You are on page 1of 9

D.

Pagganyak p1
1. Ang larawan ay nagpapakita ng mg babae’t lalaki na nakasuot ng
samu’t saring mga uri ng pambansang kasuotan, ang baro at saya.
2. Sa tingin ko, ang tatalakayin natin sa araw na ito ay Wika at Kulturang
Pilipino.
G. Paglalahat p4
1. Dahil sa Konsepto ng Wika, para sa ating mga Pilipino, mas mainam
nating naiintindihan ang ating mga naririnig o nababasa batay sa kung
anong karaniwang gamit natin. Sa pamamagitan din nito ay naihahayag
natin ang kung ano ang ating nais gamit ang mga salita o linggwahe na
kung saan tayo komportable at komprehensibo.
2. Dahil sa ating wika, may kakayahan tayong mga Pilipino na ilahad ang
ating mga kaisipan. Mayroon tayong abilidad na magkaroon ng
komunikasyon sa isa’t isa at dahil dito, naiintindihan natin ang nais na
iparating ng bawat isa.
IV. Pagtataya p4
Sa tulong ng mga pelikulang napanood ko habang lumalaki, nakita kong
paano ginagamit ng mga karakter ang wika. Napanood ko kung gaano ito
kahalaga sa ‘ting pang-araw-araw na buhay sapagkat dahil dito ay
mayroon tayong kasangkapan o paraan para sa maayos na
pakikipagkomunikasyon. Kaya ako’y naging epektibong tagapagsalita ng
lenggwaheng Pilipino at maayos kong nailalahad ang aking mga kaisipan
at saloobin. Hindi lang ako nagkaroon ng abilidad na magpahayag kung
hindi ay nagkaroon din ako ng abilidad na makaintindi at umunawa ng
mga kaisipan din na ibinabahagi ng ibang tao. Nagagmit ko ang mga
abilidad kong ito sa aking pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito,
naiintindihan ko ang mga sinasabi ng guro at saka ang mga aklat at mas
maayos kong naipapahayag ang nais kong sabihin sa klase.
V. Takdang-Aralin p5
 Dayalek
 Idyolek
 Sosyolek
 Etnolek
 Register
 Pidgin o Creole

Mahalagang Tanong p6
Mahalagang matutuhan ng isang tao na tanggapin at igalang ang iba’t
ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa kaniyang paligid
sapagkat ito ay bunga ng kanilang karanasan- kabiguan, tagumpay,
pakikipagsapalaran, at maging kanilang mga pangarap at mithiin.
Sa pamamagitan ng wika, makakabuo tayo ng mabuting relasyon sa ating
kapwa. Mas mapapalawak natin ang ating koneksyon sa iba’t ibang tao
gamit ang wika. Kapag natutuhan na natin na igalang ang kanilang wika,
mas maiintindihan natin ang kanilang mga sentimento at kung gaano
kahalaga para sa kanila ang kanilang wika. Nagbibigay-daan ito para sa
atin na makibahagi at makiisa sa kapwa.

Palawakin Pa Natin p6
1. Kung ganitong paraan na ang pagsasalita ng lahat ng mga Pilipino,
maaaring magkakaroon ng hadlang sa komunikasyon. Magiging mahirap
intindihin dahil sa madalas na maling pagpili ng mga hanay ng mga salita
at sa pagkahalo-halo ng mga ito.
2. Maaaring ang mangyari ay hindi na papaniwalaan ng mga manonood
ang aking sasabihin dahil ‘di ako mukhang seryoso dito. At may
posibilidad din na matatanggap ng mga tao ang balita at iisiping hindi ito
gaanong mahalaga dahil hindi seryoso ang tinig ng aking pananalita. Isa
pa, maghahatid lamang ito ng kalituhan dahil hindi lahat ng tao ay
makakaintindi ng aking sinasabi dahil sa halo-halong salita galing sa iba’t
ibang lenggwahe.

G. Paglalahatp8
1. Nagkakaiba ang mga wika batay sa istilo, punto, pagkakaiba ng mga
indibiwal o grupo, maging ang kani-kanilang mga interes, gawain, tirahan,
lugar na kinalakihan, pinag-aralan, at iba pang salik pang wika na
ginagamit ng isang lipunan.
2. Napakalaki ng papel na ginagampanan ng wika sa ating mga buhay.
Simula pa lang nang tayo ay mga musmos pa lang, hinubog na ng wika
ang ating mga kaisipan. Ito’y ginamit upang gabayan ang henerasyon ng
mga kabataan. Bukod sa ginagamit natin ang wika bilang ating medium sa
paghahayag ng ating mga kaisipan at dadamin o komunikasyon sa
kapwa, nagagamit natin ang wika maging sa ‘ting mga alagang hayop
upang sila’y turuan gaya ng aso, pusa, at iba pa. Ang wika rin ang
nagbibigay kulay, buhay, at kahulugan sa mga musiko sa pamamagitan ng
mga lirikong binubuo ng mga kompositor. Isa pa, ginagamit ang wika sa
paghahatid ng mga bagong balita at kaganapan sa’n mang panig ng
mundo. Maging sa larangan ng pangkabuhayan, ito ang gamit natin upang
tayo’y umunlad. Napakahalaga ng wika sapagkat hindi lamang ito pamana
ng ating mga ninuno, kung hindi ito rin ay handog sa ating ng Maykapal.
May halaga itong pareho sa hangin, tubig, pagkain sa ating buhay. Kung
wala ang wika, wala ring kapayapaan at kalayaan.

IV. Pagtataya p9
1. “Handa na ba kayo?” – Korina Sanchez
2. “Uy! Kumusta ka naman?”
3. “Wala ko kasabot baya.
4. “Mahal ko kayo so much.”
5. “Ganda naman, lods.”
6. “Let’s go na. We’re gonna make pila pa. It’s gonna be long pa naman
daw.”
7. “Kung ano man say sila, wapakels.”
8. “Ang buhay ay weather weather lang.” – Kim Atienza
9. “Bakit ngay?”
10. “Kaya mo yan, mhie”

B. Pagsasanay p10
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

G. Paglalahat p12
Ang wika ay ang siyang pinakadiwa ng isang lipunan sapagkat marami
itong gamit o tungkulin. Ito ang siyang nagbubuklod sa mga tao. Marami
ang gamit ng wika ayon kay Michael I.K. Halliday. Interaksyonal,
Intrumental, Regulatoryo, Personal, Heuristiko at Representatibo,
Imahinatibo, at Impormatibo. Lahat ito mabisang nagagawa ang kanilang
mga tungkulin sa pamamagitan ng wika. Ang Interaksyonal ay ginagamit
sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal. Ang Instumental naman ang
tumutulong sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan
sa iba. Ang Regulatoryo ay nagagamit sa pagkontrol sa mga ugali o asal
ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan. Ang Personal ay ang
pagpapahayag ng personalidad at dadamin ng isang indibidwal. Ang
Heuristiko ay pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Ginagamit ang
Representatibo sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pagsusulat at
pasalita. Ang Imahinatibo ay ang likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino
dahil sa pagpapagana nito ng wika. Ang Impormatibo ay ang paggamit sa
wika upang magbigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

IV. Pagtataya p12


Malaki ang naitulong teknolohiya sa wika sapagkat isa ito sa nagsisilbing
instrumento para sa ating mga tao na palawakin pa ang paggamit ng
wika. Nagagamit natin ito sa malaya at mabisang pakikipag-komunika sa
ating kapwa.

Week 4

B. Pagsasanay p13
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

E. Paglalahad/Pagtatalakay p13 – 14
Instrumental – ito ang tumutulong sa tao upang maisagawa ang mga
gusto niyang gawin.
Interaksyonal – ito ay ginagamit sa pagpapanatili ng mga relasyong
sosyal, tulad ng pagbati, panunukso, pag-iimbita, at iba pa.
Regulatoryo – ito ay nagagamit sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng
ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

Mga Katanungan p17


1. Nakakatulong ang COHESIVE DEVICES sa paraang di nakakabagot na
magbasa ng mga salitang paulit-ulit. Pinapalitan nito ang mga
pangngalang nabanggit o ibabanggit pa ng mga panghalip upang hindi
masyadong nakakabagot basahin o marinig ang pangungusap o
pahayag.
2. Oo, nakakatulong ito sa pakikipagtalastasan sa ating kapwa dahil sa
pamamagitan ng mga COHESIVE DEVICES naiiwasan natin ang pag-uulit
ng mga salita kaya magandang pakinggan ang pangungusap.

F. Paglalapat p17
1. Impormatibo
2. Interaksyonal
3. Personal
4. Regulatoryo
5. Imahinatibo

G. Paglalahat p17
1. Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon at
pakikipagtalastasan. Ito ang siyang nagiging tulay para sa atin na
ipahayag ang nais sabihin ng ating kaisipan. Dahil sa wika, nagkakaroon
tayo ng kakayahan na kumuha at magbahagi ng kaalaman, mithiin, at
damdamin. Nakasalalay sa wika ang ating epektibong pagkatuto,
tagumpay- sa ating pang-araw-araw na buhay. Kaya kailangan na maging
mahusay tayo sa ating pagsasanay ng wika upang magamit ito nang mas
maayos. Ang pang-araw-araw na buhay ng tao ay umiikot dahil sa wika,
bagama’t ito’y kaluluwa ng lipunan.
2. Ito ang mga panandang salita na ginagamit upang hindi gamitin ng
paulit ulit ang salita o madalas, pangngalan. Magiging maganda ang daloy
ng usapan dahil wala na ang kumbaga hadlang sa pag-uusap which is ang
pag-uulit ng mga salita.
3. Mahalaga ito sapagkat alam nating mayroon tayong magagamit sa
mga pagkakataong kailangan natin ito. Mas mabisa nating naibabahagi
ang nais nating sabihin at ating mga damdamin.
IV. Pagtataya p17
1. “Good Morning!”, post ng kaibigan kong si Joyce. Madalas na nakikita ko
ang kaniyang mga post na animo’y binabati kaming lahat. Sa post niyang
ito, matatawag na itong Interaksyonal dahil nais niya na palalimin pa ang
kaniyang relasyong sosyal sa amin na kaniyang mga kaibigan sa
pamamagitan ng pagbati sa amin sa umaga.
2. “Nagpa-vaccine na ba kayo?”, post ng kaibigan kong si Nixi. Ang post
niya na ito ay tinatawag na Heuristiko dahil siya’y nagtatanong sa amin
kung nagpa-vaccine na ba kami. Nandoon ang kagustuhan niyang
umusisa o alamin na para bang sarbey kumbaga.
3. “#TriviaOfTheDay Random but did you know that bamboo is an
extremely rapid growing plant on the planet? Some species can reach full
maturity in just 90 days! One bamboo species can grow a massive 35
inches per day. How mind-blowing is that?”, post ng kaibigan kong si
Dorian. Ang post niyang ito ay matatawag na Impormatibo dahil ginamit
niya ng kaniyang facebook upang ibahagi itong kaniyang kaalaman sa
amin.
4. Pinost ni Morgan ang kaniyang maikling kwento. Ang post na ito
matatawag na Imahinatibo sapagkat ginamit ni Morgan ang kaiyang
imahinasyon sa paggawa ng kwento.
5. “Simula pa lang talaga ayaw ko na dito sa cancel culture na ‘to. Like
please, they’re humans too. They make mistakes. Hindi naman siguro
pwede na i-cancel agad yung tao. Let them learn from their mistakes.
Cancel the cancel culture.”, post ng kaibigan kong si Kazcey. Matatawag
itong Personal dahil ipinapahayag niya ang personal niyang opinsyon
tungkol sa cancel culture.

V. Takdang-Aralin p17
Instrumental – “Pwede mo ba kunin yung bowl sa may pinakamataas na
cabinet, please.”, sabi ni Sam sa kapatid niyang si Jacob.
Regulatoryo – “Tukuyin kung ang mga pangungusab ay tama o mali.”, sabi
sa panuto sa module.
Interaksyonal – Ang pag-anyaya ni Josie sa mga kaibigan niya sa
kaniyang birthday.
Personal – “Sana naman ayusin na ng PLDT yung services nila.
Nagbabayad tayo ng maayos tapos ang panget pa rin ng services.
Sayang sa pera.”, post ni Marri.
Heuristiko at Representatibo – Mga batang nanonood ng telebisyon.
Impormatibo – “Panibagong record high na naman ang mga bagong kaso
ng CoVid-19 sa bansa. Dalawang araw lang yan matapos ang huling
record high nitong huwebes.”, sabi ng tagapag-ulat sa telebisyon.
Imahinatibo – Pagsulat ni Jonathan ng mga lyrics sa kaniyang notebook.
Week 5
B. Pagsasanay p18
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

D. Paglalahad/Pagtatalakay p18 – 19
Instrumental – Ang pagpilit ni Ella sa kaibigan niya na si Marie na samahan
siya sa canteen.
Regulatoryo – Mga signages sa kalsada (No Parking, Pedestrian
Prohibited, No Loading & Unloading, etc.)
Interaksyonal – Pangungumusta ni Niña sa pinsan niyang si RJ na nakatira
sa ibang bansa.
Personal – Ipinahayag ni Nadja ang sariling niyang pananaw tungkol sa
patuloy na pagdami ng mga CoVid-19 cases sa kaniyang post sa
Facebook.
Heuristiko at Representatibo – Ang kahiligan ni Daniel na magbasa ng
mga libro, magasin, artikulo, atbp.
Impormatibo – Pinapaliwanag ni Carla ang ibig sabihin ng salitang
“aesthetic” sa kaibigan niya na si Janice.
Imahinatibo – Ang lingguhang pagpost ni Lea ng mga likha niyang tula sa
Facebook.

F. Paglalahat p19
Nakatulong ito na maintindihan ko nang mas malalim ang mga gamit ng
wika sa lipunan. Sa pamamagitan nila ay nakita o nalaman ko nang mas
maayos paano ginagamit ng mga tao ang wika sa lipunan.

IV. Pagtataya p19


Ang napili kong gamit ng wika ay Personal, at aking tatalakayin ang
halimbawang aking binigay at kung bakit ito ang napili kong sagot. Ang
tungkulin ng Personal na wika kung ginagamit ito ng tao sa
pagpapahayag ng sariling personalidadbatay sa sariling kaparaanan,
damdamin, opinyon, o pananaw. Ang dahilan kuung bakit sa tingin ko
tamang tama na napili ko yon bilang sagot ay dahil sa status na pinost ni
Nadja, ipinahayag niya ang kaniyang pagkadismaya. Ika niya,
“Nakakalungkot na patuloy pa ring tumataas ang mga kaso ng CoVid-19
dito sa Pilipinas. Parang di ko na matanaw ang kinabukasan ng mga
Pilipino. Sobrang nakakaawa na ang mga frontliners, ‘di sila gaanong
binibigyang halaga at ang kukupad din ng kilos ng gobyerno’t mga
politiko.” Sa unang basa pa lang ay malalaman mo na agad na ang layunin
ni Nadja sa kaniyang post ay ang ibahagi ang sariling pananaw hinggil sa
sitwasyon natin ngayon.
Week 6

B. Pagsasanay p20
1. e
2. c
3. d
4. b
5. a

F. Paglalahat p26
1. Oo, sa aking palagay, taos sa puso ng mga Pilipino ang pagtanggap sa
pambansang wika sapagkat ito ang wika na kung saan mas nauunawaan
ng mas nakakarami. Sa pamamagitan nito ay mas napapadali na ang
komunikasyon sa pagitan ng mga tao, kahit ano pa ang kanilang katutubo
dahil ginagamit nila ang Tagalog.
2. Sa aking pananaw, napakaraming hakbang ang dinaraanan natin
magkaroon lang ng wikang pambansa na siyang gagamitin nating lahat
upang mayroon tayo ng paraan na siyang magsisilbing tulay para
maihatid natin ang ating mga kaisipan. Bilang isang mag-aaral,
napakahalaga talaga ng wika. Ito ang tila ba isang daan patungo sa
tagumpay dahil kung hindi dahil sa wika, hindi ko kailanman maiintindihan
ang mga lektura ng mga guro. Hindi ko makukuha ang sapat na
impormasyon at kaalaman na aking kailangan sa pag-aaral kung hindi
dahil sa wika na pangunahing gamit ng mga libro. Nagsisilbi itong daluyan
ng mga ideya sa pamamagitan ng komunikasyon at pakikipagtalakayan.
Kaya’t malaki ang pagpapasalamat ko na mayroon tayong wika.

IV. Pagtataya p26


Malaki ang naging papel ng mga mananaliksik sa pagpapatupad ng wika
sa bansa. Dahil sa kanila, naisakatuparan ang layunin na magtatag ng
pambansang wika. Ang wika pala ay hindi isang bagay na naimbento lang
kamakailan, hindi ito isang bagay na madaling maintindihan at pag-aralan.
Marami ang prosesong pinagdaanan ito, saan ito nagmula, paano ito
nabuo, at marami pang iba. At dahil sa mga mananaliksik, naiparating sa
akin ang mga pinagdaanan nito. Mas nabigyang-diin ang kahalagahan ng
wika.

Week 7

B. Pagsasanay p27
1. e
2. c
3. d
4. b
5. a

F. Paglalahat p34
Dahil sa hindi mabilang na pagkakataon na sinakop ang Pilipinas ng ibang
bansa, unti-unting nawala ang humina ang ating pagkakilanlan at ang
pundasyon ng nasyonalismo. Mas naging madali na maimpluwensyahan
ang lenggwahe at mga paniniwala ng mga Pilipino sapagkat walang ugat
ang ating pinagmulan. Marami ang nabago.

IV. Pagtataya p34


Kastila
Sinunog ng mga kastila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo
sa dahilang likha daw ang mga ‘yon ng demonyo. Ipinakilala nila ang
korido at nagturo sila ng gramatika batay sa pook na kanilang
kinaroroonan.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


Ginamit ang wikang Tagalog sa kautusan at pahayag ng katipunan.
Ginawang opisyal na wika ang Tagalog. Naging matindi ang damdaming
Nasyonalismo. Pinili nila Tagalog sa pagsusulat.

Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan


Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit may malaking balakid
nahumahadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan. Naiba ang
takbo ng panitikan dahil sa batas ng sedisyon at dahil sa pangangalaga
ng mga Amerikano.

Ang Romantisismo sa Panitikan


Dinampot ng panitikang Pilipino ang romantisismong banyaga. May
kakayahang ihalo ng mga manunulat na Pilipino ang mga ‘hiram’
nakatulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa
kulturang Pilipino.

B. Pagsasanay p35
1. e
2. c
3. d
4. b
5. a

GAWAIN p36
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7000 pulo at may 87
wikang ginagamit ang mga mamamayan noon kaya mahirap silang
magkaunawaan at madalas na may alitan. Kaya ang Pangulong Manuel L.
Quezon ay nagnais na magkaroon ng Wikang Pambansa. Noong 1935, ang
Saligang Batas ng Pilipinas ay nagtadhana ng tungkol sa Wikang
Pambansa. At noong ika-30 ng Disyembre 1937, itinakda ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na Tagalog ang maging batayan ng Wikang
Pambansa. Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay
ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ang malinaw na wika ay
isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito
isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya
upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at ibinahagi ang kanyang iba’t
ibang opinyon at kaisipan. Ang wika ay kumakatawan din sapangunahing
pagpaparating sa iba ng panlipunangpagkakakilanlan. Sa maikling salita,
ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,
sining at pagkabansa ng isang bayan.

You might also like