You are on page 1of 1

ATIBULA, JOVELYN -QUINDAO ESSAY

ASSIGNMENT

ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG SARILING


WIKA
Ang wika ay isang yaman na nagbibigay-kahulugan sa ating buhay. Ito ang
pambansang wika na nagbibigay sa atin ng kakayahang maipahayag ang ating mga
saloobin, kaisipan at adhikain. Ang wika ay nagdadala ng kasaysayan, kultura, at
pagkakakilanlan. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay mahalaga sapagkat
nabubuklod buklod neto ang mga mamamayan na naninirahan sa ating bansa.
Tagalog, bisaya, ilokano, ilonggo o iba pang wika na nakapaloob sa ating bansa. Hindi
ito balakid para di tayo magkakaunawaan o magkakaintindihan, dahil alam natin sa
isip at puso na iisa lamang ang ating pinaglalaban.

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong
isda" ay mga katagang mula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nais ng
ating pambansang bayani na huwag maging dayuhan sa ating sariling wika. Dapat ay
taas-noo natin itong gamitin at ipagmalaki sa buong mundo. Sa kabuuan, ang wika ay
nagbibigay-kahulugan sa ating buhay. Ito'y hindi lamang isang serye ng mga titik at
tunog, ito'y isang pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating sarili, sa ating
kultura, at sa mundo. Kaya't mahalaga na ituring natin ito na may pangangalaga at
pagpapahalaga. Ang wika ay isang yaman na dapat nating alagaan at ipagmalaki.

Bilang pilipino, ang dapat nating gawin ay tangkilikin ang sariling gawa natin, musika
at tradisyon ay dapat matutunan nating mahalin. Ipaalam natin ang kahalagahan ng
sariling wika dahil ito ang nagbuklod upang magkaisa tayo, kaya naman tungkulin
natin na pangalagaan ito at ibahagi sa iba ang ating kaalaman upang pagyamanin ito.
Gumawa tayo ng pag babago, huwag tayong makalimot at ipagpatuloy kung ano ang
sinimulan ng ating mga ninuno na walang ibang hangad kundi ang umunlad ang
Pilipinas at maipahayag sa mundo ang ganda ng sariling atin. At ang mga hakbang na
ating nagawa sa kasalukuyan ay makaka abot pa sa mga susunod na henerasyon ng
ating bayan, kung kaya ating isa isip na kahit saan mang parte nang mundo tayo ay
Pilipino at dapat na ipagmalaki natin ito.

You might also like