You are on page 1of 2

Kultura

- Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalianng isang
pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
- Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sakanilang
kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at
ibapang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico,
2009)
- Isa ang Pilipinas sa mga bansang may napakayamang kultura dahil sa mga natatanging kaugalian
at tradisyon mula noon hanggang ngayon. Ang Kulturang Pilipino ang sumasalamin sa nakaraan.
Mula sa mga bagay na ginagamit ngayon sa pang-araw-araw hanggang sa mga bagay na
dinadaan-daanan lamang, lahat ng ito ay bahagi ng mga kultura ng Pilipino.
- Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging
sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na
“Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang asal nila. Dito mo masasabi na
talagang pinag-iingatan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kultura. (Fernando, 2021)
- Maraming sagot sa tanong na kung bakit mahalaga ang kultura. Pero ang dapat mas tandaan ay
mahalaga ang kultura dahil ito ang nagpapakilala sa kasaysayan at kaugalian ng bawat grupo o
pangkat etniko.

Dalawang Uri ng Kultura:


 Materyal na Kultura
 Di-Matreyal na Kultura

Materyal na Kultura
 Binubuo ngmateryal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang
dito ang mgakasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain.

Di-Materyal na Kultura
 Ito ay mga kaugalian, tradisyon,panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, at pamahalaan
at hanap-buhay.

Mga Kulturang Pilipino:


1. Kultura ng Pamamanata sa Poon (Devotion to the Patron Saint)
2. Kultura ng pagdidiwata (Harmony with the Spirit World)
3. Kultura ng Pag-uuma at Pag-uukir (Devotion to Islam and the Arabesque in Art)
4. Kultura ng Pananahan (Devotion to the Home and Family)
5. Kultura ng Pag-aaliw (Culture of Entertainment)
6. Kultura ng Pagtutol (Protest Against Social Ills)
7. Kultura ng Pagkabansa (Culture of Nationhood)

SOURCES:
o https://www.scribd.com/doc/202499893/Ang-Relasyon-Ng-Wika-at-Kultura
o https://www.zenrooms.com/blog/post/kulturang-pilipino/
o National Commission for Culture and the Arts (NCCA)

You might also like