You are on page 1of 1

Rhena C.

Detangco
FIL 1: 3:00-5:00pm
Instructor: Angelo Bautista

Repleksyon ng Tungkulin ng Wika


Ang wikang Filipino ay tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang
tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan,
Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng
mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon, tayo, mga
Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino. Syempre, bawat
bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na
magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may komunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino
sa kanilang mga emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang
mapapahayag ng isang tao. Ito ay ating buhay, ito ang daloy ng pakikipag interact natin sa
buong buhay natin. Ginagamit ito para sa komunikasyon, pakikipag-halubilo sa mga dayuhan
na nakakasalamuha.
Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa
isang bansa ay hindi lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay komunikasyon kundi ito’y
magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung
saan ay may maraming mga halimbawa nito.

Halimbawa ng gamit ng wika ay:


1. Instrumental- ang wika ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga
kinakailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.
2. Interaksiyonal– Sa isang komunidad, may iba’t-ibang tao tayo na makikila o
makakahalubilo. Kaya dapat matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa kanila.
3. Regulatoryo- Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng
ibang tao. Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.
4. Personal- Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang
kinabibilangan.
5. Heuristiko- Ito ang gamit ng wika na kadalasang makikita sa mga paaralan. Ito ang
instrumentong ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.
6. Imahinatibo- ginagamit ang wika para magbahagi ng kaalaman. Ang halimbawa nito ay
ang pag-uulat ng balita.

Aspeto ng Pandiwa:

1. Perpektibo/Naganap
Halimbawa: Nagpunas, Nagdikit, Nagsampay,Nagtingin, Nagmahal
2. Imperpektibo/Nagaganap
Halimbawa: Umaawit, Bumabasa, Kumikilos, Natatanggap, Sumasagot
3. Kontemplatibo/Gaganapin
Halimbawa: Magluluto, Maglalaba, Manonood, Magsasayaw
4. Katatapos lang
Halimbawa: Kadadala, Kasasagot, Kagagaling, Katutula, Kasusulat

You might also like