You are on page 1of 28

KULTURA

Sa paksang ito, tatalakayin


natin kung ano ang tinatawag
na kultura at kung saan ito
nakikita.
Ang kultura ay ang pagsalin-
salin ng mga tradisyon ng isang
grupo ng tao o komyunidad. Sa
Pilipinas naman, ang kultura ay
pinaghalong mga tradisyon,
paniniwala, at pamumuhay ng
mga dayuhang sumakop at ang
mga katutubong Pilipino.
 kultura - katumbas na salitang
“kalinangan” na may salitang ugat na linang
(culture) at linangin (to develop/ to
cultivate ).
 ang kultura o kalinangan ay siyang
lumilinang at humuhubog sa pag -iisip, pag-
uugali at gawain ng tao ( Timbreza, 2008).
Sang-ayon kay Edward Burnett Tyloy na
tinaguriang Ama ng Antropolohiya, ang
kultura ay isang kabuuang kompleks na may
malawak na saklaw sapagkat kabilang dito,
ang kaalaman, paniniwala, sining.
 Ipinahayagni Leslie A. White, ang kultura ay isang
organisasyong phenomenal na sumasaklaw sa aksyon at
iba pang mga kasangkapan, ideya, kilos at valyu.

 Hudson (1980) - binigyang kahulugan ang kultura bilang


socially achieved knowledge.
 Ward Goodenough (2006) - Ayon sa kanya, ang kultura
ay naituturing na patterns of behaviour (way of life) at
patterns for behavior (designed for that life).
 Timbreza (2008) - Ang kultura ay kabuuan ng mga
natamong gawain, mga natutuhang huwaran ng pag-
uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang
panahon ng isang lahi o mga tao.
Ang mga awit, sining, kasabihan,
kagamitan, at mga selebrasyon ay ilan
rin sa mga bagay-bagay na bumubuo ng
tinatawag natin na “kultura“.

Ang lahat ng lugar sa mundo ay may


kani-kanilang kultura. Ito ang nag
sisilbing pagkakakilanlan ng isang
lugar.
may dalawang uri ng Kultura, ito
ang “Materyal” at “Di-Materyal“.

Ang materyal na kultura ay hango


sa tradisyonal at mga nililikhang
mga bagay-bagay ng etinikong
grupo. Ito ay nahahawakan at
konkreto.
Samantala, ang di-
materyal ay hindi na
hahawakan ngunit
nakikita sa mga gawain o
ugali ng mga tao sa isang
grupo.
MATERYAL
Kasangkapan
Pananamit
Pagkain
Tirahan

DI-MATERYAL

Edukasyon
Kaugalian
Gobyerno
Paniniwala
Relihiyon
Sining/Siyensya
Pananalita
Karamihan sa kultura ng Pilipino ay
nakuha mula sa mga Espanyol na
sumakop sa bansa. Subalit, kahit
matagal ang pagsakop nila sa Pilipinas,
ang kulturang Pilipino ay patuloy pa
ring makikita.

Halimbawa lamang nito ang bayanihan


o ang pag tulong sa kapwa. Isa rin dito
ang malaking pagpapahalaga ng
Pilipino sa pamilya.
KATANGIAN NG KULTURA

 Natutuhan ( Learned )
May dalawang proseso ng pakikipag-interak ng tao sa isang
lipunan : a) enculturasyon at b.) sosyalisasyon.

Ang enkulturasyon ay isang proseso ng pagkuha ng mga


katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng
kulturang iyon. Ang sosyalisasyon naman ay ang
pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at
istandard na kultura.
KATANGIAN NG
KULTURA
Ibinabahagi ( shared )
Naaadap (adapted)
Dinamiko (dynamic)
MANIFESTASYON NG WIKA

a.) Valyu - ito ay tumutukoy sa kung ano ang


karapat-dapat at nakabubuting ugaliin.
b.)Di-Berbal na Komunikasyon – Ang
pagpapabatid ng iba’t ibang paraan sa
pagkilos, pagkumpas, aksyon at ekspresyon
ay naglalarawan ng konteksto ng kultura.
MGA KOMPONENT NG KULTURA

a.) Materyal na Kultura - Ito ay tumutukoy sa mga materyal


na objek na ginawa ng mga taong may kakayahan sa paggawa
ng mga kasangkapan na ginagamit ng mga tao mula sa
pinakasimple hanggang sa malalaking bagay gaya ng
arkitektural na disenyo, mga kotse, makina at iba pa.

b.) Di-Materyal na Kultura - Ito ay binubuo ng mga norms,


valyu, paniniwala at wika.
Norms -Ito ay tumutukoy sa karaniwan at
pamantayan.

Folkways – isa itong kaugalian na nakikita sa isang


sitwasyon na tinitingnan ang mabuting kapakanan ng
isang pangkat.

Mores – ito ay tumutukoy sa pamantayan ng kaasalan


na iginagalang at pinahahalagahan ng isang pangkat
o grupo. Batas – Ang batas para sa mga sosyolohista
ay pormal at karaniwan na ginagawa at isinasabatas
ng federal state o lokal na awtoridad.
 Valyu - tumutukoy sa mga mabubuting pag -uugali
na dapat tularan, gawin at maipakita.

 Paniniwala – Ayon sa mga sosyologo, ito raw ay


persepsiyon ng isang tao sa mga nangyayari sa
kanyang kapaligiran at mundo.

 Wika – ( Tingnan ang kahulugan nito sa mga


naunang pahina ).

 Technicways – ito ay pakikiangkop ng lipunan sa


mga pagbabagong dala ng teknolohiya.
KULTURA AT ANG GRUPO
May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat na
ang anumang kultura ay :

1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na


pangangailangan ng grupo upang mabuhay.
2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag
-adjust o makikibagay sa sitwasyon ng kapaligiran.
3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel
upang makapag -interak ang bawat miyembro ng isang
pangkat at maiwasan ang anomang alitan.
PANDAIGDIGANG HULWARAN NG
KULTURA ( Universal Patterns of Culture
)
Ang bawat lugar ay may iba-ibang kultura subalit may mga
kulturang komon at makikita sa mga grupo sa bawat lipunan.
Universal pattern of culture ang tawag sa unipormidad na
ito. Ang lahat ng ginagawa na may kaugnayan sa wet rice
agriculture sa Pilipinas ay halimbawa ng hulwaran ng kultura.
Ayon sa isang amerikanong antropolohista na si Wi nsker, ay
siyang unang nagbigay ng kahulugan sa universal pattern of
culture. Dagdag pa niya, ang lahat ng tao sa mundo ay may :
1. Wikang ginagamit sa pagsasalita.
2. Kulturang materyal tulad ng ;
a.Kinasanayang pag-uugali sa pagkain.
b. Pamamahay
c. Transportasyon
d. Kagamitan / kasangkapan
e. Pananamit
f. Sandata
g. Trabaho at industriya
MGA ALTERNATIBO

Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang


sinusunod at mayroon ding hindi sinusunod na
tinatawag na alternatibo. Ang isang
indibidwal ay may opsiyong mamili o
kalayaan ng kung ano ang sa tingin niya ay
tama at nakabubuti para sa kanyang
kasiyahan.
PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING
KULTURA AT KULTURA NG IBA

Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling


kultura ng iba ay maaari niyang ibatay sa mga
sumusunod ;
a. Noble savage
b. Etnocentrism
c. Cultural Relativity
d. Xenocentrism
KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG
TAO

Polychronic – sa ibang kultura, may mga


taong gumagawa ng isang bagay o gawain
nang sabay sabay.

Monochronic – dito, ang isang indibidwal ay


gumagawa ng trabaho nang paisa -isa.
KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA
HOFSTEDE AT TRIANDS
Ang katangiang komunikatibo – individualist at collectivist
ayon kay Hofstede (1984) ay maaaring uuriin sa dalawa :
Individualist (sarili lang ang iniisip kung ano ang mahalaga)sa
kanya.
Collectivist(mahalaga ang damdamin d o nararamdaman ng
iba.)
Bukod sa nabanggit, inuri naman ni Triands (1990) ang
katangiang komunikatibo allocentric bilang at idiocentric .
Allocentric(iniisip ng isang indibidwal na mahalaga para sa
kanya ang iba ) Idiocentric( sarli lamang ng isang tao ang
mahalaga )
Pakikitungo at pakikipamuhay

Ang Konsepto ng Kapwa at Pakikipagkapwa

https://dokumen.tips/documents/ang-konsepto-ng-kapwa.html
Kultura ng pakikisama

 https://www.coursehero.com/file/p51rbt5v/Ilang-bahagi-ng-mabuting-
Pakikisama-BUSILAK-Sa-pakikisama-ipadama-ang-iyong/
Konsepto ng hiya

 https://www.researchgate.net/publication/
329306231_Hiya_Daan_at_Kakayahan_sa_Pakikipagkapwa
Konsepto ng pamilyang Pilipino

 http://
www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino/Pamilyang%20Pilipin
o.html
 https://
www.academia.edu/35527565/Ang_Konsepto_ng_Pagpaparaya_para_sa_Pang
anay_na_Anak_sa_Isang_Pamilyang_Pilipino
 https://prezi.com/p/uq3ur83tonq5/ibat-ibang-uri-ng-pamilya/?fallback=1
Konseptong bahay-kubo, sari-
sari store atbp.
 https://www.coursehero.com/file/110210810/5Konsepto-ng-Bahay-kubo-at-S
ari-sari-Storedoc
/
 https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

You might also like