You are on page 1of 16

Kabanata I

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang kultura ay salamin ng buhay. Nasasalamin ito ang pagkakakilanlan ng mga

tao at ang kanilang pinagmulan. Ito ay sumasalamin sa paniniwala, pagpapahalaga,

pananaw, kagamitan, kasuotan, pagkain at mga bagay na nakaugalian nang gawin ng mga

tao. Sa pamamagitan ng kultura ay nakikilala natin ang tunay na mukha ng mga tao.

Nakikita natin ang paraan at uri ng kanilang pamumuhay gayundin ang mga tradisyon at

pag-uugaling ipinamana ng kanilangmga ninuno mula sa sinaunang panahon hanggang sa

kasalukuyan.

Ang kultura ay kabuuan ng mga paniniwala, tradisyon, kaugalian at

pagpapahalagang moral na natutunan mula sa mga ninuno at sa mga nakakasalamuhang

tao sa kinabibilangang lipunan. Ito rin ay pagsalin-salin ng mga pananaw, kasabihan,

wika, sining, panitikan at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar mula sa ninuno

hanggang sa bagong henerasyon. Mahalagang malaman ng mga tao ang kultura ng isang

lahi maging ang paniniwala, identidad, kaugalian at wikang nakapaloob mula rito upang

mabigyan ng malalim na pag-unawa at respeto sa kulturang mayroon sila at upang

maiwasan ang pangungutya sa kanilang kalinangan.

Ang kultura ay kabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan. Ang pananaw na

ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na

nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap


sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay may

kinagisnang kultura na siyang nagtuturo sa kaniya sa mga papel na dapat niyang

gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisasagawa sa pamaraang maituturing na

kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kaniyang sandigan at gabay sa kaniyang

paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay (Acosta et al, 2016).

Ayon kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng

pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa ng mga tao sa

pang-araw-araw na pamumuhay mula sa paggising hanggang sa bago matulog ay bahagi

ng kanilang kultura. Pinatunayan din ni Panopio (2007), na ang kultura rin ay kabuuang

konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang

kabuuang gawain ng tao.

Ang kultura rin ay tumutukoy sa paniniwala, kaugalian, at mga materyal na bagay

na sama-samang bumubuo sa pamamaraan ng pamumuhay ng tao. Kabilang din sa

kultura kung paano mag-isip at kung paano gumalaw, at ang mga bagay na mayroon sa

mga kabilang sa kulturang iyon (Soynika, 1991 sa Macionis, 2003).

Ilan sa mga elemento ng kultura ay ang pagpapasa ng mga nakagawian, pag-iisip

o kaalaman, paniniwala at kaugalian ng isang partikular na grupo ng mga tao o

pamayanan sa sususnod na henerasyon. Ang iba’t ibang elemento ng kultura ay nahati sa

dalawang uri: Materyal na kultura at di materyal na kultura. Ang materyal na kultura ay

ang mga bagay na nakikita, nahahawakan sa pisikal na anyo nito tulad ng damit, tirahan,

pagkain, kasangkapan, gusali at alahas. Samantala, ang di-materyal na kultura naman ay

ang mga bagay na nagpasalin-salin sa iba’t ibang panahon. Ito ay kinabibilangan ng mga
kaugalian, tradisyon, panitikan, wika, relihiyon, pamahalaan, hanap-buhay, awit, pagkain

at paniniwala. Kabilang dinsa di-materyal na kultura ang sayaw (Demerin, 2012).

Ang sayaw ay isang kultura na nagpasalin-salin mula sa mga ninuno. Ang sayaw

ay tumutukoy sa lahat ng kilos at galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng

pagpapahayag ng damdamin at saloobin. Ang emosyong ipinapahayag nito ay maaring

kagalakan, pasasalamat at masidhing ligaya ngunit kung minsan ay pagkagalit,

pagkapoot, kalungkutan at paghihiganti. Ito ay kadalasang sinasaliwan ng musika anupat

maaaring mabagal, maalumanay o mabilis. Ito ay itinatanghal saisang tagpuan o

tanghalan. Ang pagtatanghal ng sayaw ay maaaring kapapalooban ng iba’t ibang

kostiyum, instrumento at aksesorya.

Ang sayaw ay isang uri ng sining at pagwiwika na dumadaloy hindi lamang sa

ating kultura kundi’y pati na rin sa sangkatauhan. Wala man tayong kapasidad na

intindihin ang mga tunog ng mga ibon, kaya naman nating unawain ang mga ito sa

pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa kanilang galaw. Tulad din nito, bago nalinang

ng ating mga ninuno ang kasanayang panglinggwistika, ginamit muna nila ang

pangkatawang pagwiwika o kanilang mga galaw upang ihatid ang kanilang mga mensahe

at nais sabihin. Ipinapakita nila ang kanilang galit, pag-asa at pagmamahal sa

pamamagitan ng galaw. Hanggang ngayon, ginagawa pa rin natin ito. Ang sayaw ay parte

na ng ating buhay at patuloy na makikipamuhay sa atin. Anuman ang lenggwahe na

ginagamit natin sa pagsasalita, alinman ang tinatawag nating tahanan, mahahanap natin

ang pagkakapantay-pantay at pagkakatulad sa pamamagitan ng sayaw (Fabro et al, 2015).

Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura pagdating sa sayaw. Ang katutubong sayaw

ng bansa ay kakikitaan ng makukulay at nakakaanyayang indak na ititanghal sa


kapistahan. Ang katutubong sayaw ay ang pagpapahayag ng iba’t ibang saloobin at

damdamin. Ito’y isang uri ng pagpapakita ng matinding kaligayahan at kung minsan ay

pakikipaglaban. Gumagawa ang mga tao ng iba’t ibang galaw at direksyon ng katawan

gaya ng pagkilos ng kamay at mga paa. Sa pagsasayaw ay nakakadama tayo ng

kaginhawaan at narerelaks ang buong katawan. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay

hindi pa rin nawawala ang tradisyong kinagisnan (Lubiano 2005). Isa sa tanyag na

katutubong sayaw ng bansa ay ang Singkil na kung saan itinatanghal tuwing

pagdidiriwang at mga kapistahan. Itinatanghal ng kadalasang pambabaeng sayaw lamang.

Ang singkil ay nagsisilbi bilang isang patalastas sa kaniyang manliligaw o

mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang babaeng mananayaw sa

nagbabagaang mga kawayan na nakaayos na nakahanay o nakakrus habang ginagamit

ang kaniyang pamaypay at panyo (Alongalong, 2010). Ang Tadek naman ay isang

katutubong sayaw sa Pilipinas. Ito ang pangkalahatang sayaw ng mga Igorot sa

bulubunduking Cordillera na itinatanghal sa mga pagdiriwang na tulad ng anihan, kasal,

kapanganakan, pagtigil ng alitan, matagumpay na paglalakbay, paggunita sa mga

nakaraang mahahalagang pangyayari at bilang pagsuyo ng lalaki sa babae. Natatapos ang

sayaw sa paglalapit ng dalawang mananayaw sa isa’t isa, pagyuko, at pagbubuklod ng

mga kamay (Ferlin, 2012).

Ang katutubong sayaw ng Pilipinas ay naiiba sa katutubong sayaw ng ibang

bansa. Naiiba ito sa pag-uugali, uri ng pamumuhay, tradisyon at kagamitan na makikita sa

iba’t ibang pangkat etniko ng bansa. Isa sapangkat etniko sa Pilipinas na may mayamang

kultura at naiiba pagdating sa sayaw ay ang Kankana-ey. Ang mga Kankana-ey ay

kanilang sa organisasyon na tinatawag na “indigenous people” na naninirahan sa


bulubundukin ng Cordillera at Rehiyon ng Ilocos. Ang tawag na Kankan-ey ay nagmula

mismo sa kanilang sariling lengguwahe na Kankana-ey na nanggaling sa lengguwaheng

“Austronesian.” Ang “Austronesia” ay pinaghalu-halong lengguwahe ng mga bansang

pininiwalaang pinagmulan ng mga salita o wika dito sa Pilipinas. Ito ay ang mga bansang

Indonesia, Malaysia, Melanesia, Micronesia at Polynesia. Ang mga Kankana-ey ay naiiba

sa kanilang pananamit. Ang tradisyunal na damit ng mga babae ay tinatawag na palingay

o tapis at ang kanilang palda ay tinatawag na bakget at gating. Ang bahag naman na

sinusuot ng kalalakihan ay tinatawag itong wanes. Ang mga Kankan-ey ay mahiyain at

mapagsarili ngunit konserbatibo sa kanilang mga kaugalian, tradisyon, at pamamaraan.

Ang kanilang kagamitang pang-musika ay mga tambol at gong na may iba’t ibang tawag.

Ginagamit nila ang mga ito upang tumugtog sa mga ritwal na ipinagdiriwang. Ginagamit

din nila ang tal-lak, mga instrumentong gawa sa kahoy. Ang kanilang pamumuhay at

pamamaraan ng pananalita ay naiiba sa ibang pangkat etniko. Ang kanilang tono at

intonasyon ay mabigat sa pagbigkasng mga salita ngunit ang mga Kankana-ey mula sa

hilagang Benguet ay malumanay sa pagbigkas ng mga salita (Licayo, 2008).

Ang Kankan-ey ay isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Lalawigang

Bulubundukin ng Hilagang Luzon kabilang dito ang ilang bayan ng lalawigan ng

Benguet. Isa sa lalawigang pinaninirahan ng mga Kankan-ey ay lalawigan ng La Union

partikular na sa bayan ng Santol. Ang bayan ng Santol, La Union ay isa sa lugar sa

Pilipinas na lunduyan ng kulturang Kankana-ey partikular na sa barangay Puguil na nasa

ituktok ng bundok. Ang kahulugan ng Puguil ay “Malayong Silangan.” Ito ang

pinakamalawak na barangay ng Santol, La Union pagdating sa sukat ng lupain nito.

Binubuo ito ng labing-isang sityo na kinabibilangan ng Bago, Binatadan, Bilagan,


Bangkudo, Tarungan, Liguay, Maggew, Deccan, Nayba, Tayyan at Taquilong. Ang

mamamayan na nanirirahan dito ay pawang purong Kankanaey, maliban na lamang sa

mga taong nailahok bunsod ng pag-aasawa. Sa ngayon, ang Puguil ay isa sa maunlad na

barangay sa Santol pagdating sa imprastraktura. Ngunit ang kanilang katutubong sayaw

ay unti-unti nang naglalaho at hindi na nabibigyan ng pansin dahil na rin sa mga

umuusbong na modernong sayaw na siyang kinahuhumalingan ng kabataan tulad na

lamang ng “street dance.” Isa sa kultura mayroon ang Puguil, Santol, La Union na unti-

unting hindi nabibigyan ng pansin ay ang sayawing Tayaw.

Ang Tayaw ay katutubong sayaw ng kulturang Kankana-ey sa Puguil,Santol, La

Union. Ito ay natatanging sayaw na itinatanghal upang ipakita ang kanilang kasiyahan at

pasasalamat kung maganda ang kanilang ani sa kanilang bathala na si Kabunyan at kung

may nagamot mula sa malubhang sakit. Itinatanghal rin ito sa mga selebrasyon gaya ng

kapistahan, kasalan at burol. Ang mga nagsasagawa nito ay matatanda at magkapares na

lalaki at babae.

Kaugnay nito, upang lubos na maunawaan at magkaroon ng mas malalim na

kaalaman ukol sa Kulturang Kankan-ey partikular na sa sayawing Tayaw na isa sa

natatanging kultura ng Puguil, Santol, La Union, magsasagawa ang mga mananaliksik ng

pag-aaral tungkol dito. Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang pag-aralan ang

kulturang Kankan-ey upang malaman ang kultura ng isang lahi na kaiba sa kulturang

kinagisnan at upang magkaroon ng malalim na pag-unawa tungkol sa kanilang kultura

maging sa kanilang identidad, kaugalian, wika at paniniwala. Ito ang nagtulak sa mga

mananaliksik upang magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa kulturang Kankan-ey upang

magkaroon ng malawak na kaalaman sa kanilang kultura at maiwasan ang pangungutya


at deskriminasyon at higit sa lahat upang mabigyan ng respeto at mapreserba ang

kulturang mayroon sila. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa wikang nakapaloob sa

Tayaw bilang pagkilala sa kulturang Kankana-ey ng Puguil, Santol, La Union. Isasagawa

ang pag-aaral na ito upang lubusang makikilala at mapahalagahan ang kulturang salin ng

kanilang mga ninuno.

Mga Pinagbatayang Teorya

Ang mga sumusunod ang naging sandigan ng pag-aaral.

Ang Relatibismo sa Kultura ni Anderson (2004) ay ang pananaw na nagsasabi na

ang lahat ng moral at imoral na kaugalian ay may kaugnayan sa partikular na kultura.

Anumang bagay na katanggap-tanggap para sa isang pangkat ay itinuturing na tama ayon

sa kanilang kultura. Sa kabaligtaran, anumang bagay na imoral para sa kanila ay isang

kamalian. Kung gayon, ang Relatisbo sa Kultura ay ang pananaw na ang lahat ng

paniniwala, kaugalian at etika ay may kaugnayan sa kaniyang sariling konteksto sa

lipunan. Sa ibang salita, ang tama at mali ay partikular sa kultura; ang itinuturing na

moral sa isang lipunan ay maaaring ituring na imoral sa isa pa, at yamang walang umiiral

na unibersal na pamantayan ng moralidad, walang sinuman ang may karapatang hatulan

ang mga kaugalian ng ibang lipunan at ibang kultura. Mahalaga na malaman ang

kaugalian at kultura ng isang partikular na lugar upang maunawaan kung paano tingnan

ng mga tao sa partikular na kulturang yaon ang mga bagay na tama o mali para sa iba.

Sa pananaw naman ng Functionalist Theory ay nagsasasaad na ang lipunan ay

isang sistema na kung saan ang iba’t ibang parte nito ay nagkakaisang kumikilos para sa
pagkakabuo nito. Sa paraang ito, ang lipunan ay nangangailangan ng kultura para ito’y

lumitaw at mabuo. Ang nakagawiang pangkultural ay nagiging batayan para suportahan

ang pagkilos ng isang lipunan. Sa kabilang banda, ang pangkultural na pagpapahalaga

naman ay kumikilos para gabayan ang mga tao sa paggawa ng mga desisyon. Kasabay ng

mga miyembro ng lipunan na nagtutulungan para maisakatuparan ang pangangailangan

ng lipunan, ang kultura rin ay lumilitaw para matugunan ang pangangailangan ng mga tao

(Fabro et al, 2016).

Ayon naman sa Teoryang Esrukturalismo, ito ay isang metodo sa pag-unawa ng

wika, naratibo at mga kultural na penomina na nagpapatingkad sa mga batayang

elemento na lumilikha ng anyo at estruktura na kung minsan ay binary opposition o ang

dalawang paniniwala na magkasalungat. Idinagdag pa na ang teoryang ito ay isang

metodolohiya na kailangan pag-aralan ang elemento ng kultura ng tao sa pamamagitan ng

kanilang relasyon sa mas malawak na sistema at estruktura. Ito ay ginagamit upang

maunawaan ang paraan ng pag-iisip at pag-uugali ng tao (Robespierre, 2005).

Ang Teoryang Kultural naman ay ang terminong ginamit sa iba’t ibang

pagtatangka sa pagbuo at pag-unawa sa pagbabago ng kultura. Ito ay nagsasaad na ang

kultura ay isang ganap at buong pamamaraan ng pamumuhay ng tao. Ayon pa rito, ang

buhay ay umiikot sa kultura kung kaya’t ang buhay at katauhan ng tao ay nasasalamin sa

kaniyang kultura. Ang kultura ay nagsisilbing pinto upang maunawaan at makita ang

kaugalian at paniniwala ng isang tao. Sa madaling salita, ang kultura ay nagiging parte sa

pagbuo ng pagkatao ng isang indibidwal (Lustig, 2013).


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong dalumatin ang wikang nakapaloob sa

katutubong sayaw na Tayaw bilang pagkilala sa Kulturang Kankana-ey ng Puguil, Santol,

La Union. Ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang kahulugan ng Tayaw para sa mamamayan ng Puguil, Santol, La

Union sa;
a. pamilya
b. komunidad
c. pamumuhay?
2. Anong wika ang nakapaloob mula sa;
a. kasuotan
b. kagamitan
c. sayaw?
3. Sa anong paraan naipapakita ang kahalagahan ng Tayaw sa kultura ng Kankana-

ey sa;
a. kaugalian
b. identidad
c. Paniniwala?

Depinasyon ng Terminolohiya

Ang materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal

tulad ng kasuotan, tirahan, pagkain, kagamitan, kasangkapan, gusali at alahas.

Ang di-materyal na kultura ay binubuo ng mga kasipan at damdamin tulad ng

edukasyon, kaugalian, tradisyon, panitikan, wika, relihiyon, pamahalaan, hanap-buhay,

awit, pagkain, paniniwala at sayaw.


Austronesia ay pinaghalu-halong lengguwahe ng mga bansang pinanawila ang

pinagmulan ng mga salita o wika dito sa Pilipinas.

Bagket o Gating ay ang tawag sa tapis o palda ng mga Kankaney.

Kankana-ey ay ang mga indigenous people o katutubong tao na naninirahan sa

bulubundukin ng Cordillera at Rehiyon ng Ilocos.

Katutubong sayaw ay sayawing ipinamana ng mga sinaunang ninuno hanggang sa

kasalukuyang panahon na kung saan dito ipinapahayagang iba’t ibang saloobin at

damdamin

Palingay o Tapis ay ang tawag sa tradisyunal na damit ng mga babaeng Kankan-

ey.

Puguil, Santol, La Union ay ang mga katutubong Kankan-ey na napiling

partisipante ng pag-aaral na siyang pagkukunan ng mga datos at impormasyon.

Singkil ay isang katutubong sayaw ng Pilipinas na itinatanghal tuwing

pagdidiriwang at mga kapistahan.

Street Dance ay ang modernong sayaw na kinahuhumalingan ng kabataan.

Tadek ay ang pangkalahatang katutubong sayaw ng mga Igorot sa bulubunduking

Cordillera na itinatanghal sa mga pagdiriwang na tulad ng anihan, kasal, kapanganakan,

pagtigil ng alitan, matagumpay na paglalakbay, paggunita sa mga nakaraang

mahahalagang pangyayari at bilang pagsuyo ng lalaki sa babae.

Tal-lak ay instrumentong ginagamit ng mga Kankana-ey na gawa sa kahoy.

Tambol at Gong ay ang kagamitang pang-musika ng mga Kankana-ey na may

iba’t ibang tawag at ginagamit upang tumugtog sa mga ritwal na ipinagdiriwang.


Tayaw ay ang katutubong sayaw ng kulturang Kankana-ey sa Puguil, Santol, La

Union na nagpapakita ng kasihayan at pasasalamat kung maganda ang kanilang ani at

kung may nagamot na kamag-anak mula sa sakit.

Wanes ay ang tawag sa bahag na sinusuot ng mga lalaking Kankana-ey.

Wika ay ang simbolismo o representasyong nakapaloob sa mga kasuotan at

kagamitan na ginagamit sa pagtatanghal ng sayawing Tayaw.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na makapagbibigay ng bagong kaalaman sa iba’t ibang

paaralan, organisasyon at institusyon. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga

sumusunod:

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa pangkat etnikong Kankan-ey, upang

mas maipagmalaki nila ang kanilang Kultura at hindi ito ikahiya. Isa sa kahalagahan nito

ay upang matutunan nilang mahalin ang sarili nilang kultura at huwag itong hayaang

mamatay bagkus ay patuloy itong linangin at isagawa.

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mamamayan ng Santol, La Union upang

mapalawak ang kanilang kaalaman sa kulturang Kankana-ey at mapahalagahan pa ito ng

higit.

Mahalaga rin ang pananaliksik na ito para sa Lokal na opisyal at pamahalaan

ng Puguil, Santol, La Union upang makagawa ng programa para mapangalagaan at

maisulong ang pagkakakilanlan ng Kankan-ey.


Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa National Commission on Indigenous

(NCIP) upang magkaroon sila ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Kulturang

Kankan-ey at gumawa ng programa upang mapanatili at mapreserba ang kultura.

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa Department of Tourism (DOT) upang

gawing tourist spot ang kalinangang Kankana-ey.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong din sa mga guro upang mas mapalawak

ang pag-unawa nila tungkol sa pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat mag-aaral at upang

makabuo ng estratehiya para sa kanilang pagtuturo.

Makakatulong din ang pag-aaral na sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng

ideya at mas malalim na pag-unawa tungkol sa kulturang ito upang sa gayon ay

maiwasan ang pangungutya ukol sa kulturang ito.

Ang pag-aaral na ito rin ay makakatulong sa mga magulang upang sila ay

mamulat na ang bansa ay may iba’t ibang kultura at magkaroon ng malawak na kaalaman

tungkol sa kulturang iba sa kanilang kinagisnan, upang matutunan nila itong mahalin at

irespeto gayundin upang maisalin sa kanilang mga anak ang kaalamang ito.

At higit sa lahat, mahalaga ang pananaliksik na ito para sa mga susunod na

mananaliksik upang magkaroon sila ng batayan para sa paggawa nila ng pananaliksik na

may kaugnayan sa kulturang Kankana-ey.


Kabanata II

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay palarawan

at kwalitatibong pananaliksik. Ang palarawan ay isang disenyo na kung saan pinag-

aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao (Galvez 2014).
Samantala, ang kwalitatibo ay isang kategorya ng pananaliksik na nagbibigay-diin sa

kahulugan ng mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay ng tao. Ito ay ginagamit

upang makakuha ng kaalaman sa umiiral na suliranin, kuro-kuro at pagganyak (Wyse,

201). Kung gayon, ang pakikipanayam ang gagamiting paraan ng mga mananaliksik sa

pangagalap ng datos upang makuha ang mga impormasyon tungkol sa sayawing Tayaw

na siyang pokus ng pag-aaral. Gagamitin din ang obserbasyon para sa pagbibigay ng

kahulugan sa impormasyong makakalap.

Pinanggalingan ng mga Datos

Ang napiling lunsaran ng pananaliksik na ito ay ang barangay ng Puguil, Santol,

La Union. Ang mga partisipanteng pipiliin ay ang mga katutubong Kankan-ey na maalam

sa kanilang kultura. Kabilang dito ang sampung matatandang katutubong Kankan-ey na

maalam sa kanilang katutubong sayaw na Tayaw. Kasama rin sa partisipante ang punong-

barangay ng Puguil, Santol, La Union, tatlong kagawad, ang punong guro ng Santol

Vocational School (Liguay Annex), limang guro at sampung mag-aaral ng nasabing

paaralan. Isa rin sa mananaliksik ay taga-rito at kabilang sa Kulturang sinasaliksik kaya

naman, napili ng mga mananaliksik ang lugar na ito bilang lunsaran ng pag-aaral upang

mas lalo nilang maunawaan at makilala ang kulturang kanilang kasamahan na iba sa

kalinangang kanilang kinalakhan.

Ang pananaliksik na ito ay sinimulan noong buwan ng Agosto at inaasahang

matatapos sa buwan ng Disyembre.


Instrumento at Pamamaraang Ginamit

Ang paraan ng pangangalap ng datos ay sa pamamagitan ng pormal at impormal

na pakikipanayam sa mga mamamayang Kankan-ey na maalam sa kanilang kultura

partikular na sa sayawing Tayaw. Gagamitin din ang focused discussion, obserbasyon,

pagkuha ng mga larawan, pagkuhang video at dokumentasyon.

Ang mga mananaliksik ay personal na bibisita sa Puguil, Santol, La Union upang

magsagawa ng panayam sa mga mamamayang Kankana-ey na maalam sa kanilang

kultura. Hihilingin ng mga mananaliksik sa mga matatandang Kankan-ey na isagawa ang

sayawing Tayaw upang mapanood ng mga mananaliksik kung paano ito isinasagawa.

Ang isasagawang sayaw ay lilikomin sa pamamagitan ng video tapes. Kukuhanan din ng

mga larawan ang lahat ng aktibidad na isasagawa sa pangangalap ng datos at

impormasyon.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga datos at impormasyong makakalap ay iisa-isahin na bibigyan ng

kahulugan o interpretasyon saan?. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga Talahanayan,

isa-isang bibigyang kahulugan ang mga wika o simbolismo na nakapaloob sa sayawing

Tayaw.

Ang mga interpretasyon at mga datos na bibigyan ng kahulugan ay ipapabalido sa

mga taong mas maalam sa kulturang Kankan-ey.


for Data Analysis

Data gathered were processed following statistical tools and techniques. The raw

data were tallied and presented in tables in an effort to present the data accurately.

Microsoft excel will be utilized to analyze and interpret the findings of the study.

Frequency count and percentages were used to treat the data on profile of the teachers,

mean was used to determine the competence of teachers along instruction, research and

extension, Pearson r is used to determine the relationship between variables while

regression analysis was utilized to determine predictors of students’ performance.

Data analysis toolbar was used to facilitate the treatment of data.

You might also like