You are on page 1of 3

1.

URI NG PAGSULAT

A. AKADEMIK
– Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mgaestudyante sa paaralan.

Hal.
 kritikal na sanaysay
 lab report
 eksperimento
 term paper o pamanahong papel
 talumpati
 abstrak, buod

B. TEKNIKAL
– isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa
komersyal o teknikal na layunin
– Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng pag-aaral na
lulutas sa isang problema
– Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya
– Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa idang partikular na paksa
tulad ng science and technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o
pangkat ng mga mambabasa.

hal.
 Feasibility Study
 ulat panlaboratoryo

C. JORNALISTIK
– saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang
akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin
– isang uri ng pagsulat ng balita.

Hal.
 Balita
 Editoryal
 Lathalain
 Artikulo
D. REFERENSYAL
 uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil
sa isang paksa
 Layunin nito bigyang-pagkilala ang sanggunian o source ng impormasyon o
kaalaman na ginamit sa sulatin
 Madalas itong makikita sa mga Teksbuk, Pamanahunang Papel, Tesis, O
Disertasyon.
Hal.
 Bibliography
 Index
 Note Cards

E. PROPESYONAL
– uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon, larangan
o bokasyon

hal.
 police report o investigative report
 medical report
 lesson plan

F. MALIKHAIN
– masining na uri ng pasulat sa larangan panitikan o literature
– Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa
– maaaring fiksyonal at di-fiksyonal ang akdang isinusulat
– maghatid ng aliw at makapukaw ng damdamin

hal.
 Tula
 Nobela
 Maikling Kuwento
 Dula
 Sanaysay

2. MGA KAKAYAHAN NG ISANG AKADEMIKONG MANUNULAT


A. May malawak na bokabularyo
B. Pormal ang wika na ginagamit. Hindi maaring gumamit ng mga kolokyal obalbal na
salita.
C. Obhetibo - may batayan o ebidensya ang sinusulat
D. Organisado at planado na ang susulatin.
E. Tanging katotohanan lamang ang ilalagay sa sulatin.
F. May kakayahang ilahad ang tumpak na mga datos, walang labis at walang
kulang.
G. May kakayahang gawing malinaw sa mambabasa ang nilalaman ng teksto.
H. Responsable sa pagkilala ng nagmamayari ng datos upang maiwasan ang
plagiarismo.
I. May malinaw na layunin
J. May pokus

You might also like