You are on page 1of 2

Wikang Filipino, Wikang Kinagisnan ng mga

Pilipino

ni: Bryant Miles Andungan

WIkang Filipino, isang wikang kayaman ng Pilipinas na kung saan ay nagagamit


ng mga Pilipino sa pang araw-araw na pamumuhay gaya na lamang sa pakikipag -
usap o pakikipag - talastasan sa bawat indibidwal. Wikang Filipino, na kung saan ay
nagagamit din para magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang
magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Kung
wala ang Wikang Filipino, paano nalang tayo magkakaintindihan? Kaya dapat natin
pahalagahan ang ating sariling wika at gamitin ito sa tamang paraan.

Bilang isang Pilipino, lubos kong ipinagmamalaki ang Wikang Filipino sapagkat
ito ay nakaukit na sa aking puso’t diwa at kahit ano paman ang mangyari ay hindi ko
makakalimutan o kakalimutan ang Wikang Filipino. Hindi man ako isang kilalang tao
pero gagawin ko ang lahat para lang ipa - alala sa aking mga kapwang Pilipino na
hindi kalimutan ang ating sariling wika. Sa panahon ngayun, nakakaligtaan na ang
Wikang Filipino dahil marami ang binibigyang pansin at pinag-aaralan ang Wikang
Banyaga. Hindi ibig sabihin nito na sa makabagong henerasyon na meron tayo
ngayun ay kakalimutan na natin ang ating sariling Wika? Hikayatin natin ang lahat ng
mga kapwa natin pati narin ang mga kabataan at ang mga mag-aaralsa paaralan ng
bagong henerasyon na mas lalong iangat at mahalin ang Wikang Filipino at huwag
natin isabay baguhin ang ating sariling wika sa pagbago ng henerasyon. Ayon nga sa
kasabihang “ Kung ano ang wika mo ay syang pagkatao mo, kaya kung mahal mo ang
pagkatao mo mahalin mo ang wika mo ” ito ay nagpapatunay lamang na mas
pagyabungin ang sariling wika dahil tinutukoy nito ang ating pagkatao bilang
Pilipino. Hindi man natin maiwasan na magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang wikang
banyaga pero huwag parin natin kaligtaan na merong Wikang Pilipino na siyang
nagmamahal din sa atin. May mga Pilipino ding lumaki sa ibang bansa na may
kaunting kaalaman sa Wikang Filipino at unti - unti nilang nakakalimutan ang
kanilang pagiging Pilipino. Kung sila ay may kaunti o walang kaalaman, dapat natin
ituro sa kanila ang kultura at gawi ng mga dugong Pilipino dahil darating ang araw na
kakailanganin nila ito at magagamit sa kanilang pamumuhay kaya’t itangkilik natin sa
kanila ang ating Wika para ito’y dumaloy din sa kanilang puso’t diwa. Ating tandaan
na kung walang Wikang Filipino, paano nalang magkakaintindihan ang bawat tao dito
sa Pilipinas? At paano narin tayo kung walang Wikang Filipino? Ang pagtangkilik sa
Wikang Filipino ay siyang nagbibigay buhay sa ating kultura at sibilisasyon. Sa
pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng mga mamamayan ang sariling
kaisipan sa pakikipagtalastasan at pakikipag - ugnayan sa lahat ng oras at bagay.

Lubhang napakahalaga talaga ng Wikang Filipino pati narin sa kasulukuyan dahil


nagpapatunay lamang ito na mayroon tayong sariling Wika na maipagmamalaki.
Huwag natin itong ikahiya kahit kanino man o sa ano mang bagay. Ipakita natin sa
ating mga mahal na bayani na nagbuhos ng kanilang buhay para sa ating sariling wika
at para maibuklod ang ating bansa na mahal natin ang ating Wikang Filipino.

You might also like