You are on page 1of 26

DA LU M AT - S A L I T A : I B A ’ T

IBAN G D A L U Y A N
Ang mga karunungang bayan ay
isang parte ng sining at
KARUNUNGANG panitikan kung saan ang mga
BAYAN kultura at karanasan ng mga
ninuno natin ay naipapasa sa
susunod na mga henerasyon.

MGA KARUNUNGANG BAYAN
SAWIKAIN

•SALAWIKAIN
•BUGTONG O PALAISIPAN
•BULONG
•KASABIHAN
•IDYOMA
•TAYUTAY
SAWIKAIN
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na
ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo.
• BUKAL SA LOOB - MABAIT
MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN
• USAD-PAGONG - MABAGAL
• ALOG NA ANG BABA - MATANDA NA
• MAHIGPIT NA PAMAMALAKAD - MALUPIT
• SARIWA SA ALAALA - HINDI MAKALIMUTAN  
• BAKAS NG KAHAPON - NAKARAAN, ALAALA NG KAHAPON
• HINAHABOL NG KARAYOM – MAY SIRA ANG DAMIT  
• PAREHONG KALIWA ANG PAA – HINDI MARUNONG SUMAYAW  
• PARANG SUMAN – MASIKIP ANG DAMIT  
• ISIP BATA - WALANG MUWANG  
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay ang simple, konkreto, at
tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng
katotohanan na base sa sentido komun o karanasan.
Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN
1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang mga
kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa pagkakaparehas ng
anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.


Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan ang relasyon.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao pa rin
kung kikilos siya o hindi.
BUGTONG
Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung
tawagin sa ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na
ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang
makahuhula ng palaisipan.
MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN
1. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
2. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
3. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
4. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
5. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
BULONG
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga
sinaunang tao sa Pilipinas. Ito ay isang panalangin na binuhay dahil sa
pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa
hinaharap na mga pangyayari sa buhay ng tao na maaaring
magtadhana ng kapalaran. Ito ay binubuo ng ilang taludtod at
ginagamit upang hingan ng paumanhin ang mga lamang lupa, tulad ng
duwende at mga espiritung nakapaligid at hindi nakikita.
ANG GAMIT NG BULONG NANG MGA MATATANDA:

-Pagbibigay galang ng mga nakapaligid na espirito.

-Ginagamit sa panggagamot.

-Ginagamit ng ibang tao sa masama pananggalang sa lahat ng


lihim na kaaway.

-Ginagamit pansumpa ng mga masamang hangin at mga


espirito.
2.MAKIKIRAAN PO.
MGA
3.MANO PO. HALIMBAWA

4.PAABOT PO.
5.PAALAM.

6. INGAT PO SA BIYAHE.

7.PAGPALAIN KA NAWA.
8.PAKABAIT KA.
KASABIHAN
Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng
katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga
gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
• KUNG AYAW MONG MAGHIRAP, IKAW AY MAGSIKAP.
MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN
Sa buhay, mahalaga ang magsumikap lalong-lalo na kung ikaw ay ipinanganak na hindi mayaman.

• ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA MAY KASALANAN.


Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo ang totoo sapagkat ito lang ang magpapalaya sa iyo.

• ANG BATANG MALINIS SA KATAWAN, AY MALAYO SA KARAMDAMAN.


Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis sa ating mga katawan ay isa sa mga paraan upang tayo’s
mapalayo sa mga sakit.

• ANG KAYAMANAN NA GALING SA KASAMAAN, KAPAHAMAKAN ANG MAIDUDULOT.


Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong paraan man.

• ANG TUNAY NA KARANGALAN AY NAG-UUMPISA SA PAGGALANG SA MGA MAGULANG.


Isa sa pinakamahalagang asal ang pagiging magalang sa mga magulang.
IDYOMA
Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag
ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na
paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing
na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
• PANTAY NA ANG MGA PAA – PATAY NA
MGA HALIMBAWA AT KAHULUGAN
• MAITIM ANG BUDHI – TUSO
• KAPILAS NG BUHAY – ASAWA
• BAHAG ANG BUNTOT – DUWAG
• BALAT-SIBUYAS – MABILIS MASAKTAN
• KUSANG-PALO – SARILING SIPAG
• USAD PAGONG – MABAGAL KUMILOS
• ITAGA SA BATO – ILAGAY SA ISIP
• MAY BULSA SA BALAT – KURIPOT
TAYUTAY
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
ANO ANG PAGKAKATULAD AT KAIBAHAN NG
SALAWIKAIN,SAWIKAIN AT KASABIHAN?
•Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain, at ng kasabihan bukod sa
matalinghaga, sila ay pare-parehas na nabuo sa matagal nang panahon.

•Ang pagkakaiba naman nila ay ang sawikain isang maikling


pagpapahayag na karaniwang naglalaman ng mga payo o karunungan.
Ang salawikain naman ay may direktang kahulugan ngunit malalim at
matalinghaga ay tila patula ang pagkakabuo nito. At ang kasabihan
naman ay binuo mula sa mga sabi-sabi o ideya ng mga sinaunang tao sa
pang-araw-araw nilang buhay.

You might also like