You are on page 1of 2

BAITANG: 10

ASIGNATURA: FILIPINO

PAGTATAYA BILANG : 1

Panuto: Basahin ang seleksyon at sagutan ang mga tanong na kasunod.

“Ang Wika at ang Lipunan”

Tulad ng ating paghinga at paglakad, kadalasan ay hindi na natin napapansinangkahalagahan


ng wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin itong ginagamit. Ngunitangtotoo ay hindi natin
matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa. Itoaymahalagang instrumentong
nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan.

Sinumang gumagamit ng wika upang makipagkapwa ay dapat nakaaalamngwikangginagamit


ng kanyang katalastasan. Hindi sila magkakaunawaan kung hindi nilanababatidangwikang ginagamit
ng isa’t isa. Kaya, ang mga taong namumuhay sa isang lipunanat nakapag-uusap gamit ang isang
wikang kapwa nila nasasalita at nauunawaan ay mas nagkakasundoatnagkakaisa.

Hindi maikakaila na ang wika ay nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Itoangkanilangidentidad o
pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin ngisangkultura.Maiintindihan at
mapahahalagahan ang isang kultura sa tulong ng wika, hindi lamangngmgataong kasapi sa grupo
ngunit maging ng mga taong hindi kabilang sa pangkat.

Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitanngpaggamitng wika na


ikinaiiba nila sa iba pang lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuongsarilingpagkakakilanlan sa pagsasalita
na nagpapakita ng kaniyang pagkakaiba sa ibapangtao. Maysarili silang katangian, kakayahan, at
kaalamang hindi maaaring katulad ng iba.

Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis samgakasapi ng
lipunan. Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan; at itoangsimbolongkanilang pagkakakilanlan.

Mga Katanungan

1.Bakit madalas ay hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay?

a. dahil hindi naman ito mahalaga


b. dahil maraming iba’t ibang wika
c. dahil mahirap itong unawain
d. dahil palagi na natin itong ginagamit

2. Ano ang kailangang malaman ng isang taong gumagamit ng wika upang makipagkapwa?

a. wikang ginagamit ng katalastasan


b. personalidad ng kanyang katalastasan
c. lugar na pinagmulan ng kanyang katalastasan
d. damdamin ng kanyang katalastasan

3. Paano nakatutulong ang wika sa lipunang ating kinabibilangan?

a. nagkakaroon pagkakaunawaan
b. nagkakaroon ng pagkakaisa
c. nagkakaroon ng maayos na pag-uusap
d. lahat ng nabanggit.
4. Sino ang nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na
nagpapakitangkanyangkaibahan sa kapwa?
a. mga guro
b. bawat isa sa atin.
c. mga doktor.
d. taong may pinag-aralan.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gampanin ng wika sa isang lipunan?

a. nagbibigkis sa mga kasapi ng lipunan.


b. instrumento ng kanilang pagkakaunawaan.
c. magkaroon ng gampanin sa pamahalaan.
d. simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.

Sanggunian Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, pah.60-61

You might also like