You are on page 1of 17

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON

Elisa Esguerra Campus


UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Pangalan: ________________________________ Baitang: _______________________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: __________________________

GABAY ARALIN (POINTERS TO REVIEW)


(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 5)
(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 1) Ang Tekstong Naratibo
Kahulugan ng Pagbasa Mga Katangian Ng Mabisang Tekstong
Pagbasang Akademiko Nagsasalaysay/Naratibo
Pagbasang Panlibangan Mga Bahagi ng Tekstong Naratibo
Kahalagahan ng Pagbasa Iba’t ibang Klasipikasyon ng Tauhan
Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong
(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 2) Naratibo
Ang Tekstong Impormatibo
Elemento ng Tekstong Impormatibo (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 6)
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo Tekstong argumentatibo
Mga gamit ng Tekstong argumentatibo
(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 3) Mga Hakba sa pagsulat ng tekstong
Tekstong Deskriptibo argumentatibo
Dalawang Anyo ng Deskriptibo Mga Dapat Iwasan sa Tekstong
Apat na Mahahalagang Sangkap na Argumentatibo
Ginagamit sa Malinaw na Paglalarawan
(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 7)
(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 4) Tekstong Prosidyural
Tekstong Persuweysibo Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
Sangkap ng Tekstong Persuweysibo Apat na Pangunahing Bahagi ng
Uri ng Panghihikayat Ayon Kay Aristotle Tekstong Prosidyural

(PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 8-9)


Kahulugan at Katangian ng Pananaliksik
MGA SIPI NG KONSEPTO

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 1)


KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA

KAHULUGAN NG PAGBASA

• Ito ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng


damdamin at kaisipan sa mga tiktik at simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa
mahalagang panahon.
• Para kay Arrogante, ang pagbabasa at nakapagpapalawak ng pananaw
at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga
di-inaasahang suliranin sa buhay.

PAGBASANG AKADEMIKO- ito ay SELEKTIBONG PROSESO dahil higit na


pagtutuunanh basahin ang mga pahinang may kaugnayan sa paksang nais
saliksikin.
PAGBASANG PANLIBANGAN- Kapag nagbabasa ka ng isang nobela,
babasahin mo ito simula sa pinakunang pahina hanggang pinakadulo nito.

KAHALAGAHAN NG PAGBASA

1. Nakakapagpapalawak ng pannaw at paniwala sa buhay


2. Nakapagpatatag sa tao na harapin ang mga di inaasahang suliranin sa
pang-araw-araw
3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
4. Nagbibigay ng impormasyon na magiging daan sa kabatiran at
karununga
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan
6. Nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay
7. Nagsisilbing susi sa malawak na karungan na natipon ng daigdig sa
mahabong panahon.

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 2)


TEKSTONG IMPORMATIBO
➢ Ito ay uri ng babasahing ‘di piksyon.
➢ Naglalayon itong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
➢ Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kaniyang pabor o pagkontra sa paksa.
➢ Kadalasan may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o
kaya nama’y nagsasgawa siya ng pananalliksik at pag- aaral ukol dito.
➢ Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa pahayagan o
baita, magasin, textbook, encyclopedia at web site sa internet.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

➢ Layunin ng may-akda: Magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat


niya ng isang tekstong impormatibo. Ang nais nila ay magkaroon nang pag-
unawa at malawak na kaalaman ang mambabasa.

➢ Pangunahing ideya: Ang pangunahing ideya ay dagliang inilalahad sa


mambabasa. Nahahanap ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi at tinatawag itong organizational
markers na nakatutulong upang makita kaagad ng mambabasa ang
pangunahing ideya.

➢ Pantulong na kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga


pantulong na kaisipan o detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.

➢ Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtampok sa bagay na


binibigyang-diin: Makatutulong sa isang mambabasa ang magkaroon nang
malawak na kaalaman at pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo,
ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang maagbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:

Paggamit ng mga nakalarawang representasyon: paggamit ng


larawan, guhit, dayagram tsart, talahanayan, time line, at iba pa.

Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto: pagsulat nang


nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi.

Pagsulat ng mga talasanggunian: Inilalagay ng manunulat ang mga


aklat,kagamitan,at iba pang sangguniang ginamit upang higit na
mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga
impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/ KASAYSAYAN


✓ Ito ay uri ng tekstong inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.

✓ Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng


manunulat.

✓ Maaari ding hindi direktang nasaksihan kundi mula sa katotohanang


nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o
historical account.

✓ Ang uri nitong teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang


mabisang panimula o introduksyon.

✓ Halimbawa na lamang sa isang balita, mababasa sa bahaging ito ang


mahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kalian at kung
paano nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa
bahagi naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.

2. PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
✓ Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyong
tungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at ‘di nabubuhay
gayundin ang pangyayari sa paligid.

✓ Halimbawa paksang kaugnay sa teknolohiya, global warming at


cyberbullying.

✓ Ang pagsulat ng ganitong teksto ay kinakailangan ng masusing pananaliksik


sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng
katotohanan ukol sa paksa.

3. PAGPAPALIWANAG
✓ Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay ng paliwanag kung paano
o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.

✓ Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa impormasyong nagsasaad


kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

✓ Karaniwan ginagamitan ito ng larawan, dayagram, o


flowchart na may kasamang mga paliwanag.

✓ Halimbawa ay ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paru-


paro.
PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 3)

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o


kakintalang likha ng pandama. Ginagamit ang mga pandama upang
malinaw na mailahad ang nais ng manunulat.
May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar,
tao ideya, paniniwala at iba pa.
Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan.

Halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo


a. Talaarawan
b. Proyektong Panturismo c. Talambuhay
d. Rebyu ng pelikula o palabas e. Obserbasyon
f. Akdang Pampanitikan

DALAWANG ANYO NG DESKRIPTIBO

1. KARANIWANG DESKRIPTIBO
Pagbuong malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga
katangiang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay
lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang sariling
kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan.

2. MASINING NA DESKRIPTIBO
Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskriptibo Higit sa nakikita ng
paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskriptibo masining.
Ito ay gumagamit ng mga salitang nagbibigay- kulay, tunog, galaw at
matinding damdamin. Pinagaganda ito ng paggamit ng tayutay tulad ng
talinhaga, pagtutulad, pagwawangis, paglalarawang-tauhan at iba pa.
Isinasaalang-alang din dito ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat.

APAT NA MAHAHALAGANG SANGKAP NA GINAGAMIT SA MALINAW NA


PAGLALARAWAN

• WIKA – ginagamit ang wika upang makabuo ng malinaw at mabisang


paglalarawan sa tulong ng mga pang-uri.
• MAAYOS NA DETALYE – dapat magkaroon ng masistemang paraan sa
paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang ganap na mailarawan
ang isang tao, bagay, pook at pangyayari.

• PANANAW NG PAGLALARAWAN – maaaring magkaiba-iba ang


paglalarawan salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.

• ISANG KABUOAN O IMPRESYON – Layunin nito makabuo ng isang malinaw


na larawan sa imahinasyon ng mambabasa. Mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mambabasa o tagapakinig nang
sagayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 4)

TEKSTONG PURWEYSIBO
Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa
pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng mga
matibay na patunay o ebidensya.

Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa na maniwala, o kung hindi
na ma’y magkaroon ng matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.

Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng tekstong gagawin ng isang
manunulat, kinakailangang mayroon itong katangiang mapanghikayat upang
mapaniwala at mapasang- ayon ang mga mambabasa

Sangkap ng Tekstong Persuweysibo

1. Pili, Maayos, at Epektibong gamit ng mga Salita


➢ Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang makapanghikayat.
Isinasaalang- alang din ang target na mambabasa sa paggamit ng mga
salita upang masiguro na maunawaan nila ang teksto. Kinakailangang
makuha, hindi lamang ang interes, kundi pati na ang “puso” ng mga
mambabasa.

2. Disposisyon
➢ Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga nanghihikayat, at kung siya ba ay
naniniwala sa kanyang inilalahad o hindi. Mababakas ang paninindigan ng
manunulat, batay sa paghabi niya ng mga salita sa organisadong
paglalahad ng mga ideya.
3. Matibay na Patunay
➢ Makikita ito sa pamamagitan ng mga datos ayon sa napatunayang pag-
aaral, sinaliksik, o istatistika. Marami sa mga tekstong persuweysibo ay
nagpapakita rin ng grap o tsart.

URI NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

❖ ETHOS - naiimpluwesyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang


paniniwala ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan,kailanagng
nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang isang
manunulat o tagapagsalita.
❖ PATHOS - pag- apila sa damdamin ng tagapakinig. Ito marahil ang
pinakamahalagang paraaupang makahikayat. Madaling naaakit ang
isang tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang
tinatalakay.

❖ LOGOS - paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng


sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakaaapekto sa
panghihikayat.

Halimbawa ng Tekstong Persuweysibo

1. Talumpati sa pangangampaya at rally


2. Catalog
3. Brosyur
4. Editoryal sa pahayagan
5. Mga advertisement sa radyo at telebisyon
6. Flyers

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 5)

TEKSTONG NARATIBO: MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO

✓ Ang tekstong ito ay isinusulat batay sa magkakaugnay at tiyak na mga


pangyayari ayon sa pagkakasunod- sunod.
✓ Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalaysay
ng mga kaganapan.
✓ Nasaad ang ganitong layunin sa paglalahad ng mga mahahalagang
pangyayari ayon sa panahon at pagkakataon.
✓ Kadalasang halimbawa ng mga sulating ito ay mga maikling kwento o
katha, nobela, sanaysay at iba pang uri ng tekstong naratib.
KAIBAHAN NG PAGSASALAYSAY O NARATIBO SA SALAYSAY SA MAIKLING
KWENTO
• Mas simple ang pagsasalaysay pagdating sa pagpili ng mga detalye sa
epektibong pagpapaintindi ng isang ideya o isang pangyayari.
• Ginagamit din sa pagsasalaysay ang aspektong panretorika ng
pagsasalaysay, ngunit iba ang tunguhin ng pagsasalaysay o sa paanong
ginagamit ang pagsasalaysay.

KAIBAHAN SA PAGLALARAWAN
• Mas pinagtutuunan nito kung paano nagkakadustong-dugtong ang mga
pangyayari, at hindi ang mismong pangyayari lamang.
• Kinakailangan ang pagsubaybay ng mgfa mambabasa o mga tagapakinig
hanggang sa wakas para maunawaan ang ideya o kaisipang nais nitong
ipamahagi.

TEKSTONG NARATIBO/NAGSASALAYSAY
1. URI – Pormal at Di-pormal
2. Porma
a. Pagsasalaysay na Nagpapabatid – kasaysayan, pakikipagsapalaran,
anekdota, kathang salaysay
b. Masining na Pagsasalaysay – Alamat, Pabula, Maikling Kuwento, dula,
nobela
3. Pananaw
a. Unang Panauhan – personal ang tono
b. Ikatlong Panauhan – may distansya

MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTONG NAGSASALAYSAY/NARATIBO


1. Nakapupukaw-pansin na pamagat
2. Ginagamitan ng sanhi at bunga
3. Tempo
4. Punto de bista
5. Punto ng Pagsasalaysay
6. Ayos ng Pagsasalaysay
7. Kaisahan
8. Kakintalan
9. Kasukdulan
10. Wakas

Mga Bahagi ng Tekstong Naratibo


1. Banghay
➢ Ang daloy ng kwento ay tinatawag na banghay. Ang Freytag Pyramid
ang madalas na ginagamit na pormat ng banghay.
EKSPOSISYON
➢ Ang paglatag ng manunulat ng mga tauhan at tagpuan ng kwento.
PAPATAAS NA AKSYON
➢ Ay tumutukoy sa mga dagdag na pangyayaring nakatutulong upang
maging kapana-panabik ang kwento.
RUROK
➢ Ang yugto ng kontradiksyon sa kwento.
PABABANG AKSYON
➢ Ay pangyayaring bunga ng rurok.
RESOLUSYON
➢ Pagbibigay- solusyon naman sa tunggalian ang resolusyon.

MGA TUNGGALIAN O CONFLICT


a. TAO LABAN SA TAO
➢ Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng mga tauhan sa kwento, ng
bida sa kontrabida.
b. TAO LABAN SA SARILI
➢ Nagaganap ang tunggalian sa isipan ng tauhan.
c. TAO LABAN SA KALIKASAN
➢ Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at kalikasan tulad ng
pagdating ng napakalakas na bagyo at lindol, pagputok ng bulkan, at iba.
d. TAO LABAN SA HAYOP
➢ Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at hayop. Hal. Ang
pagsuwag ng kalabaw.
e. TAO LABAN SA LIPUNAN
➢ Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at lipunang kanyang
ginagalawan.
f. TAO LABAN SA MAYLIKHA
➢ Nagaganapa ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at DIYOS. Isinisisi ng
tauhan ang nangyayari sa kanyang buhay.

AYOS NG BANGHAY
a. LINYAR
➢ Isinasalaysay nito ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Tinatawag din itong kronolohikal na ayos.
b. Pagbabalik- Tanaw
➢ Binabalikan at inaalala ng punto de bista ang mga naganap sa isang tauhan
o sa isang lugar.Tinatawag itong in-medias res.
c. SORPRESA
➢ Ito ang mga kagulat-gulat na mga wakas.
➢ Kung lohikal ang daloy ng kwento, may mga pahiwatig oforeshadowing na
ibinibigay sa unahan pa lamang ng kwento. Sa kabilang banda, maaaring may
twist na dulot ng swerte kung kaya nagiging Masaya ang wakas ng kwento.
Tinatawag itong dues ex-machine.
2. TAUHAN
➢ Ang mga gumaganap sa kwento.

Iba’t ibang Klasipikasyon ng Tauhan


a. PROTAGONISTA
➢ Ang bida ang gumaganap ng pinakamahalagang papel sa kwento. Sa
karakter na bida umuiikot ang o nabubuo ang kwento.
b. ANTAGONISTA
➢ Ang kontrabidanna siyang maituturing na kaaway ng bida o iyong iinisip
nating masama, sa takbo ng kwento.
c. DYNAMIC
➢ Pinararanas ng may- akda ng matinding karanasan ang mga tauhan na sa
huli ay nagdudulot ng pagbabago sa kanyang naipintang katauhan.
d. STATIC
➢ Na kung saan simple lamang ang papel ng tauhan. (Pansuportang tauhan)
e. ROUND
➢ Misteryoso ang karakter ng isang tauhan.
f. FLAT
➢ Paglalarawan sa karakter ng isang tauhan sa ugali at pisikal na anyo.
3. PUNTO DE BISTA
➢ Ang punto de bista ang mata ng buong kwento.
Panauhan sa Punto de Bista
a. Unang Panauhang Punto de Bista
➢ Ay mula sa perspektibo ng isa sa mga tauhan sa kwento. Maaaring siya ang
bida o kontrabida, o kaibigan ng bida o kapitbahay sa kwento. Makikilala ang
punto de bista ng unang panauhan, sa pamamagitan ng mga panghalip na
nasa unang panauhan, maging isahan man o maramihan.
b. Ikalawang Panauhang Punto de Bista
c. Ikatlong Panauhan ng Punto de Bista
➢ May isang boses na lumulutang na hindi kabilang sa mga tauhan.
➢ Sa pagsasalaysay na ito, tila ba nasa isang tanghalan ang mga
karakter na gumaganap at nakikita ng mambabasa ang galaw ng
mga tauhan sa pamamagitan ng tagapagsalaysay.
LIMITADO- kapag tila isang karakter lamang ang tagapagsalaysay na
nagkukwento ng nagaganap sa isang tanghalan.
OMNISCIENT- kapag ang tagapagsalaysay ay tila pumapasok sa katauhan
ng bida o iba pang tauhan sa kwento upang ilarawan ang damdamin o
iniisip nito. Kung baga, malalim ang pagsasalaysay sa galaw ng tauhan.
4. TAGPUAN
➢ Ang tagpuan ang sumasagot sa tanong na kalian at saan naganap
ang pangyayari, na nagbibigay- kaligiran sa kwento.
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY/NARATIBO
✓ Pumili ng isang paksang isasalaysay gamit ang maliwanag na pagaayos ng
mga kaganapan at mga salitang magbibigay ng karagdagang paliwanag o
detalye.
✓ Piliin kung nasa una o ikatlong panauhan ang pananaw na gagamitin sa
pagsasalaysay.
✓ Pagpasiyahan ang iba pang layunin ng pagsasalaysay. Nais mo bang
magturo, manghikayat, o manlibang sa mga mambabasa?
✓ Sikaping ang paksang pangungusap ay nagpapahayag ng isang
pangkalahatang ideya o nagbibigay-tanda ng pagsisiwalat ng isang salaysay.
✓ Isa-isahin ang mga pangyayari at palaging isaisip ang tono o pananaw sa
pagsasalaysay kung ito ba ay nasa una o ikatlong panauhan.
✓ Bigyang-pansin din ang mga detalye at mga salitang makabubuo ng mga
makatotohanang pagsasalaysay.
✓ Isaayos ang mga pangyayari batay sa nais na maging daloy ng
pagsasalaysay.
✓ Tiyaking konsistent sa ginagamit na pananaw at nakaaantig sa damdamin ng
mga mambabasa ang mga salitang ginamit.
✓ Isulat ang pinal na pagsasalaysay.
✓ Makatutulong ang mga sumusunod na Cohesive Devices sa pagsulat
ng salaysay:

A. Pagpapahayag ng Dahilan - kaya/kaya naman


o Resulta ng Isang Pangyayari dahil/dahil sa/
sa mga/kayPagkat/sapagkat/dahil
Dito/bunga nito

B. Pagpapahayag ng kondisyon - sana/kung/kapag


Bunga/Kinalabasan sa sandaling/basta’t

C. Pagpapahayag ng - kasabay nito/niyan


Sabay na Kalagayan o -kaalinsabay nito/niyan
pangyayari

D. Pagpapahayag ng Pagbibigay - sa madaling salita/sabi


Linaw, pagbubuod at Paglalahat bilang paglilinaw
Bilang pagwawakas,
kung gayon, Samakatuwid, kaya

Iba’t Ibang Halimbawa ng Tekstong Naratibo


a. Patulang Naratibo
b. Alamat
c. Pabula
d. Maikling Kwento o katha
e. Pabula
f. Anekdota
g. Talambuhay
h. Kasaysayan
i. Talaarawan

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG. 6)

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Layunin nito na kumbinsihin ang mga mambabsa ngunit hindi nakabatay sa
opinion o damdamin ng manunulat kundi sa datos o impormasyon na
nilalatag ng manunulat.

Ang pagkakaiba ng tekstong argumentatibo sa tekstong persuweysib.

Tekstong argumentatibo

• Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon na nilalatag


• Nakakahkayat dahil sa merito o mga ebidensya na nakalap
• Obhetibo

Tekstong Persuweysib

• Nangungumbinsi batay sa opinion


• Nanghihikayat batay sa emosyon ng manunulat
• Subhetibo

Mga gamit ng Tekstong argumentatibo


• Para sa adbokasiya o kompanya
• Para sa propaganda
• Para sa pananaliksik o pag-iimbistiga
• Sa mga pormal na talakayan at debate
• Sa mga kritisismo

Mga Hakba sa pagsulat ng tekstong argumentatibo


• Pumili ng angkop na paksang isusulat para sa tekstong argumentatibo
• Itanong sa sarili kung anong panig na nais mong panindigan at ano ang
dahilan sa pagpanig dito
• Mangalap ng ebidensya
• Gumawa ng borador (draft)
Gawa sa paggawa ng borador (draft)
• Panimula
• Kaligiran o ang kondisyong nagbibigay-daan sa paksa
• Ebidensyang susuporta sa posisyon
• Counter-argument
• Konklusyon sa lalagom sa iyong isinulat
• Ikawalang konklusyon at tanong na “E ano na ngayon kung ‘yan ang
iyong posisyon?”
• Isulat na ang draft o burador ng iyong tekstong argumentatibo
• Basahin muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa
gamit ng wika at mekaniks
• Muling isulat ang teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang pinal
na kopya.

Mga dapat iwasan sa tekstong argumentatibo


1. Argumentum Ad Hominem (Laban sa tao o pamemersonal)
2. Argumentum Ad Misericordiam (Panghihikayat sa awa)
3. Pagbabalik sa gintong nakalipas (Fallacy of the Golden Past)
4. Argumentum Ad Baculum (pananakot o paggamit ng pwersa)
5. Tu quoque (Ikaw parin)
6. Ang dalawang mali ay lumikha ng tama (Two Wrongs Make a Right)
7. Panlalahat (Hasty Generalization)
8. Bilang (Large number)

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG.7)

TEKSTONG PROSIDYURAL

ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang


isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mg impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod.

IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


• Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong
Prosidyural.
• Panuto (Instructions) – Ito ay gumagabay sa mga mambabasa kung paano
maisagawa o likhain ang isang bagay.
• Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) –Nagbibigay sa mga manlalaro ng
gabay na dapat nilang sundin.
• Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at
patakbuhin ang isang bagay.
• Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay nahindi
pa natin alam.
• Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na
direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano gumawa ng silya
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano maggawa ng DIY explosion box
7. Paano maghanda ng chicken buffet

APAT NA PANGUNAHING BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


• Layunin – Tumutukoy ito sa nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain.
• Mga Kagamitan / Sangkap – Tumutukoy ito sa mga kagamitan na dapat
gamitin para maisakatuparan ang gawain.
• Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng
prosidyur.
• Konklusyon / Ebalwasyon – Ito ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa
kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.

ANG KARANIWANG PAGKAKAAYOS/PAGKAKABUO NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong
bagay ang gagawin o isasakatuparan.
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang
seksyon upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng
pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay
na mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
• Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng
detalyadong deskripsyon.
• Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
• Ilista ang lahat ng gagamitin
• Ang tekstong prosidyural ay lagging g nakasulat sa ikatlong panauhan (third
person point of view)

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG.8)

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,
displinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o
resolusyon nito.

Samantala, Ayon kay Aquino (1974) sa kanya, ang pananaliksik ay isang


sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin at lalapatan ng interpretasyon ng mananaliksik
ang mga nakalap niyang datos at susundan ng isa pang esesnyal na gawain-
ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.

Masasabi ring nag pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga


datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin ng isang
syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel:1976).

Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1976). Ayon sa kanya, ang pananaliksik
ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG.9)

KATANGIAN NG PANANALIKSIK

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Ang pananaliksik ay sistematiko- May sinusunod itong proseso o
magkakasunod-sunod na mga hakbang tungko sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

Ang pananaliksik ay kontrolado- Dapat hindi magbabago ang baryabol na


sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang
pagbabagong magaganap dito ay makakaapekto sa buong pananaliksik.

Ang pananaliksik ay empirikal- Kailangan maging katanggap-tanggap ang


mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.

Ang pananaliksik ay mapanuri- Ang mga datos na nakalap ay kailangang


suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng
interpretasyon ng mga datos na kanyang nakalap.
Ang pananaliksik ay objektiv, lojikal at walang pagkiling- Lahat ng tuklas at
mga kongklusyon ay kailangan lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos
at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytv o istastikal na metodo-
Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa
pamamagitan ng statistical tritment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan.

PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI SA KONSEPTO BLG.10)

ANG PAGGAWA AT PAGPILI NG PAKSA

Sa pananaliksik ang pinakaunang gawain ay sinisimulan sa pagpili ng at


paglilimita ng paksa. Subalit bago ang lahat, isaalang-alang ang mga ss:
1. Interesado ang gagawa at mambabasa
2. Payak at ispisipiko
3. Makabuluhan sa iyong larang
4. Sapat ang mga materyales at datos na pagkukunan
5. Iwasan ang paksang teknikal
6. Napapanahon

Maaring Pagkunan ng Paksa


Maraming paksa ang mapapipilian at maaaring maisip
Internet at Social Media – Lubhang mabilis, malawak at mabilis sa
mapagkukunan ang mga ito.
Radyo/Telebisyon – Maraming iba’t ibang programa at palabas sa radyo at
telebisyon na maaaring mapagkunan ng paksa. Gaya ng balita, mga talk
shows, isports, programang edukasyonal, programang pang-aliw,
dokumentaryo at iba pa.
Dyaryo at Magasin – Pansinin ang ilang isyu na makikita sa pinakaunang
pahina. Mula sa mga balita at nakalimbag na mga artikulo ay makakukuha
na ng magandang paksa.
Sa Sarili – Depende sa sariling karanasan, nababasa, napakikinggan, napag-
aaralan at natutuhan. Maaari mong simulan sa sarili ang mga paksang
mapagpipilian. Gaya ng karansan sa trapiko, tahanan, paaralan o sa
opisina man.
Aklatan – Dito makikita ang pinakamaraming paksang hinahanap.
Mga Paham at Pantas, Guro, Kaibigan, atbp. – Maaari kang lumapit sa mga
kakilala upang humingi ng payo, gabay, at suhestiyon.
Larangan – Puwedeng pumili paksa batay sa larangan gaya ng mga ss:
Panitikan
Antropolohiya
Inhenyeriya
Ekonomiks at iba pa
Interes – Kahit iba na ang larangan mo gaya ng Panitikan, maaaring ang
interes mo ay nasa larangan ng isports o sining.
Ilang Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Limitasyon ng Panahon – Kung pang-isang semester lamang ang iyong kurso,


hindi mo magagawang matapos ang piniling paksa para sa pananaliksik.
Kadalasang nangangailangan ng mahabang panahon ang isang pananaliksik
lalo na kung magsasagawa ka pa ng mga sarbey at panayam. Dapat lamang
ikonsidera ang ganitong kalagayan sa simula pam lamang dahil
nangangailangan pa ang mga ito ng masusing pagsusuri bago mabuo ang
pananaliksik.

Kasapatan ng Datos – Mahalagang may sapat na mapagkukunan ka ng


datos sa paksang nais mong pag-aralan. Halimbawa ay nais mong gumawa ng
pag-aaral patungkol sa kapakinabangan ng teknolohiya, subalit ikaw ay nas
isang probinsiya na hindi lahat ay mayroon nito, hindi magiging sapat ang
datos na iyong makukuha sa ganitong sitwasyon.

Kakulangang Pinansiyal – May mga paksang nangangailangan ng salaping


pangtustos sa gagawing pananaliksik. Kung ikaw gumagawa ng isang
komparatibong pag-aaral sa wika ng mga mag-aaral ng dalawang
magkalayong paaralan gaya ng Manila at Cavite, mangangailangan ka ng
salapi upang matustusan ang iyong pamasahe at iba pang posibleng gastusin.

Kabuluhan ng Paksa – Kung interesado ka sa paksa gaya ng mga pyramid sa


Ehipto, ano ang kaugnayan, kahulugan at kabuluhan nito sa sarili at sa lipunang
iyong kinabibilangan?

Hakbang sa Pagpili ng Paksa


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
4. Pagbuo ng tentatibong paksa

Paglilimita ng Paksa
Sa sandalling may napili ng paksa, kinakailanangan naman itong ilimita ng sa
gayon ay maiwasan ang lubhang malawak nap ag-aaral. Mabibigyan ng
direksiyon at tuon ang pananaliksik sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa at
maiiiwasan pa ang kalat-kalat na pagtalakay sa paksa.

Batayan sa Paglilimita sa Paksa


a. Panahon f. Propesyon o Grupong kinabibilangan
b. Edad g. Anyo o Uri
c. Kasarian h. Partikular na Halimbawa o Kaso
d. Perspektibo i. Kumbinasyon ng Dalawa o higit pang batayan

You might also like