You are on page 1of 3

 ANO ANG KULTURA?

1. Ang kultura ay pasalin-salin na kaugaliang pamamaraan ng tao


2. Paraan ng pamumuhay
3. Pagkakakilanlan at pagkakaiba ng bawat pangkat
4. Paniniwala, karunungan, tradisyon, at mga sining
5. Nagbibigay kahulugan sa buhay ng isang pangkat

 MGA KATANGIAN NG KULTURA:


1. Natutuhan (Learned)
- May dalawang proseso ng pakikipag-interak ng tao sa isang lipunan:
a. Enculturasyon - isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at
maging bahagi siya ng kulturang iyon.
b. Sosyalisasyon - ito ay ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at
istandard na kultura.

2. Ibinabahagi (Shared)
- Nagsisilbing tulay upang magbigkis ang mga tao bilang kanilang pagkakakilanlan.

3. Naaadap (Adapted)
- Ang kultura ay umaayon sa kung ano ang takbo ng kondisyon ng kapaligiran na kinatitirhan
ng tao.

4. Dinamiko (Dynamic)
- Ang kultura ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon at sa pag-alpas nito sa bawat
henerasyon.

 MANIFESTASYON NG KULTURA. ANG MANIFESTASYON NG KULTURA AY ANG MGA BAGAY


NA SUMISIMBOLO SA PAGKAKAKILANLAN NG ISANG TAO.

1. Valyu
- Kahalagahan ng isang kultura.
- Ito’y naiimpluwensyahan ng kapangyarihan, istatus, relihiyon, katapatan at pag-ibig sa
bayan.

Hal. Ang Watawat

2. Di Berbal na Komunikasyon
- Kahulugan ng mga aksyon at ekspresyon na naglalarawan ng konteksto ng kultura.
- Ito rin ay ang repleksyon ng kultura.

Hal. Pakikipagkamay

3. Pagpapalayaw
- Ito ay ang pagpapaiksi o pagpapalit sa totoong pangalan
- Ang palayaw ay tinatawag ding pangalawang pangalan.
- Pagpapalayaw sa kanlurang bahagi ng daigdig ay karaniwang sobrang lapit sa totoong
pangalan
- Pagpapalayaw sa pilipinas ay ang pag-uulit ng pantig tulad ng Nene at Toto, at pagpapaiksi
ng pangalan tulad ng Bernadette 'Badet'

4. Pagbabansag
- Ito ay ginagawa upang matandaan o matukoy ang isang tao.
- Bansag ay ang katawagan o salita na sumisimbolo sa tinutukoy, ito ay salitang nag-
lalarawan, pandiwa or pang-uri at kadalasang idinudugtong sa pangalan ng tao.

Hal.
Florence Nightingale na binansagang “Lady with the lamp”
Zamboanga city na binansagang “Asia’s Latin city”

 MGA KOMPONENT NG KULTURA


a) Materyal na Kultura
- Ito ay tumutukoy sa mga materyal na objek na ginawa ng mga
taong may kakayahan sa paggawa ng mga kasangkapan na ginagamit ng mga tao mula sa
pinakasimple hanggang sa malalaking bagay gaya ng arkitektural na disenyo, mga kotse,
makina at iba pa.

b) Di-Materyal na Kultura

 ANO-ANO ANG MGA NAPAPABILANG SA DI MATERYAL NA KULTURA?


1. Norms - Ito ay tumutukoy sa karaniwan at pamantayan.
2. Folkways - Isa itong kaugalian na nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang mabuting
kapakanan ng isang pangkat.
3. Mores - Ito ay tumutukoy sa pamantayan ng kaasalan na iginagalang at pinahahalagahan ng
isang pangkat o grupo.
4. Batas - Ang batas para sa mga sosyolohista ay pormal at karaniwan na ginagawa at
isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad.
5. Valyu - Tumutukoy sa mga mabubuting pag-uugali na dapat tularan, gawin at maipakita.
6. Paniniwala - Ayon sa mga sosyologo, ito raw ay persepsiyon ng isang tao sa mga nangyayari
sa kanyang kapaligiran at mundo.
7. Wika - Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay kolektibong kaban ng
karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan.
8. Technicways - Ito ay pakikiangkop ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya.
Pagsususlit

1. Ang kultura ay pasalin-salin na _________ pamamaraan ng tao. (Kaugaliang)


2. Ang kultura ay nagbibigay ng ________ at pagkakaiba ng bawat pangkat. (Pagkakakilanlan)
3. Ito ay isa sa mga komponent ng kultura na binubuo ng mga kaisipan at damdamin (Di-
materyal na kultura)
4. Ito ay tumutukoy sa pamantayan na lubos na iginagalang at pinahahalagahan ng isang
grupo (Mores)
5. Ito ay ang kumakatawan sa ideyal o istandard na kilos na gagawin ng isang tao sa patikular
na sitwasyon (Norms)
6. Pormal at isinasabatas sa federal state o lokal na awtoridad (Batas)
7. Modernong lipunan na halos kabaligtaran ng folkway at norms (Technicways)
8. Ano ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa sosyal at istandard na kultura?
(Sosyalisasyon)
9. Ano ang bahagi ng kultura kung saan nagaakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa
isang tao, likas o teknolohiyal na resources? (Naadap (adapted))
10. Ano ang dalawang proseso ng pakikipag interak ng tao sa lipunan? (Enculturation at
Socialization)
11. Ano ang dalawang proseso ng pakikipag interak ng tao sa lipunan? (Enculturation at
Socialization)
12. Anong katangian ng kultura na may pagkakapareho sa Wika? (Dinamiko o Nagbabago)
13. Ano ang nakakapag padulot ng malaking pagbabago sa kultura? (Teknolohiya)
14. Ito ay ang kahalagahan ng isang kultura (Valyu)
15. Ito ay ang ito ay ang pagpapaiksi o pagpapalit sa totoong pangalan (Pagpapalayaw)
16. Ito ay ang katawagan o salita na sumisimbolo sa tinutukoy (Bansag)
17. Ito ay ang repleksyon ng kultura (Di Berbal na Komunikasyon)

18 – 20. (3pts) Base sa iyong natutunan, ano ang kahulugan ng kultura?

You might also like