You are on page 1of 3

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

PANIMULA

Sa kultura nasasalamin ang mga paniniwala, kaugalian, at mga


nakasanayang gawain ng mga tao. Itinuturing ang kultura bilang yaman ng
isang bayan. Ito ay napagkasunduan ng mga taong nabibilang sa isang
lipunan at itoy patuloy na nalilinang sa paglipas ng panahon. Ayon kay
Rubrico (2009), ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa
isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay
hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay at iba pang mga bagay na
nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at
adhikain.

Idinagdag pa ni Santiago (1979), na ang kultura, sa payak na


kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat
ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. Bawat pangkat ng mga
taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling
kultura. Sa pamamagitan ng kultura ay nakikilala ang bawat indibidwal na
nabibilang sa isang partikular na pangkat. Dahil sa kultura ay matutukoy ang
pagkaka-iba-iba ng mga tao. Sa kultura, makikita ang mga nakaimbak na
karunungan ng isang lahi na siyang iniingatan upang maisabuhay pa ng mga
susunod na henerasyon.

Sa paglipas ng panahon, ang mga kulturang nakasanayan ay unti-unti


ng nagbabago at naglalaho dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang kaisipan at
paniniwala ng mga tao. Naniniwala ang mga tao na mas nakakaaya ang mga
kulturang napapanahon o sabay sa uso. Dito na pumapasok ang Kulturang
Popular. Ang kulturang Popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao
para maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makapangyarihang tao,
kumpanya at bansa. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama
sa mga tao na tanggap sila sa modernismo. Dahil dito, ginagawa ng tao ang
lahat ng kanyang makakaya upang makasabay at hindi mawala sa uso,
sapagkat ang pagtangkilik sa mga kulturang ito ang siyang paraan upang silay
maging katanggap-tanggap sa lipunang kinabibilangan.

Sa bawat pook ay masasabing may mga kulturang popular na


tinatangkilik ng mga mamamayang napapabilang dito. Mga kulturang
karaniwan nang nakikita dahil itoy nakasanayan na at napagkasunduan ng
mga taong may isang lipunang ginagalawan. Isa na rito ang Bus Terminal at
Jeep Terminal kung saan maraming mga ibat ibang kultura ang matatagpuan
at ibat ibang tao ang matutunghayan na may sariling paniniwala ngunit
nagsasama sa isang lipunan at natututong makipagsalamuha sa kapwa.
Kayat upang malaman ang mga partikular na kulturang matatagpuan sa
naturang establisyemento ay magkakaroon ang mga mananaliksik ng isang
obserbasyon upang makalap ang mga kinakailangang datos. Layunin din ng
papel na ito na matukoy ang materyal at di-materyal na kultura sa mga
naturang establisyemento.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga kulturang


partikular sa Bus Terminal (Bulaong City Terminal) at Jeep Terminal na
matatagpuan sa Centro, Uhaw, General Santos City at terminal ng jeep sa
loob ng Mindanao State University.

Nais din masagot ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na


katanungan:

A. Ano-ano ang mga kulturang partikular sa terminal ng bus na matatagpuan


sa Bulaong City Terminal? Terminal ng jeep sa Centro, Uhaw at terminal
ng jeep sa loob ng Mindanao State Univesrity?
B. Ano-ano ang mga materyal at di-materyal na kultura sa Bulaong City
Terminal? Terminal ng jeep sa Centro, Uhaw at terminal ng jeep sa loob
ng Mindanao State Univesrity?

C. Ano ang pinakapopular na kultura sa mga naturang establisyemento?\

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga materyal at di-materyal na


kulturang matatagpuan sa Bus Terminal at Jeep Terminal sa Lungsod ng
Heneral Santos. Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Bulaong City Terminal at
sa mga terminal ng jeep na matatagpuan sa Centro, Uhaw, Fatima, General
Santos City at sa terminal ng jeep na matatagpuan sa loob ng Mindanao
State University-GSC. Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa pinaka-popular na
kultura na matatapuan sa mga naturang establisyemento.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

You might also like