You are on page 1of 21

BSBT College, Inc.

434 Magsaysay Avenue


Senior High School Department
SY: 2021 – 2022

Displinang Filipino
Unang Markahang Modyul ng Pampagkatuto sa
Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12
Google Classroom code: 24azunr
Haba ng Aralin: Linggo 1 hanggang Linggo 4
Petsa ng Huling Ebalwasyon: Ika-13 ng Oktubre, 2021

INTRODUKSYON

Ang Senior High School ang yugtong magsisilbing pangwakas ng iyong batayang edukasyon. Ito ang
magbibigay sa iyo ng panimulang paghahanda sa larangang nais mong kabilangan. Ito ang titiyak na may sapat kang
kahandaang pang-akademiko sa transisyon tungo sa unibersidad. Dito rin lilinangin ang iyong husay sa kasanayang
teknikal na maaari mong magamit sa mga piling industriya kung nais mong maging bahagi ng daigdig ng paggawa.
Ang modyul na ito sadyang inilaan para sa mga mag-aaral na nasa Baitang 12. Tatalakayin dito ang iba’t
ibang uri at anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na
pagsusulat sa piniling larangan (Akademik).
Upang higit na matamo ng mag-aaral ang higit na kinakailangan sa pagkatuto ay binuo ang iba’t ibang
gawain upang malinang ang kakayahan ng bawat isa na mga makrong kasanayang pangwika. Inaasahan sa
pagtatapos ng modyul na ito ay makakabuo ang bawat mag-aaral ng kanilang malikhaing portfolio ng orihinal na
sulating akademik ayon sa pormat at teknik na makapgdudulot ng kapakinabangan.
Sinikap na malagyan ng pamantayan ang iba’t ibang gawain sa bawat aralin, ito’y masukat kung ang mga
mag-aaral ay tutugon sa mga kahingiang nakapaloob sa bawat pamantayan. Subalit ang pangkalahatang layunin ng
modyul na ito ay nakasentro sa kasanayan sa pagsulat at pananaliksik sa tulong ng iba’t ibang sulatin sa pag-aaral sa
bawat disiplina (AKADEMIK) na magmumulat sa kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa Baitang 12.
Upang matiyak ang mayamang proseso ng pagkatuto ay inihanda ito ayon sa disenyong modyular.
Nagsimula ito sa detalyadong mga layuning pampagkatuto na inaasahang makamit sa bawat mag-aaral. Susundan ito
ng mga susing konsepto na tatalakay sa mga paksa na may kaakibat na mahahalagang ideya at pagninilay na
magbibigay ng pagkakataon sa metakognitibong pagkatuto. Samantala may mga inihandang gawaing pampagkatuto
na magpapalawak at susubok sa pag-unawa sa mga konseptong tinalakay. Karamihan sa mga ito ay magagamit ang
kaalaman sa paggamit ng teknolohiya o social media. Aasahan din na ikaw ay manonood, makikinig, magsasaliksik,
makikipanayam at magre- record o bidyu ng sarili para sa ibang mga gawain.
Sa huling bahagi rin ng bawat markahan ay nakalakip ang pagtatayang pagsasagawa (performance task) na
susubok sa mataas na antas ng kognitibong kasanayan at mga kasanayang pangsaykomotor o maaaring isagawa sa
totoong buhay at ang pagtataya (assessment) upang sukatin ang antas ng pagkatuto.

PETSA NG PAGSUSUMITI

On or Before Ika-15 ng Oktubre, 2021

PINAL NG PETSA NG EBALWASYON

____________________________________

Inihanda ni:
DANMAR C. CAMILOT
Guro
Mga Impormasyon ng Pakikipag-ugnayan sa Guro:
Cellphone #: 09123753332
Email Address: dancamilot07@gmail.com/dhanmarcamilot@bsbt.ph.education
Facebook Name: DM CAMILOT II

SUBJECT: TOPIC Page 1 of 21


BSTB COLLEGE, INC.
DEPARTAMENTO NG SENIOR HIGH SCHOOL
TAONG: 2021 - 2022
DISIPLINA: FILIPINO SA PILING LARANGAN MARKAHAN: UNANG
(Akadameik) MARKAHAN

PAKSANG-ARALIN:
Aralin 1: Kahulugan at Layunin ng Akademikong Pagsulat
Aralin 2: Gamit at Anyo ng Akademikong Pagsulat
Aralin3. Katuturan ng Panukalang Proyekto
Aralin 4. Bahagi ng Panukalang Proyekto
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik).
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa pormat at teknik.
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat; at
 b. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
-Layunin
-Katangian
-Gamit
-Anyo
LAYUNIN: : Pagkatapos ng mga aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. mabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;
b. makapagbibigay ng mga salitang may kaugnay sa akademikong pagsulat;
c. matutukoy ang iba’t ibang gamit ng akademikong sulatin;
d. makapagbibigay ng sariling halimbawa sa bawat anyo ng akademikong sulatin;
e. maunawaan ang katuturan ng panukalang proyekto;
f. makapagbibigay ng mga salitang maaaring maiugnay sa panukalang proyekto;
g. makabubuo ng isang halimbawa ng panukalang proyekto; at
h. mabibigyang- pansin ang bahagi ng panukalang proyekto.
PANIMULA

Mula sa balangkas ng Kagawaran ng Edukasyon, ginamit ang mga teknikal at malikhaing teksto habang
naipakikilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga paksa na nagmumula sa iba’t ibang mga akademikong
disiplina. May pagsasaalang-alang din na nararapat na maging popular pa rin ang mga ito, nang sa gayon ay
maging kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagbabasa.

Sisimulan sa Unang Bahagi ang mga batayang kaalaman at katangian ng pagsulat, partikular sa
akademikong larangan. Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at layunin ng akademikong pagsulat, lalo na sa
tipo ng mga mambabasang tatangkilik nito. Isa sa pinakamalahalagang gampanin ng akademikong pagsulat ay
ang tungkulin at responsibilidad ng iskolar na siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik. Hindi lamang
nararapat na maunawaan niya ang daynamiks ng mismong pagsulat, ngunit nararapat rin niyang mailapat ang
mga ito sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat. Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang
matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang Pilipino, ugnay sa iba’t ibang mga
akademikong disiplina sa antas ng unibersidad.

Samakatuwid, inspirasyon at hamon ang seryeng ito para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo
pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa produksyon ng
kaalaman.

MGA HAKBANG AT DISKUSYON SA MGA ARALIN

Aralin 1: Kahulugan at Layunin ng Akademikong Pagsulat

MGA SUSING
KONSEPTO

SUBJECT: TOPIC Page 2 of 21


SIMULAN NATIN!

Bago natin simulan ang modyul na ito, gawin mo muna ang nasa kahon sa ibaba. Magbigay ng puna sa
sumusunod na pahayag na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel sa bahaging (Gawain 1).

Maaaring bigyan ng pagpapakahulugan ang pagsulat bilang isang paraan ng pakikipagkomunikasyon upang
maipabatid ang opinyon, kaalaman, saloobin at matamo ang ninanais. May iba’t ibang uri din ang sulatin, isa na
rito ay ang Akademikong Pagsulat.
Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng sulatin na kailangan ang mataas na antas ng pag- iisip. Ang
mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip.
Kinikilala rin sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya,lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa
orihinalidad ng gawa at kakayahang gumawa ng sintesis (Arrogante et al.
2007).
Halimbawa ng Akademikong Pagsulat
1. Abstrak- buod ng artikulo o ulat
2. Talumpati- diskursong tumatalakay tungkol sa isang paksa.
3. Sintesis- pagbubuod sa isang pangyayari
4. Bionote- impormatibong tala tungkol sa indibidwal
MGA ILANG LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULATIN
1. Manghikay
2. Magpabatid
3. Mang-aliw
4. Magbigay impormasyon
5. Mambabalaq

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


Dahil taglay ng akademikong pagsulat ang mataas na antas ng pag-iisip, nangangahulugan din ito ng
pagsunod sa isang tiyak na na proseso. Mula sa mga paraang ito ng pagsulat ay masasalamin ang mga taglay
nitong katangian na iniisa-isa nina Villanueva at Bandaril (2016). Ito ay ang mga sumusunod:
1. Komprehensibong Paksa
Ang isang sulatin ay masisimulan lamang ng isang manunulat kapag tapos na siyang mag-isip at pumili ng
paksang tatalakayin.
2. Angkop Na Layunin
Sa pagtalakay ng pagsulat ay binigyang-pansin ang iba’t ibang uri ng layunin nito ayon kay Mabilin at
Mendillo (2001) ay personal at panlipunan. Inuri naman ni Bernales et.al (2010) sa tatlo: impormatibo,
mapanghikayat at malikhain.
3. Gabay na Balangkas
Ang balangkas ay kinikilala bilang iskeleton ng isang sulatin. Ibig sabihin, di pa man nagsisimula ang pormal
na pagsulat ay makikita o nakikita na ng manunulat ang tutunguhin nito sapagkatito ang nagsisilbing gabay upang
organisahin ang mga ideya na ipapaloob dito.

SUBJECT: TOPIC Page 3 of 21


4. Halaga ng Datos
Ito ang akademikong sulatin ay likas na nagbibigay ng impormasyon.Dahil dito, nakasalalay sa mga datos ang
ikatatagumpay ng isang akademikong sulatin. Samadaling salita, kung walang datos na makakalap, walang
aanalisahin at walang oorganisahin at higit sa lahat walang isusulat.
5. Epektibong Pagsusuri
Sa pagsulat kailangang matiyak ang kawastuhan ng mga datos sa paksa, layunin at sa balangkas. Upang
maging epektibo ang isang sulatin dapat lohikal at mapalutang ang katotohanan at malampasan ang opinion.

GAWAING PAMPAGKATUTO

Ang sumusunod ay mga gawain na kailangan mong sagutin para sa araling ito. Pagkatapos sagutin ay ihiwalay
ito para sa pagsusumiti.
Pangalan: Petsa: ____________________
Baitang/Strand/Seksyon: Iskor: _____________________

GAWAIN 1: Magbigay ng puna sa sumusunod na pahayag na nasa loob ng kahon.

SUBJECT: TOPIC Page 4 of 21


GAWAIN 2: Kompletuhin ang semantikong mapa. Isulat sa mga bakanteng bilog ang mga salitang maiuugnay
mo sa salitang nasa gitnang bilog. Pagkatapos ay bumuo ng isa o dalawang pangungusap na kahulugan nito.

GAWAIN 3: Sagutin ang sumusunod na pahayag.


1. Ano ang sarili mong pagpapakahulugan sa pagsulat at akademikong sulatin? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

2. Bakit nagsusulat ang isang tao? Ano-ano ang kanyang posibleng layunin?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
3. Magbigay ng 5 halimbawa ng Gamit ng Akademikong Pagsulat at ipaliwanag sa sariling pagpapakahulugan.
1._________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
2._________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
3._________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
4._________________________________________________________________________________________

SUBJECT: TOPIC Page 5 of 21


___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
5._________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

GAWAIN 4: Isaayos ang mga nagulong letra upang mabuo ang tamang salita. Isulat ang sagot sa nakalaang
patlang.
1. ASASILNAGP-
2. TIEHW REPAP-
3. OIMREM-
4. AATILB-
5. YASSAYAN-
6. DNAGKA NIKANTIPAMAP-
7. MUDANREMOM-
8. RAHYPGIOTOBUA-
9. ANGANGAPRANIWUT-
10. ANSIANKPLIKA-

Aralin 2: Gamit at Anyo ng Akademikong Pagsulat

SIMULAN NATIN!

BALIK ARAL:
Pag-aralan ang mga larawan. Pagsunod-sunurin ito upang makabuo ng isang mensahe na may kaugnayan sa
akademikong pagsulat. Lagyan ito ng bilang 1-4 ayon sa wastong pagkasunod-sunod. I-proseso ang gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling mensahe patungkol sa mga larawan sa baba.

SUBJECT: TOPIC Page 6 of 21


Gamit ng Pang-akademikong Sulatin

Gamit ng Pang-
akademikong
Sulatin

SUBJECT: TOPIC Page 7 of 21


MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Kahulugan
Kritik -Detalyadong pagsusuri ng mga merito, kalakasan at kahinaan, katotohanan, kagandahan, at iba pang
aspekto ng isang akdang iskolarli, akdang pampanitikan, o likhang-sining.
Manwal -Kalipunan ng mga panuto sa paggamit ng isang kasangkapan, pagpapairal ng isang proseso, at iba pa.
Ulat -Kalipunan ng mahahalagang datos na ibinabahagi sa isang pangkat.
Sanaysay -Artikulong naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda tungkol sa isang paksa.
Balita -Artikulong naglalaman ng mahahalagang pangyayari.
Editoryal -Artikulong nagpapahayag ng sariling pananaw ng patnugot tungkol sa isang napapanahong isyu.
Encyclopedia -Isang sangguniang aklat na naglalaman ng masusing
Impormasyon.
Tesis -Isang saliksik na ginagawa ng isang mag-aaral sa kolehiyo o sa antas
Masterado.
Disertasyon -Isang saliksik na ginagawa ng mag-aaral sa antas doktorado bilang ambag niya sa larangan.
Papel-pananaliksik -Isang saliksik na binubuo ng ilang pahina na inilalathala sa isang dyornal o binabasa sa
isang kumperensiya.
Pagsasalin -Pagtutumbas ng isang teksto mula simulang lengguwahe papunta sa tunguhang lengguwahe na may
pagsasaalang-alang sa nilalaman, estruktura, estilo, at kultura.
Anotasyon ng bibliograpia -Tala ng mga sanggunian na nagbibigay ng isang talatang paglalarawan o pagtataya
sa isa.
White Paper -Isa itong papel na masusing tumatalakay sa isang suliranin at sa solusyong makatugon dito.
Ginagamit ito upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikin ang solusyon, produkto, o serbisyong
inihahain.
Autobiography -Talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat
Memoir -Isang salaysay na nakatuon sa tiyak na yugto ng buhay ng tao.
Konseptong papel -Isang papel na nagpapaliwanag ng panukalang saliksik o panukalang proeyekto, lalo na kung
hinihingan ito ng pagsang-ayon o ng pondo
Mungkahi saliksik -Isang panukalang saliksik na karaniwang naglalaman ng panimula, mga kaugnay na pag-
aaral at literature, at metodolohiya.
Korespondensiya opisyal -Isang dokumentong naglalaan ng opisyal na impormasyon na gamit sa komunikasyon
sa loob at labas ng isang kompanya, organisasyon, o institusyon. Halimbawa ang liham-aplikasyon, liham-
pagbibitiw, liham-kahilingan, memorandum, adyenda ng pulong.

SUBJECT: TOPIC Page 8 of 21


GAWAING PAMPAGKATUTO

Ang sumusunod ay mga gawain na kailangan mong sagutin para sa araling ito. Pagkatapos sagutin ay ihiwalay
ito para sa pagsusumiti.
Pangalan: Petsa: ____________________
Baitang/Strand/Seksyon: Iskor: _____________________

GAWAIN 5: Ibigay ang tamang sagot na ipinapahiwatig ng bawat pahayag. Isulat ang sagot bago ang bilang
__________________1. Nagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng ebidensya o ideya.
__________________2. Sulating Pang akademiko na isinasagawa sa antas ng kolehiyo.
__________________3. Pagbibigay ng argumento sa isang paksa.
__________________4. Pagkukwento ng isang mahalagang pangyayari sa paraang kronolohikal.
__________________5. Pagbibigay buhay sa isang bagay o pangyayari.
__________________6. Pagbibigay kahulugan sa isang terminolohiya.
__________________7. Pag-uuri o pagpapangkat ng anuman na nabibilang sa isang uri.
__________________8. Pagbibigay impormasyon sa yugto ng buhay ng isang tiyak na tao.
__________________9. Pagbibigay katumbas sa iba pang lengguwahe.
__________________10. Ginagawa sa antas doktorado bilang ambag niya sa larangan.

GAWAIN 6: Pumili ng limang (5) anyo ng akademikong sulatin at magbigay ng halimbawa sa bawat anyo.
ANYO NG AKDEMIKONG SULATIN MGA HALIMBAWA

SUBJECT: TOPIC Page 9 of 21


PAGTATAYA

Pangalan: Petsa: ____________________


Baitang/Strand/Seksyon: Iskor: _____________________

GAWAIN 6: Basahin at unawain ang bawat pahayag sa Kolum A at piliin ang tamang sagot sa Kolum B. Isulat
ang titik bago ang bilang.

_____1. Kabuuan ng halaga na gagastusin sa isang A. Pagsulat


proyekto. B. Korespondensiya opisyal
_____2. Ito ay ginagamit upang ibuod ang isang C. Depinisyon
mahalagang pangyayari. D. Paglalarawan
_____3. Halimbawa nito ang liham-aplikasyon, E. Badyet
liham-pagbibitiw, F. Sintesis
liham-kahilingan. G. Manghikayat
_____4. Layuning hikayatin ang mga mambabasa. H. Abstrak
_____5. Ginagamit upang ibuod ang isang artikulo. I. Editorial
_____6. Aklat na naglalaman ng masusing J. Akademikong sulatin
impormasyon K. Encyclopedia
_____7. Isang paraan ng pakikipagkomunikasyon L. Balita
upang maipabatid ang opinyon M. Tesis
_____8. Pagbibigay kahulugan sa isang terminolohiya N. Disertasyon
o salita. O. Pagsusunod-sunod
_____9. Nagbibigay-buhay sa isang bagay o P. Sanhi at bunga
pangyayari. Q. Mungkahi ng Saliksik
_____10. Paglalahad ng dahilan pangyayari at ang
kaugnay na epekto.
_____11. Nagpapahayag ng sariling pananaw ng
patnugot
tungkol sa isang napapanahong isyu

SUBJECT: TOPIC Page 10 of 21


_____12. Ginagawa ng mag-aaral sa antas doktorado
bilang ambag niya sa larangan
_____13. Saliksik na karaniwang naglalaman ng
panimula, mga kaugnay na pag-aara
_____14. Kronolohikal ng mga pangyayari o proseso.
_____15. Sulatin na kailangan ang mataas na antas ng
pag-iisip.

Aralin3. Katuturan ng Panukalang Proyekto

SIMULAN NATIN!

Sagutin mo nang buong katapatan ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel (Gawain 7).
1. Magkano ang kabuuang halaga ng iyong baon sa loob ng isang buwan?
2. Paano mo ginagastos ang iyong baon sa loob ng isang buwan buwa? Idetalye nang maayos ang iyong sagot.
3. May naitatabi ka ba mula sa iyong baon?
4. Pinaplano mo ba na dapat ay may natitira sa iyong baon upang makaipon? Bakit?
5. Nagtitipid ka ba dahil sa mayroon kang pansariling panukala na nais mong paggamitan ng naipon mong pera?

PANUKALANG PROYEKTO
Ito ay dokumento na disenyo upang ipakita ang isang plano ng pagkilos, binabalangkas ang mga dahilan kung
bakit ang mga aksyon ay kinakailangan, at kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon at aprubahan ang
pagpapatupad ng mga aksyon na inirerekomenda sa katawan ng dokumento.
Bago magsulat ng panukalang proyekto, kailangan munang masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang naisip mong proyekto?
2. Ano-ano ang layunin nito?
3. Bakit kailangang isagawa ito?
4. Kailan at saan mangyayari ang proyekto?
5. Gaano ito ito katagal?
6. Sino-sino ang makikinabang sa proyekto?
7. Magkano ang halaga ng pagsasagawa at kung sino-sino ang sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto.

MGA LAYUNIN KATANGIAN

1. Gabay sa pagpapatupad ng proyekto 1. Nakakukumbinsi


2. Upang makakuha ng pondo para sa proyekto 2. Makabuluhan at makatotohanan
3. Kumbinsihin ang mga tao na makilahok sa 3. Malinaw, kumpleto at magkakaugnay
proyekto 4. De-kalidad (quality proposal)
4. Batayan sa ebalwasyon ng proyekto

SUBJECT: TOPIC Page 11 of 21


GAWAING PAMPAGKATUTO

Ang sumusunod ay mga gawain na kailangan mong sagutin para sa araling ito. Pagkatapos sagutin ay ihiwalay
ito para sa pagsusumiti.
Pangalan: Petsa: ____________________
Baitang/Strand/Seksyon: Iskor: _____________________

GAWAIN 7: Ibigay ang iyong sagot sa iminumungkahi ng bawat pahayag.

1. Magkano ang kabuuang halaga ng iyong baon sa loob ng isang buwan?


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Paano mo ginagastos ang iyong baon sa loob ng isang buwan buwa? Idetalye nang maayos ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. May naitatabi ka ba mula sa iyong baon?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

4. Pinaplano mo ba na dapat ay may natitira sa iyong baon upang makaipon? Bakit?


5. Nagtitipid ka ba dahil sa mayroon kang pansariling panukala na nais mong paggamitan ng naipon mong pera?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
GAWAIN 8: Kompletuhin ang semantikong mapa. Isulat sa mga bakanteng bilog ang mga salitang maiuugnay
mo sa salitang nasa gitnang bilog. Pagkatapos ay bumuo ng isa o dalawang pangungusap na kahulugan nito.

Panukalang
Proyekto

SUBJECT: TOPIC Page 12 of 21


GAWAIN 9: Basahin ang sumusunod na mga tanong at ibigay ang hiningi nito.
1. Batay sa kahulugan ng panukalang proyekto, ano pang ibang kahulugan ang iyong maibibigay?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maging makatotohanan ang ihahaing panukalang proyekto?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Magbigay ng 5 bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang panukalang proyekto.
a)_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
b)_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
c)_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
d)_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

SUBJECT: TOPIC Page 13 of 21


Aralin 4. Bahagi ng Panukalang Proyekto

SIMULAN NATIN!

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kahulugan ng Panukalang Proyekto, ngayon bago ipagpatuloy ang
kadugtong na aralin ay pag-isipan ang maaaring sagot sa mga sumusunod at tignan kung ito ba ay magiging akma
sa pag-aaralan mo ngayon.
1. Sa iyong palagay, mahirap ba o madali ang gumawa ng panukalang proyekto? Bakit?
2. Ano-ano ang dapat tandaan kapag gumagawa ng isang panukalang proyekto?

Ngayon simulan natin. Iugnay ang naging kasagutan sa nailahad sa ibaba.

PANUKALANG PROYEKTO

PANIMULA KATAWAN KONGKLUSYON O


-dito nakasaad ang suliranin o -binubuo ng plano ng dapat gawin KATAPUSAN
dahilan ng isang panukalang at ang panukalang badyet. -bahagi ito ng pagsusuri o ng
proyekto. 1.Deskripsiyon ng Proyekto bahaging naglalahad ng
1. Pamagat Nagbibigay ito ng kompletong kapakinabangang dulot ng
Tiyaking malinaw at maikli ang detalye tungkol sa mismong proyekto.
pamagat. proyekto. Ano ang inaasahang 1. Pakinabang
2. Proponent ng Proyekto awtput o serbisyo? Ano-ano ang Ano ang pakinabang ng proyekto
Tumutukoy ito sa tao o mga katangian nito gaya ng sa direktang maapektuhan nito- sa
organisasyong nagmumungkahi hitsura, ahensya o
ng proyekto. Isinusulat nilalaman, paraan ng pagsasagawa indibidwal na tumutulong upang
dito ang address, e-mail, contact o proseso, paraan ng operasyon, at maisagawa ang proyekto.
number, at lagda ng tao o iba pa? Ano-ano ang mga
organisasyon. materyales o lakas-paggawang
3. Kategorya ng Proyekto kailangan nito?
Ang proyekto ba ay seminar o 2. Badyet
kumperensiya, palihan, Itatala rito ang detalye ng lahat ng
pananaliksik, patimpalak, inaasahang gastusin sa
konsiyerto, o outreach program. pagkompleto ng proyekto.
4. Petsa
Gaano katagal ang inaasahang
pagpapatupad ng proyekto? Mula
anong petsa hanggang anong petsa
ito isasakatuparan?
5. Rasyonal
Ipaliwanag ang konstekto ng
proyekto.
Anong pangyayari ang nagbunsod
nito? Paano ito naisip ng
nagpapanukala ng proyekto? Bakit
ito lubhang kailangan?

HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO


Pamagat
Talentadong Guro (Mini Concert)

Proponent ng Proyekto
John Andrei C. Arollado
2200 Admi site Saint Benedict Street Tala Caloocan City
09359631086
Maria Eunice V. Dacumos

SUBJECT: TOPIC Page 14 of 21


B91L85 Domingo De Ramos St. Lagro Nov.Q.C
092122327021

Kategorya ng Proyekto
Ang gawain ay isang mini concert pagbibidahan ng mga piling guro ng Largo High School kung saan ipapakita
ng mga guro ang kanilang mga tinatanong talento.

Petsa
Gaganapin ang gawain sa Oktubre 5, 2018 bilang pagdiriwang na rin sa araw ng mga guro.

Rasyonal ng Proyekto
Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga at mailabas ang talento at para na rin
magkaroon ng ibang paraan sa pagdiriwang ng araw ng mga guro, ang gawaing ito ay iminungkahing
maimplimenta at mabigyan katuparan. Kinakailangang gamitin ang intablado ng Largo High School pati na rin
ang bakanteng ground para sa mga manonood o awdens. Kakailanganin din ng mga sound system, lightings at
iba’t ibang instrument na nais gamitin ng mga guro upang maipakita ang kanilang talento. Makatutulong ito sa
mga gurong makapagpahinga sa akademikong usapin at mag-aliw sa pagpapakita ng talento at pagnood sa mga
talento ng kapwa guro.

Deskripsiyon ng Proyekto
Ang proyektong ito ay maituturing na mini concert ng mga piling guro ng Lagro High school kung saan sila ay
magpapakitang gilas ng kanilang mga talento. Ito ay gaganapin sa Lagro High School Quadrangle sa Oktubre 5,
2018 araw ng Biyernes mula 3:00 pm-8:00 pm. Ang mga estudyante ay aanyayahing bumili ng tiket upang
makadalo sa gawain at magsilbing madla ng mga guro.

Badyet AYTEM HALAGA


Lightings 3,000
Sound System 3,000
Tarpaulin 700
ba pang printed na materyal 300
Pagkain ng mga guro 2500
Props 500
KABUUAN 10,000

Pakinabang
Unang makikinabang nito ay ang mga guro, bukod sa makapagpapahinga sa gawaing pampaaralan, mailalabas
din nila ang talentong nais ipakita sa madla. Isa rin sa mga makikinabang sa proyektong ito ay ang mga mag-aaral
ng Lagro High School. Itong mini concert na ito ay magsisilbing pahinga nila mula sa mga aktibidad nila sa
paaralan. Ikalawa ay ang paaralan ng Lagro High School. Dahil ang concert na ito ay magkakaroon ng entrance
fee o bayad sa tiket ang mga nais dumalo na mga estudyante. Ang malilikom nap era ay gagamiting pondo ng
paaralan para sa mga susunod pang mga proyekto.

GAWAING PAMPAGKATUTO

Ang sumusunod ay mga gawain na kailangan mong sagutin para sa araling ito. Pagkatapos sagutin ay ihiwalay
ito para sa pagsusumiti.
Pangalan: Petsa: ____________________
Baitang/Strand/Seksyon: Iskor: _____________________

GAWAIN 10: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat kung ito ay Panimula, Katawan o Konglusyon. Isulat
ang iyong sagot bago ang bilang.
__________1. Dito nakasulat ang suliranin o dahilan sa pagsasagawa ng isang proyekto.
__________2. Nagbibigay ito ng kompletong detalye tungkol sa mismong proyekto.
__________3. Dito nakalahad ang pagsusuri sa kapakinabangang dulot ng proyekto.
__________4. Isinusulat dito ang address, e-mail, contact number, at lagda ng tao o organisasyo
__________5. Nasakaad kung ano ang inaasahang awtput o serbisyo sa pagsasagawa ng panukang proyekto.
__________6. Tumatalakay sa kung anong kategorya ng proyekto tulad ng palihan, pananaliksik,

SUBJECT: TOPIC Page 15 of 21


patimpalak, konsiyerto, o outreach program
__________7. Dito nakalahad kung paano ito naisip ng nagpapanukala ng proyekto.
__________8. Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto.
__________9. Sumasagot sa tanong na ano ang pakinabang ng proyekto sa direktang maaapektuhan nito?
__________10. Dito nakalista lahat ng mga materyales o lakas-paggawang kailangan nito.
__________11. Binubuo ng plano ng dapat gawin at ang panukalang badyet.
__________12. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat.
__________13. Dito makikita ang paraan ng pagsasagawa o proseso, paraan ng operasyon sa paggawa ng isang
proyekto.
__________14. Ipinapaliwanag dito ang konstekto ng proyekto.
__________15. Tumatalakay sa kung gaano katagal ang inaasahang pagpapatupad ng proyekto.

Gawain 11: Isulat ang titik ng sagot sa inilaang patlang. Piliin ang sagot sa kahon. Maaring maulit ng sagot.
Isulat ang iyong sagot pagkatapos ng bilang.
A. Pamagat C.Kategorya ng Proyekto E. Rasyonal G. Badyet
B. Petsa D.Proponent ng Proyekto F. Deskripsyon ng Proyekto
H.Pakinabang

1. Humihiling kami ng 40, 000 pesos upang maisakatuparan naming nang lubos ang mga layunin ng proyekto.
2. Tatagal ng tatlong araw ang seminar-worksyap, mula ika-28 hanggang 30 ng Agosto 2018.
3. Konsultasyon sa lahat ng mga manggagawa kaugnay sa iminumungkahing proyekto (tatlong araw).
4. Panukala para sa medical mission sa Enrile, Cagayan.
5. Hinihiling naming mapalawak ang aming pantry sa ikalimang palapag sa kapakinabangan ng empleyadong
naghahanap ng maluwag at maaliwalas na espasyo.
6. Ang gawain ay isang konsiyerto.
7. Ang proyekto ay inaasahang magbibigay ng maayos na suplay ng tubig sa mga taniman sa iba’t ibang bayan ng
Nueva Ecija. Titiyakin nito ang kalusugan ng mga palay, kahit sa panahon ng matinding tag-init.
8. Raymart M. Chan Tagapamahalang Direktor Paint a Smile Foundation
+639154819600 chanraymart@yahoo.com
9. Ang proyekto ay nabuo dahil sa suliranin ng juvenile delinquency o pagkapariwa ng kabataan sa pamayanan.
Napansin na ang ilang kabataan ay hindi pumapasok sa eskuwela, nalululong sa paghithit ng rugby, nasasangkot
sa mga gang war, at pinakamahala, ginagamit na kasangkapan sa krimen.
10. Ang proyekto ay isang breastfeeding station. Isang silid lamang ito na may limang magiginhawang upuan
para sa mga inang empleyado na nais magtabi ng gatas para sa kanilang mga anak. May refrigerator ito para
magpalamig ng maiipong gatas. May sapat na mga ilaw, bentilasyon, at nakarerelaks na tugtugin.

GAWAIN 12: Igawan ng panukalang proyekto ang naibigay na sitwasyon sa ibaba.

Aktibong kasapi ka ng Sangguniang Kabataan bilang isa sa mga kagawad. Isang araw ay napansin mo ang
nakatambak na basura sa eskinita ng inyong barangay at naobserbahan mong araw-araw itong nadaragdagan.
Bukod pa rito ay barado rin ang mga kanal dulot ng mga plastik. Paano mo ito masosolusyonan? Bumuo ng
panukalang proyekto para ilahad ito nang maayos.
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS:

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY (3) KATAMTAMAN PAGSASANAY


(4) (2) PA (1)
Nilalaman
Kaangkupan ng
Proyekto
Organisasyon ng
mga ideya
Aspektong
Gramatikal
KABUUAN:

SUBJECT: TOPIC Page 16 of 21


MGA DAPAT TANDAAN

 Kahulugan at Layunin ng Akademikong Pagsulat


 Abstrak
 Talumpati
 Sintesis
 Bionote
 Gamit at Anyo ng Akademikong Pagsulat
 Katuturan ng Panukalang Proyekto
 Bahagi ng Panukalang Proyekto

SANGGUNIAN

 APOLONIO, S. et al., (2016) FILIPINO SA PILING LARANG. St. Andrew Publishing House.
Culianin, Plaridel, Bulacan
 GARCIA, F. (2016) FILIPINO SA PILING LARANG. Sibs Publising House, Inc.927 Quezon Ave.,
Quezon City
 BASILAN, L. at NAVARO, A. (2019). Unlimited Books Library Service & Publishing Inc., Intramuros
Corporate Plaza Building, Cabildo Corner Recoletos Street, Intramuros, Manila

SUBJECT: TOPIC Page 17 of 21


FORMATIONAL ACTIVITY
Pangalan: ID Number

LAYUNIN:

INSTUKSYON

AKTIBIDAD KABUUANG PUNTOS:

SUBJECT: TOPIC Page 18 of 21


RECEIVING SLIP
Pangalan:
Paksang-Aralin: Petsa ng Pagsusumiti:
Lagda

SIGNATURE OVER PRINTED NAME SIGNATURE OF RECEIVING OFFICER


MAG-AARAL STUDENTS AFFAIRS OFFICER
ENHANCING ACTIVITY
PANGALAN: ID Number

LAYUNIN:

INSTRUKSYON

AKTIBIDAD KABUUANG PUNTOS:

SUBJECT: TOPIC Page 19 of 21


RECEIVING SLIP
Pangalan:
Paksang-Aralin: Petsa ng Pagsusumiti:
Lagda

SIGNATURE OVER PRINTED NAME SIGNATURE OF RECEIVING OFFICER


MAG-AARAL STUDENTS AFFAIRS OFFICER
PERFORMANCE ACTIVITY
Pangalan: ID Number

LAYUNIN:

INSTRUKSYON

AKTIBIDAD PETSA NG PAGSUSUMITI:

SUBJECT: TOPIC Page 20 of 21


RECEIVING SLIP
Pangalan:
Paksang-Aralin: Petsa ng Pagsusumiti:
Lagda

SIGNATURE OVER PRINTED NAME SIGNATURE OF RECEIVING OFFICER


MAG-AARAL STUDENTS AFFAIRS OFFICER
PAMANTAYAN

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS:

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY (3) KATAMTAMAN PAGSASANAY


(4) (2) PA (1)
Nilalaman
Kaangkupan ng
Proyekto
Organisasyon ng
mga ideya
Aspektong
Gramatikal
KABUUAN:

SUBJECT: TOPIC Page 21 of 21

You might also like