You are on page 1of 5

Wika at kultura

 EGYPTIAN- Pinakamatandang lahi WIKANG EGYPTIAN-pinakamatandang wika HARING


THOT=creator
 FROMKIN, V. &R. RODMAN (1983)
*Sinabi nila na lahat ng kultura ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika, kung minsay
walang kabuluhan at malayo sa katotohanan ngunit nakawiwili
 Book of DARSNA TYAGI (2006)
*CHINA-Son Of Heaven na si TIEN-ZU
 JAPAN- AMATERASU
 GENESIS STORY/DIVINE THEORY- binigay ng Diyos sa tao ang wika
 BABYLONIANS-GOD NABU
 HINDU-babaeng Diyos na si SARAVASTI asawa ni brahma
 Edaward Sapir (1949)- ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin.
 Caroll (1954)- ang wika ay isang sitema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
 Todd (1987)- ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
 Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong Sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng
tao sa pakikipagtalastasan.
 Tumangan, Sr. et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas
na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at magkakaugnay-ugnay ang isang
pulutong ng mga tao.
 Bow-wow- likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok
 Po-pooh-galing sa instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa,atbp.
 Ding-dong-kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ang mga tunog at
katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid
 Yum-yum-nag sasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksyon
 Yo-he-yo- nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho
o pwersang pisikal
 Tarara-boom-de-ay- mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao. Ang mga sayaw, sigaw,o
inkantasyon at mga bulong
 Wardhaugh- inilarawan niya na ang lipunan na isang grupo ng mga tao na nagkakasama para sa
isang tiyak na layunin o mga layunin
 Sosyolinggwistika- pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito
 Mikro-sosyolinggwistika- ang emphasis nito ay ang direktang relasyon ng wika sa lipunan
 Diyalekto- wikang subordineyt na ginagamit sa isang tiyak na lugar o rehiyon (HEYOGRAPIKAL)
 Sosyolek- ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor (posisyong
soyal o panlipunan ng bawat grupo (SOSYAL)
 Rehistro ng Wika- kilala rin ito sa tawag na JARGON
 Argot- ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan ng mga tagapagsalita
nito (Cant o Cryptolect)
Argot- Sigue Sigue Commando ‘gang o grupo’, Budol Budol gang ‘ grupo ng tao na nangunguha
ng pera
 Balbal-pampublikong mga salita ang mga ito, at hindi sikreto ang kahulugan at “kagalang-galang”
Balbal- yosi ‘ sigarilyo’, parak ‘pulis’, tsimay ‘katulong’
 Joshua Fishman-Kilalang proponent ng sosyolinggwistika dahil sa kaniyang librong International
Journal Of The Sociology Of Language
 Anthropolohikong Linggwistika- binibigyan ng diin ang larang ng linggwistika upang
maipaliwanag ang kultural na konteksto ang wika
 Linggwistikang antropolohiya- ay nagbibigay ng higit na emphasis sa larang ng anthropolohiya sa
pagbabasa ng wika
 Etnolinggwistika-isang pag-aaral tungkol sa relasyon ng wika sa komunidad
 Bekimon- ito raw ang tawag sa wika ng mga bayot o bakla
 Trudgill- sinabi niya na may dalawang aspekto ng mga gawi sa wika mula sa punto de vista ng
lipunan
 Ponolohiya- isang Sistema ng komunikasyon kung saan ang tunog o simbolo ay nagtataglay ng
mga bagya, kilos, o ideya
 Malinowski- ayon sa kaniya, sa pamamagitan ng paggamitng wika, matatanggal ang hindi
pagkakaunawaan at mabubuo ang pagkakaisa at pakikipagtalamitam
 Baryasyon ng wika- paraan ito ng tagapagsalita sa paggamit ng unang wika nila na iba kaysa
tagapagsalita ng parehong wika
 Communicative Isolation- ay ang hiwalay nap ag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa isang
particular na lugar o bansa
 Interference- sagabal sa komunikasyon at dahilan na rin sa kalakasan ng pagkakaiba sa dayalekto
 Dialectual Differences- ang pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang pagbabagong wikang sinasalita
ng lipunan
 Diyalekto- tinatawag din na wikain at ginagamit sa isang particular na lugar o rehiyon
 Idyolek- ang bukod tanging wika ng isang indibidwal maaaring sat ono, mga salitang ginagamit o
estilo ng kaniyang pagsasalita atbp. Halimbawa Kris Aquino, Mike Enriquez, at Manny Paquiao
 Taboo- ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi maaring gamitin sa isang pormal na usapan sa
lipunan. Halimbawa bawal sabihin ang puki, nagtae, utin, kantutan atbp.
 Yufemismo- ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi
dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di magandang pakinggan. Halimbawa nito ay
nagsiping sa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip na namatay, nagsakses sa halip na
nagtae, ibon sa halip na utin, bulaklak sa halip na puki.
 Speech community/komunidad ng pagsasalita- ito ay hango sa wikang Aleman na
sprachgemeinschaft na nangangahulugang speaking community sa wikang ingles
 Speech markers- pagkakakilanlan ng isang grupo
 Lingua Franca- komon o wikang alam ng mga taong may ibat ibang sinasalitang wika para
magkaunawaan
Etnologue, may 187 at 183 dito ang buhay at 4 ang itinuturing na wala o patay. 175 ay katutubo
at 8 ay hindi katutubo
 Pidgin- bunga ito ng dalawang wika na hindi magkalapit ngunit kailangan makipag ugnayan sa isat
isa. Halimbawa, Chavacano.
 Creole- ito ay wika na napaunlad mula sa pidgin. Dumraan ito sa proseso na creolization
 Bilinggwalismo- ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika
 Multinggwalismo- ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal na
gamitin sa anumang uri ng komunikasyon
 Gamit ng wika sa lipunan- Nagbibigay Kaalaman/Informational,Nagpapakilala/Expressive,
Nagtuturo/Directive, Estetika/Aesthetic, Nag-eengganyo/Phatic
 Kultura- Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang ugat na
linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate).
 Edward Burnett Tylor, Ama ng Antropolohiya, ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may
malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu,
kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.
 Si Leslie A. White ay nagsabing, ang kultura ay isang organisasyong phenomena na sumasaklaw sa
aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang kasangkapan, ideya (paniniwala at
kaalaman), at sentiment (karakter/ kilos at valyu).
 Cognition- ang pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pahkilala niya sa
kapaligiran at sa ibang tao.
 Hudson (1980). Ang kultura ay socially achieved knowledge. Nakukuha ang mga kultura sa mga
kasamahan na nasa paligid lamang. Mula sa pagkabata, may mga kulturang nakuha mula sa
magulang, kapatid, mga kalaro o mga kapitbahay.
 Ward Goodenough (2006). Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns of
behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod dahil iyon ang
kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat.
 Timbreza (2008). Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang huwaran ng
pag-uugali at mga paraanng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o mga tao.

Katangian ng Kultura

 Natutunan (learned). Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya
inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, atbp.
May dalawang proseso ng pag-inter-ak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan; ang enculturation
at socialization. Ang enculturation ay isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang
kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Ang socialization naman ay ang pangkalahatang
proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard ng kultura.
 Ibinabahagi (shared). Ang ibinabahagi ng kultura ay ba nagbubuklod sa mga tao bilang isang
pagkakinlanlan ng kanilang pangkat.
 Naadap (adapted). Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyo sa isang tao sa
likas o teknolohikal na resorses.
 Dinamiko (dynamic). Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na nagbabago. Tulad ng
wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon din naming hindi nagbabago o
mabagal ang pagbabago.
 Valyu- tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin
 Di-verbal na Komunikasyon- ang aksyon at ekspresyon ay naglalarawan ng konteksto ng wika
Mga Komponent ng Kultura
 Materyal na Kultura- Ito ay mga materyal na objek na ginawa at ginagamit ng tao mula sa
pinakapayak tulad ng mga kasangkapan muwebles, at pananamit hanggang sa malalaking bagay
tulad ng arkitektural na disenyo, mga kotse, makina, at iba pa.
 Di-material na Kultura- Mga bagay na di-nakikita at di-nahahawakan. Binubuo ito ng mga Norm,
Valyu, Paniniwala at Wika.
 Norms-Tumutukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan.
 Folkways- Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang magandang
kapakanan ng isang pangkat.
 Mores- Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at
pinapahalagahan ng isang grupo. Kinakailangan at mahalaga para sa kapakanan ng isang grupo
ang pagsasabuhay sa mga pamantayang ito.
 Batas- Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at isinasabatas ng
federal state o lokal na awtoridad
 Valyu- Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/ikilos o ipakita.
 Paniniwala- Ayon sa mga sosyologo, persepisyon itong isang tao sa mga nangyayari sa kanyang
kapaligiran at mundo kabilang dito ang mga pamahiin.
 Wika- Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin na ang literal na kahulugan ay “dila”, kaya’t
magkasintunog ang dila at wika.
 Technicways- Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya.
 May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang kultura ay: 1. Isang
paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para mabuhay. 2. Nagbibigay
sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran. 3.
Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang makapg interak ang bawat
myembro ng isang pangkat at maiwasan ang anumang alitan.
 Winsker – UNIVERSAL PATTERN OF CULTURE- Ayon sa kanya, ang lahat ng tao sa mundo ay may:
1. Wika at pananalita 2. Materyal na Kultura a. Food habits b. Pamamahay c. Transportasyon d.
Kagamitan e. Pananamit f. Sanadata o weapon g. Trabahao at Industriya
 Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaring hindi
sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng bawat isa
at nakakapagdulot sa kanya ng kabutiha at kasiyan.
 Noble Savage- Tanggap niya kung ano siya. Hindi niya ikinakahiya kung ano siya.
 Ethnocentrism- Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakakahigit sa ibang
kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.
 Cultural Relativity - Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitignan ang lahat ng kultura bilang
pantay-pantay, walay superior at imperyor. Kabaligtaran ng ethnocentrism.
 Xenocentrism- Ang mga banyagang tao, lugar at bagay ay magaganda at ang local o sariling kanya
ay pangit. Pagmamahal ito sa imported.
 Polychronic- Ito yung mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang sabay-sabay.
 Monochronic- Ang mg tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala sila na
bawat trabaho ay may oras.
 Ayon kay Hofstede (1984), maaring uriin sa dalawa ang katangiang komunikatibo–individualist at
collectivist
1. Individualist- Walang pakialam sa damdamin ng iba.
2. Collectivist- Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba.
 Inuri naman ni Triandis (1990) ang katangiang komunikatibo bilang allocentric at idiocentric.
1. Allocentric- Iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang iba.
2. Idiocentric- Sarili lamang ng isang tao ang mahalaga.

You might also like