You are on page 1of 1

“WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO”

“Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang
bansa.” Isang simpleng kataga na kung iisipin at uunawain ay magtutulak satin na
yakapin at pahalagahan an gating wika. Alam ko sasabihin niyo na naman, buti pa
ang wika yinayakap at pinapahalagahan. Bakit hindi diba? Kung sa pag ibiig nga
gumagawa ka ng paraan para mahalin ka niya, bakit hindi mo rin magawa sa wika
ang pagmamahal na ginagawa mo sa kanya?

Ang ating tema para sa buwan ng wika ngayong taon ay “Wikang Katutubo:
Tungo sa isang bansang Filipino”, ano nga ba ang mga Wikang Katutubo? Ito ay kilala
rin bilang “Inang Wika” o “Unang Wika” dahil ito ang unang natutunan natin simula n
gating pagkabata. Ito marahil sa atin ay “Iloko” o “ibanag”. Buti pa nga ang wika ang
aga mong natutunan, samantalang siya ilang taon nang nakalipas pero hindi ka pa rin
niya natutunang mahalin. Napakahalaga na bigyang-pansin natin ang katutubong
wika dahil tatlumpu ang naitalang “Endangered Languages” sa Pilipinas,
nakababahala dahil unti-unti nang nawawala ang unanng wika na pumasok sa puso
natin. Huwag nating hayaang maglaho ang wikang katutubo dahil ang paglaho nito
ay pagkawala rin ng isang malaking nabahagi ng ating kultura.

Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ay nakalilimot ng lumingon sa ating


pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate nakalimutan na ang “chocnut
at barnuts”, nakapagsuot lang ng Rusty Lopez at Gucci, nakalimutan na ang “seven
colors at Islander”, nakapunta lang sa ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at
kinamumuhian ang sariling bansa, natuto lang ng Ingles at Korean, hindi na raw
marunong mag Filipino o mag Iloko. Nakalulungkot mang isipin ngunit….iyon ang
katotohanan.

Pero, hindi pa huli ang lahat may magagwa pa tayo, hikayatin ang bawat isa
na bigyan ng pagpapahalaga at respeto sa ating katutubong wika. Gamitin natin ito
ng buong puso at may pagmamalaki, dahil saang dako ka man ng mundo
mapadpad, ito ang iyong magiging tatak at sagisag bilang isang tunay na Pilipino.

You might also like