You are on page 1of 4

KOMPARATIBONG PAGSUSURI

Konseptong Pangwika, Gamit ng Wika sa Lipunan, at Gamit ng Wika sa Telebisyon at Pelikula

A. Abstrak

Sa papel na ito sisikapin kong maipaliwanag ng maayos ang konseptong pangwika,gamit


ng wika sa lipunan, gamit ng wika sa telebisyon at pelikula, at pagsulat ng sanaysay.Binibigyang
diin din dito ang pagkakaiba ng bawat isa at kung ano ang kahalagahan nito sa ating mga
Pilipino, sapagkat ang taong maalam sa wika ay siyang tunay na nagmamahal sa bansa.

B. Panimula

Masarap magpahayag ng nararamdaman gamit ang sariling wikang atin. Ano nga ba ang
wika? Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, paligid,
mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, politika, ekonomiya at kultura. Sa ating
pakikipag-ugnayan sa iba, ginagamit natin ang wika bilang daluyan ng impormasyon kailangan
magkatulad ang wikang ginagamit ng dalawang magkausap upang hindi ito maghatid ng sigalot
sa pang-unawa. Nababakas sa wika ang kulturang kinabibilangan at kung paano ito
pinahahalagahan ng gumagamit. Maraming manunulat ang nagbigay ng iba't ibang depinisyon
tungkol sa wika. Ilan sa mga ito sina: Henry Gleason at Bernales et al.(2002).

Dapat nating tandaan na ang wika ay isa sa mga natatanging bunga ng katalinuhan ng tao.
Nararapat lamang na ito'y gamitin sa matalino at masining na paraan upang maunawaan ng iba.
Ito'y ating patobayon upang gamitin sa pakikipagtalastasan. Makatutulong ito sa ating paggawa,
pakikipagkapwa at sa lahat ng gawain, makapagdaragdag ng kaligayahan sa bawat minuto ng
buhay. Naghahatid ito ng kaisipan sa iba at kanila ring mga kaisipan sa atin. Anupa't sa
pamamagitan nito'y madali tayong makakita ng kaibigan.

C. Ano ang Konseptong Pangwika ?

Ang konseptong pangwika ay ang mga masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na


pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura. Ang wika ay ang dahilan ng pag-uugnayan at pakikisalamuha sa iba. Ito din ang nagiging
daan upang magkaunawaan ang bawat isa. Sa konseptong pangwika nakapaloob ang kahulugan
ng wika, mga katangian ng wika, kahalagahan ng wika, at barayti ng wika. Ang wika ay nagmula
sa salitang Latin na "lengua" na ang ibig sabihin ay dila na kung saan ito ay gamit o instrumento
sa pakikipagtalastasan.Mayroong pitong katangian ang wika, ito ay ang masistemang balangkas,
sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos, arbitraryo, patuloy na ginagamit, nakabatay sa kultura
at nagbabago. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng
kultura ng bawat grupo. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.
Mahalaga nag wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang
iba't ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Dahil sa pagkakaroon ng iba't
ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wika nagkakaroon ng barayti , ito ay ang dayalek o
dayalekto, idyolek at sosyolek. Ang dayalek ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko, ang sosyolek naman ay ang barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal, at ang
idyolek ay ang dayalek na personal sa isang ispiker.

D. Ano ang gamit ng wika sa lipunan ?

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set na pag-uugali, ideya,
saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.

Ang wika, pasalita man o pasulat, ay ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng
lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa. Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa
lipunan?

Marami-rami rin ang nagtangkang ikategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa
gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K Halliday na naglalahad sa pitong tunkulin ng wika
na sumusunod: (1) Instumental, ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. (2) Regulatoryo, ito ay ang pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. (3)
Interaksyonal, ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa:
pakikipagbiruan; pakikipagkuwentuhan; paggawa ng liham at iba pa. (4) Personal, ito ay ang
pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. (5) Heuristiko, ito ay
ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan. (6) Impormatibo, ito ay ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. (7) Imahinatibo, ito ay ang pagiging
malikhain ng tao na isang tungkuling nagagampanan niya sa wika.

E. Ano ang gamit ng wika sa pelikula at telebisyon ?

Telebisyon, isang uri ng libangan ng mga tao na binubuo ng iba't ibang uti ng palabas
kagaya ng balita, pelikula, teleserye, patalastas, dokumentaryo, reality show at iba pa. Malaking
tulong ito sa mga tao para makakuha ng mga bagong kaalaman at para malaman kung ano na
nga ba ang lagay ng ating bansa ngayon. Ito ang nagsisilbing pampalipas oras ng mga tao kapag
sila ay nagpapahinga, mapa day off man o iba pa. Hindi maitatanggi na malaking pundasyon ng
telebisyon ang wika. Naiintindihan natin lahat ang bagay sa telebisyon dahil sa wika,
mapaimpormasyon sa balita ay ginagamit ang wika. Ngunit hindi natin makakaila na mayroong
hindi pagkakaintindihan sa gamit ng wika sa telebisyon. Isang halimbawa nito ay ang paggamit
ng wikang Ingles sa iba't ibang palabas sa telebisyon , kaya marami sa mga Pilipino ang hindi
naiintindihan ang ganitong wika.

F. Pagsulat ng Sanaysay

Malaki ang naitutulong ng pagsulat ng sanaysay sa ating wika sapagkat nalilinang nito
ang ating kritikal na pag-iisip kasabay nito ay naipapamalas din natin ang ating pagiging
malikhain. Nagagamit din natin ang pagsulat ng sanaysay sa pagbabalik-tanaw natin sa
partikular na yugto ng kasaysayan ng ating Wikang Pambans. Nagagamit din natin ito sa
pagsulat ng sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. Nakapagbibigay kahulugan din ito sa akademikong pagsulat.

G. Konklusyon

Batay sa mga nakasulat na impormasyon , makikita natin ang pagkakaiba sa mga hamit
ng wika, mayroong gamit sa lipunan, gamit sa telebisyon at gamit nating mga tao. Malaki ang
gampaning papel ng wika sa ating kasaysayan sapagkat kung walang wika ay wala ring tao. Ang
wika ang nagsisilbing gabay natin upang tayo ay magkaintindihan at maipahayag natin ang ating
mga saloobin.Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng katiwasayan ang lipunan at
napapanatili ang pagmamahalan sa bawat isa. Wika din ang gamit ng mga nasa industriya ng
palabas upang gumawa ng pelikula para may mapaglibangan ang mga tao. Sa pamamagitan din
ng wika ay nagiging bihasa ang mga manunulat sa paggawa ng mga babasahin o akda.

H. Rekomendasyon

Bilang mag-aaral sa Filipino, iniririkumenda ko ang asignaturang Filipino na mas bigyan


ninyo ng malaking atensyon sapagkat dito ninyo malalaman ang kasysayan wika at kung gaano
kalaki ang papel nito sa buhay nating mfa Pilipino. Hinihikayat ko kayong pagyamanin at
payabungin ang Wikang Filipino sapagkat karugtong na ito ng ating buhay at ito ang nagsisilbing
pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Huwag tayong mahihiyang gamitin ito kahit saan.

I. Sanggunian
Bernales, Rolando et al.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

Aggabao, Teresa R. et al . Sining ng Komunokasyon para sa mga Kolehiyo at Pamantasan,


Ferprint Manila Philippines, 1999

http://prezi.com/km1g4touj4vc/ang-kasaysayang-wikang-pambansa/

Inihanda ni:

Krisna Ollodo

BSED-Fil-3B-irreg.

You might also like