You are on page 1of 1

Mark Daniel A.

Liwag
S11-06

Akademikong Forum sa Komfili: Repleksyong Papel

Ipinagdiriwang natin sa buwan ng Agosto ang isa sa pinakamahalagang kadahilanan ng


ating kaluluwa at identidad bilang isang Pilipino – ito ay ang ating wika, Wikang Filipino. Ang
tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino”. Ngunit ano nga ba ang mensahe nito sa akin bilang isang Pilipinong nakabilang sa
etnolingguwistikong pangkat ng Filipino? Ano na ang estado ng wikang katutubo sa ating
bansa? Ano ang dahilan kung bakit natin kailangan payabungin o pagalabin ang bawat wikang
katutubo na binuo ng ating mga ninuno? Halika at tunghayan natin ang mga kasagutan sa mga
tanong na gumagambala sa ating malikhang pagiisip.

Itong tanong sa ating utak ang magiging tagapinta upang magkaroon ng buhay at kulay
ang mga katutubong wika na nagiging kulay abo na, dala ng modernisasyon. Ayon kay Gng.
Palting, hindi dahil nakabase sa Tagalog ang wika ay wala nang katuturan ang wikang katutubo
sapagkat dito masasalamin ang kaukulan, kasaysayan, pilosopiya, sikolohiya, sining, at panitikan
ng isang katutubo. Sinabi rin niya na ang katutubong wika ang nagaambag upang magkaroon ng
wikang maguugnay sa lahat. Tila sa palagay ko naman, ay tama ang kaniyang mga inilahad na
impormasyon at isa pa mas nalinawan ako at nabigyan ng rason upang pagyamanin at buhayin
ang mga wikang iniwan sa atin ng mga ninuno natin. Nabuhayan din ako at mas nagalab ang
apoy sa puso ko upang mahalin at gumawa ng paraan upang di mamatay ang mga wika sa ating
bansa dahil sa kaniyang pagbabahagi kung paano niya ginagawan ng paraan upang mabuhay
ulit ang kanilang diyalektong “Yogad” na nanganganib at maaaring mawala na. Hindi lang dahil
sa kaniyang pagbabahagi ako nabuhayan ngunit bilang pagkilala at pagrespeto na rin sa mga
kultura na kanilang ipinamalas gamit ang wikang katutubo nila at upang malinawan at mamulat
din ang kapwa ko magaaral tungkol sa mga ito.

Nakakalungkot isipin na mayroong 28 na wika na ang nasa panganib at 11 na ang


namatay at tayong gumagamit ng wika ang kusang pumapatay sa ating wikang katutubo.
Naniniwala ako sa sinabi ni Bb. Fortus na di masama pagaralan ang ibang wika ngunit huwag
tatalikuran ang sariling atin at walang wika ang nakahihigit sa isa. Natamaan ako sa pahayag na
ito sapagkat sa panahon ngayon, mas binibigyang diin natin ang mga pinausong salita ng mga
kabataan at tila nakakalimutan ang katutubong wika natin. Pati ang mga wikang banyaga gaya
ng Hangul ng Korean, Mandarin ng Chinese at marami pang iba ang mas pinagtutuunan natin ng
pansin kahit tayo, sa ating wika, ay di pa natin ganoon kagamay ang mga estruktura at
pamantayan. Pati na rin ang pagiisip natin sa wikang Ingles, na akala nating pinakamataas dahil
ito ang tinaguriang “International Language” ngunit pantay pantay lang naman ito dahil lahat ng
wika ay pinagyayaman ng bawat isa. Ngunit kung aking iisipin, hindi ba mas masaya gamitin ang
alam na natin simula sa ating pagkabata at dapat mas pagyamanin pa ito upang maiwasan ang
panganib na dala nito sa isang wika upang di ito maiwan bilang isang lupon ng alaala na lamang.

Mahirap man tanggapin pero alam nating unti unting nanganganib at namamatay ang
mga wikang katutubo hindi lamang dito sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ang nakuha
kong mensahe sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon ay palalimin at pagalabin ang
pagtangkilik at pagmamahal sa sariling atin nang sa gayon ay di ito mamatay. At ibabahagi ko
lamang ang katagang “Kapag naglaho ang isang wika, tila may isang tahanan o kamalig ng ating
alaala at tradisyon ang mawawala at ‘di na mababawi kailan-man” na pinakapumukaw sa aking
puso para ipaglaban at buhayin ang wikang katutubo at para imulat ang mga kapwa ko
kabataan sa kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa realidad ng mga wikang katutubo.
Bago ko tapusin ito, naniniwala ako na kung hindi natin aalagaan, manganganib ito; at kung
pababayaan, maaari pang maglaho nang tuluyan. Kaya ikaw na bumabasa nito, maliwanagan ka
sana sa mga pangyayari at tila ay makiisa sa pagaksyon sa kasalukuyan dahil kung hindi tayo
kikilos, sino ang kikilos? At kung hindi ngayon, kalian pa?

You might also like