You are on page 1of 27

Holy Rosary College of Sta. Rosa Laguna, Inc.

Tagapo, City of Santa Rosa, Laguna

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


School Year 2021-2022

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING


LARANGAN
Grade 11

LEARNING MODULE

Unang Semestre:
Batayang Konsepto Kaugnay ng Akademikong Sulatin

Ma. Mica Ella S. Casbadillo


mica.casbadillot@hrcsrl.edu.ph

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 1 of 27
Batayang Konsepto Kaugnay ng Akademikong Sulatin
OVERVIEW

Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa loob ng paaralan. Hindi
maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng isang indibidwal. Bilang mag-aaral, ito rin ay isa sa
mga kasanayan na dapat mong mahasa at mapaghusayan.

Sa unang aralin, mamamalas ang mga batayang konsepto ng akademikong pagsulat na makatutulong sa mga
mag-aaral upang mabisang makalikha ng mga sulatin pampaaralan at pangtrabaho. Palalalimin dito ang iyong pag-
unawa sa akademikong pagsulat bilang isang uri ng malayuning komunikasyon na kaiba sa personal na uri ng
pagsulat. Tatalakayin din ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng akademikong sulatin at ang mga
displinang maaaring pagbatayan ng paksang tatalakayin.

Kaakibat ng pag-aaral sa larangan ng pagsulat ay ang pagsasaalang-alang sa etika at mga pagpapahalagang


intelektwal at moral na kaugnay nito. Makatutulong ang mga ito upang maiwasan ang iba’t ibang isyung kaugnay
ng pagsulat tulad ng plagiarism, paghuhuwad, o iba pang uri ng pandaraya. Tatalakayin sa ikalawang araling ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa etika at mga uri ng pandaraya sa pagsulat. Upang mas maunawaan ang
mga ito ay magbibigay ng mga sitwasyon na nagpapakita ng paglabag sa Intellectual Property Code of the
Philippines o ang Republic Act No. 8293 kung saan nakapaloob ang karapatan at responsibilidad ng isang
manunulat. Iisa-isahin din ang mga pagpapahalagang kailangan at karaniwang nalalabag ng mga manunulat sa
akdemya tulad ng lakas ng loob, pagsisikhay, integridad at iba pa.

Sa larangan ng pagsulat, mahalagang isaalang-alang ang uri ng diskursong pagbabatayan ng iyong paksa
sapagkat makatutulong ito upang mas epektibong maipahayag ang nilalaman ng sulatin. Iisa-isahin sa ikatlong aralin
ang mga batayang diskurso sa pagsulat: pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan, at pangangatwiran. Tatalakayin
din ang katangian at kahalagahan ng bawat isa at ang mga akademikong sulatin na maiuugnay sa mga ito.

Bilang bahagi ng proseso ng pagsulat, mahalagang malaman ang mga bahagi ng sulating ating bubuuin.
Kaugnay nito, tatalakayin sa ikaapat na aralin ang tatlong pangunahing bahagi ng isang sulatin: Simula, Katawan at
Wakas. Kung saan sa makikita sa Simula ang pagpapakilala ng paksa, sa Katawan naman ang pinakamahahalagang
detalye na sasagot sa mga katanungang naunang inilahad, at ang Wakas na magpapahayag ng iyong koklusyon sa
paksang tinatalakay. Iisa-isahin din ang kahalagahan ng mga ito at ang iba’t ibang mga pamamaraan na makatutulong
upang maging epektibo ang lalamnin ng bawat bahagi.

Taglay ng akademikong sulatin ang pagkakaroon ng tiyak na proseso na dapat sundin. Bagaman masalimuot
ang pagbuo nito, may mga maaasahang paraan upang malagpasan ang hamong kaugnay ng pagsulat. Sa ikalimang
aralin, tatalakayin ang Una (Bago Sumulat) at ikalawang yugto (PAgbuo ng Unang Draft) sa pagbuo ng sulatin. Iisa-
isahin din ang iba’t ibang hakbang na dapat gawin ng isang manunulat na makatutulong sa yugtong pinagdadaanan.

Kailangan ding pagdaaanan ng isang manunulat ang Ikatlo (Pag-eedit at Pagrerebisa), Ikaapat (Pagsulat ng
Pinal na Draft) at Ikalimang (Paglalathala at Paglilimbag) bahagi ng yugto ng pagsulat upang maging matagumpay
ang prosesong kanyang pinagdadaanan. Tatalakayin sa araling ito ang ikatlong yugto ng pagsulat kung saan iisa-
isahin ang mga simbolo na ginagamit sa pagwawasto ng isang teksto. Maging ang wastong gamit ng mga bantas ay
matatalakayin din. Sa ikaapat at ikalimang yugto, tatalakayin ang pagsulat ng pinal na draft at paglalathala ng sulatin.

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 2 of 27
Panimulang Pagsusulit

A. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot.


1. Ito ay isang uri ng pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na
intelektwal na pagsulat.
a. Pananaliksik c. Akademikong Pagsulat
b. Pagsulat sa Paaralan d. Akademyang Pagsulat
3. Ano ang dalawang anyo ng diskurso?
a. Pasulat at Pasalita c. Pagbasa at Pakikinig
b. Pagsulat at Pagkikinig d. Panonood at Pagbasa
3. Alin sa mga sumusunod ang simbolong gagamitin kung kailangan i-transpose ang isang titik o kataga?
a. b. c. d.

4. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamahalaga at pinakamasustansyang bahagi ng akademikong


sulatin na dapat makuha ng mambabasa?
a. Wakas b. Pamagat c. Katawan d. Panimula
5. Alin sa mga sumusunod ang ikalawang yugto sa pagbuo ng isang sulatin?
a. Pagbuo ng Draft b. Bago Sumulat
c. Pagbuo ng Unang Draft d. Pagsulat ng Sanaysay
6. Sa pagbabalangkas, ang unang hakbang na dapat gawin ay hatiin ang mga ideya ng napiling paksa.
a. Tama b. Mali c. Hindi d. Ewan
7. Ito ay isang pangungusap, hindi tanong o parirala, na naglalayong ipahayag ang pinakakonsepto ng manunulat at
matatagpuan sa panimula ng sulatin.
a. Panimula b. Tesis Isteytment c. Paksang Pangungusap d. Hooker
8. Isang uri ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha na makatutulong sa pag-
aayos ng mga ideya.
a. Burador b. Akademikong Sulatin c. Balangkas d. Draft
9. Alin sa mga sumusunod ang ikalawang yugto sa pagbuo ng isang sulatin?
a. Pagbuo ng Draft c.Pagbuo ng Unang Draft
b. Bago Sumulat d. Pagsulat ng Sanaysay
10. Ito ay isang pormat na ginagamit sa mga kursong humanities kung saan nabibigyan ng malaking pokus ang
awtor.
a. APA Format b. APP Format c.MAL Format d. MLA Format

B. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat pahayag.


_____________ 11. Ito ang maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng
ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa iyo.
_____________ 12. Ano ang dalawang anyo ng diskurso?
_____________ 13. Ipinapahayag sa batas na ito ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat,
artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga
nabanggit.
_____________ 14. Taglay ng bahagi ito ang pangkalahatang paliwanag na nais na maipahayag ng sulatin.
_____________ 15. Dito kabilang ang mga sulating pumapaksa sa Kasaysayan, Ekonomiks, at Sikolohiya.
C. Isulat ang T kung tama ang pahayag at kung mali, palitan ang/ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

____________ 16. Bahagi ng ikalawang yugto ng pagsulat ang pagbabalik-tanaw at pagkilala sa sarili na
makatutulong upang malaman kung ano ang iyong isusulat.
____________ 17. Sa pagbabalangkas, ang unang hakbang na dapat gawin ay hatiin ang mga ideya ng napiling
paksa.

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 3 of 27
____________ 18. Ginagamit ang balangkas na pangungusap sa pagtatala ng pangkalahatang pananaw sa kurso sa
kolehiyo na naglalarawan sa lawak ng kurso.
____________19. Isa sa mga paraan na ginagamit sa pagsulat ng panimula ay ang Panlahat na Pahayag na
nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga
pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
____________ 20. Ang epektibong panimula ng isang sulatin ay nakabatay sa maigting na ugnayan ng estruktura at
impormasyon na nakahanay nang lohikal na paraan.
____________ 21. Ang konklusyon ay marapat na mag-iwan ng mahahalagang puntos na dapat matandaan o
maikintal sa puso at isip ng mambabasa.
____________ 22. Ang pangunahing layunin ng pagsasalaysay ay makapagbigay ng pangkaisipang imahen sa
pamamagitan ng pagbibigay hugis, anyo, kulay at katangian.
____________ 23. Ginagamit ang pagsasalaysay at paglalarawan sa paglalahad kung ito ay makatutulong sa
gagawing pagpapaliwanag.
____________ 24. Ang pangangatwirang pasaklaw ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at
nagtatapos sa isang panlahat na suliranin
____________ 25. Ipinapahayag sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8392 ang
mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor,
mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga nabanggit.
____________ 26. Kabilang sa mga pagpapahalagang maaaring iugnay sa larangan ng pagsulat ay ang Kababaang-
Loob na tumutukoy sa hindi pag-angkinin ang hindi sa iyo at pag-amin na hindi sa iyo ang ideya o datos.
____________ 27. Ang paghuhuwad ng datos ay isa mga isyung may kaugnayan sa pagsulat na maaaring maipakita
sa tatlong paraan: imbensyon, sadyang ‘di paglalagay at modipikasyon ng datos.
____________ 28. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim ng kanyang ginawang obra o
sulatin.
____________ 29. Kalikasan ng akademikong sulatin na magpahayag ng kaalaman batay sa angkop na paraan na
nakaugat sa kakayahang umunawa ng mambabasa upang ipaunawa ang naisip at naranasan.
____________ 30. Sa pagsulat, maaaring kumuha ng datos sa primarya at sekondaryang sanggunian. Kabilang sa
mga sekondaryang sanggunian ang mga sulating tulad ng Talaarawan, Pakikipanayam , Liham, at Orihinal na
Pananaliksik

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 4 of 27
Aralin 1: Akademikong Sulatin, Ating Alamin

Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natutukoy ang kahulugan, katangian at anyo ng akademikong sulatin.
2. Naiisa-isa ang mga disiplinang maaaring pagbatayan sa pagsulat ng akda.
3. Nakakalikha ng isang tweet upang maipahayag ang kahalagahan ng akademikong sulatin.
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa pagsulat.

Kahulugan ng Pagsulat: Ano ang Pagsulat?


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 1- online class
Paunang Gawain: Tama o Mali
Talakayan: Kahulugan ng Pagsulat
Day 2 - asynchronous
Gawain 1: Pagsasaliksik ng online journals o e-journals
Day 3- online class
Talakayan: Mga disiplinang maaaring maging batayan ng paksa
Day 4 - asynchronous
Gawain 2: Paglikha ng isang tweet

Paunang Gawain: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang mga katangian ng akademikong sulatin.
_____________ 1. Layunin nitong magbigay ideya at impormasyon.
_____________ 2. Ginagamitan ng obserbasyon at pananaliksik.
_____________ 3. Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
_____________ 4. Obhektibo
_____________5. Iba’t ibang publiko ang tinuturing na awdyens sa pagsulat.

Ano ang Pagsulat?


Ito ay pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Isa itong paraan ng pagpapahayag
ng sarilin pananaw, ideya, kaalaman, at karanasan.

Ano nga ba ang Akademikong Sulatin?


Isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal
na pagsulat. Sa pagsulat ng isang akademikong sulatin, hindi maihihiwalay ang proseso ng pag-iisip o ang tinatawag
na kognisyon. Taglay ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang
uti ng sulatin. Pinapabisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon at kalipunan ng mga pangungusap na
binuo ng kaisipan ng isang tao. Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang
ideya bilang batayan ng karunungan. Bukod sa pag-iisip, kaakibat din ng akademikong sulatin ang isang
komprehensibong pananaliksik. Mahalagang magkaroon ng batayan sa pagsulat at suriin muna ang lahat ng datos
na itatala sa sulatin.

Mga Salik na Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Akademikong Sulatin


1. Komprehensibong Paksa/Tema
Ito ay nakabatay sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas
nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan. Sa paksa nag-uumpisa
ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhgang akademikong sulatin.
2. Angkop na Layunin
Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin
kung nais na magpahayag, manghikayat, o suportahan ang mga dati nang impormasyon.
3. Gabay na Balangkas

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 5 of 27
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya ng
sulatin. May tatlong uri ito: Balangkas na Paksa, Balangkas na Pangungusap, at Balangkas na Talata.
4. Halaga ng Datos
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturin na pinakamahalagang yunit ng
pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susurin o sasaliksikin. Nahahati sa
dalawa ang pinagkukunan ng datos: Primaryang sanggunian kung saan nakapaloob ang mga orihinal na dokumento
na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa at Sekondaryang sanggunian na naglalaman ng sariling
interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon.
5. Epektibong Pagsusuri
Hindi makahihikayat ng mambabasa ang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang
sa pansariling pananaw ng manunulat. Kailangang lagpasan ang opinyon at palutangin ang katotohanan.
6. Tugon ng Kongklusyon
Taglay ng kongklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin.
Makikita rito ang mga kasagutan sa mga tanong na itinampok sa pag-aaral. Sa kongklusyon, huwag magpasok ng
bagong materyal at huwag magtapos sa cliff-hanger.
Gawain 1: Magsaliksik sa internet ng mga online journals o e-journals. Pumili ng limang akademikong sulatin
batay sa inyong interes. Punan ang gabay na talahayanan bilang data bank ng iyong nasaliksik.

PAMAGAT NG SANGGUNIAN KATANGIAN KAHULUGAN LAYUNIN NG


JOURNAL NG 3 SALITA SULATIN

Mga Disiplinang Maaaring maging Batayan ng Paksa

1. Humanidades

 Wika
 Literatura
 Pilosopiya at Teolohiya
 Mga Piling Sining (Arkitektura. Teatro, Sining, Sayaw, Musika)

2. Agham Panlipunan

 Kasaysayan
 Sosyolohiya
 Sikolohiya
 Ekonomiks

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 6 of 27
 Administrasyong Pangangalakal
 Antropolohiya, Heograpiya, Arkeolohiya
 Agham Polotikal/Abogasya

3. Agham Pisikal

 Eksaktong Agham (Matematika, Kemistri, Pisika, Asrrronomiya, Inhenyeriya)


 Agham Biyolohikal (Biyolohiya, Botanika, Soolohiya, Medisina, Agrikultura)

Katangian ng Akademikong Sulatin


1. Makatao
2. Makabayan
3. Demokratiko
4. May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion
5. Pantay na Paglalahad ng mga Ideya
6. May paggalang sa magkaibang pananaw
7. Organisado
8. May mahigpit na pokus
9. Gumagamit ng sapat ng katibayan
Gawain 2: Ang Twitter ay isang social networking site na naglalaman ng mga maikling pahayag tungkol sa iba’ibang
paksa. Nasubukan mo na bang gamitin ang Twitter?
Sumulat ng isang tweet na naglalaman ng mensahe kaugnay ng kahalagahan ng akademikong sulatin sa sarili
bilang isang mag-aaral. Isulat sa ibaba iyong tweet at pagtapos ay ipaliwanag ito.
Ginawang pahayag sa Twitter:

Paliwanag sa ginawang tweet:


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Aralin 1: Pangwakas na Gawain


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 5 - asynchronous
Wrap It Up!
Pagtataya bilang 1 sa MS Teams Assignments

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 7 of 27
Wrap It Up!
Itala ang iyong mga kasagutan tungkol sa mga sumusunod na sitwasyon/isyu.
1. Usong-uso ang ginagawang pag-sipi sa ibang mga akda nang walang pahintulot…
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
2. Maraming mag-aaral ang pinipilit lamang na sumulat dala ng pangangailangang maipasa ang kurso sa paaralan…
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Kung ang akademikong sulatin ay hindi ibinatay sa komprehensibong pananaliksik…


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Mahalagang pag-isipan muna nang mabuti ang ating isusulat sapagkat…


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang akademikong sulatin dahil…


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

Aralin 2: Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya


Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natutukoy ang pagkakaiba at kahulugan ng etika at pagpapahalaga sa loob at labas ng akademiya.
2. Natatalakay ang mga pagpapahalagang intelektwal at moral sa akademya.
3. Nasusuri ang mga pangyayari mula sa napanood na pelikula at naiuugnay mga ito sa araling tinalakay.

Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 6 - online class
Pagganyak: Pagsusuri sa sitwasyong ibinigay
Talakayan: Etika sa Pagsulat sa Akademya
Day 7 - asynchronous
Gawain 3: Pagsusuri ng pelikula
Day 8 - online class
Talakayan: Mga Pagpapahalagang Moral at Intelektwal sa Akademya
Day 9 - asynchronous
Gawain 4: Paglikha ng slogan

Pagganyak: Basahin ang sitwayson sa ibaba:


Inaasahang magsumite ng iskrip si Marian sa kanyang professor sa script writing. Humiram siya ng script sa
isang kaibigan. Sinabi niyang aggamitin niya lamang ito upang gawan ng ebalwasyon at kritika sa klase ngunit
ipinasa niya ito bilang kanyang sariling gawa.
Ito ba ay isang etiikal na gawain? Kung oo, bakit? Kung hindi, ano ang mas dapat na ginawa ni Marian?
Ano ang Etika?
 Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter.”
 Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino.
 Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang “moral, moral na karakter.”

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 8 of 27
 Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad,
konsepto ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di-pagtanggap
ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito. Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta
kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga.

Etika sa Pagsulat sa Akademya


a. Copyright
Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang mga
karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik,
at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito. Mahalagang malinawan ang mga karapatan at
obligasyong ito upang maiwasan ang anumang di- pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at pagbubuod, lalo na sa
mga layuning akademiko.
Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang impormasyon

b. Plagiarism
Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa
layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.
Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism:
1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya;
2) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag; at
3) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).

c. Paghuhuwad ng datos
1) Imbensiyon ng datos
2) Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3) Pagbabago o modipikasyon ng datos

d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik


Pagbili sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro.
Hindi lamang ito di-etikal kundi ilegal na gawain.

e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang sariling
papel na isusumite sa guro.

f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa. Malinaw na
pandaraya ito. Kaugnay nito, ang gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya.

Gawain 3: Panoorin ang pelikulang Shattered Glass, isang pelikula noong 2003 na nanalo ng mga gantimpala na
tungkol sa pandaraya (paglikha ng kuwento) sa pahayagan. Itala ang mga mahahalagang punto sa pelikula na
maiuugnay ninyo sa aralin. Sagutin ang mga sumusunod na bilang:
 Magbigay ng dalawang pangyayari mula sa pelikula na maituturing mong uri ng paglabag sa etika ng
pagsulat at ipaliwanag bawat isa.
 Magtala ng tatlong pangyayari kung saan nakita mong may nilabag na pagpapahalaga sa pagsulat ang mga
tauhan sa pelikula at ipaliwanag kung bakit.

Ano ang Pagpapahalaga?


 Mga istandard o batayan—mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at
negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
 Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o emosyon ukol
sa isang bagay na dinedesisyunan.

Mga Pagpapahalagang Moral at Intelektwal sa Akademya

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 9 of 27
a. Kababaang-loob
Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagtukoy kung kanino galing ang ginamit na ideya o datos.
b. Lakas ng loob
Harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba
Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang maiwasan ang insulto at pananakit
ng damdamin. Tinutukoy ng mga salitang ito ang mga may kaugnayan sa kasarian, kalusugan o pisikal na kaanyuan,
laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan, kalagayan ng pag-iisip.
d. Integridad
Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos,
gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
e. Pagsisikhay
Hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba’t ibang pamamaraan upang makakuha ng
mga datos sa legal at matapat na paraan.
f. Paniniwala sa katuwiran
Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang anumang ideyang
gustong patunayan.
g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin
May matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga gawain.
h. Kamalayang mapanuri
Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor). Kailangan ang
kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat.

Etika at Pagpapahalaga sa Akademya


Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating sarili sa o
pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong ito upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang
lipunan.

Gawain 4: Lumikha ng isang slogan na magsisilbing paalala para sa mga manunulat tungkol sa pag-iwas sa kahit
na anong uri ng pandarayan sa larangan ng pagsulat. Makikita sa answer sheet ang pamantayan sa pagmamarka.

Aralin 2: Pangwakas na Gawain


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 10 - asynchronous
Wrap It Up!
Patataya bilang 2 sa MS Teams Assignments
Wrap It Up!
Itala ang pagkakaiba ng etika at pagpapahalaga sa pamamagitan ng isang venn diagram.

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 10 of 27
Aralin 3: Mga Batayang Diskurso sa Pagsulat
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natatalakay ang mga batayang diskursong pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran..
2. Nakapaglalarawan ng isang bagay na ginagamit sa pang-araw araw na buhay.
3. Naibibigay ang sariling katwiran ukol sa isang napapanahong isyu.

Mga Batayang Diskurso


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 11 - online class
Paunang Gawain: Pagbuo ng akrostik
Talakayan: Pagsasalaysay at Paglalarawan
Day 12 - asynchronous
Gawain 5: Pagsulat sa pamamaraang paglalarawan
Day 13 - online class
Talakayan: Paglalahad at Pangangatwiran
Day 14 - asynchronous
Gawain 6: Pagsulat sa pamamaraang paglalarawan

Paunang Gawain: Ibigay ang kahulugan ng salitang diskurso sa pamamagitan ng isang akrostik.
D-
I-
S-
K-
U-
R-
S-
O-
A. Pagsasalaysay
 Ang pagsasalaysay ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay tapos na.
 Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay, gaya ng pagkukwento ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
 Karaniwan ay gumagamit ng salitang kilos para ilarawan ang mga pangyayari.

Katangian
 May maayos na pagkakasunod-sunod.
 Ginagawa nang malinaw at may tiyak na kaayusan.
 Binibigyang-pansin lamang ang mga pangyayaring totoong mahalaga.
 Gumagamit ng punto de bista sa pagsasalaysay.
 Naghahatid ng mahalagang mensahe.
 Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.

Katangian
 Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid, at mapahalagahan ng impormasyon nang may maayos
na pagkakasunod-sunod.
 Dagdag pa rito, nakagagamit ito ng masining, at angkop na wika na makatutulong sa akademikong sulatin.

Akademikong sulating maiuugnay


 Talaarawan
 Dyornal
 Talambuhay
 Repleksyon

B. Paglalarawan

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 11 of 27
 Pagbibigay hugis, anyo, kulay, katangian sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari.
 Layunin nitong makapagbigay ng PANGKAISIPANG IMAHEN.

Katangian
 Nakatuon sa pangunahing katangian.
 Gumagamit ng mga salitang makahulugan at matalinhaga.
 Nasasangkot sa iba’t ibang pandama.

Kahalagahan
 Naipapakita ang kagandahan ng daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama.
 Nagagawang maging konkreto ang abstrakto.

Akademikong sulating maiuugnay


 Blogs
 Lathalain
 Lakbay-Sanaysay

Gawain 5: Pagsulat sa pamamaraang paglalarawan


Ilarawan ang isang gadget na madalas mong gamitin (halimbawa: tablet, laptop, cellphone). Banggitin ang
natatanging “feature” nito at kung paano mo ito ginagamit sa araw-araw. Siguraduhing mailalarawan ito nang
lubusan.

C. Paglalahad
 Ang paglalahad ay larawan ng diskurso na nagpapaliwanag ng isang paksa.
 Layunin nito na magpaliwanag at magsuri ng mga impormasyon sa pamamagitan ng ideya, mahalagang
ebidensya at angkop na pagtatalakay.

Katangian
 Kailangan ang malawak na kaalaman sa paksa.
 Sumasangguni sa makabuluhang aklat, magasin, dyornal, at iba pa.
 Ang pagsasalaysay at paglalarawan ay ginagamit sa paglalahad kung ito ay makatutulong sa gagawing
pagpapaliwanag.

Kahalagahan
 Nagbibigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at bunga, sa paraan ng pagsasagawa, problema at solusyon.
 Hinihikayat ang tao na maging palabasa, mapanaliksik, at mapagmasid nang mapaunlad ang ating
kakayahan.

Akademikong sulating maiuugnay


 Liham
 Pamanahong Papel
 Liham Pangangalakal

D. Pangangatwiran
 Layunin nitong hikayatin ang iba na tanggapin ang katotohanan o kawastuhan ng isang paninindigan o dili
kaya’y baguhin ang kanilang pag-iisip o impluwensiyahan ang kanilang pag-uugali at pagkilos sa
pamamagitan ng mga makatwitrang pahayag.
 Layunin nitong mapakilos ang mambabasa.
 Mahalaga ang diskursong ito sa ating pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga isyung kinakaharap.
 Ito ay maglalahad ng matibay na pangangatwiran, argumento at pagtalakay na lubusang himihikayat sa
mambabasa.

Katangian
 Karaniwang binibigkas sa pamamagitan ng talumpati.
 Maaaring manawagan sa emosyon o isipan.
 Ginagamitan ng magaganda at mabisang pananalita.

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 12 of 27
Kasanayang nalilinang sa pangangatwiran
 Wasto at mabilis na pag-iisip .
 Lohikong paghahanay ng kaisipan.
 Maayos at mabisang pagsasalita.
 Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran.
 Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga
karaniwang inilahad ng iba.

Uri ng pangangatwiran

Pangangatwirang Pabuod
Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang
panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:

Gumagamit ng Pagtutulad
Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga ito at dito humahango ng konklusyon. Ang
konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang.
Maaaring maging pareho ang paghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang
katangian.
Halimbawa:
1. Tulad ng espada na sandata ng mandirigma, ang pluma ay siya ring sandata ng isang manunulat
2. Ang kaayusan ng isang atom ay tulad din ng ating solar system. Ang nucleus ay ang araw, habang ang
electrons naman ay ang mga planeta na umiikot sa kanilang araw.

Gumagamit ng Pag-Uugnay ng Pangyayari sa Sanhi


Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o
ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangyayari'y bunga ng isa pang
pangyayari.
Halimbawa:
1. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-
aral.

Gumagamit ng Katibayan at Patunay


Ang pagmamatuwid ay may pinanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan at patunay.
Halimbawa:
1. Ang pagmamatuwid na si Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang tsinelas sa tabi ng bangkay.
Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar
ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. Nawawala ang ilang piraso ng mamahaling alahas sa isang “jewelry store” sa Ermita. Isang saleslady ang
hindi pumasok sa trabaho ng araw na matuklasan ang pagkawala ng mga alahas. Pinag-hinalaan siya ng may-
ari. Tumawag ng mga pulis. Natagpuan sa kayang aparador sa loob ng kanyang silid ang nawawalang mga
alahas. Isinakdak siya sa salang pagnanakaw.
Pangangatwirang Pasaklaw
Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang
pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang
pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon.
Halimbawa:
1. Ang patimpalak ay ginaganat tuwing martes o kaya naman Biyernes. Nalaman ko kanina na hindi ito
gaganapin sa Martes, kaya ang patimpalak ay gagawin sa Biyernes.
2. Kaya ang A=B at ang B=C, samakatuwid and A=C
3. Lahat ng tao ay mortal
Ako ay tao
Kaya ako ay mortal

Akademikong sulating maiuugnay


 Editoryal
 Talumpati

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 13 of 27
 Resume
 Liham Aplikasyon
 Liham Rekomendasyon

Gawain 6: Pagsulat sa pamamaraang paglalarawan


Mula sa mga paksa sa ibaba,

Aralin 3: Pangwakas na Gawain


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 15 - asynchronous
Wrap It Up!
Pagtataya bilang 3 sa MS Teams Assignments

Wrap It Up!
Itala ang pagkakaiba ang mga katangian ng bawat batayang diskursong tinalakay sa araling ito.
Pagsasalaysay Paglalarawan Paglalahad Pangangatwiran

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

__________________________________________________________________________________________
MONTHLY EXAMINATION
__________________________________________________________________________________________

Aralin 4: Mga Bahagi ng Akademikong Sulatin


Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natatalakay ang mga bahagi ng akademikong sulatin (simula, gitna, wakas).
2. Naiisa-isa ang mga pamamaraan sa paglikha ng bawat bahagi ng sulatin.
3. Nakakalilikha ng Tesis na Pahayag gamit ang mga paksang ibinigay.

Mga Bahagi ng Akademikong Sulatin


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 16 - online class
Paunang Gawain:
Talakayan: Ang Bahagi ng Akademikong Sulatin
Day 17 - asynchronous
Gawain 7: Pagsusuri ng isang teskto
Day 18 - online class
Talakayan: Pagsulat ng Simula, Gitna, Wakas

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 14 of 27
Day 19-20 - asynchronous
Gawain 8: Paglikha ng Tesis na Pahayag

Paunang Gawain:

Tingnan ang larawan ng pizza pie. Makikitang ito ay hinati sa


tatlong bahagi. Ang bahaging may pangalan na “gitna” ay may
malaking bahagdan. Kung ito ay iuugnay sa larangan ng pagsulat,
bakit kaya mas malaki ang hati ng gitnang bahagi? PANIMULA WAKAS

GITNA

A. Paksa Bilang Simula


Ang panimula ang nagpapakilala sa paksa ng akademikong sulatin. Dito umiikot ang proposisyon, katuwiran,
o ideya batay sa diskursong nais ihatid kung ito man ay pasalaysay, paglalarawan, paglalahad, o pangangatwiran.
Dapat sa umpisa pa lamang ay epektibo na ang pagpapahayag ng paksa at tesis.

Mga Paraan ng Pagsisimula


1. Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na simoy ng Nobyembre?
Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan.

2. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa ko ito….”

3. Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at
maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay baon-baon hanggang
libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin
siyang Lita

4. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong
salita ang ginagamit.
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-
pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay
laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.
(mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute)

5. Pagsalungat

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 15 of 27
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi ang bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng bayan naming
ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.

B. Nilalaman Bilang Katawan


Ang pinakamahalagang bahagi ng akademikong sulatin sapagkat kung sa pagkain, ito ang
pinakamasustansyang bahagi na dapat makuha ng mambabasa. Ang epektibong katawan ng isang sulatin ay
nakabatay sa maigting na ugnayan ng estruktura at impormasyon na nakahanay nang lohikal na paraan.

Mga Paraan ng Pagsulat ng Katawan


1. Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa
pinakasalukuyan.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa kasalukuyan
niyang buhay.

2. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam,
patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.

C. Lagom at Kongklusyon Bilang Wakas


Marapat itong mang-iwan ng mahahalagang puntos na dapat matandaan o maikintal sa puso at isip ng mambabasa.
Dito mababasa ang lagom at buod ng bagong sulatin na inilahad sa pinakamaikling paraan. Samantala, ang
kongklusyon ay tumutukoy sa mga kasagutan sa katanungan mula sa pagsusuri ng mga nakalap na datos.

Mga Paraan sa Pagwawakas


1. Tuwirang Sinasabi
Halimbawa:
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive drive to continue with
our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de
Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon.
-Taliba (Nobyembre 5, 2004)

2. Pagpapahiwatig ng Aksyon/Pagmumungkahi
Halimbawa:
… Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat
na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.

3. Pagtatanong
Halimbawa:
Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa
kahirapan, ano ang puwede mong gawin para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para
maibsan ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?

4. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop sa tinatalakay na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin
mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 16 of 27
Gawain 7: Pagsususri gn teksto. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Tukuyin at suriin ang mga bahagi nito
(Simula, Katawan, Wakas). Itala ang mga puntos na iyong napuna sa bawat bahagi ng binasang teksto.

Kahirapan sa Pilipinas
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala
silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin
natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod
sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang
natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban
ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para
sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para
bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang
nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa
gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili
nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan.
Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na
bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng
mga gutom na bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang
kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating
pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino
kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin.
Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating
pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.
Mula sa: wordpress.com

Pagsulat ng Simula, Gitna, Wakas


A. Simula
1. Atensyon sa Simula
a. Tanong
b. Impormasyon, Pigura
c. Depinisyon
d. Sipi
2. Introduksyon ng Paksa
3. Pagpapatunay bilang pokus o thesis ng pag-aaral

Tesis na Pahayag (Thesis Statement)


 Naglalayong ipahayag ang pinakakonsepto ng manunulat tungkol sa sulatin.
 Ito ay kumpletong pangungusap, hindi tanong, hindi parirala.
 Dapat ito’y limitado at diretso sa punto.
 May dalawa o tatlong pangsuportang ideya.
a. Fact

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 17 of 27
Hal: Ang global warming ay penomenong pang-Asya…
b. Sanhi at Bunga
Hal: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa…
c. Halaga
Hal: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata…
d. Solusyon at Patakaran
Hal: Sa halip na K-12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan ng gobyerno…

B. Gitna
1. Organisasyon at kaayusan ng daloy ng ideya sa mga talata.
a. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.
b. Ang mga sumusuportang ideya ay magakkasama sa loob ng talata.
2. Pagpapaunlad ng talata
a. Ebidensya
b. Argumento
c. Pagbubuo ng talata
1) Pagsisimula ng bagong talata
2) Mga transisyon
3) Haba ng Talata
3. Pagbuo ng pangungusap
a. Iba-ibang uri at anyo ng pangungusap
4. Paggamit ng angkop na salita
a. Lebel ng pormalidad

C, Konklusyon
1. Pagbubuod
2. Rebyu ng Tinalakay
3. Paghahawig (Paraphrase)
4. Panghahamon
5. Pagmumungkahi
6. Resolusyon

Gawain 8: Paglikha ng Tesis na Pahayag. Mula sa mga ibinigay na paksa, lumikha ng Tesis na Pahayag (Thesis
Statement). Matapos gawan ng tesis ang mga paksang ibinigay, pumili ng kahit na anong paksang nais mong
talakayin at gumawa ng tesis na pahayag bilang panimulang hakbang sa pagsulat ng isang teksto.

Paksa: Online classes


Tesis na Pahayag:
Paksa: Pagba-basketbol
Tesis na Pahayag:
Paksa: Covid19
Tesis na Pahayag:
Paksa: Paggamit ng Social Media
Tesis na Pahayag:
Paksa: Online selling
Tesis na Pahayag:

Aralin 4; Pangwakas na Gawain


In this module, you will encounter the following:
Day 21 - asynchronous

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 18 of 27
Wrap It Up!
Pagtataya bilang 4 sa MS Teams Assignments

Wrap It Up!
Itala sa talahanayan sa ibaba ang katangian ng mga bahagi ng isang akademikong sulatin.

Simula Gitna Wakas

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

Aralin 5: Una at Ikalawang Yugto sa Pagbuo ng Sulatin


Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natatalakay ang una at ikalawang yugto ng pagsulat ng akademikong sulatin
2. Nakalilikha ng isang balangkas na magiging gabay sa lilikhaing burador.
3. Nagagamit ang binuong balangkas sa pagsulat ng isang sanaysay.

Una at Iaklawang Yugto ng Pagsulat


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 22 - online class
Paunang Gawain
Talakayan: Unang Yugto (Bago Sumulat)
Day 23 - asynchronous
Gawain 9: Pagbuo ng Balangkas na Pangungusap
Day 24 - online class
Talakayan: Ikalawang Yugto (Pagbuo ng Unang Draft o Burador)
Day 25-26 - asynchronous
Gawain 10: Pagbuo ng Unang Draft

Paunang Gawain:
Sagutin at palawakin ang kasagutan sa tanong na ito:

Bilang isang manunulat, ano-anong mga hakbang ang iyong dapat isagawa bago sumulat ng isang sulatin?
Paano makatutulong ang mga ito sa iyong nililikhang akda?

Unang Yugto sa Pagbuo ng Sulatin


Bago Sumulat
• Sandigan bago sumulat ang dating kaalaman at karanasan ng isang indibidwal na bubuo ng akademikong
sulatin.
• Bahagi ng unang yugto ang pagbabalik-tanaw at pagkilala sa sarili kung ano ang maaaring ilagay sa
gagawing sulatin.
• Pagpaplano
• Paksa
• Paraan ng pangangalap ng datos
• Pagsusuri

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 19 of 27
• Panahon kung kalian sisimulan at matatapos
• Paghahanda ng sarili
• Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng babasahin
tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon, internet; (c) mga pelikula o
dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at palitang-kuro; (g)
pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.

Balangkas
• Banghay o gabay sa pagsulat.
• Sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
• Pinangungunahan ng Roman numerals, titik, Arabic numerals at maliit na titik.
Layunin
• Upang malaman kung naunawaang mabuti ang aralin
• Upang maisaaayos nang mabuti ang mga ideya.
• Upang makatulong sa pagtuklas ng kailangan pang impormasyo/tala.
• Upang maging patnubay sa pag-aaral.
• Upang makatulong sa paghahanda at pagbibigay ng mga ulat.

Mga Uri ng Balangkas


1. Balangkas na papaksa
2. Balangkas na pangungusap
3. Balangkas na talata
4. Balangkas na may tatlong antas
5. Balangkas na may animang antas
6. Modernong uri
Paraan ng pagsasaayos
 Kaayusan ayon sa panahon - Inaayos ang paksa sa parang ito ayon sa panahon ng pangyayari.
 Kaayusang Lohikal - Inaayos ang paksa ayon sa kahalagahan nito na kaugnay ng pangunahing ideya o
paksa.
 Kaayusan ayon sa sariling pamamaraan
Paano gumawa ng balangkas?
1. Base sa lohikal na pagkakaayos ng ideya, hatiin ang mga ideya ayon sa kanilang paksa.
2. Ang mga nahating ideya ay magiging mga pangunahing paksa ng papel. Ang mga ito ay gagamitan ng roman
numerals o malalaking titik.
3. Magbigay ng mga ideyang sumusuporta sa bawat pangunahing paksa. Siguraduhing ang mga ito ay
nakatutulong maintindihan ang pangunahing paksa. Ang mga ito ay ginagamitan ng Arabic numeral p maliit
na titik.
4. Ang mga suportang ideya ay maaaring lagyan ng espesipikong ideya sa ilalim nito kung kinakailangan.

Gawain 9: Pagbuo ng balangkas. Gamit ang paksang iyong pinili at binuong tesis noong nakaraang linggo, lumikha
ng isang balangkas na pangungusap ng sulatin na lilikhain (sanaysay). Ilagay at pagbatayan ang nilikhang Thesis
Statement sa paglalagay ng puntos. Magsaliksik, at maglahad ng mga susuportang detalye sa paksa. Gamitin ang
pormat sa ibaba.

I. Introduksyon
A. (Pagkuha ng atensyon)
B. (Pagpapakilala sa paksa)
C. (Thesis Statement)
II. (Unang point) (Paksang Pangungusap)
A. (Sumusuportang ideya)
III. (Ikalawang point) (Paksang Pangungusap)

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 20 of 27
A. (Sumusuportang ideya)
IV. (Ikatlong point) (Paksang Pangungusap)
A. (Sumusuportang ideya)
V. Konklusyon
A.
Ikalawang Yugto sa Pagbuo ng Sulatin
Pagbuo ng Unang Draft (Burador)
• Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel at panulat o maaaring gawin na ito sa mismong kompyuter.
• Matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
• Bukas ang unang draft sa pagbabago upang lalong mapabuti ang akademikong sulatin.

Paglikha ng Pamagat
1. Ang pamagat ay dapat na magbigay ng tiyak at may hangganang indikasyon ng nilalaman ng sulating
tinatahak.
2. Ang pamagat ay dapat na maging kaakit-akit at kawili-wili sa mambabasa sa pamamagitan ng pagiging
orihinal nito o dili kaya’y sa pagtataglay ng makatawag-pansing parirala.
3. Ang pamagat ay dapat na magbigay ng kapanabikan sa mambabasa. Dapat itong mag-iwan ng palaisipan.
4. Ang pamagat ay hindi nangangailangang maging mahaba.

Pagtatalata
 Ang talata ay ang pinagsama-sama at pinagdugtung-dugtong na mga magkaka-ugnay na pangungusap
tungo sa isang paksa o isang tiyak na bahagi ng isang higit na malawak na paksa.
 Sa pamamagitan ng pagtatalata, ang isang ideya na bahagi ng kabuuan ng sulatin ay nagpapaunlad at
nagpapatibay sa kaugnayan nito sa iba pang mga ideya ng isang komposisyon.
Uri ng Talata
1. Panimulang Talata (Introductory Paragraph)
2. Transisyonal na Talata (Transitional Paragraph)
3. Talatang Binubuo ng Salitaan o Dayalogo (Paragraph of Dialogue)
4. Pangwakas na Talata (Concluding Paragraph)

Paksang Pangungusap
 Ang paksang pangungusap ay isang pangungusap na naglalagom ng pangkalahatang nilalalaman ng isang
talatang kakikitaan nito.
 Ito ay maaaring matunghayan sa unahan ng talata, sa bahaging malapit sa unahan o dili kaya’y sa hulihan
ng talata.
 Lantad – sa unang tingin pa lamang ay nakikita o napapansin na ng bumabasa
 Di-lantad – padetalyadong ipinahihiwatig lamang
Uri ng Paksang Pangungusap
 Paksang pangungusap sa unahan ng talata
 Paksang pangungusap sa bahaging malapit sa unahan ng talata
 Paksang pangungusap sa hulihan ng talata

Sitasyon bilang Bahagi ng Pagpapatibay ng Sulatin


• Kung gagamit ng salita, sulat, o ideya ng iba, kailangang bigyan ng kredito ang orihinal na may-ari ng mga ito.
Para maiwasan ang panunulad, kailangang maglagay ng tamang sitasyon.
Author-Oriented
Halimbawa:
Chomsky (1965) argued that the human brain contains a limited set of constraints for organizing language.
Text-Oritented

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 21 of 27
Halimbawa:
Ang competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao (Chomsky, 1965).
Paraphrase
Halimbawa:
Ayon kay Chomsky (1965), ang competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao

American Psychological Association (APA)


Isinasama ang pangalan ng awtor (apelyido) at ang petsa ng paglalathala at kung maaari, ang pahina ng
sanggunian.
 Ayon kay Chomsky (1965), ang competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang
performance ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan.
 Ang communicative competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang performance
ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan (Chomsky, 1965).
 1 Manunulat
Adams (2012) or (Adams, 2012)
 2 Manunulat
Ali and Abu (2012) or (Ali & Abu, 2012)
 3 hanggang 5 Manunulat
1st time = list all.
Adams, Ali, and Abu (2010) O (Adams, Ali, & Abu, 2010).
2nd time onwards = use et al.
Adams et al. (2010) O (Adams et al., 2010)
 6 at higit pa - Use et al. immediately.
Adams, Ali, Abu, Atan, Aming, Amee (2012) Adams et al. (2012) or (Adams et al., 2012)
 Ang communicative competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang performance
ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan (“Pamagat”, 1965).

Gawain 10. Pagbuo ng Unang Draft. Sa pamamagitan ng binuong Balangkas na Pangungusap, sumulat ng isang
sanaysay na tatalakay sa piniling paksa. Siguraduhing maibabahagi ito nang malinaw at maipakikita ang layunin ng
iyong sulatin. Isaalang-alang ang batayang diskursong gagamitin sa pagtalakay at ang mga pamamaraan ng pagsulat
ng mga bahagi nito. Huwag kalilimutang gumamit ng mga ebidensyang magpapatunay sa impormasyong iyong
ilalahad at i-cite ang pinagkuhanan ng mga ito. Panatilihing pormal, obhektibo, at nasa ikatlong panauhan ang
sanaysay na bubuuin. Matatagpuan ang pamantayan sa pagmamarka sa assignment tab.

Aralin 5: Pangwakas na Gawain


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 27 - asynchronous
Wrap It Up!
Pagtataya bilang 5 via MS Teams Assignments

Wrap It Up!
Mula sa tinalakay na aralin, lumikha ng apat (4) na tips na maaaring isaalang-alang ng mga mag-
aaral sa proseso ng pagsulat upnang mapabuti ang kanilang mga sulatin.

1. 2.

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 22 of 27
3. 4.

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

Aralin 6: Ikatlo, Ikaapat, at Ikalimang Yugto sa Pagbuo ng Sulatin


Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na…
1. Natutukoy ang mga simbolong ginagamit sa pagwawasto ng teksto.
2. Nakikilala ang iba’t ibang pormat na maaaring gamitin sa pagtatala ng sangguanian.
3. Nagagamit ang iba’t ibang mga simbolo sa pagwawasto ng isang teskto.

Ikatlo, Ikaapat, at Ikalimang Yugto ng Pagsulat


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 29-30 - online class
Paunang Gawain
Talakayan: Ikatlong Yugto (Pag-e-edit at Pagrerebisa)
Day 31 - asynchronous
Gawain 9: Pagwawasto ng halimbawang teksto
Day 32 - online class
Talakayan: Ikatatlo, Ikaapat, at Ikalimang Yugto ng Pagsulat
Day 33-34 - asynchronous
Gawain 10: Pagbuo ng ng Pinal na Draft

Paunang Gawain: Magbalik aral tayo!

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng burador sa pagsulat ng isang sulatin tulad na lamang ng sanaysay?
Bakit kinakailangang ipwasto ang iyong uanng draft bago magtungo sa pinal na pasulat nito?
Ikatlong Yugto sa Pagbuo ng Sulatin

Pag-e-edit at Pagrerebisa

 Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft. Iwinawasto ang mga kamalian tulad ng baybay, bantas, at mismong
ang nilalaman ng akademikong sulatin.
 Sa yugto ng page-edit, may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang mga nakitang mali. Mainam na hindi
lamang sarili ang tumingin ng gawa. Bagkus ay bukas-isip na ipasuri ito sa kaibigan at kamag-aral.
 Mula sa nakitang pagkakamali, ilalapat ang pagrerebisa upang ayusin, ituwid, at baguhin ang akademikong
sulatin.
Makikita ang mga simbolong ginagamit sa pagwawasto sa PowerPoint Presentation

Pagbabantas: Mga wastong gamit ng Gitling


Sa mga bantas, isang maraming gamit ang gitling (-). Dahil dito, marami din ang nalilito at nagagamit ang
gitling sa mga pagkakataóng hindi ito kailangan.
Naririto ang mga wastong gamit ng naturang bantas:
 Sa inuulit na salita
 Sa isahang pantig na tunog
 Sa paghihiwalay ng katinig at patinig

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 23 of 27
 Sa bagong tambalan
 Sa pasulat na oras
 Sa kasunod ng “de”
 Sa kasunod ng “di”
 Sa apelyido
 Naputol na salita at sa pagnunumero

Mga karagdagang bantas

Tuldok
Karaniwang gamit ng tuldók (period) ang pananda para sa pagwawakas ng pangungusap na paturol o pautos.
Kuwit
Ginagamit ang kuwít (comma) upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng idea o pinakamaliit na
paghinto sa daloy ng isang pangungusap. Tanda ito ng pansamantalang pagtigil sa daloy ng idea (at pagbása).
Tandang pananong
Pangkalahatang gamit ng tandang pananong ang pagpapahayag ng tanong, usisa, o alinlangan (sa datos na
nakalap).
Tandang padamdam
Ginagamit ang tandang padamdam sa mga pahayag na dulot ng bugso ng damdamin, sigaw, o pahayag na
mapang-uyam.
Gatlang en at Gatlang em
Samantalang ang primaryang gamit ng gatlang en ay upang kumatawan sa sagisag na “hanggang,” ang
gatlang em naman ay ginagamit upang magsaad ng pansamantalang pagtigil—sa pagbása o sa daloy ng idea—at sa
pagdidiin sa paliwanag.
Kudlit
Ginagamit ang kudlít tuwing mayroong tinatanggal o ibinabawas na titik sa isang salita o numero.

Mga bilang
1. Numeral vs. Pabaybay
2. Alternatibong tuntúnin
3. Pangungusap na nagsisimula sa numero
4. Mga ordinal
5. Konsistensi at pleksibilidad sa gamit

Gawain 11: Pagwawasto ng teksto. Tukuyin ang mga pagkakamaling makikita sa teksto at markahan ang mga ito
sa pamamagitan ng mga simbolo sa pagwawasto.

Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?


Philip Emmanuel Penaflor, PhD
Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat daw ang ekonomiya ng ating bansa? Ilang pangulo na ba ang
nagsabing umuunlad na ang ekonomiya ng bansa ngunit ito ba’y nararamdaman ng karaniwang mamamayan? Sino
ba ang nakikinabang sa pag-angat ng ating ekonomiya? Bbaalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o manunulat
patungkol sa human development na “Development for whom?” “Para kanino ba ang pag-unlad”?
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga mayayaman ang tiyak na
sasabihin nila’y “Marami kasi sa atin ang tamad”. At hindi naman natin sila masisisi sa ganitong pananaw dahil
umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang ibang mga kalakihan sa baranggay, walang kusang magbanat
ng buto, at naghahangad na lamang ng biglaang kita na parang “instant coffee”. Angiba sa halip na maghanap ng
kapak-ipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi
hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong nag papalugmok sa kahirapan. Ang lalong

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 24 of 27
nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang trabaho, ayaw magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo tulad ng
sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway, nambubugbog ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto, pero nangangarap ng masarap na
buhay? Ay di hanggang pangarap na lang tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang kanilang sasabihin ay “Dahil sa
pagkakasakal ng mga mayayaman at naghaharing-uri sa lipunan,” katulad ng mga panginoong may lupa at mga
negosyante na madalas sila din ang mga pinuno sa pulitika. At dahil sila ang mga namumuno sa pulitika ang kanilang
mga balakin at gawain ay patungo sa higit na pagpapaibayo ng kanilang mga interest, ng kanilang mga negosyo at
ng kapakanan ng kanilang mga pa milya lamang. Kaya nga sila tumatakbo sa pulitika ay upang proteksiyunan ang
kanilang mga negosyo at iba pang mga interes, hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy
na lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang paghahari ng mga mayayamang
panginoong may lupa o may negosyo?
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat maaaring may kaugnayan ang
dalawang dahilang ito.

Ikaapat at Ikalimang Yugto sa Pagbuo ng Sulatin

Pagsulat ng Pinal na Draft


• Makikita ang kalinisan at kaayusan ng akademikong sulatin.
• Pulidong isinulat at handa nang ipabasa upang maipabatid ang layunin kung bakit isinulat ang akademikong
sulatin.
• Mula sa ginawang pagwawasto, maisasapinal ang sulatin taglay ang tamang wika at nilalaman nito.

Paglilimbag At Paglalathala
 Maibabahagi na sa maraming mambabasa ang impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa produksyon ng
karunungan.
 Tiyak na nailalathala ang akademikong sulatin sa pahayagan, magasin, dyornal,o aklat dahil sa taglay nitong
katangin.

Pagtatala ng Sanggunian
 Inilalagay ang sanggunián (bibliography) sa dulo ng artikulo o aklat. Ito ang listahan ng mga akdang ginamit
para sa partikular na sulatin o saliksik. Alpabetiko ang listahan at may mga paraan ng pagsulat na naiiba sa
tala at talababa.

APA (American Psychological Association)


 Ang APA ay madalas na ginagamit sa mga dokyumento sa mga kursong agham panlipunan (social science).
Kung ang MLA ay may pokus sa awtor, sa APA naman ay mas pinahahalagahan ang petsa. Sa pahina ng
“References,” ang petsa ay inilalagay pagkatapos na pagkatapos ng pangalan ng awtor.

Books
Lastname, F. (Year). Full title of the book. Place: Publisher.
Comfort, A. (1997). A good age. London, UK: Mitchell Beazley Publishing House.
Lastname, A., & Lastname, B. (Year). Full title of the book. Place: Publisher.
Adams, M., & Kelvin, C. (2001). How to be a millionaire. Mason, OH: O’rielly Media

Journal Article, Newspapers, Magazines


Lastname, F. (Year). Title of the article. Name of the journal, Volume (Number), pages.
Mickey, K. (2010). Become a good student. Journal of Education, 13(2), 29-82.

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 25 of 27
Online Journal Article
Lastname, F. (Year). Title of the article. Name of the journal, Volume (Number), pages. Retrieved from URL
Zimmer, M., & Kim, B. (2012). Thinking without thinking. Journal of Psychology, 113(3), 134-182. Retrieved
from http://www.jp.com/thinking/

Web
Lastname, F. (Year). Title. Retrieved from http://www.website.com.
Kevin, M. (2010). The world is flat. Retrieved from http://www.psychology.com/worldisflat.html.
Lastname, F. (n.d.). Title. Retrieved (Date) from http://www.website.com.
Kevin, M. (n.d.). The world is flat. Retrieved September 13, 2012 from http://www.psychology.com/
worldisflat.html.
Title. (Year, Month, Day). Title of website. Retrieved from http://www.website.com.
John Donohue's national park photos. (2020, October, 13). National Park Service. Retrieved from:
http://www.nps.gov/crla/

Gawain 12:

A. Paglikha ng sanggunian. Sa pamamagitan ng mga impormasyong ibinigay, lumikha ng isang listahan ng mga
Sanggunian. Gamitin ang APA format.

1. 4.
Author(s): Ernesto Lumbera Author(s): Janice Pelaez and Cathy Hale
Title: Pag-aaral tungkol sa gawi at kilos ng mga Title: Pagsulat sa Iba’t ibang Larangan
mag-aaral Publisher: Bal Publishing, Inc.
Journal: Dyornal ng Edukasyon City of Publication: Roxas, Quezon City
Year: 2012 Year: 2020
Page number: pahina 17-19 Page number: pahina. 110-112
2. 5.
Author(s): James Ivero at Rosita Dominguez Author(s): Marisa Alvarez
Title: Mga Sanhi at Senyales ng Sakit sa Puso: Title: Pintig sa Panitikang Pilipino
Isang muling pagtingin Publisher: M&B Publishing, Inc.
Journal: Dyornal ng Medisina City of Publication: Kamuning, Quezon City
Year: 2015 Year: 2018
Page number: pahina 84-85 Page number: pahina. 143
Volume: 5
Issue: 2
3. 6.
Author(s): Jon A. Antonio Author(s): No specific author
Date of Publication: September 10, 2020 Date of Publication: March 8, 2012
Date of Access: June 8, 2019 Date of Access: July 24, 2015
Title of webpage: Proseso ng Pagsulat sa Title: The Crater Lake National Park
Akademiko Website title: National Park
URL: URL:
http://www.pagsulat.ph/proseso/pagsulatsaakadem http://www.jdonohue.com/parks/crater_lake/crater_lake.h
iko tml

B. Muling isulat ang sanaysay (mula sa unang burador) na iwinasto batay sa talakayan. Siguraduhing maiwawastong
mabuti ang mga pagkakamaling nakita sa unang burador. Iwasto maging mga nilalamang kailangang pagbutihin pa.
Itala rin ang mga sangguniang ginamit sa pagsulat ng sanaysay. Inaasahang makita ang wastong pagtatala ng mga
sanggunian na nakabatay sa APA Format. Ang lilikhaing sulatin sa pagtatapos ng aralin na ito ay ang pinal na draft
ng iyong sanaysay at pinal na awtput para sa markahang ito.

Aralin 6: Pangwakas na Gawain


Sa modyul na ito, inaasahan na gagawin ang mga susunod:
Day 35 - asynchronous
Wrap It Up!

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 26 of 27
Pagtataya bilang 5 via MS Teams Assignments

Wrap It Up!
Magbigay ng limang (5) simbolong ginagamit sa pagwawasto na sa palagay mo ay pinakamahalaga sa
larangan ng pagsulat. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong napili.

Simbolo Paliwanag

Pagtataya
Magkakaroon ng pagtataya na ibibigay ng guro online (via Teams).

Day 36 - synchronous
Quarterly Performance Task
Day 37-38 – Completion of Activities
Day 39 – Review

HRC Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Grade 11, First Semester


Page 27 of 27

You might also like