You are on page 1of 3

ARALIN 1.

1
ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
ARALIN 1.1 Ang Kahulugan at Katuturan ng Pagsulat

Linggo: 1

Deskripsyon: Pagbibigay ng panimulang kaalaman at pag-unawa sa mga mag-aaral hinggil sa kahulugan,


kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik.

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang isang pangmalawakang depinisyon para sa akademikong pagsulat ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa
isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatakdang gawaing pasulat sa isang
setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad
sa mg komperensya. Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o
argumentantibo ata ginagawa ng mmga mag-aaral, guro ko mananaliksik upang mapahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. Sa
pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo. Kung gayon, sa pagsusulat ng mga akademikong
papel, kailangang tandaan ng sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komunidad na may malinaw na inaasahan o ekspektasyon
kung paano ginagawa ang akademikong pagsulat. Iba-iba man ang ekspektasyon ng iba-ibang komunidad, may ilang kalikasan nng akademikong
pagsulat na sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003), ay ang sumusunod:

1. Katotohanan.
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
2. Ebidensya.
Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
3. Balanse.
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasang katotohana, katibayan at balanse. Sa isa namang kahulugang nauna ring
tinalakay, binanggit na ang ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagiging tumpak, pormal, impersonal at obhetibo nito. Ayon
sa http://www.ueaf.com, ang akademikong pagsulat sa anumang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat
bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang disgresyon o repetisyon. Ang layunin
nito’y magbigay impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito n
g istandard na porma ng pagsulat ng wika. Ayon muli sa http://www.ueaf.com, ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang
sumusunod:
1. Kompleks.
Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas maAng
pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at
bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain.
2. Pormal.
Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
3. Tumpak.
Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng
facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
4. Obhetibo.
Ang pokus nito kadalsan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo
o ang kanyang mambabasa.
5. Eksplisit.

This study source was downloaded by 100000832421054 from CourseHero.com on 09-14-2022 15:49:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72537670/Kahulugan-Layunin-Gamit-Katangian-at-Anyo-ng-Akademikong-Pagsulatpdf/
Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa uganayan sa loob ng teksto. Responsibilidadng manunulat nito na gawing malinaw sa
mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagwang eksplisit sa pamamagitan ng
paggamit ng ibat’t-ibang salitang signaling wordssa teksto.
6. Wasto.
Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng
mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
7. Responsible.
Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa palalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento. Kainlangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang
.ginamit kung ayaw niyang maparatangan ng isang plagyarista. Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman
sa http://www.vsm.sk:
8. Malinaw na Layunin.
Ang layunin ang akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong an ito ay nagbibigay ng
layunin.
9. Malinaw na Pananaw.
Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources
samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-
iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinantawag na sariling punto de bista ng manunulat.
10. May Pokus.
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi
nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon
11. Lohikal na Organisasyon.
Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan na akademikong papel ay
may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
12. Matibay na Suporta.
Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kauganay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang
suportang ito ay maaaring kapalooban ng
facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon.
Napakahalaga nito dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel
at magiging possible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
14. Epektibong Pananaliksik.
Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon ng
mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelekwal
na katapatan sa pamamagitan ng hinangong impormasyon o datos.
15. Iskolarling Estilo ng Pagsulat.
Iskolarling ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas aat bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng pag-iingat, kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.

LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


Ang mga karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay manghikayat, magsuri at/o magbigay-impormasyon na sa mga
kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.
1. Mapanghikayat na Layunin.
Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon
hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, Pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong,
sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananw ng mambabasa hinggil sa
paksa. Isang halimabawa nito ay ang pagsulat ng Posisyong Papel. Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay
ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng
proposal at konseptong papel

2. Mapanuring Layunin.
Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at
piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat, madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen

This study source was downloaded by 100000832421054 from CourseHero.com on 09-14-2022 15:49:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72537670/Kahulugan-Layunin-Gamit-Katangian-at-Anyo-ng-Akademikong-Pagsulatpdf/
ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at
inaanalisa ang argumento ng iba.
Kinapapalooban ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsasama-
sama ang iba’t -ibang bahagi upang makabuo sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat
ng Panukalang Proyekto.
3. Impormatibong Layunin.
Sa impormatibong akademikong pagsulat, ipinipalliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Abstrak. Dapat
tandaan na ang isang manunulat ay maaaring may isa lamang, o kay a ay dalawa, o kahit pa tatlong layunin sa pagsulat ng isang
akademikong papel. Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at
mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa: Pagsulat ng report ng
obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o businesss report

4. MALIKHAING PAGSULAT. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela,
tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng
kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

5. PANSARILING PAGPAPAHAYAG
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng
paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba

TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan kasi ng ng aplikasyon ng kaalaman sa
gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, naililinang ang kakayanhang pagmatik ng mga mag-aaral. Samantala, sa pag-
oorganisa ng mga akademikong papel, nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral. Mga kakayahan itong humuhubog sa mga mag-
aaral upang maging mabisang komyunikeytor.
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay maaring
kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangka
isipang gawain. Ito’y mga gawaing lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang isang indibidwal ay
maging matagumpay hindi lamang sa akademya, kundi lalo’t higit sa iba’t ibang gawain at larangan sa labas ng paaralan.
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
Sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat mag-aaral. Halimbawa, pauli-ulit ang pagbibigay-diin
ng mga may-akda at ng mga guro sa intellectual honesty sa pagsulat ng ano mang akademikong papel. Ang akademikong pagsulat ay
inaasahan ding makapagpatuturo sa mga mag-aaral ng halaga ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiranat
pagpapanantiling bukas na isipan.

Inihanda ni:

LEVY P. CORONEL
SHST-1

This study source was downloaded by 100000832421054 from CourseHero.com on 09-14-2022 15:49:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72537670/Kahulugan-Layunin-Gamit-Katangian-at-Anyo-ng-Akademikong-Pagsulatpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like