You are on page 1of 6

Grade 9- Filipino

________1. Pagod na Lian-chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho,


ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon at
doon sinimulan niya ang pag-aasikaso sa kanilang hapunan at baka dumating na ang kanyang
asawa galing sa sugalan.
a. Kasukdulan b. Panimulang Pangyayari
c. Papataas na Pangyayari d. Resolusyon

________2. Maya-maya nakaramdam nang pananakit ng tiyan si Lian-chiao na tila ba siya ay


manganganak na.
a. Panimulang Pangyayari b. Pababang Pangyayari
c. Papataas na Pangyayari d. Wakas

________3. Kahit hirap na hirap na si Lian-chiao dahil sa sunud-sunod na paghilab ng kaniyang


tiyan, ay tinungo pa rin niya ang Hsiang Chi Coffee Shop kung saan nagsusugal si Li Hua upang
humingi siya rito ng tulong para makapunta sa ospital.
a.Kasukdulan b. Pababang Pangyayari
c. Saglit na Kasiglahan d. Wakas

_______4. Hanggang mawasak mo ang aking puso.


a. pagpapalit-saklaw b. pagpapalit-tawag
c. pag-uulit d. pag-uyam

_______5. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.


a. paghihimig b. pagmamalabis
c. pagtutulad d. pagwawangis

_______6. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.


a. pagpapalit-tawag b. pagtatao
c. pag-uulit d. pag-uyam

I.A Basahin at unawain ang bawat pahayag o pangungusap. Suriin ang paraang ginamit.
Isulat sa patlang ang A kung paraan ay padamdam na pangungusap, B kung pahayag
na tiyakang nagpadama ng damdamin o saloobin, C kung nagpapahiwatig, D kung
konstruksiyong gramatikal.

_______7. Sa tuwing kasama kita, lagi ako nakadadama ng galak.


_______8. Nakayayamot na ang ginagawa niya sa kapatid ko.
_______9. Weh? Talaga ba?
_______10. Hays, mabuti naman dumating ka na.
_______10. Ano ba? Nakita mo na?
Grade 10- Filipino
1. Ito ay koleksyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa.
a. alamat c. pabula
b. mito d. soneto

2. Isang makisig na eskultor na kinahuhumalingan ng maraming kadalagahan.


a. Hercules c. Pygmaleon
b. Paphos d. Pygmalion

3. Ang panitikan ay sinasabing kaugnay ng _____________ sapagkat pumapaloob dito ang


paniniwala, tradisyon, at paraan ng pamumuhay ng mga tao.
a. Kasaysayan c. Pamahiin
b. Kultura d. Tradisyon
4. Tumutukoy ito sa sinaunang kuwento na may kaugnayan sa paniniwala at nagtataglay na mga
tauhang diyos at diyosa na tiyak na kapupulutan ng aral.
a. Alamat c. Mito
b. Kuwentong bayan d. Parabula

5. Ito ay isang paraan ng pakikipagtalong may estruktura at alituntunin na dapat sundin.


a. Balagtasan c. Debate
b. Batutian d. Fliptop

6.. Sino ang nagsisilbing tagapamagitan upang matiyak ang kaayusan at kabisaan ng daloy ng
pagtatalo?
a. Hurado c. Moderator
b. Lakandiwa d. Taga-usig

7. Paano naapektuhan ang mga mamamayan ng Tribong Tonga dahil sa naging desisyon ng
pamahalaan?
a. Nagkahiwa-hiwalay ang magkakapamilya nang mangibang bansa ang iba.
b. Napaalis sila sa tirahang naging tahanan na nila sa napakahabang panahon.
c. Naging mas masagana ang kanilang buhay dahil sa puhunang ibinigay sa kanila.
d. Wala sa nabanggit

8. Pangyayaring hindi karaniwan nagaganap sa lugar na ito na bumagyo at nagdala ng


napakalakas na hangin at ulang naging sanhi ng napakalaking baha sa buong lambak ng Zambezi.
Kailan ito naganap?
a. Pebrero 13, 1940 c. Pebrero 15, 1960
b. Pebrero 15, 1950 d. Pebrero 15, 1970

9. Ito ay tumutukoy sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang


inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaanan.
a. Cambridge c. Oposisyon
b. Proposisyon d. Oxford

_____10.. Ito ay tumutukoy sa bawat kalahok na sila ay dalawang beses na titindig upang
magsalita; para ipahayag ang kanyang patotoo at upang ilahad ang kanyang pagpapabulaanan.
a. Cambridge c. Oposisyon
b. Proposisyon d. Oxford

Grade 11- Komunikasyon

1. Ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na dulot ng punto (accent).


a. Dayalekto
b. Idyolek
c. Istilo
d. Register

2. Antas ng wika na tinatawag din itong salitang pankalye o pangkanto, hindi dalisay
atpana-panahon kung sumulpot.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Pambansa
d. Panlalawigan

3. Teoryang Wika na nagsasabing ang wika ay nagsisimula sa panggagaya ng tunog ng


kalikasan.
a. Bow-wow
b. Ding-dong
c. Pooh-pooh
d. Yo-he-ho
4. Ang bawat paghawak o pagdampi ng tao sa kapwa ay may taglay na iba’t ibang
kahulugan.
a. Haptics
b. Iconics
c. Kinesics
d. Proxemics
5. Ayon kay Dell Hymes , sangkap ng komunikasyon sa pagpili ng salitang gagamitin na
babagay sa formalidad ng okasyon.
a. Genre
b. Keys
c. Participants
d. Setting
6. Kautusang ipinalabas ni Pangulong Magsaysay na nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril taun-taon.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
d. Proklamasyon Blg. 12

7. Pinatupad ni Pangulong Macapagal na nagtatakda ng pag-awit ng pambansang awit


ng Pilipinas sa Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob at labas ng bansa.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
d. Proklamasyon Blg. 12

8. Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nag-aatas na paglalagay ng


salin sa Pilipino ng mga katawagang Ingles na nasa opisyal na “letterhead” ng mga
kagawaran, tanggapan, at ahensiya ng pamahalaan. Ito ay memorandum sirkular bilang
______.
a. 172
b. 277
c. 368
d. 384

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng wika?


a. pakikipag-usap sa tinder
b. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
c. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
d. panonood ng pelikula
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng
komunikasyon? Ito ay ______________________.

a. pagbuo ng kaisipan sa ating sarili


b. pagtanggap ng mensahe sa ating sarili
c. proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o di berbal
d. sining ng pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik

Grade 11- Pagbasa at Pagsusuri

1. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan sa Tekstong


Deskriptibo?
A. Pangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon
B. Maaaring obhetibo o subhetibo at maaari ring gamitan ng iba’t ibang tono at paraan.
C. Nagbabaahagi ng kaalaman
D. Wala sa nabanggit
2. Sino ang nagbigay ng sumusunod na pagpapakahulugan sa pagbasa: Isang proseso ng pagbuo
ng kahulugan?
A. Wixson et al. C. Gustave Flaubert
B. Anderson et al. D. Matilda
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging uri ng tekstong impormatibo?
A. Paglahad ng totoong pangyayari
B. Pag-uulat
C. Paglalarawan
D. Pagpapaliwanag
4. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Anong teksto
ang may layuning ito?
A. Persweysib C. Impormatibo
B. Deskiptibo D. Naratibo
5. Anong teksto ang kailangang may kredibilidad upang maging kapani-paniwala sa nais
hikayatin?
A. Deskriptibo C. Persweysib
B. Impormatibo D. Naratibo
6. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
A. Deskriptibo C. Persweysib
B. Impormatibo D. Naratibo
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa proseso ng pagbasa ayon kina Wixson et al.?
A. Interaksyon ng imbak na kahulugan
B. Pagsuri ng panandang diskurso
C. Impormasyong ibinigay ng tekstong binasa
D. Konteksto ng kalagayan sa pagbabasa
8. Gusto kong makuha lamang ang buod ng teksto, ano ang tawag sa kakayahang nais kong
makamit?
A. Intensibo C. Skimming
B. Ekstensibo D. Scanning
9. “Naramdaman ko ang halong lungkot at saya sa aking nabasa.” – Ano naman ang sinuri ng
mambabasa sa tekstong kanyang binasa?
A. Pananaw C. Damdamin
B. Layunin D. Pamaraan
10. Ang tekstong persweysib ay pangatwirang hahantong sa ______________.
A. Mahusay na deskripsyon
B. May kredibilidad
C. Lohikal na konklusyon
D. Magandang karanasan

You might also like