You are on page 1of 4

TEKNIKAL NA PAGSULAT

KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL


-Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisdong anyo ng komunikasyon.
-Ang komunikasyong teknikal ay maituturing na “applied” na uri ng komunikasyon na ang
mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tatanggap nito na nangangailangan ng agarang
pagtugon.

Halimbawa:
Mobile phone-user’s manual
Appliances- manwal
Multi-vitamins- label

KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL


-Kasindata na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa
katunayan, ang mga guro, pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga
hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na lamang ng pag-aaral ni Aristotle ng
Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang panghihikayat sa argumento.
-ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung paano maiiaangat ang interes ng
mambabasa at tagapakinig.

PINAGKAIBA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA SULATING TEKNIKAL


-Ayon sa paliwanag nina Martinez et al.(2011), ang komunikasyong teknikal ay isa lamang sa
maraming anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang mahusay na
komunikasyong teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli. Mahalaga ring maisaalang-
alang ang awdiyens, layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon.
-Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na
higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina.
- ayon kina Dr.Demetrio B. Bautista, et.al ang sulating teknikal ay isang espesyalisadong uri ng
pagsusulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa,
at minsan, maging ang manunulat mismo. Layunin nitong magbigay ng mahahalagang
impormasyon, direktang nagbibigay ng ideya sa manunulat, nagbibigay ng interaksyon at
nagbibigay daan para sa pagdedesisyon.
Halimbawang sulating teknikal:
Konseptong papel
Thesis
Dyornal
Business plan
Pamanahong papel
Feasibility study

ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA AT ANGKAHALAGAHAN NG


KOLABORATIBONG PAGSULAT

ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA


-ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mambabasa ay isang napakahalagang salik
na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng anumang uri ng sulatin.
-ang mga ito ay maituturing na anyo ng komunikasyong teknikal dahil kailanan nilang
maipamalas ang sariling kakayahan sa pinakapayak na paraan upang maintindihan sila.

MGA GABAY NA MAARING PAGNILAYAN


1. Sino ang magbabasa?
2. Ano ang kailangan nilang impormasyon?
3. Saan nila ito babasahin?
4. Kailan nila ito babasahin?
5. Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon?
6. Paano nila ito babasahin at uunawain?

KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG PAGSULAT


- Ang kolabrasyong pagsulat ay nangangahulugan na ito ay may proseso na tungo sa mahusay at
organisadong pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal.

-ito ay mabisang sistema sa alinmang uri ng ng proyekto lalo’t higit na naipapamalas ng


indibidwal ang kasanayan at kakayahang taglay nila na nagsisilbi na ring ambag sa grupo.

-mabisang susi rin ng kolaboratibong pagdulog ang pagkakaroon ng wastong pamamahala at


katiyakan ng papel na ginagampananng bawat miyembro.
MGA ELEMENTO AT ETIKA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA LOKAL AT
PANDAIGDIGANG KOMUNIKASYON

Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal:

1. Audience - tagatanggap ng mensahe, tagapakinig, nanonood, o nagbabasa


2. Layunin - ang dahilan ng pagpapadala g mensahe
3. Estilo - tono, boses, pananaw at iba pang husay sa pagdadala ng mensahe
4. Pormat - ginabayang estruktura ng mensahe
5. Sitwasyon – pagtukoy sa estado na siyang nakaugnay sa layuning ng mensahe
6. Nilalaman - ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe
7. Gamit - pagpapakita ng halaga kung bakit kailangan ipadala ang mensahe

ANO ANG ETIKA NG KOMUNIKASYON?

-nakapokus ito sa responsibilidad ng isang tao sa kanyang mensahe na nais iparating, kung paano
niya ito ipaparating, kung paano niya bibigyang kahulugan ang feedback na kanyang
matatanggap.

LIHAM PANG NEGOSYO O MEMORANDUM

-Karaniwang isinusulat ang mga liham pang negosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o
kompanya. May iba’t- ibang sinasaklaw ang liham pangnegosyo:

1. paghahanapng trabaho
2. paghingi ng impormasyon

3. pagtugon sa mga tanong o paglilinaw

4. promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo

5. pagkalap ng pondo

6. pagrehistro ng mga reklamo

7. pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon

PAGSULAT NG LIHAM PANG NEGOSYO

1. Pamuhatan
2. Patunguhan
3. Bating pambungad
4. Katawan
5. Pamitagang pangwakas
6. Lagda

You might also like