You are on page 1of 22

PHILIPPINE MERCHANT MARINE SCHOOL

Senior High School Department


San Antonio Valley Rd., Talon Uno, Las Piñas City

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

ARALIN: I
ANO ANG PAG SULAT

Ang pagsulat ay isang pagsasalin sa papel o ano mang


kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao
sa layuning maipahayag ang kanyang kaisapan.
 
Ang pagsulat ay binubuo ng mga titik o simbolo upang
mailahad ang opinyon o mensahe na binuo ng manunulat sa
layuning maiparating ito sa mambabasa.

Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti. Ito ay mental na


aktibiti sapagkat ginagamitan ito ng kamay at mata. Mental
na aktibiti rin ito sapagkat ginagamitan ito ng utak.
 
Mga “Proponent”na nagbigay ng kanilang kahulugan sa
pagsulat:

• Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006)- ang pagsulat ay


isangkomprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element.

• Badayos (2000) ang pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat man sa unang wika o
pangalawang wika.

• Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
1. Biyaya- isang kasanayang kaloob ng maykapal at eksklusibo sa tao
2. Pangangailangan- kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita
ay may malaking impluwensya ito upang maging ganap an gating pagkatao.
3. Kaligayahan- bilang isang sining, maaring itong maging hanguan ng
satispaksyon ng sinoman sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o
nadarama.
ANO ANG AKADEMIKONG PAG SULAT

Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na


mag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi
ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyonal. Ito ay
isang pangangailangan.
 

Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng


pag-iisip.
 
ANO ANG AKADEMIKONG PAG SULAT

Tatlong kalikasan ng akademikong pagsulat ayon kina


Fulwiler at Hayakawa (2003):
 
Katotohanan- ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita
na ang isang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng
disiplinang makatotohanan.
Ebidensya- ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang
kanilang inilalahad.
Balanse- nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng
mga haka, opinyon, at argumento ay kailangang gumamit ng wikang
walang pagkiling, seryoso at di- emosyunal ng maging makatwiran sa
mga nagsasalungatang pananaw.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

 MAPANURING PAG-IISIP

 May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o


datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri
at gumawa ng sistesis.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Magkaiba ang Kumbensiyong ginagamit sa akademikong


pagsulat at personal na pagsulat. Bagaman may ilang
pinagsasanib ang mga kumbensiyong ito sa pagsulat ng
akademikong teksto.
MGA PAMANTAYAN

 Walang isang paraan sa pagsulat ng mahusay na


akademikong teksto. Depende sa sitwasyon o
kahingian, nagbabago-bago ang mga pamantayan
kuing ano ang mahusay na estilo o nilalaman.

 Mahalagang malaman kung sino ang magbabasa ng


isusulat na akademikong teksto.
Subukin ang Natutuhan:

1) Saan nakadepende ang pagsulat?


2) Bakit sinasabing masistema ang pagsulat?
3) Bakit mahalaga ang kasanayan sa akademikong
pagsulat?
4) Bakit tinatawag na intelektuwal na pagsulat ang
akademikong pagsulat?
5) Maaari bang gawing malikhain ang isang
akademikong sulatin? Pangatwiranan ang sagot.
PHILIPPINE MERCHANT MARINE SCHOOL
Senior High School Department
San Antonio Valley Rd., Talon Uno, Las Piñas City

PAGKILALAL SA IBAT’IBANG
AKADEMIKONG SULATIN
ARALIN: II
Mga Layunin sa Akademikong Pagsulat

Kapag malinawang pangunahing dahilan ng pagsulat, matutukoy


ang mga estratehiyang magagamit sa pagtugon sa layunin ng
akda.
  Sa kasalukuyan ang mga personal

Ang impormatibong akademikong


  o malikhaing akda bilang mga
halimbawa ng akademikong
sulatin ay nagbibigay ng kaalaman sulatin.
at paliwanag. Hal:
Hal:  Sa mga nag-aaral sa mga
 balita disiplinang panitikan, sining,
 lahok sa encyclopedia kultura,at kasarian
 sulatin tungkol sa kasaysayan  autobiography
tesis  diary
 liham
 
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita at


iba pang akademikong sulatin, maoobserbahang may ibat’ibang gamit
o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga
ideya.
Gumagamit ng mga hulwaran upang maging organisado at malinaw
ang daloy ng mga ideya sa akademikong sulatin.
 
 
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Depinasyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa:
ang pormal na depinisyon ng “kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito,
  at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.
  Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa
isang uri o klasipikasyon. Halimbawa: ayon sa lahi, uri, kulay, kulay, kasarian,
panahon, interes at iba pa.

Order – pagsunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Halimbawa:


kronolohiya ng mga pangyayari, o proseso ng pagluluto, at pagkasunod-
sunopd ng mga pangyayari.

Paghahambing o Pagtatambis – pagtatanghal ng mga pagkakatulad o


pagkakaiba ng mga tao, lugar, pangyayari, konsepto, atbp.

Sanhi at Bunga - paglalahad ng mga dahiolan ng mga pangyayari o bagay at


ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa: dahil sa kawalan ng ng disiplina sa
pagtatapon ng basura (sanhi), laging bumabaha sa kalakhang Maynila
(bunga).
Kabilang dito ang mga sumusunod:

 
Problema at Solusyon –­paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
  posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa: Edukasyon ang sagot sa kalikasan.

Kalikasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng


isa o higit pang bagay, sitwasyon o pangyayari
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin
Ang akademikong sulatin ay pormal, simple ang pagkakasulat, organisado, hindi maligoy, at bunga ng
masinop na pananaliksik.
 
May natatanging anyo ang akademikong sulatin.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian nito:

- Pormal ang tono


- Karaniwang sumusunod sa tyradisyonal na kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, at baybay
- Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
- Hindi maligoy ang paksa
- Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon
- Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa
- Hitik sa impormasyon
- Bunga ng masinop na pananaliksik

 
 
Anyo ng Akademikong Sulatin
 
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga anyo ng akademikong sulatin:
- Pamumuna
- Manwal
- Ulat
- Sanaysay
- Balita
- Editoryal
- Encyclopedia
- Tesis
 

 
 
GAWAIN I: ILAPAT ANG NATUTUHAN

Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian, ng


ibat’ibang anyo ng sulating akademiko. Ilagay ang inyong awtput sa dalawang pahinang maikling
bond paper. Magtungo sa “Language and Learning Online” ng Monash University na makikita sa
mga sumusunod na Web site:
http://www.monash.edu.au//lls/llonline/writing/general/academic/index.xml. Makukuha rito ng sapat
na impormasyon tungkol sa paksa ng iyong panimulang pananaliksik. Maaari ding tumingin sa iba
pang mapaghahanguan ng datos sa internet.

 
PHILIPPINE MERCHANT MARINE SCHOOL
Senior High School Department
San Antonio Valley Rd., Talon Uno, Las Piñas City

PAGSULAT NG ABSTRAK
 
ARALIN: III
KAHULUGAN NG ABSTRAK
 
- Ang abstrak mula sa Latin na abstracum, ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na
inilalagay bago ang introduksiyon.
 
- Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ipinaalam nito sa mga mambabasa ang
paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
 
- Ang abstark ang karaniwnag unang tinitingnan ng mambabasa, kaya maituturing itong
mukha ng akademikong papel.

 
 
KALIKASAN AT BAHAGI NG
ABSTRAK
Deskiptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
 Ipinapakita nito sa mga mambabasa  Ipinahahayag nito sa mga mambabasa
ang mga pangunahing ideya ng papel. ang mahalagang ideya ng papel.
 Nakapaloob dito ang kaligiran,  Binubuod dito ang kaligiran, layunin,
layunin, at tuon ng papel o artikulo. tuon, resulta at kongklusiyon ng papel.
 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi  Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng
na isinasama ang pamamaraang buong papel at isang talata lamang.
ginamit, kinalabasan ng pag-aaral, at  Mas karaniwang itong ginagamit sa
kongklusyon. larangan ng agham at inhinyeriya o sa
 Mas karaniwan itong ginagamit sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
mga papel sa humanidades at agham
panlipunan, at sa mga sanaysay sa
sikolohiya.
HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK
1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing
abstrak. Hanapin ang mga ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon,
brekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.

2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang
mga impormasyon gamit ang sariling salita.

3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at
ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang
impormasyon, magdagdag ng mahalagang Impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga
salita, at iwasto ang mga maling gramatika at mekaniks,

4. I-proofread ang pinal na kopya.


 
 
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK

1. Binubuo ng 200-250 salita


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito
bilang isang yunit ng impormasyon.
3. Kompleto ang mga bahagi.
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.
 
MGA HALIMBAWA NG ABSTRAK MAAARING BISITAHIN;
http://www.sccur.uci.edu/sampleabstracts.html
http://www.willamette.edu/cla/ssrd/abstract_examples/ .
 
 

You might also like