You are on page 1of 2

REPORTER: NASHIBA MUSTAPHA

Mga komponent ng kultura

1. Materyal na kultura
Mga bagay itong nilikha at ginagamit ng tao. Ito ay mga material na objek na nagawa at
ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng mga kasangkapan, muwebles at pananamit
hanggang sa malalaking bagay tulad ng agrikultural na desenyo, mga kotse, makina at iba pa.

2. di- material na kultura


-Binubuo ito ng mga norm, valyu, paniniwala at wika.
Norms
Folkways
Mores
Batas
Valyu
Paniniwala
Wika
Technicways

a. Norms
Tumtukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan. Tinatawag ng mga sosyolohista
ang norm na kumakatawan sa kung ano ang aktwal na ginagawa o ikinikilos ng isang tao na
ideyal at estandard na inaasahang ugaliin niya sa isang particular na sitwasyon.
Ang norm ay ideyang nasa isip ng bawat miyembrong isang grupo. Ang ideyang ito ay
nagsasabi kung ano ang dapat at inaasahang gawin sa isang sitwasyon. Ang ideyal na norm
ay mahalaga dahil nagpapaliwanag ito ng inuugali ng iiba at nakatutulong din ng malaki para
maunawaan ang mga ugaling ito.

b. Folkways
Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitignan ang magandang kapakanan
ng isang pangkat. Kung ang kultura raw ay sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan,
ang beheybyur ng mga tao ang pangunahing sangkap\sahog sa semento. Ang dahilan na ang
mga sosyolohista ay gumagamit ng terminong folkaways kaysa customs ay upang idiin na
ang mga ito ang mga katanggap-tanggap na beheybyur ng tao sa isang lipunan.

c. Mores
Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang ginagalang at
pinahahalagahan ng isang grupo. Kinakailangan at mahalaga para sa kapakanan ng isang
grupo ang pagsasabuhay ng pamantayang ito.

d. Batas
Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at
isinasabatas ng federal state o lokal na na awtoridad.

e. Valyu
Ito ay inaasahang pag-uugali o dapat gawin\kilos o ipakita.
Sa pangkalahatan, tumutukoy ito sa indibidwal na ideya ang kahalagahan ng
pangangailangan, at siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at imoral, ng mabuti at
masama, ng tama o mali, ng maganda, at pangit.

f. Paniniwala
Ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa
kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang dito ang pamahiin.

g. Wika
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay kolektibong
kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan.

h. Technicways
Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya. Naging
maliit ang mundo at nagkakaimpluwensyahan ng kulturadahil sa impluwensya na rin na
dala ng mga bagong kagamitan at pamamaraan ng pamumuhay. Ang technicways ay
kumakatawan sa klase ng pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran ng folkways at
norms.

You might also like