You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IX, Tangway ng Zamboanga
Zamboanga del Sur National High School
Senior High School
Sta. Maria, Lungsod ng Pagadian

Pangalan: ______________________________ Taon at Seksiyon: __________________


Asignatura: Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kwarter: I Linggo: 6-7
Mga Kasanayang Pampagkatuto (base sa MELCs): Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa (CS-FA11/12PN-0g-i-91).
Mga Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Akademik) Patnubay ng Guro Pahina: 46-57
Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kagamitan ng Mag-aaral Pahina: 73-83
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/08/19/talumpati-ni-pangulong-aquino-sa-pambansang-kongreso-sa-
wika-ika-19-ng-agosto-2013/
https://www.officialgazette.gov.ph/2011/06/19/president-aquinos-speech-on-the-150th-birth-anniversary-of-
jose-rizal-june-19-2011/
https://www.pinoyweekly.org/2009/09/dangal-at-parangal/

TALUMPATI: ISANG PAG-AARAL AT PAGSUSURI


Gawain Blg. 5
Balikan
TALUMPATI – isang akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
paglalahad, at pangangatwiran.

Gawain 1: PANIMULANG-BUNGAD. Basahin ang talumpati ng dating pangulong Benigno Simeon Aquino III
sa Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto, 2013. Pagkatapos basahin, gumawa ng akrostik
na naglalahad ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang wika.

Tagapangulong Virgilio S. Almario; Father Jett Villarin; mga kinatawan ng Kalupunan ng


Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino; mga kasaping akademiya at mga non-government
organization—na hindi pa na-translate—na narito; mga kawani ng pamahalaan; mga kagalang-galang
na panauhin; mga minamahal ko pong kababayan:
Magandang umaga po muli sa inyong lahat.
Isa sa mga tanong na bumagabag sa dating Pangulong Manuel Quezon noong panahon ng
Commonwealth ay ito: Oras na magbalik sa Estados Unidos ang mga Amerikano, at makamit ng
Pilipinas ang kalayaan, at wala na muling paghuhugutan ng dahilan ang mga Pilipino para lumaban at
magkaisa para sa iisang layunin, ano pa ang magbubuklod sa ating bansa? Ang sagot dito: isang
wikang pambansa. Sa halip na magkanya-kanya bilang Tagalog, o Bisaya, o Cebuano, o Ilokano, o
Kapampangan, kikilalanin sila—kikilalanin tayo—sa ilalim ng iisang pangalan: Pilipino. At gaano man
karami ang ating isla, pagbubuklurin tayo ng isang tinig, ng isang wika: Filipino.
Mula sa proklamasyon nito bilang wikang pambansa noong 1937, wala pa ho ako noon, ewan ko
lang si Father Jett dahil lamang siya sa akin ng kaunti, dumaan sa mabagal at masalimuot na yugto
ang Filipino bilang wikang may kakayahang pagkaisahin ang bansa. Hindi ba’t dati, meron lamang

1|Pahina
tayong “Linggo ng Wika?” Bagaman buong buwan na ng Agosto kung ipagdiwang ang ating sariling
wika ngayon, naniniwala pa rin akong dapat ay araw-araw na kinikilala’t pinapahalagahan ang ating
pong sariling salita. Marahil, kung wala pa ang mga gurong tulad ni Ginang Escasa, na talagang
hinasa kami sa silid-aralan sa wastong paggamit ng Filipino, malamang ay kanina pa ako natitisod sa
maraming salita, at hindi na ninyo ako inimbita sa pagtitipong ito. Ang nakakabahala, sa halip na
pagmulan ng kolektibong dangal, nagiging bukal pa ng alitan ang wikang Filipino. Personal ko itong
nasaksihan noong bagong halal pa lamang akong kongresista.
Syempre ho, ‘pag nag-umpisa ang Kongreso, mag-oorganisa kayo. Habang nag-oorganisa kayo, e
‘di wala pang trabaho ang mga komite dahil binubuo nga.
So isang araw, tumayo ang kinatawan ng Quezon City, o isa sa mga kinatawan ng Lungsod Quezon
at nagtalumpati sa wikang Filipino. Tumayo ang kinatawan ng Davao del Sur noong panahon na iyon
at itinanong kung bakit nagsalita ng Tagalog ang kinatawan ng Quezon City. Sagot po ng kinatawan
ng Quezon City, “Ayan po ay opisyal nating lengguwahe.” Ang sagot sa kanya, “Pakibasa nga ‘yong
parte ng Konstitusyon na nagsabi na ang Tagalog ay Filipino.” At pagkatapos po no’n ay nag-Bisaya
na ang ating butihing kasamahan galing ng Davao del Sur. Pagkatapos po no’n, eh sumagot na rin ho
ang presiding officer, Deputy Speaker galing Palawan, sinagot ‘yong dalawang kinatawan sa wikang
Ilokano. Kaya po ‘yong stenographer nagtataas ng kamay at sinabing, “Suko na ako, hindi ko na alam
kung ano ang susundan dito!”
Alam ho ninyo, dalawang linggo pong debate kung ano ang Filipino. Ang napala namin, habang ino-
organisa ang Kongreso. At habang sila’y nagdedebate, sabi ko, “Napakabigat naman ng talakayan
nating ito!” Napakaraming inakyat-baba kong dike para lang magkaroon ng pribilehyong magkaroon
ng debateng tila walang saysay.
Sa unang tingin, nakakatawa nga ho ang kwentong ito. Subalit kung susuriin, ganito mismo ang
kasalukuyang konteksto ng pulitika ng wika sa Pilipinas ngayon. Ang isang bagay na dapat ay
nagbubuklod sa atin, nagiging mitsa pa ng di-pagkakasunduan. Ang wikang dapat ay bumubuo at
tumatahi sa libu-libo nating mga kapuluan, ay siya pang pumupunit sa mga prinsipyong naghuhulma
sa ating kasaysayan.
Kaya naman isang malaking hakbang ang pagtitipong ito sa pagpapayabong ng ating wikang
pambansa. Nananalig akong sa pagtutulungan ng mga kalahok na sektor, maitutulay ng Unang
Pambansang Kongreso sa Wika ang ilang mga hamon at suliraning pangwika na matagal nang
nabalewala sa ating lipunan, at magsimulang maitaas ang antas ng pakikilahok at diskurso ukol dito.
Nagpapasalamat ako sa kasalukuyang pamunuan ng komisyon sa Wikang Filipino, sa inisyatibang
likumin ang mga kaisipan at opinyon ng mga eksperto sa pagtitipong ito, gayundin sa masigasig na
pagpapatupad ng mandato ng komisyon. Nananalig akong magiging mabunga ang Unang
Pambansang Kongreso sa Wika, at magagamit tungo sa paghubog ng mas progresibong lipunan ang
anumang resulta ng inyong talakayan.
Kahit sa munting paraan, kompiyansa ako sa naiaambag ng ating administrasyon sa
pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang pambansa. Bilang Pangulo, tungkulin kong ibalik ang

2|Pahina
tiwala at kompiyansa ng mga Pilipino sa mga institusyong pampamahalaan. Samakatuwid, tinig nila
tayo. Mangyayari lamang ito kung naiintindihan at nakikita nilang hinihimok natin silang makilahok sa
paghubog ng pamahalaang tunay na mula sa kanila, at kumikilos para sa kanila. Kaya naman bago
pa man ako mahalal, napagpasyahan kong gamitin ang Filipino sa aking mga talumpati—hindi bilang
gimik o propaganda— kundi dahil ito ang tunay na tinig ng ating mga kababayan. Humaharap po ako
sa kanila bilang kolektibong boses ng mga Pilipino, kaya’t obligasyon kong magsalita sa wikang
komportable sila, at naiintindihan nila.
Alam po n’yo, naalala ko tuloy: Noong ako po’y unang tumatakbo bilang kongresista, may mga
lumapit po sa akin at sabi bilib na bilib raw ho sila sa aking ama. Napakagaling raw hong magsalita.
Para raw machine gun. May nagsabi pa ho yatang masinggan (machine gun).Tapos, ako naman po’y
siyempre nagalak, at tinanong ko po’y ano ho ba ang naalala nila sa mga binigkas na salita ng aking
ama. Sabi nila, “Medyo matagal na ‘yon eh pero magaling siyang magsalita.” So, “Thank you na rin
ho,” sabi ko.
Noong ako naman po ‘yong unang na-interview, noong bago nga tayong halal, isang beses, isang
kapitan namin sa Tarlac, nagsabi sa akin, “Sir, napanood ko kayo sa telebisyon. Kagaling n’yong
magsalita!” Tapos sabi ko, “Ano ba ‘yong pinakamagandang nasabi ko?” “Sir, magaling kayong
magsalita talaga pero English ‘yong sinasabi n’yo, hindi ko masyadong naintindihan pero damang-
dama ko magaling kayo talaga.”
Sa madaling salita, magsasalita ka, baka matuwa sa’yo, baka ma-impress sa’yo—sabi ng mga
Amerikano—pero wala naman naintindihan. Wala naman atang pag-uugnayan na nangyari doon, o
pagkakaunawaan o pagkakaintindihan. Kaya mabuti yata ay maintindihan ng nakakarami ng ating
sinasabi, o kung hindi, nag-aksaya lang tayo ng hangin.
Hindi ko kailangang magtunog marunong o magmukhang matalino sa pakikipagdiyalogo gamit ang
mga banyagang wika. Ayokong iligaw ang aking kapwa, o pabanguhin ang aking mga nagagawa, sa
paggamit ng mabubulaklak na salita. Trabaho kong iulat sa kanila kung ano ang totoo, sa paraang
simple at pinakanauunawaan ng madla. Higit sa lahat, Filipino ang gamit ko sa tuwing kaharap ang
aking mga Boss, dahil alam kong ito ang wikang pinakamalapit sa kanilang puso.
Simple lamang ang punto ko: Huwag nating hayaang maikahon tayo sa pagtatagisang-dila.
Pagkakaisa ang bukal kung bakit mayroon tayong pambansang wika, kaya’t dapat nating timbangin
kung paanong magagamit ang husay at talino ng mga eksperto’t dalubhasa sa paghahatid ng
positibismo’t pag-asa sa ating kapwa. Pagkatapos ng debate’t talakayan, matuto tayong maging
mahinahon, magkasundo’t magtagpo sa gitna, at paglabas ng kumperensyang ito, ay humakbang
pasulong tungo sa direksyong makabubuti sa ating pambansang wika. Imbes na mga galos at pilat
ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong
makabayan. May tungkulin tayong palaganapin ang isang kulturang may malalim na
pagkakaintindihan sa isa’t isa, gamit ang isang wikang pinagbubuklod at pinapatibay ang buong
bansa.
Ulitin ko po: Wika, dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.

3|Pahina
Magandang araw po. Maraming salamat sa inyong lahat.

T
A
L
U
M
P
A
T
I

Tuklasin
Gawain 2: CONCEPT WEB. Gamit ang concept web, magbigay ng mga susing salitang maiuugnay sa paglalahad,
pangangatwiran, pagsasalaysay, at paglalarawan.

PAGLALAHAD

PANGANGATWIRAN

TALUMPATI

PAGLALARAWAN

4|Pahina
Suriin
Gawain 3: PALIWANAG. Basahin ang talumpating binigkas ng dating pangulong Aquino sa pagdiriwang sa
ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 2011. Sagutin ang mga
katanungan sa ibabang bahagi ng talumpati.

Nagsimula ang kuwento ni Rizal hindi sa kanyang kapanganakan, kundi sa mga pangarap ng
kanyang mga magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang kanilang pamilya. Bago pa man
italaga sa kanila ang apelyidong Rizal, tumungo ang mag-asawang Mercado dito sa Calamba upang
itaguyod ang kanilang tahanan at sakahin ang lupaing ipinaupa sa kanila ng mga Dominikano.

Gawa na rin ng pagsusumikap, naabot ng mga Mercado-Rizal ang kanilang mga mithiin. Isinilang po
si Jose Protacio Rizal sa isang bahay na bato, na bibihira noong mga panahong iyon. ‘Di tulad ng
marami sa ilalim ng rehimeng Kastila, lumaki siyang nakakakain ng masasarap na pagkain, nakatira
sa isang tahanang hindi natatangay ng bagyo ang mga pader at bubong, at nakapag-aaral sa mga
tanyag na paaralan.

Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po nagtagal. Labing-isang taong gulang si
Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng limampung kilometro patungong Sta. Cruz, at itapon
sa bilangguan. Wala po siyang naging sala, napag-initan lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores
ng mga prayle. Hindi pa dito natapos ang kalbaryo ng kanilang pamilya. Di nagtagal, nagsimula na rin
ang pagsamsam ng mga prayle sa mga lupain at ilang ari-arian ng mga Mercado-Rizal.

At kung sa may-kayang pamilya, nagagawa ng mga nasa katungkulan ang ganitong kalupitan, paano
pa kaya ang mga Pilipinong sa kubo lamang nakatira? O ang mga pamilyang ni hindi makapag-paaral
ng kanilang mga anak? Silang mga nakuntento na sa bansag na Indio; silang yumuyukod sa pagdaan
ng prayle o guwardya sibil; silang mga kayumangging nakayapak na kinukutya ng mga de-kalesang
Kastila.

Marahil, ang ganitong mga sitwasyon ng kawalang-katarungan ang unang gumising sa malay at
damdamin ni Jose Rizal: May mali sa lipunang kanyang kinabibilangan; may ilang nasanay na sa
baluktot na utos at panlalamang ng mga nasa kapangyarihan; at may mga Pilipinong tila manhid at
bulag na sa kanilang pagiging alipin at sunud-sunuran.

Humarap din sa sangandaan si Jose Rizal: sa isang banda, maaari niyang huwag pansinin ang mga
nangyayari sa kaniyang paligid. Puwede niyang gamitin ang mga pinag-aralan niya sa iba’t ibang
pamantasan sa Maynila at sa ibang bansa para magpayaman at maghanap ng magandang
mapapangasawa. Maaari siyang magpatangay na lamang sa agos ng baluktot na sistema, at kahit pa
alam niyang mali, ay makipagplastikan na lang sa mga prayle tuwing may handaan.

5|Pahina
At sa sunud-sunod na pagharap niya sa sangandaan—mula sa pagkabinatang pinagkaitan ng ilang
karangalan, hanggang sa pagkabayaning tinawag na mag-alay ng buhay para sa bayan—hindi
naligaw si Rizal mula sa tuwid na daan.

Nasanay tayo na ang ipinagdiriwang ay ang araw na barilin si Rizal sa Bagumbayan. Marahil,
pinakatanyag nang sagisag ng kanyang pagkabayani ang pagharap niya sa balang babaon sa
kanyang dibdib. Maaari siyang naglupasay o lumuhod, ngunit hanggang sa huling sandali ng kanyang
buhay, buong-tapang siyang nagpamalas ng paninindigan.

Sa harap ng sinasagisag ng kanyang pagkabitay, madaling matabunan ang marami pang ibang
pagpapasyang ginawa ni Rizal na nagsilbing punla ng atin pong kalayaan.

Kung sa loob ng isang silid na puno ng insulares ay itrato kang mababang uri dahil sa kulay ng iyong
balat, ilan po kaya sa atin ang makatagal upang magtapos ng medisina? Kung sa harap ng taglamig
ay napilitan tayong pagkasyahin ang isang latang biskuwit mula almusal hanggang hapunan, mapili
pa kaya nating magtapos ng nobelang magsisilbing mitsa ng himagsikan? Kung pagmalupitan ang
iyong mahal sa buhay, magawa mo kayang tumugon sa paraang mapakikinabangan ng buong
bayan?

Pang-araw-araw na sangandaan po itong kinaharap ni Rizal, at di nalalayo rito ang mga


sangandaang kinakaharap ng marami rin sa atin. Maaring may ilang bagay na sa unang tingin ay
simple at walang agarang epekto sa malawakang sakop ng lipunan, ngunit paglaon ay mag-iiwan ng
bakas at magdudulot ng malaking ginhawa sa kapwa. Mga simple at pang-araw-araw na desisyon
gaya ng: gagamit ba ako ng overpass, o magjaywalking lang? Magbabayad ba ako ng tamang buwis,
o ilulusot ko ang puwedeng ilusot? Kung may makita akong mali, magwawalang-kibo ba ako, o
gagawa ng paraan para itama ito?

Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa bayan. Subalit para sa
nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating pagharap sa maliliit na sangandaan:
Ang pagsunod sa batas, ang paggalang sa kapwa, ang paggawa ng tama sa sinumpaan nating mga
tungkulin, at ang manindigan sa atin pong prinsipyo.

Marahil po, matapos ang isa’t kalahating siglo, mababaon lamang sa mga libro ang mga ginagawa ng
inyo pong gobyerno. Ang pagpapasabay ng ARMM elections sa pambansang halalan; ang
pagbabantay sa mga monopolya; ang pagbubuhos ng pondo sa edukasyon, kalusugan, at conditional
cash transfer program—lahat po ito, sakaling mabasa o maikuwento natin sa ating mga apo, ay
marahil tatapatan lamang nila ng hikab at kibit ng balikat. Hindi po mauukit sa ginto ang lahat ng ating
mga Executive Order, ang mga batas na pinagpuyatan ng ating lehislatura, at maging ang
pinakamalalalim na desisyon ng hudikatura.

Tinatanggap ko po ito, at ilang ulit ko na pong idiniin na hindi palakpakan o pagpupugay ang
nagtutulak sa aking bumangon araw-araw upang maglingkod sa akin pong mga Boss. Nagtatrabaho
tayo para sa bata sa lansangan na kayang maghibla ng isang kuwintas ng sampaguita, ngunit ni hindi
pa nakakatapak sa loob ng eskuwela. Nagtatrabaho tayo dahil sa isang malayong baryo, sa isang
maliit na isla ng Pilipinas, maaaring may sanggol na magiging tulad ni Rizal: tapat ang puso, walang-
kapantay ang talino, walang-hanggan ang malasakit sa kapwa, at may wagas na pag-ibig sa bayan.
Nagtatrabaho po tayo upang wala nang Pilipino ang kailanganin pang magbuwis ng buhay para sa
kapakanan ng mga susunod sa kanya.

6|Pahina
Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa bayan ng Calamba. Wala pong
kakaiba sa kanya: marahil kasinlaki lang ng isang nakakuyom na kamao ang kanyang ulo, at ni hindi
kayang humawak ng panulat ang kanyang maliliit na kamay na paglaon ay lilikha ng dalawang
dakilang obra.

Nabanggit ko na rin lang po, hinihikayat ko po kayong bisitahin ang mga orihinal na manuskrito ng
mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo sa National library. Bukas po iyan ngayong
kaarawan ni Rizal, at kung hindi kayo makadaan ngayon, puwede pa rin po ninyo itong bisitahin
bukas. Kaya nga po natin idineklarang holiday ang bukas: para habang ginugunita natin si Rizal, mas
makikilala rin natin ang mga gawa niya.

Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon sa kaniyang
kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng mag-asawang Mercado ay magiging pambansang
bayani ng lahing Pilipino. Isa’t kalahating siglo ang nakalipas, ginugunita pa rin natin ang kanyang
kapanganakan, at tinitingala ang kanyang kadakilaan.

Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating masalimuot na kasaysayan,
may isang Pilipinong muli’t muli ay piniling gawin ang tama—ang unahin ang kapakanan ng kaniyang
kapwa, ang itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong bansa—kahit pa ang kapalit nito
ay ang sarili niyang buhay.

Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng kasaysayan. Ngunit sinabi po niya, sa
bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli Me Tangere:

“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking inang bayan!
Kayong makakikita, batiin ninyo siya—at huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”

Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon, nang hindi nakakalimot sa
mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat pagsubok, kapakanan ng Pilipino ang isasapuso
namin; sa bawat sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.

Tandaan lang po natin sana: Kung ang mga dinadakila natin tulad ni Jose Rizal ay namili ng
pangsarili, nasaan na kaya tayo ngayon? Nandito tayo dahil may mga nanindigan para sa atin.
Maging kaaya-aya naman po ang gawin natin, para talaga naman pong sulit ang kanilang
isinakripisyo sa atin.

Maraming salamat po. Mabuhay si Jose Rizal. Mabuhay ang Pilipinas na kanyang minithi at
ipinaglaban.

PAGLALAHAD. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaka’y suriin ito batay
sa bahagi o uriin ayon sa kategorya.
1. Sino ang tagapagsalita ng talumpati at sino ang tagapakinig?

2. Kailan binigkas ang talumpati at ano ang okasyon?

7|Pahina
3. Ano ang usaping inilahad ng tagapagsalita?

4. Naging mabisa ba ang paglalahad? Ipaliwanag ang sagot.

PANGANGATWIRAN. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng tagapagsalita. Binubuo ito ng mga


matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga tagapakinig.
Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at
mas makumbinsi ang mga tagapakinig.
1. Isa-isahin ang mga inihaing argumento ng tagapagsalita batay sa usaping inilahad.

2. Magbigay ng 1-2 ebidensya na sumuporta sa bawat argumento.

3. Naging mabisa ba ang pangangatwiran? Ipaliwanag ang sagot.

PAGLALARAWAN. Nagpapahayag ito ng nga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa, at panalat.
1. Ibigay ang mga katangian ni Rizal na inilarawan ng tagapagsalita.

2. Ilarawan ang tuwid na daan batay sa talumpati.

3. Naging mabisa ba ang paglalarawan? Ipaliwanag ang sagot.

8|Pahina
PAGSASALAYSAY. Pagkukuwento ito ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may
karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
1. Isalaysay ang buod ng isang kuwentong ginamit ng tagapagsalita sa talumpati.

2. Naging mabisa ba ang pagsasalaysay? Ipaliwanag ang sagot.

Pagyayamanin
Gawain 4: PAGSUSURI. Basahin ang binigkas na talumpati ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si
Bienvenido Lumbera para sa 2009 Gabing Parangal ng Gawad Palanca. Suriin kung alin sa mga bahagi ng
kanyang talumpati ang nagpapakita ng paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan, at pagsasalaysay. Makikita ang
talumpati sa pahina 77-79 ng pdf.

Ito ang maningning na gabi na noong magtatapos ang buwan ng Hunyo ay tinanaw-tanaw na ng mga
manunulat na lumahok sa taunang patimpalak na mula pa noong dekada 50 ay bukambibig na bilang
“Palanca.” Sa gabing ito nagaganap ang pagkakamit ng mga mapalad na manlilikha ng medalya, sertipiko
at cash, na katibayan na ang kanilang akda ay pinagkaisahan ng mga hurado na gawaran ng gantimpala
bilang akdang namumukod sa hanay ng mga akdang pawang humihinging itanghal na karapatdapat
parangalan.
Ang Gantimpalang Palanca ay isa nang tradisyon sa kasaysayan ng kontemporaneong panitikan ng
Filipinas. Bilang parangal, itinuturing itong katibayang “may dangal” na ikinakapit sa isang akda ang pasya
ng tatlo/limang eksperto na nagsuri at nasiyahan sa tula/kuwento/dula/nobela na kanilang binasa.
Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang
hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala
sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining. Makabuluhan dahil ang pinapaksa ay
suliraning moral, sosyal at politikal na kinasangkutan ng mga tauhan o persona.
Makasining dahil masinop at kasiya-siyang napalitaw ng mga sangkap ng anyo at ng wika ang suliraning
nakabuod sa akda. Ang pagkapagwagi ng akda ay bunga ng matamang pagtimbang sa halaga at ganda
ng likha ayon sa mga pamantayang umiiral sa akademya. May mga kritiko at awtor na nagpasubali na sa

9|Pahina
pamantayang “Palanca”, ngunit masasabi naman na sa mahabang panahong namili ang kompetisyong
Palanca ng mahuhusay na akda, matagumpay nitong nagampanan ang pagpapalanaganap ng
kamalayang makasining sa hanay ng mga kabataang manunulat. Ang mga antolohiya ng nagwaging mga
akda na inilabas ng Palanca ay tunay na kayamanan ng panitikan, at hindi kataka-takang ang Parangal
Palanca ay patuloy na kinikilala bilang pamantayang pampanitikan na hindi matatawaran. Tunay na
masasandigan ng isang manlilikha ang kanyang mga nagwaging akda bilang mga likhang nagdulot ng
dangal sa kanyang pangalan.
Ang dangal na dulot sa isang manlilikha ng isang parangal ay iginagawad ng isang panlipunang
institusyon. May mga taong gumagalaw sa loob ng institusyon, at ang tibay ng kanilang pagkilala ay
sinusukat ayon sa reputasyon ng mga nagpasya sa gawad. Sa kagandahang-palad ng mga manunulat,
ang institusyong kumakatawan sa Gantimpalang Palanca ay empresang pangkalakalan na hindi
nakakaramdam ng pangangailangang pakialaman ang resulta ng parangal na itinataguyod nito. Ito ay
magandang kapalaran para sa mga manunulat. Ang karangalang kanilang tinatanggap mula sa La
Tondena Incorporada ay walang bahid ng manipulasyong pumapabor sa isa o ilang naghahangad ng
“dangal.”
Sa ating kapitalistang lipunan, ang dangal ay kalakal na minimithing makamtan ng mga mamamayang
hangad kilalaning nakaaangat ang katayuan sa lipunan. At ang parangal ay pagkakataon na nagbubukas
ng daan, kaya’t ang taong may ambisyong matanghal bilang “may dangal” ay humahanap ng paraan
upang magkamit ng “dangal.” Maaaring iyon ay taong impluwensyal, maaaring serbisyo, at maaari din
namang suhol kung kinakailangan. Nangyayari din ang kabaligtaran. Ginagamit din ng nagbibigay ng
“dangal” ang parangal upang pag-ibayuhin ang kanyang impluwensiya sa taong pinararangalan, upang
magbayad ng utang na loob sa taong subsob sa paglilingkod sa kanya, at upang suhulan ng “dangal” ang
taong gusto niyang maging tauhan.
Ang tinatawag na National Artist Award ay parangal na may mahaba nang kasaysayang nagsimula pa sa
panahon ng Martial Law, sa pangangasiwa ni Imelda Marcos bilang kasangkapan ng kanyang asawang
diktador. Si Imelda ang itinayong imahen noon ng di-umano’y “nakangiting diktadura,” at ang kanyang
pagtataguyod sa sining at kultura ay sinagisag ng paghirang ng mga itinuring niyang ulirang artista na
pinarangalan bilang “pambansang artista.”

PAGLALAHAD

PANGANGATWIRAN

10 | P a h i n a
PAGLALARAAWAN

PAGSASALAYSAY

Isagawa
Gawain 5: PAGKATHA. Base sa napag-aralang mga katangian ng talumpati, sumulat ng isa sa mga
sumusunod na pamagat ng talumpati. Ang magiging talumpati ay hindi bababa sa 1000 salita. Pansinin din
ang ibang detalye sa pamantayan sa pagsulat.
a) Kalayaan Ma’y May Hangganan (talumpati hinggil sa kalayaan ng pamamahayag)
b) Kape’t Pandesal ng Nag-aalmusal sa Gitna ng Pandemya (talumpati tungkol sa bawat araw na
pakikipagsapalaran sa pandemya)
c) Kung Bakit Makapal ang Mukha ng mga Pulitikong Trapo (talumpating magpapakita ng katotohanang
nakakubli sa mga mapagkunwaring pulitiko sa bansa o maging sa komunidad)
d) Makatarungang Karunungan (talumpating magpapabatid ng mga hamong kinahaharap ng mga tao sa
sistema ng edukasyon sa bansa)
Mga Pamantayan sa Pagsulat:
KATANGIAN 10 6 3 1
May isang malinaw
May isang paksa.
at tiyak na paksa,
May isang malinaw at tiyak Hindi gaanong
ngunit hindi Hindi malinaw ang
Pokus at na paksa, na sinusuportahan malinaw ang mga
detalyado ang mga paksa at ang mga
Detalye ng mga detalyadong suportang
suportang argumento.
impormasyon o argumento. impormasyon o
impormasyon o
argumento.
argumento.
Organisasyon Kawili-wili ang introduksyon; May introduksyon, May introduksyon, Hindi malinaw ang
naipakilala nang mahusay mahusay na pagtalakay, at introduksyon,
ang paksa. Mahalaga at pagtalakay, at may pagtatapos o pagtalakay sa paksa,

11 | P a h i n a
nauukol sa paksa ang mga
impormasyon na ibinahagi karampatang
at ang pagtatapos o
sa isang maayos na paraan. pagtatapos o kongklusyon.
kongklusyon
Mahusay ang pagtatapos o kongklusyon
kongklusyon.
May kaunting
Malinaw ang intensyon at May intensyon at kalinawan sa
layunin ng manunulat. layunin ang intensyon at layunin Hindi malinaw ang
Tinig ng
Kapansinpansin ang manunulat. May ng manunulat. intensyon at layunin
Manunulat
kahusayan ng manunulat sa kaalaman ang Limitado ang ng manunulat
paksa. manunulat sa paksa. kaniyang kaalaman
sa paksa
Malinaw ang Nasasabi ng
paggamit ng mga manunulat ang nais
Pagpili ng mga Malinaw ang paggamit ng
salita, bagaman sa sabihin, bagaman Limitado ang pagga-
angkop na mga salita; Angkop at
ilang pagkakataon ay walang baryasyon sa mit sa mga salita.
salita natural at hindi pilit.
hindi angkop at paggamit sa mga
natural. salita.
Mainam ang
Nakagagawa ng mga Hindi maayos ang
pagkakaayos ng mga
Mahusay ang pagkakaayos pangungusap na mga pangungusap at
Estruktura, salita at
ng mga salita at may saysay. hindi maunawaan.
Gramatika, pangungusap. May
pangugusap. Walang Maraming mga Lubhang mara-ming
Bantas, kaunting
pagkakamali sa gramatika, pagkakamali sa pagkakamali sa
Pagbabaybay pagkakamali sa
bantas, at baybay. gramatika, bantas, gramatika, bantas, at
gramatika, bantas, at
at baybay. baybay.
baybay.

12 | P a h i n a

You might also like