You are on page 1of 18

TALAAN NG NILALAMAN

MGA DAHON PAHINA

Kabanata I Kaligirang Pangkasaysayan

Layunin ng pag-aara

Kahalagahan ng pag-aaral

Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral

Mga terminong ginamit

Kabanata II Kaugnay ng pag-aaral at literature

Kaugnay ng pag-aaral

Kaugnay na literature

Batayang teoritikal

Balangkas ng Pag-aaral

Kabanata III Metodolohiya

Disenyo ng pag-aaral

Pagpili ng impormante

Lokal ng pag-aaral

Paraan ng pagtitipon ng mga datos

Talasanggunian

KABANATA I
KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus ang konsepto na siyang salamin sa

kultura at ang Panubad ng Manobo Tenananen ay isang linggwistiko at

komunikatibong pagkilos. Isa sa pangkalahatang produktong repleksyon sa mga

ideya, pananaw, tradisyon at kultura ng mga Manobo Tenananen.

Ang Manobo ay isa sa mga pinakamatandang tribo ng ating bansa na dapat

na ipagmalaki sapagkat mayaman ang kanilang kultura na sana'y naipasa sa

bawat Pilipino. Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao'; ikalawa ito raw

ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na

nangangahulugang 'tao' at 'suba' na ang ibig sabihin ay'ilog', sa madaling salita

ang salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog" sapagkat karamihan

sa kanila ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog .Ang mga Manobo ay

nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina. Karamihan sa

kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maraming

bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng Ilog

Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa

pagtanggi ng ilan sa relihiyong Islam.

Ang mga katutubong paniniwala ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan at

kultura bilang Filipino. Ang mga paniniwalang ito ay nagpapakita ng ating gawain,

tradisyon at kasanayan na maaaring maglarawan ng ating pang araw- araw na

pamumuhay na atin namang namana mula sa ating mga ninuno. Isa lamang sa

maraming bagay na ipinasa sa atin ng nagdaang lahi ang pamahiin.


Binigyan ng kahulugan ng isang blog ang pamahiin bilang isang

paniniwalang walang siyentikipikong batayan hinggil sa mga bagay-bagay na

wala namang kinalaman sa isa’t isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa

pang-araw-araw nating pamumuhay (Gintong Aral, 2015).

Ang kultura ay ang pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan

sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala,

tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at

nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang

pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009)

May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na

kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at

nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan,

kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon,

panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay

sumasaklaw sa di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012)

Ang pag-aaral sa iba’t-ibang etnolinggwistikang wika na umiiral sa

Pilipinas ay malaking ambag para mapalawak ang ating kaalaman sa bokabularyo

sa wikang Manobo. at magkaroon ng kamalayan sa pinagmulan, kultura at

tradisyon ng nasabing tribu.

Kung kaya ang pag-aaral na ito ay magsasagawa ng pananaliksik upang

malaman ang lingwistikong istruktura o anyo ng pagdasal; Kahulugan ng mga

ritwals mula sa pagdarasal at Ano ang tungkulin ng wika bawat gamit ng

pagdarasal.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang pag-aaral na ito ay upang alamin ang lingwistikong

struktura o anyo ng Panubad. Bilang isang kultural praktisis bigyang kahulugan

na naka-angkla sa Panubad-, at anu ang tungkulin ng wika bawat gamit ng

Panubad ng Manobo Tenananen ng sitio Kiatao, Lanao Kuran, Arakan, Cotabato

Upang makamit ang layunin, sisikaping alamin ang mga sumusunod. malaman

ang lingwistikong istruktura o anyo at Kahulugan ng mga Panubad/ritwals mula

sa pagdarasal at ano ang tungkulin ng wika bawat gamit ng Panubad..

Kahalagahan ng Pag-aaral

Maniniwala ang mananaliksik na Malaki ang maitutulong ng resulta ng pag-

aaral na ito sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral mapalalawak ang kanilang kaalaman sa iba’t-ibang

etnolinggwistikang wika na umiiral sa Pilipinas. Mapapalawak din ang kanilang

bokabularyo hinggil sa mga tampok na ritwals ng mga Manobo at magkaroon ng

kamalayan sa pinagmulan, kultura at tradisyon ng mga Manobo. Makikita ng mga

mag-aaral na kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura.

Sa mga guro na nagtuturo ng Mother Tongue-Based Multilingual Education

(MTB-MLE), magkakaroon ng malawak na pang-unawa sa tunay na pinagmulan,

kultura at tridisyon ng mga Manobo, maging ang tamang paraan ng pagbigkas at


kung anu-ano ang mga salita sa mga ritwals. Ang kaalamang makukuha nila sa

pag-aaral na ito ay kanilang magagamit sa pagtuturo ng wika at panitikan.

Sa mga mananaliksik mas mapalawak ang kaalaman nila sa mga tampok na

salitang Panuba bilang isang ritwals ng mga Manobo Tenananen . Makatutulong

din ang mga impormasyong makakalap sa mga susunod na pag-aaral na

isasagawa.

Maniniwala ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

salamin upang Makita, makikilala, mapag-aralan, maunawaan at mapahalagahan

ang yaman ng iba’t-ibang ritwals. Inaasahan din na ang pag-aaral na ito ay

magmumulat sa mga Manobo na pahalagahan ang kanilang wika at kultura na

magsisilbing pagkakakilanlan ng kanilang grupo. Magkakaroon ito sa kanilang

mataas na pagtingin sa kanilang lahi na maaari nilang maipreserba at paunlarin.

Mabibigyan halaga nila ang kanilang saling wika at kultura bilang bahagi ng

Pambansang Wika at kultura.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maimumulat ang ibang etnikong grupo

at mababawasan ang diskriminasyon sa mga minoryang grupo. Patunay ito na

walang superior at imperiopr na wika na nagpapakilala sa kanilang kultura at

tradisyon sa ating bansa. Mababawasan ang mababang pagtingin ng mga taong

hindi kapangkat o karehiyon.

Sa kabuoan, maniniwala ang mananaliksik na may maganda at mabuting

maiaambag sa Panitikang Filipino at ito’y magsisilbing pamanang kultural.


Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito na malaman ang lingwistikong istruktura o

anyo ng panubad; Kahulugan ng mga Paanubad bilang isang ritwals sa

pamamagitan ng pagdarasal at Ano ang tungkulin ng wika bawat gamit ng

panubad ng Manobo Tenananen sa sitio Kiatao, Lanao Kuran, Arakan, Cotabato.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salita ay bibgyan ng kahulugan batay sa kung

papaano ito gagamitin sa pag-aaral upang maiwasan ang maling interpretasyon

at upang maging malinaw ang pang-unawa ng sinumang babasa.

Kultura- Nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.

Kulturang Materyal- Ito ang mga bagay na nakikita, nahihipo o nahahawakan

gaya ng damit, kasangkapan, pagkain, tirahan, palamuti sa bahay at sa katawan

at iba pa.

Kulturang Di-Materayal- Ito ang mga bagay na di- nahahawakan o di-nahihipo

gaya ng awit, sayaw, sining at panitikan, mga tradisyon, kaugalian, paniniwala,

saloobin, edukasyon, pagpapahalaga, pamahalaan at iba pa.

Dayalek- Nangangahulugang wikang suburdineyt ng isang katulad ding wika.

Pekulyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon tulad ng Manobo.

Leksikon- ito ang mga salita sa wikang Manobo Tenananen na ginagamit sa sitio

Kiatao, Lanao Kuran, Arakan, Cotabato, kung saan isasagawa ang pag-aaral.
Manobo-Tumutukoy ito sa wika ng mga taong kasangkot sa kasalukuyang pag-

aaral. Sila ang mga Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao'; ikalawa ay ito

raw ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na

nangangahulugang 'tao' at 'suba' na ang ibig sabihin ay 'ilog,ibig sabihin ang

salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog"

Linggwistiko -

Wika- Nangangahulugang lenggwahe na ginagamit para sa komunikasyon ng

mga tao na ang tinutukoy ay wikang Manobo sa pag-aaral.

Pragmatics-

Semantics-

Sintaksis

Kognitib

Ponolohiya

Tungkuling wika

KABANATA II
KAUGNAY NG PAG-AARAL AT LITERATURA

Ilalahad sa bahaging ito ang babasahin at pag-aaral na may kaugnayan sa

isasagawang pag-aral na magsisilbing batayan upang makamit ang layunin ng

pag-aaral.

Mga kaugnay na Pag-aaral

Pinaniniwalaan ng mga sosyolinggwista na ang wika ay isang panlipunang

gamit at ang pagkakabuo ng iba’t-ibang uri o varayti ng wika ay dala ng

kondisyon at kontekstong kinapapalooban ng mga gumagamit nito.

Malaki ang pagkakatulad ng pag-aaral ni Santos (2013) sa pag-aaral na ito

na ginamitan ng deskriptib-analytik o palarawang pamamaraan na nilapatan ng

pagsusuring istruktural at sosyolingwistikal. Sinuri at inihambing niya ang mga

bokabularyo ng wikang Manobo batay sa leksikon, ponolohiya, morpolohiya;

tinutukoy din niya ang elemnentong linggwistikal na tampok ng mga terminong

ritwals at alamin kung ano ang implikasyon nito sa mga taong kabilang sa

Manobo Mahalaga ang mga pag-aaral na nabanggit upang maging batayan at

sandigan ng isasagawang pag-aaral.

Trexie O. Alawi (2016) Surigao Del Sur State University-Tandag Campus

This linguistic analysis of tud-om as performed by an ethnolinguistic group—

Manobo-- in San Miguel, Surigao del Sur aimed at investigating the structure and

function of tud-om. Tudom is a verbal art chanted or sung by a Manobo to an


interlocutor. Gary Palmer’s framework on cultural linguistics, which advances the

tenet that the study of language can reveal the worldview of a society and the

thoughts and practices of a culture, was employed to guide the analysis of data

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Jocano (1969) dapat nating pantilihing buhay sa ating puso’t

isipan ang wika, kasaysayan at kultura ng pulutong ng tao sapagkat nagsilbi

itong tagapamansag ng tunay na kaugaliang Pilipino.

Ang Republic Act No. 8731 na tinatawag na The Indigenous Peoples Rights

Act of 1997 na pinagtibay noong Oktobre 29, 1997 ay nagbibigay pagapapahalaga

sa indihinus na pangkat. Isinasaad nito ang pagkilala, proyeksyon at pagsulong

sa karapatan ng kasapi ng indihinus na pangkat. Ito’y tutulong upang mapaangat

at mapabuti ang pamumuhay ng mga lumad at pagkakaroon ng cultural na

integridad. AngTerminolohiyang lumad ay tumutukoy sa grupo ng mga

katutubong tao sa Timog Mindanao. Ito ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin

ay Katawhang Lumad PeoplesFederation (LMNF) ng mga Delegadong Lumad sa

Mindanao. Ito’y opisyal na tinanggap at pinagtibay sa kanilang assembleya noong

Hulyo 6,1986 sa Guadalupe Formation Center, Balindog Kidapawan, Cotabato

Philipiines. Ang Federasyong ito ay nagsusulong para sa kolektibong

pagkakakilanlan ng mga hindi Muslim na katutubo sa Mindanao.


Maiuugnay dito ang 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV-ang wikang pambansa

ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nalilinang ito at dapat payabungin at

pagyamanin pa ang batay sa iba pang wika sa Pilipinas.

Batayang Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus ang konsepto na siyang salamin sa

kultura at ang Panubad ng Manobo Tenananen ay isang linggwistiko at

komunikatibong pagkilos. Isa sa pangkalahatang produktong repleksyon sa mga

ideya, pananaw, tradisyon at kultura ng mga Manobo Tenananen.

Ang lenggwahe ay hinulma hindi lamang sa espesyal o pangkalahatang

likas na talento, kundi maging pisikal at sosyo-kultural na karanasan. It is

concurrence of language as culture and language governed by culture that

warrants an approach called cultural linguistics (Palmer, 1996). This study is

anchored on the theory of cultural linguistics, which was theorized by Gary

Palmer. In his book, toward a Theory of Cultural Linguistics, he argued that

cognitive linguistics can be directly applied to the study of language and culture.

Central to Palmer’s proposal is the idea that language is the play of verbal

symbols that are based in imagery and this imagery is culturally constructed. He

advances that culturally defined imagery governs narrative, figurative language,

semantics, grammar, discourse and even phonology. According to Sharifian

(1996) who also adopted the theory of Palmer in his study, interest in studying the

relationship between language and culture is not new. Prominent scholars like
Wilhelm Von Humboldt (1767-1835), Franz Boas (1858-1942), Edward Sapir (1884-

1939), and Benjamin Whorf (1897-1941) emphasized the relationship between

language, thought and culture. Sharifian added that in more recent decades, a

number of American anthropological linguists, most notably Dell Hymes and

John J. Gumperz, placed the study of language within the context of culture and

society. The term cultural linguistics was perhaps first used by a pioneer of

cognitive linguistics, Ronald Langacker, in an argument emphasizing the

relationship between cultural knowledge and grammar. Cognitive linguistic

theories recognize cultural knowledge as the foundation not just of lexicon, but

central facets of grammar as well (Langacker cited in Sharifian, 2011).

Ayon kay Hudson (1980), may uri nang kaalamang pangkultura na

natututunan mula sa ibang tao. Ipinaliliwanag naman ng teorya ng organizational

culture na may papel ang komunikasyon sa pagbubuo at pagpapanatili ng kultura

at kung paano ito isinakultura na hindi nahahaluan ng ibang wika, at kung ito’y

nahaluan man ay hindi nawawala, umiiral pa rin ito at nananatili batay sa kanilang

kultura.
BALANGKAS NG PAG-AARAL

Panubad sa
Panalangin
Semantiko at
Panubad ng pag-
aalay ng bata
pragmatikong
pagsusuri ng
Panubad sa kasal Panubad :Bilang
Panubad sa
isang Teksto
pagtatanim

Panubad sa
paggamot
KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang pamamaraang gagamitin sa

pagsasaliksik ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Sasaklaw ang disenyong

gagamitin sa pag-aaral, local ng pag-aaral, pagpili ng mga impormante, paraan ng

pagtitipon ng mga datos impormasyon at pagpapakahulugan sa mga datos na

makalap.

Disenyo ng Pag-aaral

Sa isasagawang pag-aaral ng mananaliksik, gagamitin ang

deskriptib-analitik o palarawang pamamaraan na lalapatan ng pagsusuring

istruktural sosyolinggwistikal at etnograpikong Pagpili ng Impormante

Maniniwala ang mananaliksik na maging mabisa ang isasagawang pag-

aaral dahil maging maingat ang pagpili ng mga impormante. Ang mananaliksik ay

bubuo at magtakda rin ng mga batayan/ krayterya sa pagpili na karapat-dapat na

impormante. Manobo sa sitio Kiatao, Lanao Kuran, ipinanganak, lumaki at

nanatiling nakatira sa lugar ng pag-aaral, may edad na apatnapu (40) pataas at

maalam sa wika at kulturang Manobo ang mga itatakdang krayterya ang

gagamitin sa pagpili ng mga impormante. Mahalagang ang isang impormnante

ay may kaalaman tungkol sa wika ng pangkat na kanyang kinabibilangan. Sa

pagkuha ng mga respondente gagamitin ang convenience.


Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa lalawigan ng Arakan particular sa

lugar ng mananaliksik sa barangay Lanao Kuran,

Paraan ng Pagtitipon ng mga Datos

Bago isasagawa ang pananaliksik, ang mananaliksik ay maghanda ng

liham kung kailan itatakda ang paglilikom ng mga datos na may pahintulot mula

sa tagapayo at dekana ng Masters of Arts in Language Teaching in Filipino. Ilakip

sa paghahanda ang mga sumusunod na mga kagamitan tulad ng papel, ballpen,

camera tape recorder at iba pa.

Personal na makipag-usap na may malamig at mabuting pakikitungo ang

mananaliksik sa sitio lider o datos upang maipaliwanag ang layunin ng pag-aaral.

Humingi rin ng tulong ang mananaliksik sa mga kamag-anak na matatandang

Manobo.

Pagkatapos pumayag ang sitio lider o Dato, isasagawa na ang

pagsasaliksik ng mananaliksik ang paglilikom ng mga datos hinggil sa Panubad.

Aktwal na pagsaksihan ang bawat Panubad ng Manubo Tenananen. Kung hindi

maperpekto ang mga salitang narinig ay hayaan niyang ipasulat ito ng

respondent nang sa ganoon ay magkaroon ng awtentisidad ang paglilikom ng

mga datos. Kumuha rin ang mananaliksik ng propesyunal na Manobo para

makatulong sa pagbaledeyt ng mga datos na nakalap.


SANGGUNIAN
Buenconsejo,J, 2003, December. ―The Ambiguous Voice of the Person
and its Double in the Agusanen Manobo Song (Ted-em).‖ Retrieved August 14,
2013, from http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-
a/article.php?i=30&s ub cat=13. Pdf.
--------, January-June 2010. ―Inland-Coastal Philippine Hybridity:
Heteroglossia in Agusan Manobo Music and Ritual.‖ Humanities Diliman: Quezon
City, 140-175. Pdf.
Caynap et al., 2009. Tud-om: The Oral Literature of the Manobos of San
Miguel, Surigao del Sur. Undergraduate Thesis. Unpublished. Surigao del Sur
State University.
Cento Virtual Cervantes. 2001. Towards a Cultural Approach to Stylistics.
Retrieved March 25, 2013, from
http://cvc.cervantes.es/literatura/cauce/pdf/cauce24/cauce24_21.pdf.
De Leon, L.M. Manobo. Retrieved July 06, 2011, from http://litera1no4.
tripod. Com /ma no bo_frame.html.
Jakobson, R,1996. ―Closing Statement: Linguistics and poetics.‖ The
Stylistics Reader: From Roman Jakobson to the present. Ed. Jean Jacques
Weber. New York: Arnold. Journal of Nelta, 2007, December. English Studies:
Textual vs. Cultural Approaches. Retrieved July 24, 2011, from
http://www.nepjol.info/index .php/NELTA/article/d ownload/3428/2974.pdf.
―Manobo.‖ Retrieved on October 13, 2013 from http://www.ncca.gov.ph.
Merriam-Webster Inc. 2004.
The Merriam-Webster Dictionary, 11th Edition. Springfield, Massachusetts.
Palmer, GB, 1996. Toward a theory of cultural linguistics. Austin: University of
Texas Press.
Sharifian,F, 2011. ―Cultural Linguistics: Inaugural Professional Lecture.‖
Retrieved on July 24, 2014, from
http://monash.academia.edu/ProfessorFarzadSharifian/Pap ers/611702/
Cultural_Linguistics_Farzad_Sharifians_Inaugural_Professorial_Lecture.
Trexie O. Alawi (2016) Utilized the Linguistic Analysis of Tud-om as
performed by an ethnolinguistic group –Manobo.
TALATANUNGAN

Unang Teksto: Panubad sa Panalangin

Linya Transkripsyon ng Bilang ng Pantig Pagsasalin sa

Panubad Filipino

Pangalawang Teksto: Panubad sa Pag-aalay ng bata

Linya Transkripsyon ng Bilang ng pantig Pagsasalin sa

Panubad Filipimo

Pangatlong Teksto: Panubad sa kasal

Linya Transkripsyon ng Bilang ng pantig Pagsasalin sa

Panubad Filipimo

Pang-apat na Teksto: -Panubad sa Pagtatanim

Linya Transkripsyon ng Bilang ng pantig Pagsasalin sa

Panubad Filipimo

Panlimang Teksto: Panubad sa Panggagamot

Linya Transkripsyon ng Bilang ng pantig Pagsasalin sa

Panubad Filipimo

Resulta:

Panubad Anyo/Istruktura Simbolo at Tungkulin ng

kahulugan wikang ginagamit

You might also like