You are on page 1of 3

6 - Ang Mga Uri ng Teksto

a tiyak na impor-

Bilang Paglalagom:

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na ir

masyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.

2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kauon

on ng kaugnay

na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata.

3. Sa pagbasa ng tekstong impormatibo, magkaroon ng pokus sa mga impormasyong

ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan

4. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang maayos ang mga

salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

Halimbawa ng Tekstong Impormatibo:

Mga Dapat Malaman tungkol sa Zika Virus

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isang public health

emergency of international concern ang Zika virus, na ngayo'y kalat na sa 29 bansa.

Anila, apektado na maging ang Pilipinas dahil dala ng lamok ang virus.

Ngunit ano nga ba ang Zika virus at ano ang epekto nito sa mga mahahawa? Sa

programang "Magandang Gabi Dok", sinabi ni Dr. Janette Garin, ang dating

kalihim ng DOH, na unang na-detect ang sakit sa Uganda. Makalipas lang ang

pitong taon saka ito nakita sa dugo ng tao. Aniya, "hindi mabilis malaman na may

Zika virus ang isang pasyente. Sa Zika, kaya siya mahirap ma-detect kasi 75%

ng patients will not experience any symptoms." Ayon pa sa kanya, "walang

namamatay dahil sa Zika virus unless maraming co-morbid condition o maraming

ibang sakit ang pasyente."


Sakaling magkaroon ng virus, ilan sa sintomas nito ay: lagnat, rashes, sore eyes

at conjunctivitis pero negatibo sa dengue test. Maaaring malala ang epekto nito

sa mga buntis sa kanilang unang tatlong buwan dahil malaki ang posibilidad na

microcephaly ang kahantungan nito sa mga sanggol. "It's not yet confirmed na yun

nga talaga ang cause but there is a high causal relationship." Sa microcephaly, mas

maliit sa normal ang ulo ng sanggol at hindi fully developed ang utak nito. Dahil

walang gamot dito, maaaring ikamatay agad ito ng sanggol o mayroon lamang

silang ilang buwan o taon sa mundo. Sa loob ng 10 taon sa Pilipinas, 332 lamang

ang kaso ng microcephaly. "Di siya alarming, it's within the expected numbers su

medyo panatag ang loob natin but because Zika virus has been documented here

in 2012. siyempre it's a proof na pwede siyang mabuhay."

Bukod sa microcephaly, maaari ring magkaroon ng problema sa central nervo

system ang pasyente. Inaalam na rin ang kaugnayan ng Zika virus sa pagkakaroon

Ang Teksto at mga Uri Nito - 7

ng Guillain-Barre syndrome na isa namang auto-immune disorder na

nakakaapekto sa paghina ng muscles. "Nakitaan din sa ilang bata na nagka-

Guillain-Barre ang na-relate sa Zika," ani dating kalihim Garin.

Paano ito maaagapan? Nagbigay ng ilang payo si Garin para maiwasan ang Zika

virus. "K pag kasi lumabas na sa katawan ng pasyente ang virus, madali itong

mamamatay. Pero kung sa lamok ito mapunta, nanghahawa pa ito ng maraming

pasyente."

Payo niya: maging malinis sa paligid. Kailangang sirain ang mga lugar kung

saan maaaring mamugad ang mga lamok partikular na ang mga lugar na may tubig

na hindi natatakpan. Kung nasa unang tatlong bahagi pa lang ng pagbubuntis,

iwasang bumiyahe sa mga lugar na napapabalitang maraming kaso ng Zika virus.


"Kung ikaw ay nagpaplanong magbuntis o ikaw ay buntis na nasa first trimester,

avoid travelling in areas na may active transmission like Latin America, Carribean,

and African areas." Ipinapayo rin niya ang palagiang paggamit ng insect repellant.

Pagtiyak sa Pag-unawa:

1. Anong mga katangian ng tekstong impormatibo ang taglay ng halimbawang

teksto?

2. Ibigay ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto.

3. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong

Impormatibo.

4. Bakit masasabing nag-aalis ng agam-agam at alinlangan tungkol sa isang paksa

ang tekstong impormatibo? Pangatwiranan

S. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag

You might also like