You are on page 1of 3

Task 2.1.

Paggawa ng Critical Analysis Paper:


Pumili ng tatlong napapanahong isyu. Maghanap ng sari-saring impormasyon tungkol dito at
gumawa ng sariling critical analysis paper sa napiling paksa. Isulat ito sa short bondpaper.

Task 3.1.1
ANALISIS SA KANTA
Magbigay ng sariling pag-aanalisa sa mga liriko ng mga awiting Pilipino. At sagutin ang
katanungang "Paano ipinakita sa kanta ang pag-uugali ng mga Pilipino?" Isulat ang liriko ng
kanta at ang kanyang anaisisis sa isang short bondpaper.
· Ako’y Isang Pinoy
Ngayon ko lang narinig ang kanta na ito at saaking oalagay ang ipinapahiwatig nito sa mga kapwa
pilipino na xxxxxxxx ang awitin na ito. Masarap pakinggan at sambitin ang bawat salita sa awiting ito
sabay sa saliw ng himig na para bang ikaw lamang ay naglalaro. Dahil bata pa ako noon, di ko lubos na
tanto ang tunay at malalim na kahulugan ng awiting ito.

Ngayon, batid ko sa aking puso at isip ang tunay na kahulugan at diwa ng pagiging isang Pinoy. Ako’y
isang Pinoy sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sana’y sa wikang mga banyaga.
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Totoo pa ba ngayon ang nilalaman ng awiting ito sa ating buhay?
Naalala ko noong ako’y nag-aaral pa, pilit kong sinasanay ang aking sarili sa wikang banyaga. Sa
katunayan, Ingles ang paborito kong pag-aralan sa klase. Sa bahay nagpipilit kami ng aking mga kapatid
na gamitin ang wikang banyagang ito. Kasi naniniwala kami na balang-araw makakatulong ito sa amin.
Bakit nga kaya ganoon ang aking naging mentalidad? Sa paaralan puro wikang Ingles ang gamit dahil
batid nating ito ay impluwensya ng pagsakop ng mga Amerikano sa ating bansa. Kapag naghanap ka ng
trabaho at ikaw ay kakausapin para kilalanin ng mabuti, wikang Ingles ang gamit. Kadalasan isip ng
maraming Pinoy na ito’y sukatan ng talino at galing. Kapag mahina ka dito, nakakahiyang malaman at
minsan ay masabihan ka pa na wala kang pinag-aralan.

Ang mas nakakahiyang realidad ay kapag magaling at mahusay ka sa wikang banyaga, ikaw ay sosyal,
mayaman, konyo, matalino, mahusay, at higit sa lahat ay kahanga-hanga. Napakapayak at nakakahiyang
marinig ang mga bagay na ito para sa isang Pinoy na tulad ko. Sinikap ko mang maging maalam sa wikang
banyaga pero ni kailanman ay di ko kakalimutan o ipagpapalit ang aking sariling Wika.

Maraming bansa sa buong mundo ang umunlad na gamit ang kanilang sariling wika. Pero tayong mga
Pinoy, patuloy nating inaakap ang isang wika na di naman naglalarawan ng ating pagiging isang tunay at
tapat na Pilipino. Sabi mo Pinoy ka? Bakit ang Lupang Hinirang kapag inaawit sa sinehan o kung saan pa
man di mo man lang maawit ng may buong puso at kalooban. Sabi mo Pinoy ka? Bakit palagi na lang mas
gusto mong tangkilikin at gamitin ang mga bagay o gamit na gawa ng mga banyaga. Sabi mo Pinoy ka?
Bakit nga ba patuloy kang nagpapaka-sosyal sa paggamit ng wikang di naman sa atin nagmula. Sabi mo
Pinoy ka? Bakit ang iyong mga anak natutuwa kang marinig na gamit ang wikang banyaga.

Hindi ko itatanggi ang katotohanan na malaki ang naitutulong sa paggamit ng wikang banyaga sa
maraming Pilipino lalo na sa tulad kong naghahanap buhay sa ibang bansa. Pero maraming pagkakataon
na nakakapagod gamitin ito dahil hindi ito ang wikang aking pinagmulan na dumadaloy sa bawat ugat ng
aking buong pagkatao. Pilipino ako at Mahal ko ang bayan ko. Mamahalin kong buong-buo ang pagka-
Pilipino ko. Kasama na rito ang paggamit ng aking sariling Wika.

Saan man ako mapunta o dalhin ng tadhana patuloy ko pa rin isasabuhay ng buong katapatan ang aking
pagiging isang Pilipino. Dahil, “Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y
hindi sana’y sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong, sariling Wika.”
· Pitong Gatang
· Piliin mo ang Pilipinas

Task 3.1.2
PAGMAMASID SA KOMUNIDAD
Magmatyag sa inyong kapaligiran o mga kapitbahay at suriin kung anu-ano ang mga
pamamaraan ng pamayanan sa pakikipagkomunikasyon sa bawat isa. Ipahayag ang iyong
obserbasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay nang hindi kumulang sa 300
words.
Karamihan ng trabaho ng mobilisasyon ay nangangailangan ng pagpapabatid ng tiyak na
mensahe sa mga grupo.

Komunikasyon iyon ang paraan ng pakikipaghalubilo o mapahayag natin ang sariling


damdamin sa mga tao sa paligid natin. Sa paraang ito matutunan nating pakisamahan ang
mga tao sa paligid natin at upang maging maayos ang koneksyon natin a ibang tao na kung
saan ma maipahiwatig natin mga bagay-bagay tungkol sa atin gaya ng ating mga
problema,saloobin at ibat-ibang bagay na may kinalaman sa buhay paraan natin . Alam natin
na mahalaga ang komunikasyon sa bawat isa dahil nagsisilbi itong isang tulay upang
mapadala ang ideya,tradisyon,paniniwala ng isang pagkatao o isang grupo. Maaari ring kapag
pinasok mo ang pintuang iyon ay maranasan mo ang iba’t ibang karanasan ng iba’t ibang uri ng
tao dahil malaking parte ng komunikasyon ay nagagamit upang ipahayag ang mga karanasan
ng bawat indibidwal. Ito rin ay nagsisilbing isang transportasyon dahil naipapasa ang mga
nais nating iparating sa ibang tao parang sa transportasyon kung saan tayo naman mismo ang
naililipat ng lugar. Maipapasa natin ang mga nais nating iparating sa iba sa paraang verbal
kung saan tayo tuwirang nagsasalita o kaya naman sa paraang non-verbal kung saan naman
ang ating pag galaw ang nagsisilbing interpretasyon ng nais nating sabihin gaya ng pag gamit
natin ng “hand signals”, ”body language” at kung anu-ano pang aksyon. Sa panahon ngayon
nagagamit na natin ang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, isang paraan na
nito ang pag gamit ng mga “social networking sites” at iba’t

Task 3.2.1
PAGGAWA NG COLLAGE
Gumawa ng isang collage na kung saan maipapakita ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino sa iyong komunidad. Ilagay ito sa isang ¼ cartolina.
Takdang Aralin
PAGGAWA NG VLOG
Magmatyag sa inyong komunidad at pansinin ang mga gawing pangkomunikasyon ng
mga tao. Gumawa ng dokumentasyon tungkol sa mga pang-araw-araw na pamumuhay ng iyong
pamilya, kaibigan at mga kapitbahay. (Huwag kalimutang humingi ng permiso bago gawin ang
video.)

You might also like