You are on page 1of 2

NAME: CAMAR, FATMATU ZUHRA

2.5 PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (UNIVERSAL PATTERN OF


CULTURE)
Ayon kay Winsker, isang Amerikanong antropolohista at unang nagbigay ng kahulugan sa
universal pattern of culture, ang lahat ng tao sa mundo ay may:
 Wika at pananalita
 Materyal na kultura
 Kasanayang pag-uugali sa pagkain
 Pamamahay
 Transportasyon
 Kagamitan
 Pananamit
 Sandata
 Trabaho at industriya

2.6 MGA ALTERNATIBO


Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaring hindi
sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng bawat
isa ay nakapagdulot sa kanya ng kabutihan at kasiyahan.

2.7 PAGTINGIN NG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG IBA


1. NOBLE SAVAGE – Dito, tanggap ng tao kung ano siya. Hindi niya ikinakahiya kung
ano siya.
2. ETHNOCENTRISM – Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at
nakakahigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi ito dapat gayahin
ng iba.
3. CULTURAL RELATIVITY – Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitignan ang
lahat ng kultura bilang pantay-pantay. Ito ay kabaligtaran ng ethnocentrism.
4. XENOCENTRISM – Ito ay ang pagmamahal sa mga imported na bagay.
2.8 KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG TAO
 POLYCHRONIC: Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o
gawain nang sabay-sabay.
 MONOCHRONIC: Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho.
2.9 KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA HOFSTEDE AT TRIANDS
 HOFSTEDE (1984)
1. INDIVIDUALIST: Sarili lang iniisip at mahalaga para sa isang tao.
2. COLLECTIVIST: Iniisip ng tao ang kapakanan at pag-unawaan ng lahat.

 TRIANDS (1990)
1. ALLOCENTRIC: Iniisip ng isang tao na mahalaga para sakanya ang iba.
2. IDIOCENTRIC: Nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng isang tao ang
mahalaga.

You might also like