You are on page 1of 18

Kahulugan at

Katangian ng
Akademikong
Pagsulat
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ang mga mag-aaral ay
inaasahang ;
● nauunawaan ang kahulugan, kalikasan, at
katangian ng sulating pang-akademik, at
● nakabubuo ng makabuluhang konsepto ng
akademikong pagsulat batay sa mga tinalakay.
LAR. 1. ANG MAG-AARAL NA GUMAGAWA NG
MGA SULATIN GAMIT ANG COMPUTER.
Isa mga makrong kasanayan na dapat mahalagang
matutuhan at patuloy na linangin ay ang pagsusulat.
Ang kasanayang ito ay isa sa nagbibigay-daan upang
maging handa at mapahusay ang mga mag-aaral sa
pagsulat ng mga sulating pang-akademiko. Hindi
natatapos sa loob ng paaralan ang pagsulat ng mga
ganitong uri ng sulatin, sapagkat patuloy itong
gagawin sa maraming larangang pampropesyonal.
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang akademikong pagsulat ay isang anyo ng pagsulat na
nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang akademiko.
Pangunahing layunin nito ang makapagbigay ng tamang impormasyon.
Ayon kay Arrogante (2007), nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ang
pagbuo ng sulating pang-akademiko. Ang manunulat ay kailangang
mahusay mangalap ng impormasyon, mahusay magsuri, magaling
mag-organisa ng mga ideya, at lohikal. Mahalaga rin na marunong
magpahalaga at kumilala sa may-akda ng tekstong binabasa upang
maiwasan ang anumang isyung kaugnay ng plagiarism.
Ang mga salitang ginagamit sa mga ganitong uri ng sulatin ay
kailangang pormal. Hindi kailangang gumamit ng
mabubulaklak na pananalita sapagkat ito ay hindi kabilang sa
mga katangian ng sulating pang-akademiko. Nararapat ding alam
ng manunulat kung para kanino ang kaniyang isinusulat, nang sa
gayon ay maiaangkop niya ang mga pormal na salitang
gagamitin. Maging maingat din sa tamang paggamit ng
pagbabantas at pagbabaybay ng mga salita, sapagkat ito ay isang
pangangailangan o kahingian.

Aalahanin na ang kasanayan sa kritikal na pagbabasa ay isa ring


pangangailangan para sa makabuo ng isang mahusay na sulating
pang-akademiko.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Lahat ng uri ng sulatin ay may kani-kaniyang
kakanyahan, sapagkat ang mga katangiang ito ang
magpapakilala sa uri ng sulating kinabibilangan.
Ang mga sulating pang-akademiko ay may iba’t
ibang katangian na ikinaiba nila sa isa’t isa, ngunit
mayroon itong parehong katangian na nararapat
tandaan ng isang manunulat. Narito ang sumusunod:
PORMAL
Kagaya ng nabanggit, ang mga sulating pang-akademiko
ay kailangang pormal. Makikita ito sa mga salitang
ginagamit at pagkakabuo ng mga pangungusap.
Kailangang maingat na pinipili ang mga salitang
gagamitin. Hindi maaaring gumamit ng mga impormal na
salita kagaya ng balbal o kolokyal, maliban kung ang
paksa ng sulating pang-akademiko ay tungkol sa mga
salitang impormal.
Mga Halimbawa:
a. Ang social media ay isa sa mga may pinakamalaking impluwensiya
sa kabataan sa kasalukuyan.
b. Ang K to 12 program ay naglalayong malinang sa bawat mag-aaral ng
Senior High School ang kasanayan sa pananaliksik.
c. Sa pananaliksik, ang unang kabanata nito ay binubuo ng kaligirang
pangkasaysayan ng pag-aaral na binubuo ng sumusunod; panimula,
paglalahad ng suliranin, saklaw at delimitasyon, kahalagahan ng
pag-aaral, teoretikal na balangkas, konseptuwal na balangkas, at
depinisyon ng mga terminolohiya.
Tandaan Ang pananaliksik ay isa sa mga uri ng sulating pang-akademiko, ito ay
pormal at kailangan ng kritikal na pagbabasa at pagsusuri
MALINAW
Ang organisadong pagtatahi ng mga ideya ay
kailangang taglay ng sulating pang-akademiko,
nang sa gayon ay maging malinaw ang
nilalaman nito. Makatutulong sa pagiging
malinaw ng nilalaman nito kung hindi magiging
maligoy ang paraan ng paglalahad ng mga
ideya.
Mga Halimbawa:
a. Maraming platform sa pagsulat ang ginagamit ng
henerasyong Z sa kasalukuyan tulad ng mga social media na
Facebook, Twitter, Instagram, E-mail, at mga blog.
b. Malaki ang pagkakaiba ng K-12 na kurikulum sa dating
Revised Education Curriculum ng DepEd, ang una ang
sinasabing isang repormang pang-edukasyon na hinintay nang
matagal na panahon.
c. Nakatuon sa katotohanan ang akademikong pagsulat,
samantalang bunga ng malikot na isipan ang malikhaing
pagsulat.
TIYAK
Mahalagang batid ng manunulat kung ano ang tunguhin
ng kaniyang isinusulat. Ang tunguhin ang magbibigay ng
katiyakan kung para saan ang isinusulat na sulating
pang-akademiko. Mahalaga ang katangiang ito lalo na sa
mga pananaliksik kung saan bumubuo ng mga tanong na
nagsisilbing gabay sa tunguhin ng isinasagawang
pag-aaral.
Mga Halimbawa:
a. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng
tagahanga ang labis na pag-iidolo sa
hinahangaang artista?
b. Paano masosolusyunan ang labis na trapiko
sa Metro Manila?
c. Bakit padami nang padami ang mga isyu
tungkol sa mental health?
MAY PANININDIGAN
Mababakas ang kredebilidad ng manunulat sa kaniya mismong
isinulat. Magagawang panindigan ng manunulat ang kaniyang
mga isinulat kung sapat ang kaniyang impormasyon at datos na
pinaninindigan sa paraang mahusay na pangangatwiran. Ang
kailangan ay hitik sa katotohanan (facts) ang nilalaman ng
sulatin. Kadalasan ang pagkakaroon ng mga parenthetical
citations ay nakadaragdag ng kredibidad at paninindigan ng
manunulat dahil ito ay may pinagbatayan at hindi lamang mula
sa kaniyang sariling opinyon.
Mga Halimbawa:
a. Ayon kay Arrogante (2007), nakasalalay sa kritikal na
pagbabasa ang pagbuo ng akademikong pagsulat.
b. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng
damdamin at isipan ng tao. (Royo, 2001)
c. “Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus,
na nangangahulugang drawn away o extract from.”
Harper, 2016
MAY PANANAGUTAN
Kagaya ng nabanggit, mahalagang pahalagahan at
kilalanin ang may-akda ng tekstong pinaghanguan o
pinagbatayan ng isinusulat na sulating
pang-akademiko upang maiwasan ang anumang
isyung kaugnay ng plagiarism. Pananagutan ng
manunulat na ipabatid sa mga mambabasa kung saan
niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga isinulat.
Mga Halimbawa:
a. Mula sa elektronikong babasahin: “Cognitive Elements of
Reading.” SEDL Reading Resources, 2009. Accessed from
http://www.sedl.org/reading/framework/elements.html
b. Mula sa aklat: Santiago, Alfonso at Norma G. Tiangco.
Makabagong Balarilang Filipino. QC: Rex Bok store. 2003.
c. Mula sa journal: Flores, Patrick D. “ Ang Sining ng Sineng
Flipino sa Kasaysayan” Daluyan. Tomo VII. Bilang 4. 1997.
Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag sa sariling pangungusap.
UNANG GAWAIN 20 points
1. Ang mga akademikong sulatin (mga isinulat) ba ay maaaring
gamiting batayan upang kilalanin ang pagkatao ng sumulat?
2. Ang pagsulat ba ay maaaring puhunan ng pansariling
pag-unlad? Paano?
3. Sa papaanong paraan makatutulong ang akademikong
pagsusulat sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ipaliwanag.
4. Ano ang naitutulong ng mga ganitong sulatin sa pagpapalawak
ng komunikasyon?

You might also like