You are on page 1of 6

Filipino sa

Piling Larang
Akademik
Kagamitan ng Mag-aaral
MODYUL 1
Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat

Mga Kasananayang Pampagkatuto

 Nabibigyang- kahulugan ang akademikong pagsulat


 Natatalakay ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba’t
ibang larang.

Unawain Natin

ANG KAHULUGAN, KATANGIAN, AT LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong pagsulat ay isinisagawa sa isang akademikong institusyon kung saan


kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat
ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Malaki ang kaibahan ng malikhaing pagsulat sa akademikong pagsulat.Ang akademikong


pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.Mayroon itong isang
paksa na may magkakaugnay na mensahe.Ang karaniwang estraktura ng isang akademikong sulatin
ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at
wakas na nilalaman ng resolusyon,konklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng
akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay,
sintesis, lakbay- sanaysay, synopsis, at iba pa.

Sa pagsulat ng sulating pang akdemiko, gumagamit ng piling piling salita at isinasaalang-


alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa pag gamit ng tamang bantas at baybay ng salita
dahil ang mga sulating ito ay nkatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.Pormal

Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na
pananalita.

2.Obhetibo

Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang mga
interpretasyon ay bataysa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.

3. May Paninindigan

Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag aaral o mahalagang impormason na dapat idinudulog at dinedepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang- katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kalahalagahan ng pag- aaral.
4.May Pananagutan

Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga


impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang
kasalanang may naka takdang kaparusahan sa ating batas.

5.May Kalinawan

Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya
dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay
direkto at sistematiko.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1.Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat.

Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan


sa pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual
journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon.
Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding
matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit
sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang
pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una,


ang pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng
mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay
nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag
na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay
naisasagawa sa isang pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda


kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang


pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at
kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at
nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga


naisagawang pag-aaral.

Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng


kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng
pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng
sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel
pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
akademikong sulatin.

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang


sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo


ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng


mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at
lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat
tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng


portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong


Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng
mag-aaral sa kanyang sarili.

SURIIN MO

1.Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2.Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng
Akademikong Pagsulat?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3.Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa
pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4.Bakit mahalaga ang bibilyograpiya sa wastong pangangalap ng impormasyon?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
Ibigay ang kahilingan sa bahaging ito.

Ano- ano ang katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa kademikong
pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.

1._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5._______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAGSULAT

BAsahin at unawain ang talataan sa baba. Pagkatapos, tukuyin kung kninoi nauukol at kung ano ano
ang katangian ng teksto na nagsasabing para nga ang teksto sa kinauukulan nito?

Ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa. Itinuturing ang bigas na isa sa mga nangungunang
produkto nito. Subalit dahil sa globalissyon, nag- iimport na tayo ng bigas. Noong 2008,Pilipinasa ang
nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang nag- iimport ng bigas.

Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang,prutas at karne. Maraming
Pilipinong magsasakaat maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa pagpasok ng mga imported na
produkto.

1.Sino ang mambabasang pinaguukulan ng teksto?

________________________________________________________________________________

2.Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3.Ano ang iyong naging damdamin ng tekstong ito?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4.Ano ang mahalagang mensahe na nais bigyang- halaga ng teksto para sa mambabasa?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Media Literacy

Gumipat/Maghanap ng isang pangulong tudling (headline news) mula sa isang pahayagan.


Pagkatapos, idkit ito sa isang bond paper. Suriin at at ipaliwanag ito ayon sa sumusunod na mga
pamantayan.

1.Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto.

2.Layunin ng sulatin,

3.Damdamin ng sulatin.

4.Mensahe ng sulatin para sayo.

You might also like