You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGSAYSAY ST., BAYAMBANG, PANGASINAN

Control No. ____________________________

PAGSASANAY SA MODYUL 1 & 2

FIILIPINO 10
Learning Area

Pangalan: _ Taon at Pangkat: Iskor:

Panuto: Basahing maigi ang mga katanungan at piliin ang titik na may tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi napaloloob sa mga hakbang sa pagsasaling-wika?
A. Isalin ang diwa hindi ang mga salita.
B. Maghanda ng papel na pagsasalinan.
C. Basahing mabuti ang pagkakasalin.
D. Wala sa mga nabanggit
2. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang
pahayag na ito ay nagpapatunay na ?
A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikretoniya
B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya
C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo
D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
3. Alin sa mga sumusunod ang sasambitin upang magkaroon ng lakas ang isang tao ayon sa
mitolohiyang “Maaaring Lumipad ang Tao”?
A. Kumyali, Kumbuba TambeB. Abrakadabra C. Deremof D. Magicus
4. Alin ang pinakamalapit na katumbas sa Filipino ng salitang, “bring home the bacon”?
A. Bumili ng bacon B. Iuwi ang tagumpay C. Ibulsa ang tagumpay D. Iuwi ang bacon
5. Anong mga panlapi ang ginamit sa salitang pinagsilbihan?
A. pinag,- han B. ka, -han C. pinag, -an D. pinag, ka
6. Ano ang salitang-ugat ng salitang inunawa?
A. una B. inuna C. awa D. iwa
7. Ano ang kahulugan ng salitang “pagsumikapan” na nagmula sa salitang-ugat na sikap at may mga
panlaping, pag, - umat -an,?
A. Pilitin ang sarili upang makamit ang isang bagay.
B. Ibigay ang lahat nang makakaya upang magtagumpay.
C. Ibinibigay ang lahat nang makakaya upang magtagumpay.
D. Ibibigay ang lahat nang makakaya upang magtagumpay.
8. Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at -in ang salitang-ugat na “sambit”, ano ang
magiging bagong kahulugan nito?
A. sasabihin B. sinabi C. sinasabi D. sinasabihan
9. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang
pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
A. Ahmad B. Liongo C. Sarah D. Toby
10. Ano ang damdaming namamayanisa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya B. pagkalito C. pagkasiya D. pagkatuwa
11. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya
winika ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop,
hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Anong damdamin ang
nakapaloob sa pahayag ng sultan?
A. dalamhati B. galit C. lungkot D. tuwa
12. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. pananampalataya B. karanasan sa buhay C. kuwento ng kaibigan D. paninindigan sa buhay
13. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng
tao at ng mga mahiwagang nilikha.
A. alamat B. epiko C. mito/mitolohiya D. parabula
14. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang
pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang
mga aliping mabagalmagtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay
15. Sino ang may akda ng Mullah Nasreddin?
A. Roderic P. Urgelles B. Abegail B. Urgelles C. Abegail B. Joson D. Roderic B. Joson
16. Alin sa mga sumusunod ang binibigyang-kahulugan ng linyang, “kuwento o salaysay hinggil sa
pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento
ng tao at ng mga mahiwagang nilikha”.
A. Anekdota B. Bugtong C. Mitolohiya D. Pagsasaling-wika
17. Ano ang binigyang-tuon sa anekdotang Mongheng Mohametano?
A. ang kalupitan ng may kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan
B. ang paghihirap ng mga karaniwang tao upang makapanampalataya
C. ang kaligayahan ng Mongheng Mohametano na makapamanata sa disyerto
D. ang pananampalataya ng Monghe at kinaugaliang pagbibigay- pugay sa sultan sa tuwing
siya ay
dadaan
18. Alin sa mga sumusunod ang binibigyang-kahulugan ng linyang, “kuwento ng nakawiwili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao”.
A. Anekdota B. Bugtong C. Mitolihiya D. Pagsasaling-wika
19. Alin ang pinakamalapit na salin sa Flipino ng salitang take-out?
A. Dalhin sa labas B. Dalhin sa loob C. Ibato sa labas D. Ilalabas
20. Bakit kailangang maging bihasa ang tagasalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan?
A. Upang magakaroon ng makatarungang pagsasalin.
B. Upang mas madali ang pagsasalin.
C. Upang maging ganap ang pagsasalin.
D. Upang maging kapani-paniwala ang pagsasalin.

(Lagda ng Magulang)

Document Code:P1BAY1-FR-019
Address: Magsaysay St. Bayambang, Pangasinan Revision No.: 00
Telephone No.: (075)-636-1469 Page No.: Page 2 of 2
Email:bayambangnationalhighschool@yahoo.com Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like