ang buong lipunan ay kumikilala lamang ng isang wika
Romaine (2013) – ito ay makikita sa lahat ng uri ng tao
a. Bilinggwalismo
– ito ay tumutukoy sa taong nakakapagsalita ng dalawang wika
– ayun kay Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang makapagsalita sapagkat sa kanyang
pananaw dito ay paggamit ng dalawang wika sa tulad ng katutubong wika.
– Trask (2007), kahanga-hangang tagumapay sa kasulukuyan ang pagkakaroon ng abilidad sa
pagsasalita ng dalawang wika
b. Multilinggwismo
– ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal na gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon
– Crystal (2008), tinatawag rin na plurilinggwalismo