You are on page 1of 7

SOSYEDAD AT LITERATURA 2020

V. PANITIKAN HINGGIL SA MGA ISYUNG PANGKASARIAN


Format ng Pagsusuring Pampanitikan
Ito ang format na gagamitin sa pagsusuri ng mga piling akdang pangkahirapan.

I. Pamagat
II. Kahulugan ng Pamagat
III. Halaw
IV. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
B. Istilo ng Paglalahad
C. Tayutay o Talasalitaan
V. Pansin at Puna
A. Tagpuan
B. Galaw ng Pangyayari
VI. Sariling Reaksyon
VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda
VIII. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa isip
B. Bisa sa damdamin
C. Bisang kaasalan
IX. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kahulugang Sosyal o pangkabuhayan
B. Kultutang Pilipino
C. Pilosopiyang Pilipino
X. Implikasyon
A. Kalagayang Panlipunan
B. Kalagayang Pangkabuhayan
C. Kalagayang Pansarili

1
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020
 Akdang Pampanitikan 1
Babae Ka
ni Ani Montano
Inawit ng Inang Laya (karina C. David at Rebecca A Demetillo)

Babae ka, hinahangad, sinasamba


Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya.
Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan
Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam.
Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa’yo’y lagging nakasara,


Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.

Kalahati ka ng buhay.
Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?
Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad,


Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.

Dahil sa akala ay mahina ka, halaga mo ay ‘di nakikita.


Bisig mo man sa lakas ay kulang, ngunit sa isip ka biniyayaan.
Upang ang tinig mo’y maging mapagpasya, upang ikaw ay lumaya,
Lumaban ka. Babae, may tungkulin ka
Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain.

Gabay sa Pagsusuri:
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
2. Sang-ayon k aba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam?
Ipaliwanag.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at
kalayaan.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
5. Ayon sa awit, bakit hindi na nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin bas a kasalukuyan ang
gayong akala?

2
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020
 Akdang Pampanitikan 2
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ni Rolando A. Bernales

Ang pagiging bakla ay habambuhay


na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
Papasanin moa ng krus sa iyong balikat
habang naglalakad sa kung saan-saang lansangan.
‘Di laging sementado o aspaltado ang daan,
madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato
o mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin
sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda
lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,
mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala.
Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw.
Anong lakas ang mayroon ka para tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad
at iyong paa’y ipinako na ng lipunan
sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang
nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan
na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
kahit pa ika’y magpumilit na magpakamarangal?!

Gabay sa Pagsusuri:
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.

3
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020
VI. PANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA
 Akdang Pampanitikan 3
Silang mga Dumagat
ni Andres Francisco

Sintingkad ng kanilang kulay


ang lantad
na katotohanan
ng buhay.
Ang bawat galit at marka
na humuhugis
sa kakanyahan
ay guhit at marking
sumusugsog
sa kasaysayan ng karukhaan.
Hubad
sa pagkukunwari
isang katapatan
larawan
ng kawalang malay.
Silang ang pagnanasa
ay walang pag-iimbot
sa kapwa.
Ang tanging pag-aari
ay kanyang pangalan
apelyido (kung mayroon)
ay hiram lamang.
Silang ang buhay ay sapat nang mabuhay
at ag edad ay karanasan.
Karanasan
ng kapaitang
kakabit ng walang katapusang
kataksilan
ng mga tuso.
Sila at sila nga
ang mga Dumagat
sa tabing-dagat
buhay ay ‘sing-alat
ng tubig dagat.
Kung ituring ay tabsing
Sa lipunang
may hari,
may alipin.

Gabay sa Pagsusuri:
1. Ano ang kahulugan ng sumusunod na salitang ginamit sa tula?
a) Sumusugsog
b) Karukhaan
c) Tabsing
2. Sino ang mga Dumagat? Saan sila matatagpuan? Paano sila inilarawan sa tula?
3. Ano-anong uri ng tayutay ang ginamit sa tula? Sa aling taludtod ginamit ang bawat tayutay?
4. Ano-anong simbolismo ang ginamit sa tula? Ano ang kahulugan ng bawat isa?
5. Uriin ang tulang binasa. Suriin din ang line breaks at enjambments sa tula.

4
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020

 Akdang Pampanitikan 4
Halaw sa
Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino
ni Joel Costa Malabanan

I
Ano baa ng sambit, ng Lumad na Bakwit
Matapos agawan ng tahana’t bukid?
Dumila ang doon sa ALCADEV
Pinaslang ang guro, iba pang kaanib!
Ang minanang lupa ng Aeta’t Dumagat
Agad binulduser, hinukay, pinatag
Anong pagbabago ang ipagyayabang
Kung ang kaunlara’y para sa iilan?
Doon sa Mindanao, ilan na bang Mangyan
Ang naging biktima ng nitong pamamaslang?
Yaong mga Badjao, pumapara ng dyip
At namamalimos habang umaawit!
Wikang katutubo’y naririnig mo ba?
Sa atin bang bansa’y may tinig ba sila?
Ang mga ninuno, pambansang minorya
Naambunan ba ng mga biyaya?
Habang naghahari ay oligarkiya
Kasabwat ang dayong mapagsamantala;
Mga katutubo, mga maralita
Ay nagkakaisa sa pakikibaka!

II
Ang paos na sigaw ay may kabuluhan
Manhid man ang pader at ayaw pakinggan
Tungkulin ng gising na ipanawagan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Makitid tumingin ang nagmamarunong
Mga panukala’y paatras, paurong
Ngunit may dagundong an gating katwiran:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Hinablot na lahat, ating likas-yaman

5
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020
Gusto pang tunawin ating kamalayan
‘Wag sanang isanla ang kinabukasan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Kung walang kikilos at makikisangkot
Lalamunin tayo ng gahamang salot
Ang pagkaalipin ay dapat wakasan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Kolonyal na isip, hugasan, banlawan
At baka-sakali na mahimasmasan
Nasa ating kamay itong kalayaan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!
Kung hindi makuha sa santong dasalan
Nag-iisa na lang ang tanging paraan
Iisa ang turo nitong kasaysayan:
Ang wika at bayan, ating ipaglaban!

Gabay sa Pagsusuri:
1. Ano ang kahulugan ng sumusunod na salitang ginamit sa tula?
2. Ano-anong pangkat minorya ang binanggit sa tula?
3. Ano ang mensaheng nangingibabaw sa bawat saknong? Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng mga
espesipikong halimbawa.
4. Ano-anong uri ng tayutay ang ginamit sa tula? Sa aling taludtod ginamit ang bawat tayutay?
5. Ano ang naging kalagayan ng mga katutubo sa bawat panig ng bansa ayon sa tula? Ano ang sanhi ng
kalagayang iyon ng mga katutubo?

6
SOSYEDAD AT LITERATURA 2020
Mga dapat at kailangang gawin para sa leksyon na ito:

1. Sagutan sa hiwa-hiwalay na papel ang bawat “Gabay sa Pagsusuri” matapos basahin ang mga akdang
pampanitikan..
2. Pumili ng isang (1) akdang pampanitikan sa bawat kabanata na nakapaloob sa modyul.
3. Suriin ang napiling mga akdang pampanitikan gamit ang Format ng Pagsusuri na naidiskas sa klase.
4. Sagutan ang “Pagsusulit” p 135-136 at p161-162.

Note:

 Maaring isulat sa papel ang mga tanong at sagot kapag walang magamit na laptop o kompyuter.
 Siguraduhin lamang na mababasa ang iyong sulat. At iwasan ang burat (erasures)
 Mga Gabay sa Pagsusuri lamang ang maaring isulat sa papel.
 Ang sagot sa “Pagsusulit” ay sa mismong libro isusulat. (Sa pasukan na kokolektahin)
 Ang pagpapasa ng iyong sagot/papel ay sa araw ng pagbabalik natin sa Unibersidad.
 Siguraduhin lamang na nagawa o ginawa na ang aktibidad bago pa magsimula ulit ang klase.

For Foreign Students:

 You are not exempted for the activity.


 You may use google or any app to translate the stories, essays, and poems.

Any queries will be entertained for as long as you will personally


message me.
Refrain from going outside. Stay home.
Keep safe and free from COVID-19!
God Bless.

You might also like