You are on page 1of 2

Main Task 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang sariling salita.

1. Bakit makapangyarihan ang wika ngunit walang angking superyor.

Makapangyarihan ang wika sapagkat ito’y sumasalamin sa ating pagkatao o pagkakilanlan at


higit sa lahat ito’y bumubuo sa atin upang tayo’y maging maunlad. Ginagamit ito bilang
instrumento upang tayo’y makipag-komunikasyon sa ating kapwa tao at magampanan natin
ang ating mga gawain sa pang-araw-araw na buhay. Ang ating bansa ay naglalaman ng
maraming kapuluan na nag-aangkin ng kanya-kanyang wika maliban sa ating Pambansang
wika. Maraming wika ang ginagamit ng mga tao upang makipag-komunikasyon at ito’y bahagi
na ng kanilang pagkatao at dito na nila nilaan ang kanilang buhay kaya walang akin na superyor
ang wika sapagkat hindi lamang iisa ang wikang ginagamit ng tao at kung ano man ang wikang
ating nakalakihan at nagagamit wala itong angking superyor, walang wika ang superyor pa sa
ibang wika sapagkat walang makakapantay sa pagkakilanlan ng isang tao, grupo o ng
komunidad.

2. Bakit sinasabing ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog?

Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog sapagkat ang wika ay
arbitraryo na ang kahulugan ay ang tunog ng isang salita ay inaayos sa pamamarang paggamit
ng iisang kultura at wala itong tiyak na dahilan kung bakit ganito ang pagbigkas sa wika o ng
salita. Nakadepende ang simbolo ng mga tunog sa mga taong gugagamit nito.

3. Patotohanan kung gaano kahalaga ang wika.

SA SARILI:

Mahalaga ang wika sa sarili sapagkat ito’y pagkakilanlan na bumubuo ng pagkatao. Ito’y sariling pag-aari
na iyong nakalakihan, nakilala, at nagagamit ng komportable sa pagtugon sa mundong iyong
ginagalawan. Hindi ito maaring piliin ng isang tao para sa kanyang sarili, ito’y minamana niya sa kanyang
mga ninuno na napakahalaga kaya dapat itong mahalin at alagaan.

SA KAPWA:

Mahalaga ang wika sa kapwa sapagkat ito’y tulay at instrumento na ginagamit ng dalawang tao sa
pakikipagkomunikasyon upang makakapagpahayag ng damdamin, ideya at opinyon.
SA LIPUNAN:

Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat ito’y nagbubuo ng iisang grupo upang mapakita ang kanilang
pagkakilanlan. Higit sa lahat upang magkaintindihan ang mga tao sa lipunang kinabibilangan para sa
mabilisang pag-unlad ng isang lipunan.

You might also like