You are on page 1of 18

MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

____________________________________________
-------------------------------------------------------------------------------------------
Aralin 4

PANIMULA

Sinasabing, may maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng


wika at lipunan. Isa na rito ang panlipunang istruktura na maaaring
makaimpluwensiya o kumilala ng lingguwistikong estruktura o pag-uugali. Isang
halimbawa nito ay ang ating bansa na binubuo ng iba-ibang wika na sinasalita dahil
sa anyo nito na pulo-pulo. Sa bawat pulo o lugar ng bansang Filipinas ay may kani-
kanilang wikang ginagamit o sinasalita. Ang mga wikang ito ay may mga barayti na
ginagamit na sumasalamin sa kanilang kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong
pinagmulan. Isa pa, ang Filipinas na sinakop ng ilang taon ay naging dahilan din
upang makabuo ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo na wika ng mga
mananakop at wikang bernakular. Halimbawa nito ay ang wikang Chabacano ng
Lungsod Zamboanga. Ang nabuong wikang ito ay dala ng impluwensiya ng
dayuhang sumakop sa bansa tulad ng Kastila noong unang panahon.

_________________________________________________________________________________

MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

1. Naibibigay ang depinisyon ng mga terminong kaugnay sa estruktura ng wika sa


lipunan : Diyalekto, idyolek, taboo, yufemismo, lingua franca , pidgin, creole at
speech community.

2. Nauunawaan ang panlipunang estruktura ng wika .

3. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bilinggwalismo at


multilinggwalismo .

4. Natatalakay ang mahahalagang gamit ng wika sa lipunan.

5. Napahahalagahan ang wikang Filipino sa lipunan.


SUBUKIN NATIN !

PANUTO : Magtala ng mga wikang/diyalektong sinasalita ng mga tao sa Lungsod Zamboanga.


Pumili ng mga wikang alam mong isalita o kaya’y wikang ginagamit mo sa mga taong iyong
nakasalamuha. Ipaliwanag kung paano nagkakatulad o kaya’y nagkakaiba ang mga wikang ito.
Isulat sa kahon ang iyong paliwanag.

I – Mga wikang sinasalita sa Lungsod Zamboanga

1. Chabacano 6. Badjau

2. Bisaya 7. Samal

3. Tausug 8. Subanen

4. Filipino 9. Hiligaynon

5. Samal 10. Malay

II – Pagpapaliwanag

PALIWANAG

Ang mga wika na aking ikinalakihan ay ang wikang Ilonggo at Bisaya


sapagkat ako ay ipinanganak at lumaki sa Iloilo City ngunit sa ilang taon
din ng paninirahan ko ditto sa Zamboanga City ay natutunan ko na rin
maintindihan ang wikang Chabacano dahil na rin sa ang mga kasama ko sa
bahay ay mga purong Zamboangueño. Masasabi ko talagang malaki ang
pagkakaiba ng wikang Chabacano sa Ilonggo sa tono palang ng pagbibigkas
at magkaiba rin talaga ang mga salita na ginagamit sa mga wikang ito.
PAG-ISIPAN MO ! (CMO 1 S.2019)

PANUTO : Ibigay ang iyong opinyon sa mga sumusunod na termino ;

Ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na


nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa
Lingua Franca pakikipagtalastasan lalo na sa mga siyudad, kahit pa
mayroon tayong kanya-kanyang sariling wika.

Ang diyalekto ay isang natatanging uri ng wika na


Diyalekto ginagamit sa isang rehiyon o lugar.

Speech community Ang speech community ay isang grupo ng mga tao na


ibinabahagi ang isang hanay ng mga kaugalian at
mga inaasahan tungkol sa paggamit ng wika.

Ang idyolek ay ang pagkakaiba-iba sa pagdiin sa mga


Idyolek
salita, sa punto, at maging sa paraan ng pagbibigkas
ng mga salita.

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang


Yufemismo nagpapagaan sa bigat ng realidad upang hindi ito
lubos na makasakit ng damdamin,
makapagpalungkot, o magkapagpagalit.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

MGA ESTRAKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

3.1. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA

Sinasabing, ang wikang ating sinasalita ay may taglay na lakas at puwersa.


Maihahalintulad ito sa isang malakas na agos ng ilog na dumadaloy kapag ang isang tao ay
nagsasalita na kung ito man ay gagamitin nang tama, ay maaaring tumino sa damdamin,
tumatak sa isipan, makakuha ng atensiyon at makalilikha ng isang puwersa na lalong
magpalakas sa wika. Dahil sa kapangyarihang taglay nito sa larang ng pakikipagtalasatasan ay
nagagawa nating magtanong, magpaliwanag, magbigay ng mga paglalarawan, magpasaya,
magpahayag at iba pa (Gonzalvo, 2016). At dahil din sa wika, natutukoy ang pagkakakilanlan
ng bawat tao sa lipunan na kanyang ginagalawan.

Nabanggit na sa naunang pahina na may maraming mga posibleng relasyon sa pagitan


ng wika at lipunan. Isa na rito ang estruktura ng wika na maaaring makaimpluwensiya sa
linggwistikong estruktura nito. Ang mga nabuong wika sa lipunan na dulot ng pananakop ng
mga dayuhan ay ipinaliliwanag ng mga sumusunod na salik sa ibaba.

3.2. DIYALEKTO

Dayalek ang tawag sa mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang
lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t ibang baying nasasakupan ( Gonzalvo, 2016).
Ito rin ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi dahil
ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Isang halimbawa nito ay ang
Tagalog na nanganak ng uri o barayti tulad ng Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-
Maynila at iba pa (Nuncio, et al. 2016).

3.3. IDYOLEK

Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat persona ang paggamit nito
( Gonzalvo, 2016). Ayon kay Nuncio, et al. (2016), ang idyolek ay ang natatangi at
espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Kadalasan, ating nakikilala o nagiging marka
ito ng pagkakakilanlan ng isang tao. Isang halimbawa nito ay ang paraan ng pagsasalita ni Kris
Aquino.

Bawat indibidwal ay may kaniya-kanyang paraan sa pagsasalita subalit wala sa kanila


ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ng pagkakaiba ay sa edad,
kasarian , kalagayang pisikal, personalidad, lugar na pinanggalingan at marami pang ibang
salik na naging dahilan ng mga paraang ito sa kanilang pagsasalita.
3.4. TABOO

Sa lipunan, may mga salitang tinatawag na taboo . Ito ay mga salitang bawal gamitin o
hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Ipinagbabawal ang paggamit nito
kapag hindi pinahihintulutan ng publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na
sa mga pormal na usapan at domeyn. Halimbawa nito ay mga salitang puki, puta, utin, makiri at
iba pa (Hufana et al. 2018).

3.5. YUFEMISMO

Ang mga ideya o salitang taboo ang naging isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng mga
salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi
dapat sambitin dahil sa kalaswaan nitong pakinggan sa pandinig ng ninoman. Halimbawa nito ay
sa halip na nagtalik, maaari itong sabihing, nagsiping, sumakabilang buhay sa halip na namatay,
nagsakses sa halip na nagtae, ibaon sa halip na utin, bulaklak sa halip na puki, at iba pa (Gervcio,
et al. 2018).

3.6. SPEECH COMMUNITY

Ang isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng mga tao na may kaniya-
kanyang mga gawi at pag-uugali. May kaugnayan dito ang binanggit nina Zalzmann,Stanlaw at
Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga miyembro nito.
Tulad na lamang sa bansang Filipinas na kung saan, ito ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng tao
gaya ng Higaonon, Cebuano, Ilonggo, at iba pang pangkat na mayroon sa ating bansa. Lahat sila
ay mga Pilipino. Mayroon itong komplikadong lipunan na binubuo ng isang malaking bilang ng
mga grupo na tinutukoy ng mga tao mula sa kung saan ay nagmula ang natatanging mga valyu,
mga pamantayan at mga tuntunin para sap ag-uugali. Ito ang tinatawag na sabkultura.
3.7. LINGUA FRANCA, PIDGIN AT CREOLE

a.) Ang Lingua Franca ay ang paghahanap ng komon o wikang alam ng mga taong may
iba’t ibang sinasalitang wika upang magkakaunawaan. Mula sa UNESCO, ito ay wikang
ginagamit ng mga taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon
sa kanilang pagitan. Bagkus, malaking papel ang ginagampanan nito sa Pilipinas dahil
sa multilinggwal na sitwasyong pangwika. Binananggit sa etnologue na may 187 at 183
ang buhay at 4 ang itinuturing na patay na wika.

b.) Pidgin – nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita at wala
itong pormal na anyo ( Gonzalvo, 2016). Dulot ng pagkakaroon ng pangangailangan ng
lingua franca. Bunga ito ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapit o
unintelligible languages ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak
na limitado o natatanging layunin . Ang isang wika ay dumadaan din sa proseso ng
pidginization . Ito ay proseso ng gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng
limitadong ginagampanan ng pidgin (Zalzman, Stanlaw at Adachi 2012).

C.) Creole . Ayon kay Sebba 1997, may mga mahahalagang pagtukoy sa mga katangian ng
isang creole na wika ;

 May katutubong tagapagsalita ito, hindi katulad ng pidgin na walang katutubong nagsasalita.
Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng pidgin ay may ipinanganak na bata at
ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang pidgin ay magiging creole.
 Ang Creole ay lagging lumalabas sa isang pidgin.
 Ang proseso kung saan ang isang creole ay nagbabago at isang pidgin na nagkakaroon ng
katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.
 Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-unlad ng isang pidgin na
maaaring gradual na creolization o biglaang creolization.
BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

Bilinggwalismo - ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Kung


pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang
makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito at ang paggamit ng dalawang wika tulad ng
katutubong wika.

Multilinggwalismo - Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal


na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng


wika sa lipunan ;

1. Nagbibigay-kaalaman

2. Nagpapakilala/ Ekspresib

3. Nagtuturo / Direktib

4. Estetika/ Aesthetic

5. Nag-eengganyo /Phatic

3.10. ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG FILIPINO

Ang wikang Filipino ay ginagamit sa pakikipag-interaksyon at pakikipagkomyunikeyt


ng mga mamamayang Filipino. Ayon kay Santos, et al. 2012, may mga tungkuling
ginagampanan ang wikang Filipino ;

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino .

2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino .


GAWIN NATIN !
GAWAIN 1

PANUTO : Batay sa sariling pag-unawa, ipaliwanag ang mga sumusunod ;

Pagkakaiba ng Bilinggwalismo ay pakikipag-usap gamit ang dalawang


bilinggwalismo at wika samantalang ang multilinggwalismo naman ay
multilinggwalismo pakikipag-usap gamit pa ang higit sa dalawang wika.

Ang wika ay isa sa pinakamahalagang salik upang ang


Ang wika tungo sa
mga tao ay magkaroon ng maayos na komunikasyon sa
pagtamo ng
isa’t-isa. Ang kapayapaan ay makakamit sa
kapayapaan
pamamagitan ng pakikipag usap gamit ang ating wika.

Malaki din ang papel ng wikang Filipino sa lipunan


sapagkat ito ang nagbibigay tulay upang magkaisa
Gamit ng wikang tayong lahat. Ang wika ang ginagamit natin upang
Filipino sa lipunan makapagbigay ng impormasyon sa lipunan. Ang ilang
halimbawa nito ay pag-uulat, panayam,
pagpapaliwanag, pagsagot at pagtuturo.
GAWAIN 2

PANUTO : Magbigay ng mga halimbawa ng salitang Taboo sa kolum A


at ang katumbas nito sa salitang yufemismo na nasa kolum B.

KOLUM A KOLUM B

1. Namatay Sumakabilang-buhay

2. Nadudumi Tumatawag ang kalikasan

3. Kalapating mababa ang lipad Babaeng bayaran

4. Malusog Mataba

5. Tabas ng mukha Itsura, maaring pangit o maganda

GAWAIN 3
PANUTO : Mag-isip ng isang senaryo na gamit ang iba’t ibang estruktura ng wika sa
pamamagitan ng pagbuo ng script.
Karagdagang Gawain :

A. Ipaliwanag ang mga sumusunod;

Ang kahalagahan ng wikang filipino sa lipunang Filipino

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino .

Ang wikang Filipino ang isa sa mga nagbubuklod satin bilang Pilipino. Dahil dito
tayo ay nagkakaisa, nagkakaintindihan at nakakapag-sabi ng ating mga saloobin sa
bawat isa.

2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.

Ang wikang Filipino ay lubos na mahalaga at ito rin ang sumasalamin sa ating
kultura. Sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling atin at paggamit ng wika natin
ay napapanatilinatin ang ating kultura.

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.

Sinasalamin ng wika ang kulturang Pilipino sapagkat ang paggamit ng wika sa isang
maayos at disenteng pamamaraan ang siyang nagbibigay kahulugan din na tayo ay
may magandang kultura. Ito din ay isang paraan para mas lalong makilala ang ating
kultura.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.

Wika ang nagaabot ng isip at damdamin ng mga Pilipino dahil dito tayo ay
nakakapag-papahiwatig tayo ng ating saloobin.

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino .

Sumisimbolo ang wikang Filipino sa ating pagka-Pilipino dahil ito ang ating
pinagmulan .

Sinisimbolo ng wikang

B. Magsaliksik tungkol sa saligang batas na nagpapatupad ng Bilingguwalismo at


Multilingguwalismo sa Sistema ng edukasyon.

Ang patakarang bilingguwal ayon sa KWF, ay isang pagtupad sa Artikulo XV,


Seksiyon 2-3 ng 1973 Konstitusyon hinggil sa Pilipino at Ingles bilang mga
opisyal na wika ng komunikasyon at pagtuturo. Ang pangyayaring ito ay
ipinagpatuloy sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon. Gayunman,
nakasaad din sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
kasalukuyang saligang-batas na: “Subject to the provisions of law and as the
Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate
and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as
language of instruction in the educational system.”
Kung ang bilingguwalismo ay nauukol sa paglinang sa kahusayan ng mga
mamamayan ng isang bansa sa dalawang wika, tulad ng Pilipinas, ano naman
ang konsepto ng multilingguwalismo? Ito ay patakarang pangwika kung saan
nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo bilang pangunahing
midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang
wikang global bilang mahalagang wikang panlahat. Layunin nitong pakinisin at
gamitin ang mga wikang katutubo at/o wika ng tahanan (unang wika) bilang
pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa una hanggang ikationg
baitang sa elementarya, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago
simulan ang pagtuturo sa wikang Ingles. Samakatwid, kinakailangang maging
bihasa muna ang isang bata sa kanyang unang wika, sa pangalawang wika, at
kung mayroon pa, ikatlong wika upang maituring siyang multilingguwal.

KABANATANG PAGSUSULIT

PANUTO : Punan ng nawawalang kataga ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

PANLIPUNANG ISTRAKTURA 1. May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng


wika at kultura. Isa na rito ang ________________ na maaaring makaimpluwensiya o
kumilala sa lingguwistikong istruktura at pag-uugali.
BARAYTI NG WIKA 2. Ang _______________ na ginagamit ay sumasalamin sa
kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan ng mga tao.
COMMUNICATIVE ISOLATION 3. Ang ________________ ay ang hiwalay nap ag-
uusap sa pagitan ng mga pangkat sa isang partikular na lugar o bansa.
DIYALEKTO 4. Ang _____________ ay barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Ito ay tinatawag ding wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon.
IDYOLEK 5. Ang _____________ ay ang pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal.
Maaaring sa tono, mga salitang gamit o sa estilo ng kanyang pagsasalita atbp.
YUFEMISMO 6. Ang _____________ ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o
mga salitang hindi masabi.
CREOLE 7. Ang grupo ng mga tao na may iisang wika na ginagamit at hindi lamang sa
pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang lahat ng kanilang gawi gaya ng paraan
ng pagsasalita, pananamit, pananaw-mundo atbp. Dito nabuo ang _____________ .
ARGOT 8. Ayon sa paliwanag ni Wardhaugh (2006), ang ______________ ay maituturing
bilang mga katangian ng wika na ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang
pagkakakilanlan ng grupo, at ang pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita.
LINGUA FRANCA 9. Ang ________________ ay wikang ginagamit ng mga taong may
iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang pagitan.
PIDGIN 10. Ang ______________ ay bunga ng dalawang lipunan na may mga wikang
hindi magkakalapit o unintelligible languages ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t
isa dahil sa tiyak na limitado o natatanging layunin.
II – Panuto : Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad sa pangungusap at
MALI kung ang pahayag ay mali.

MALI 11. Limitado ang bokabularyo ng pidgin.


TAMA 12. Ayon kina Zalzman, Stanlaw at Jant, walang kultura sa isang lipunan na pareho
sa lahat ng mga miyembro nito.
MALI 13. Pidgin ang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang sinasalita.
TAMA 14. Creole ang wikang napaunlad mula sa paidgin.
TAMA 15. Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan.

RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN

You might also like