You are on page 1of 3

V. BAGASINA SR.

MEMORIAL HIGH SCHOOL

Himaao, Pili, Camarines Sur
S/Y 2023-2024

Pangalan: ____________________________________________________Pangkat at Baitang:____________

I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sainyong sagutang papel.
1. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar.
A. Ahmad B. Liongo C. Sarah D. Toby
2. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban,
kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
A. alamat B. epiko C. mito/mitolohiya D. parabula
3. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at
hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na
ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang ______.
A. masipag B. matiisin C. maunawain D. pabaya sa anak
4. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin.
A. pagkiklino B. pagpapakahulugan C. pagsasaling-wika D. pagsusuring-wika
5. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa
pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag
na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay ______.
A. paulit-ulit na nakulong C. magaling tumakas tuwing siya’y madarakip
B. madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa D. malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid
6. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang
lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan
sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito?
A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan. C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa. D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.
7. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang pahayag na ito
ay nagpapatunay na ________.
A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo
B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
8. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping
mabagal magtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay.
9. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
10. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga
taong hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya B. pagkalito C. pagkasiya D. pagkatuwa

11. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika ng sultan, “Ang
nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ngsultan?
A. dalamhati B. galit C. lungkot D. tuwa

12. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto?

A. malalim na pang-unawa C. malakas na pangangatawan
B. matinding pangangailangan D. masidhing pananampalataya

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8 Page 1

V. BAGASINA SR. MEMORIAL HIGH SCHOOL
Himaao, Pili, Camarines Sur
S/Y 2023-2024

14. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?

A. pinakamagaling na hari C. pinakamahusay sa pagkukuwento
B. pinakamabuting komedyante D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento

15. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?

A. pananampalataya C. kuwento ng kaibigan
B. karanasan sa buhay D. paninindigan sa buhay
16. Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talkayin
kasama ang mga mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.
a. Anekdota b. Sanaysay c. Tuwirang Pahayag d. Di-tuwirang pahayag
17. Ito ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensya
a. Anekdota b. Sanaysay c. Tuwirang Pahayag d. Di-tuwirang pahayag
18. Ito ay mga pahayag na bagaman batay sa ariling opinion ay nakahihikayat naman sa tagapakinig o
tagapagbasa.
a. Anekdota b. Sanaysay c. Tuwirang Pahayag d. Di-tuwirang pahayag
19. ito ay lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan sa paksang isinusulat.
a. Anekdota b. Sanaysay c. Balangkas d. Di-tuwirang pahayag
20. Sa aking palagay, ang nangyari ay bunga ng kapabayaan ng may-ari. Anong uri ng pahayag ito?
a. Tuwirang pahayag b. Di-tuwirang pahayag c. anekdota
21. Ayon sa datos ng PSA, tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa unang kwarter ng taon. Anong uri ng
pahayag ito?
a. Tuwirang pahayag b. Di-tuwirang pahayag c. anekdota
22. Ito ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong. Itinuturing na pinakamatandang uri ng pantikan.
a. Anekdota b. Sanaysay c. Tula d. Maikling kuwento
23. Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
24. Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan
nito.
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
25. Ito ay tumutukoy sa tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng ekspresiyon ang ginamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin.
26. Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna. Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat
27. Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula. Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat
28. Pwede ka ba bukas pumunta sa aming bahay? Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat
29. Pangako, hindi ako nagsisinungaling. Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8 Page 2

V. BAGASINA SR. MEMORIAL HIGH SCHOOL
Himaao, Pili, Camarines Sur
S/Y 2023-2024

30. Tama, Mahusay ang iyong ginawa na iyon. Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat
31. Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala. Anong uri ng eksrepsiyon pagpapahayag ang ginamit?
a. ginagamit sa pagpapayo at/o pagmumungkahi
b. ginagamit sa pag-anyaya o pag-iimbita/panghihikayat.
c. ginagamit sa panunumpa at/o pangako
d. ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat

Test II: Opinyon mo, Ibahagi mo!

Panuto: Ilahad ang iyong opinyon ukol sa mga sumusunod na paksa. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng opinyon.
32-35: Pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa merkado.
__________________________________________________________________________________________________

36-39: Pag-abuso sa pinagbabawal na gamot.

Test III.iTula mo! (Bilang 40-44)
Panuto: Bumuo ng isang tula ayon sa sumusunod na pamantayan.
Tugma: Ganap , Sukat: Wawaluhin, Saknong: Quatrain.

Test IV: Pagpapaliwanag

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot ng hindi bababa sa 3 pangungusap
at hindi hihigit sa limang pangungusap.
45-47: Bakit kailangan pag-aralan ang mga saling panitikan ng Africa at Persia?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
48-50: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo para mapagyaman at mapangalagaan ang kulturang Pilipino.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8 Page 3

You might also like