You are on page 1of 5

Matematika sa

Ilalim ng
Tulay
ni Rolando A. Bernales
I. Pamagat
“Matematika sa Ilalim ng Tulay”
II. Kahulugan ng Pamagat
Ang kahulugan ng akda na “Matematika sa Ilalim ng Tulay” na isinulat ni
Rolando A. Bernales ay ang mabilis na pagdami ng bilang ng miyembro ng isang
pamilya, pagdami ng mga bilang ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay, at ang mabilis na
pagdami ng mga bilang ng mga tao sa lipunan.
III. Halaw
Ang akda ay nagsisimula sa isang nanay at tatay na bumubuo ng kanilang
pamilya. Sila ay naninirahan sa ilalim ng tulay na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood at
karton na ang nagsisilbing bubong nito ay ang tulay.
Makaraan ang siyam na buwan ang nanay ay nagsilang ng panganay. Naging
times two ang pagkayod ng tatay at nanay. Kalaunan, ang paggawa ng bata ay naging
libangan ng mag-asawa. Nadagdagan pa ng dalawang supling. Ang nanay ay taon-taon
nagbubuntis kaya resulta’y times two ang bilang ng mga supling. Ang isang latang
sardinas at isang maliit ng kaldero ng kanin ay hindi sapat.
Na-minus ang kuya at ang ate sa bilang ng miyembro ng pamilya dahil sa
pagkalunod at pagkakasakit. Ngunit kahit sila’y nabawasan hindi pa rin sapat ang
kanilang pagkain.
Dumami pa lalo ang mga naninirahan sa ilalim ng tulay, kaya ang kita ng tatay at
ng nanay ay nabawasan. Resulta nito hindi na nakapag-aral ang mga anak nila. Natutong
magbilang sa sariling sikap.
Nadagdagan muli ang miyembro ng pamilya nang magbuntis ulit ang nanay. Pati
na rin ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay nadagdagan, kung saan ang mga nanay kung
magbuntis ay kasindali ng one plus one.
IV. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Tulang Pasalaysay
layunin nitong magsasalaysay ng buhay sa paraang patula.
B. Istilo ng Paglalahad
Inilahad ang akda sa anyong tulang pasalaysay na ang layunin ay magsalaysay ng
buhay sa paraang patula.
C. Tayutay o Talasalitaan
Denotasyon – mga kahulugan mula sa diksyunaryo.
1. Sisidlan – taguan o lalagyan
2. Barongbarong – maliliit ng tirahan
3. Isinilang – ipinanganak
4. Sumukod – sumilong o makihati
5. Hindi magkandaugaga – hindi magkaintindihan o maraming gawain
6. Estero – kanal o daluyan
V. Pansin at Puna
A. Tagpuan
Ilalim ng tulay
B. Galaw ng Pangyayari
Mayroong katamtamang bilis ang galaw ng pangyayari sa akda. Ang
pagsasalaysay ng may akda sa mga pangyayari sa kwento ay mula sa pagsisimula ng
kanyang tatay at nanay sa pagbuo ng pamilya hanggang sa pagdoble ng bilang ng
kanilang pamilya at ang karasanan nito sa hirap ng pagkakaroon ng malaking pamilya.
VI. Sariling Reaksyon
Ang pagkakaroon ng malaking pamilya ay isa sa mga dulot ng kahirapan. Dahil sa
dami ng bilang ng miyembro ng pamilya, nagkakaroon ng kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tirahan. Nakakalungkot isipin na
alam na ng mga tao na salat sila sa mga bagay-bagay ay nagagawa pa nilang gawing
libangan ang paggawa ng bata. Ang mga batang ito ang nagdudusa sa huli dulot ng
kapabayaan ng kanilang mga magulang.
VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang-
tuon ang kakayahan ng tao at mga katangiang mayroon ito gaya ng pagiging matapang at
madiskarte.
Teoryang Marxismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang umiiral na tunggalian ng tauhan sa
kanyang sarili, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Ito ay naglalayong maipakita ang realidad ng buhay ngunit sa
paraang masining at epektibong pagpapahayag.

Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda.

VIII. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Iminumulat ng manunulat ng akda ang mga mambabasa sa totoong kalagayan
mayroon ang lipunan tulad ng pagkakaroon ng malaking pamilya ay bunga ng kahirapan.
B. Bisa sa Damdamin
Ang pagkakaroon ng mahirap na pamumuhay ay hindi dapat gawing hadlang ng
isang tao upang ito’y sumuko sa laban ng buhay. Gawin itong inspirasyon upang lalo
pang magsumikap nang sa gayon makaahon ito sa hirap.
C. Bisang Kaasalan
Matutong magkaroon ng disiplina sa sarili sa lahat ng bagay. Hindi dahilan ang
pagiging mahirap upang lalo pang lunurin ang sarili sa kahirapan. Matutong gumawa ng
paraan. “Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan.“
IX. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kahalagahang Sosyal o Pangkabuhayan
Isa ang kahirapan sa mga suliranin na hindi na mawawala sa estado ng bawat
lipunan. Maraming epekto ang dulot ng kahirapan isa na rito ang kawalan ng maayos
na edukasyon. Dahil sa kawalan ng edukasyon, nagkakaroon ng mababang pagtingin
ang ibang tao sa mga taong kulang sa edukasyon, epekto nito ay pagkakaroon ng
pagitang sosyal ng mga tao.
B. Kulturang Pilipino
Ang pagkakaroon ng malaking pamilya ay isa sa mga nakasanayan at
kinalakihan na ng mga Pilipino noon at ngayon.
C. Pilosopiyang Pilipino
Ang mga Pilipino ay kilala bilang madiskarte. “Kung gusto may paraan, kung
ayaw maraming dahilan.“
X. Implikasyon
A. Kalagayang Panlipunan
Nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol sa pagdami ng bilang ng mga
tao, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga pinagkukunan tulad ng
pagkain.
B. Kalagayang Pangkabuhayan
Binibigyang ideya nito ang mga tao kung paano namumuhay ang mga pamilyang
mayroong malaking bilang ng miyembro.
C. Kalagayang Pansarili
Binibigyang-aral ng akda ang mga mambabasa sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng disiplina sa sarili, na kung alam ng tao na ganito kahirap ang buhay huwag nang
palalain para sa kapakanan ng nakararami.

You might also like