You are on page 1of 1

Kahalagahan ng wika

Ang wika ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang kultura.Ang wika ay isang sistema
ng komunikasyon na binubuo ng isang set ng mga tunog at nakasulat na mga simbolo na
ginagamit ng mga tao sa isang partikular na bansa o rehiyon para sa pakikipag-usap o
pagsulat.Ito ay unti unting natutunan ng mga estudyante at naipapahayag, sa simpleng pag
papahayag nila ay maaring mahikayat ang mga tagapakinig na aralin ang ating sariling wika at
mahalin ito dahil ito ang kailangan nating kalakihan sapagkat ito ay para sa atin.

Matapos ang ginawang aktibidad mas naging malaki ang aming pananaw sa ating wika dahil
mas nakita namin ang kahalagahan ng wika sa atin lalo na't ito ay parte ng ating kasaysayan,
pagkakakilanlan bilang isang pilipino.Nagkaroon ng malaking epekto ang aking pananaw sa
wika matapos ang aming panayam na ginawa. Na sa una palamang ng aming panayam na ito
ay ginamitan na namin ng wika. Dito kami ay napag tanungan tungkol sa wika. Katulad na
lamang ng ibinahagi ng aming kinapanayam. Dahil bilang isa siyang propesyonal, alam kong
maging siya ay may pagpapahalaga rin sa wika. Base sa kanyang ibinahaging sagot. Na batid
ko’y maging ang aking sarili ay nabibigyan na rin ng kaalaman sa kanyang mga isinagot tungkol
sa wika. At masasabi ko itong malaking epekto sa amin na estudyante palamang.Ang wikang
Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng
bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila
sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling
wika na magiging daan upang magka buklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas.
Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.

Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsulat o pagsasalita, ang wika ang
pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang
ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman
ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy
ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magandang pangyayari noon. Ito ang ilaw
na magiging tanglaw ng mga Pilipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang
nagsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.

You might also like