You are on page 1of 2

1.

Ang ika-unang tanong po naming ay inalam muna namin ang


kanilang mga shift ng mga mag-aaral respondente.

Makikita po natin sa graph na ang pang-umagang klase ay


mayroong apatnapu’t lima na respondente at pito naman sa
panghapon na klase.

Limampu’t lima po ang lahat ng mga respondente na sumagot sa


aming sarbey na pang-umaga at panghapong shift.

Sa madaling salita po, karamihan sa mga mag-aaral na


respondente na sumagot ay nasa pang-umaga na klase.

2. Ang ikalawang tanong po naman ay kinalap namin ang mga


kasarian ng mga mag-aaral na respondente.

Makikita po natin sa graph ay may dalawampu't walo na babae at


dalawangpu't apat naman ang lalaki.

Sa madaling salita po, karamihan sa mga estudyanteng


respondente ay mga kababaihan.

3. Ang ikatlong tanong ay nakalap po namin ang mga edad ng


mga respondente.

Sa kabuuan na limampu't dalawang respondente ay mayroong isa


ang nasa edad na labing-siyam taong gulang.

Ang sumunod naman po ay mayroong apat ang nasa edad na


labing-walong taong gulang.

Sumunod po dito ay mayroong labing-dalawa ang nasa edad na


labing-anim taong gulang.

At ang pinakamarami ay mayroong tatlumpu't lima ang nasa edad


na labingpito taong gulang.
Kaya naman po, karamihan sa mga mag-aaral na respondente ay
nasa edad na labing-pito.

4. Ang ika-apat na tanong naman po ay natuklasan ang madalas


na ginagamit na Social Media Platforms ng mga kabataang
respondente.

Mula po sa kabuuang bilang na limampu't dalawa na


respondente.

Makikita po natin sa graph ay ang pinakamababa na madalas na


ginagamit ay ang Pinterest na may dalawa na respondente ang
sumagot.

Sumunod po dito ay ang Youtube na may apat na respondente na


sumagot.

Sunod po ay ang Tiktok na may labing-isa na respondente na


sumagot.

Ang sumunod naman po ay ang Twitter na may labing pito na


respondente na sumagot.

Sunod po dito na mayroong dalawampu’t tatlo na respondente na


sumagot ng Instagram.
Ang pangalawa sa pinakamarami ay ang Messenger na mayroong
apatnapu’t lima na respondente na sumagot.

At ang pinakamarami na pinili ng mga respondente na sagot na


mayroong apatnapu’t walo ay ang Facebook.

Samakatuwid, nangunguna ang Facebook na Social Media sa


madalas na gamitin ng mga kabataang nabibilang sa Gen Z.

You might also like