You are on page 1of 12

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

NORTH LA UNION CAMPUS


Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT


Masusing Banghay Aralin
Sa Filipino 8

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. natatalakay ang kahulugan ng salitang pandiwa;
b. nakapagbabahagi ng sariling opinyon o saloobin at;
c. nasasagutan ng tama ang talahanayan sa pamamagitan ng
pagpuna sa mga blanko ng tamang anyo ng pandiwa.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Aspeto ng Pandiwa(Wika)
Sanggunian: Acosta, et al., Banyuhay 8: Filipino Serye
“Wika at Panitikan”, KLEAFSPublishing Inc.,
pahina 88-108
Kagamitan: cue card, kahon “salita”, kartolina “kasagutan”,
kopya ng gawain, kard board/plakards
Pagpapahalaga: Mahalaga ang paggamit ng wastong aspeto ng
pandiwa para sa maayos at malinaw na
komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban
3. Pagganyak

Magkakaroon tayo ng isang laro na


tinatawag na “Charied” kung kaya’t
papangkatin ko ang klase sa apat(4) na
grupo. Bawat grupo ay pipili 1 miyembro
na siyang bubunot at magsasagawa ng
kilos na batay sa aking inihandang
kahon na naglalaman ng mga salitang
pandiwa. Ang bawat grupo ay
makakalikom ng puntos kung maibibigay
ang tamang kasagutan samantalang

Molding Lives Beyond Borders


COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

ang pangkat na hindi makakahula sa


ginawa ng isang grupo ay paniguradong
ang puntos ay mapupunta sa grupong
nagsagawa ng kilos.

1.Nag-aani ng palay Unang Pangkat

Pangalawang Pangkat
2.Nagsisibak ng Kahoy

Pangatlong Pangkat
3.Nangingisda

4.Nagtatanim ng palay Pang-apat na grupo

Molding Lives Beyond Borders

Page | 2
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

5.Nagsasampay Opsyunal

Batay sa inyong mga isinagawang kilos,


ano ang inyong mga naobserbahan o
namasid? Napansin ko po na lahat ng mga
hinulaan at ginawa namin ay mga kilos o
galaw na karaniwang ginagawa natin sa
pang-araw-araw na gawain.

B. Paglalahad
C. Mahusay! Lahat ng inyong mga namasid
o napansin ay ang karaniwang gawaing
atin ginagawa sa pang-araw-araw.

Mula sa inyong mga kasagutan, ano sa


palagay ninyo ang sentro ng ating
talakayan sa araw na ito? Tungkol po sa pandiwa.
D.
Tama! Ang ating talakayan sa araw na
ito ay tungkol sa Pandiwa at Ang Mga
Aspeto nito. Opo guro.
E.
F. C. Pagtalakay
Sa inyong sariling pagpapakahulugan
batay sa ating ginawa, ano kaya ang
Pandiwa klas? Ang pandiwa po ay tumutukoy sa lahat
ng kilos o galaw ng tao.
Mahusay klas! Ang pandiwa ay ang mga
salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimabawa: takbo, lakad, maglaba at
iba pa.

Molding Lives Beyond Borders

Page | 3
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Ngayon, dumako naman tayo sa Aspeto


ng pandiwa.
Maari bang maglahad o ilahad ang mga
Aspekto ng Pandiwa. Aspektong Perpektibo
Aspektong Katatapos
Aspektong Imperpektibo
Aspektong Kontemplatibo
Mahusay! Ang apat na iyan ay
nagpapakita kung kalian isinagawa ang
kilos.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


kahulugan ng Pawatas klas? Ako po guro.
Ito po iyong pandiwang walang aspeto o
hindi tiyak ang pagkakasagawa ng kilos.
Tama! Sa madaling salita, mga salitang
payak o salitang ugat.

Ngayon isa-isahin nating talakayin ang


apat na Aspeto ng pandiwa klas.
Ano kaya ang Aspektong Perpektibo
klas? Ito po ay nagpapahayag ng kilos na
naganap o natapos na.
Mahusay klas! Ito ay mga gawain o kilos
na natapos na o nakalipas na ng mga
ilang araw.
Halimbawa: Naglaba, Naglinis

Maari bang kayo rin ang magbigay ng


inyong mga sariling halimbawa. Nag-usap, Naintindihan, Naglaro

Ngunit sa Aspektong Perpektibo klas


mayroong apat na Mga Paraan ng
Pagbuo ng Pagdiwa.

Ano ang pinakaunang paraan sa


pagbuo ng pandiwang Aspetong
Perpektibo? Kapag ang panlapi ay may inisyal na
ponemang /m/, ito po ay nagiging /n/.
Magaling klas!
Halimbawa:

Molding Lives Beyond Borders

Page | 4
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Pawatas Perpektibo
Maglaba Naglaba
Mag-usap Nag-usap
Maari bang magbigay kayo klas ng
inyong sariling halimbawa. Pawatas Perpektibo
Mag-usap Nag-usap
Maintindihan Naintindihan

Nag-usap ang mga kalalakihantungkol


sa bayanihan.
Mukhang naunawaan niyo talaga ang Talagang naintindihan ni Jonah ang
unang paraan, ngayon dumako naman kanilang leksyon.
tayo sa ikalawang paraan. Ano ito?

Kapag ang pandiwa ay banghay sa


um-/-um-,ang panlaping ito ay nanatili
sa perpektibo. Samakatuwid, ang
Magaling! Sa madaling salita walang anyong pawatas at ang anyong
nagbabago sa salitang pawatas. perpektibo ay pareho lamang.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Bumili Bumili
Uminom Uminom

Magbigay klas ng mga karagdagang


halimbawa kung inyo talagang
naunawaan.
Pawatas Perpektibo
Yumuko Yumuko
Umakyat Umakyat

Yumuko si Andrea bilang paggalang sa


Mahusay! Dumako naman tayo sa kanyang tiyahin na taga-ibang bansa.
ikatlong paraan klas. Paano naman Si Juan ay umakyat sa puno.
kaya itong pangatlong paraan klas?

Kapag ang pandiwa ay banghay sa


hulaping –an/-han, maging ito man ay
nag-iisa o may kasamang ibang panlapi,
ito ay nananatili ngunit nadaragdagan
ng unlaping –in kung ang pandiwa ay

Molding Lives Beyond Borders

Page | 5
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

nagsisimula sa patinig, at gitlaping –in-


naman kung ang pandiwa ay
nagsisismula sa patinig.

Magaling!
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Sabihan Sinabihan
Punasan Pinunasan

Kayo naman klas ang magbigay ng


inyong mg sariling halimbawa.

Pawatas Perpektibo
Kampihan Kinampihan
Sabihan Sinabihan

Kanyang kinampihan ang kanilang


kalabang grupo.
Mahusay! Sa paraang ito ay may Sinabihan ni Ana si Jay ng masasakit na
dalawang tuntuning sakop. Ano ito? salita.

Una po ay hindi inilalapat kung ang


Mahusay! Ang salitang pawatas ay salitang may hulaping –an/-han ay may
nanatili at ang unlapi lamang ang unlaping ma-.
napapalitan ng unlaping –na.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Madala Nadala
Magluto Nagluto

Maaring bang magbigay kayo ng ilang


pang mga halimbawa klas.

Pawatas Perpektibo
Matamaan Natamaan
Maghugas Naghugas
Si Pedro ay natamaan ng bola ng
basketball.
Naghugas muna ng kamay si Faye bago

Molding Lives Beyond Borders

Page | 6
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Tama! Ano naman iyong ikalawang kumain.


tuntuning sakop nito klas?
Ang panlaping –in- na idinaragdag sa
anyong perpektibo ng mga pandiwang
may hulaping –an/-han ay nagiging ni-
kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/.
Opsyunal ang ganitong pagpapalit kung
ang pandiwa ay nagsisimula sa /r/,
Magaling klas! Karaniwang ang mga /w/, /o/, at /y/.
salitang pawatas ay atin lamang
dinaragdagan ng unlaping –ni lalo na
kung ang unang letra ng pawatas ay
nagsisismula sa /l/.
Halimabawa:
Pawatas Perpektibo
Labhan Linabhan
Laro Nilaro
Magbigay klas ng sariling halimbawa.

Pawatas Perpektibo
Lampasan Nilampasan
Regaluhan Niregaluhan
Nakita ni Ricky ang batang umiiyak
ngunit linampasan lamang niya ito.
Ang bata ay niregaluhan ng isang
Mahusay! Ngayon dumako tayo sa mabuting lalaki.
ikaapat na paraan ng pagbuo. Paano
naman kaya ito?
Kapag ang pandiwa ay banghay sa
hulaping –in/-hin, maging ito man ay
nag-iisa o may kasamang iba pang uri
ng panlapi, ang hulaping –in/ -hin ay
nagiging unlaping in- kung ang pandiwa
ay nagsisimula sa patinig at nagiging
gitlaping –in- kung ang pandiwa ay
Tama! Ito ay paglilipat ng hunlapi mula nagsisimula sa katinig.
sa pawatas patungo sa unlapi. Ang
dating hunlapi ay mapupunta sa unlapi.
Halimbawa:

Molding Lives Beyond Borders

Page | 7
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Pawatas Perpektibo
Buhatin Binuhat Pawatas Perpektibo
Dalhin Dinala Hamakin Hinamak
Ayusin Inayos

Hinamak niya ang sankadaigdigan.


Naintindihan ang apat na paraan sa Inayos ng mga bata ang mga aklat sa
pagbuo ng aspetong perpektibo klas? aklatan.

Kung gayon, dumako naman tayo sa Opo guro.


ikalawang aspeto ng pandiwa, ang
Aspektong Katatapos. Ano kaya ang
Aspetong Katatapos klas?

Ito po ay nagsasad ng kilos na kayayari


o katatapos lamang bago nagsimula ang
Tama! Mga kilos na katatapos ngayon- pagsasalita. Ginagamitan ito ng
ngayon lamang. panlaping ka-.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Buhat Kabubuhat
Tumawag Katatawag

Ngayon kayo naman klas ang magbigay


ng inyong mga sariling halimbawa.

Pawatas Katatapos
Sabihin Kasasabi
Labhan Kalalaba

Kasasabi pa lamang ng kanyang nanay


na huwag niyang gawin ngunit ginawa
pa rin niya ito.
Mahusay! Inyo nga talagang naunawaan
Kalalaba pa lamang ni Angel noong
ang Aspektong Katatapos. Ngayon
dumating ang kanyang ina.
dumako tayo sa ikatlong aspeto, ano
kaya ang aspektong ito klas?
Paano naman kaya itong aspektong ito?
Aspektong Imperpektibo po guro.
Magaling! Ito ay mga kilos na
Ito po ay nagpapahayag ng kilos na
kasalukuyang ginaganap pa lamang.
ginaganap o nagaganap.
Halimbawa:

Molding Lives Beyond Borders

Page | 8
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Pawatas Imperpektibo
Maglaba Naglalaba
Magdulot Nagdudulot

Kayo naman ang magbigay ng inyong


mga halimbawa klas.

Pawatas Imperpektibo
Kumanta Kumakanta
Magluto Nagluluto
Magaling klas! Ngayon dumako tayo sa Siya ay kumakanta habang nagluluto.
panghuling Aspekto ng pandiwa, ang Nagluluto siya ng panghapunan ng
Aspektong Kontemplatibo. Paano dumating ang kanyang mga kaibigan.
naman kaya ito naiba sa tatlong
naunang Aspekto ng Pandiwa?

Tama! Ang Aspektong Kontemplatibo ay Ito po ay naglalarawan ng kilos na hindi


ang mga kilos na gagawin pa lamang sa pa nasisimulan o ito’y gaganapin pa
hinaharap. lamang.
Halimbawa:
Pawatas Kontemplatibo
Tumakbo Tatakbo
Bihisan Bibihisan

Kayo naman ang magbigay ng mga


halimbawa klas?

Pawatas Kontemplatido
Sumayaw Sasayaw
Magtampo Magtatampo

Ang grupo ng hashtag ay sasayaw sa


aming barangay sa sasapit na pista.
Naunawaan ba ang ating talakayan Magtatampo ang mga bata kung hindi
klas? mo sila pagbibigyan sa kanilang gusto.

Mahusay ang ipinamalas niyong Opo guro.


kahusayan. Mukhang inyong

Molding Lives Beyond Borders

Page | 9
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

naunawaan ang Apat na Aspekto ng


Pandiwa.

D. Paglalahat
Bilang paglalahat sa ating tinalakay,
punan ng tamang aspekto ng pandiwa
ang bawat puwang sa pamamagitan ng
pagdikit ng mga salita upang mabuo ang
diwa ng bawat pangungusapngb bawat
aytem. Gawing batayan ang naibigay na
salitang ugat na nasa loob ng
panaklong.

1. Sa pamamagitan ng mga akdang


(sulat) _____ nina Rizal, Del Pilar,
Jaena at iba pang bayani ay (bunyag)
_____ nila ang mga kabuktutan ng mga
Espanyol.

2. Walang ibang(asam) _____ ang mga


dakilang bayani kundi makitang Malaya Sulat-Isinulat
ang Inang Bayan. Bunyag-Nabunyag

3. (buwis) _____ ng ating mga ninuno


ang kanilang buhay kaya nararapat Asam-Inasam
lamang tayo rin ay (alay) _____ ng
lantay na pagsinta sa bansa.

4. Mapalad ang mga mamamayan na


may mabuting (tanggol) _____ sa Buwis-Ibinuwis
kanila. Alay-Mag-alay
Tanggol-Nagtanggol
5. Ang pagmamahal sa ating sariling
kultura ay isang matibay na kalasag
upang (laban) _____ ang paglaganap
ng kaisipang kolonyal.
Laban-Labanan
E. Pagpapahalaga
Batay sa ating talakayan, sa inyong

Molding Lives Beyond Borders

Page | 10
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

sariling opinyon bigyang


pangangatwiran ang tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng pag-


aaral ng aspekto ng pandiwa sa
iyo bilang isang mag-aaral?
Para po sa akin, bilang isang mag-aaral
mahalaga po ang pag-aaral ng aspekto
ng pandiwa at ang wastong paggamit
nito para Sa maayos at malinaw na
komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
2. Sa iyong paligid, sa anong bagay kapwa.
mo maihahalintulad ang
pandiwa?
Maihahalintulad ko po ang pandiwa sa
ating kalikasan sapagkat kailangan po
nating maunawaan na ang mga salita ay
gaya rin ng ating kalikasan, sila ay
maaring magbago o mag-iba batay sa
panahon.

IV. Pagtataya
Panuto: Kompletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagpuna
sa mga blanko ng tamang aspeto ng pandiwa. Pagkatapos pumili ng
isang salita na nalapatan ng tamang aspeto ng pandiwa at gamitin ito
sa sariling pangungusap. Huwag kakaligtaang salungguhitan ang mga
pandiwang ginamit.

Pawatas Perpektibo Katatapos Imperpektib Kontemplatibo


o
1.Magdulot nagdudulot
2.Magbuhat kabubuhat
3.Isama isasama
4.Bumili Bumili
5.Tawag tumawag
6.Pilit kapipilit
7.Dala nadadala
8.Magbihis bibihisan
9.Mahal minahal
10.Buwis nagbubuwis

Molding Lives Beyond Borders

Page | 11
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

V. Kasunduan
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay na may pamagat na
“Amerikanisasyon ng Isang Pilipino” bilang paghahanda sa susunod na
talakayan na mababasa sa pahina 119-123 sa inyong aklat.

Inihanda ni: Nilagdaan ni:

Malto, Jo Rizalina O. G. Aldous James Acosta


Mag-aaral Tagapatnubay

Molding Lives Beyond Borders

Page | 12

You might also like