You are on page 1of 2

Isang mapagpalayang umaga sa inyong lahat.

Isang nagbubunying okasyon ang araw


na ito upang bigyan pugay ang ating Wika ngayong buwan ng Wika. Marami sa atin na talagang
hindi pa gaano kilala ang sariling wika natin kahit na ito ay ating kinalakihang gamitin sa araw
araw. Kaya ako po’y kumakatok sa inyong mga puso, hihingin ko muna ang atensyon, tingin
dito sa akin at ihanda ang inyong tenga sa pakikinig.

Ngayong oras na ito, simple lang ang aking layunin “Ipakita ang kahalagahan ng Wikang
katutubo sa ating Bansa at kultura”. Bukod sa wikang pambansang Filipino, kailangan ding
panatilihing buhay ang mga katutubong wika ng Pilipinas. Iyan ang ipinahayag ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) nang ilunsad ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong
taon na tema ang "Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino". Isinabay sa lingguhang
pagtaas ng bandila sa pamahalaang-lungsod ng Maynila kamakailan ang pagsisimula ng
taunang pagdiriwang, na ginaganap tuwing Agosto. Ayon kay Virgilio Almario, Pambansang
Alagad ng Sining para sa Panitikan at tagapangulo ng KWF, unang pagkakataon ito sa
kasaysayan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na bibigyang halaga rin ang mga katutubong
wika. Bukod sa mga wika na marami ang gumagamit gaya ng Cebuano, Iloko, at Bikol, tahanan
din ang Pilipinas ng mga wika gaya ng Ivatan na gamit sa Batanes, Kinaray-a sa Antique, at
Sama sa Tawi-Tawi.

Isang magandang adbokasiya ang ginawa ngayon ng KWF para sa pagmamahal sa


ating wika. Ngunit, bakit sa dinami-dami ang wika na meron tayo ay ni isa man lang ay hindi
tayo pamilyar? At hindi tayo maalam sa salita na iyon na maisali natin siya sa ating
bokabularyo? Ang sagot ay, naimpluwensyahan kasi tayo ng mga dayuhan at nabago nila ang
ating pag-iisip sa kung ano sa tingin nila’y maganda ay naging maganda na rin para sa atin.
Halimbawa na lang ang mga nabuong K-POP at J-POP fan group dito sa bansa, karamihan sa
kanila ay natututong makapagsulat,makabasa, makasalita at makaintindi ng salita ng dayuhan
dahil sa paghanga nila dito naengganyo sila na tangkilikin ang wikang banyaga. Na nagpapakita
lang na kapag pala ginusto natin mahalin ang isang bagay ay talagang maisasabuhay nating
mga Pilipino. At iyon ay dapat natin gawin sa ating mga katutubong wika, bigyan ng halaga at
pag-aralan din gaya ng ginawang pag-aral ng wika ng mga banyaga.

Napag-isip-isip ko na ang problema ay hindi sa namamahala ng edukasyon o sa


nagpapatakbo ng pamahalaan kundi sa atin, mga kapwa natin Pilipino. Kaya paano natin
sosolusyunan ito? Simple lang, hayaan natin pumasok ang mga sariling atin sa ating puso at
pag-iisip. Paano sisimulan? Makinig ng mga OPM na awitin, magbasa ng mga tekstong gawang
Pinoy, manood ng mga pelikulang atin, makipagusap gamit ang wikang atin at bawasan unti-
unti ang pag-gamit ng wikang banyaga at marami pang iba na magagawa natin upang
mapanatili natin ang buhay ng ating Wika at makatulong tayo sa pagpapatibay at pagiingat sa
ating kultura na maibabagahagi natin sa mga susunod na henerasyon. Muli isang
mapagpalayang araw sa inyong lahat, sana ay may natutunan at naibahagi ako na
magpapagising sa inyong pagka-Pilipino. Maraming salamat po.

You might also like